Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Present 66

  
   
 
· ꕥ · ──────

Dairy.

Square Circle. 10AM.

At maghihintay lang raw siya
sa bagong bukas na
Shawarma restaurant.
Napakagat ako ng ibabang
labi dahil sure ba ako na
makikipagkita sa kanya?
Napapikit ako at hindi ko
napigilang mapangiti.
It sounds weird pero excited ako?

"So ayun nga, nasusunog
na ang pancake na
niluluto niya." Pagdilat ko
ay nakita ko si Bronze na
may hawak na videocam
at nakatutuok ito sa akin.
Literal akong napairap. Bago
tinignan ang niluluto kong
pancake. "Hindi siya sunog,"
inis na sabi ko sakanya bago
iflip ang pancake kaya nakita
kong napanganga siya.

"Grabe. Asawahin na kita ah?"
pabiro niyang tanong at
nilagay ang videocam niya
sa bintana na nasa harapan
namin. Binaliktad niya rin
ang screen kaya kita kami sa
video. "Hi Babies! Ito na nga
pala ang Baby Oil ko."
Inakbayan niya ako kaya
napairap ako. "Ikaw magluto
ng iba," sabi ko at sinabit
sa kanya ang apron na suot ko.

"Hala? Bakit ako? Baka
pumutok 'to sa akin."

Natahimik kami sa sinabi
niya. Parang double meaningㅡ

"Ayoko. Baka masunog."

Napabuntong hininga ako
at nilagay ang butter sa pan.
"Ilagay mo ang lahat kasi
kaunti lang ang ginawa ko,"
sabi ko pa pero bago pa
ako makaalis pero ang kulit
niya at hinila ako pabalik.
"Paano kung masunog?!"

Bored ko siyang tiningnan.
"Turuan mo akong iluto 'to."

"Hindi ka marunong magluto?!"
Dahan dahan siyang tumango
kaya hindi ako makapaniwalang
natawa. "Paano ka magkakaroon
ng asawa kung hindi ka marunong
magluto?!" Saglit siyang napatulala
sa tanong ko.

"Sige na. Maligo ka na!
Pagbumalik ka na rito,
luto na 'to!" Bigla ba naman
akong itulak palayo?! Hindi
na ako umangal at pumasok
na sa CR. Sana lang hindi
masunog bahay namin.

After kong maligo at magbihis
ay naabutan ko siyang nasa
lamesa at nasa harapan niya
ang videocam at ang niluto niya
ata. Lumapit na ako sa kanya
at napanganga ako sa pancake
na ginawa niya.

"HAHAHAHAH!" Literal akong
natawa dahil nasa isang plato
ang ginawa kong pancake
samantala parang kasing laki
ng ng polvoron ang pancake na
ginawa niya. Ang cute lang kasi!

"'Wag kang tumawa! Hindi ko
alam iluto 'to! Minaliit ko na
para hindi mabigat kung
baliktarin."

Tumatawa parin ako hanggang
sa umupo ako sa tabi niya at
tinitingnan ang gawa niya.
"HAHAHAHHAHA!"

"Try mo." Kumuha siya ng isa
at pinalaman niya ng strawberry
jam sa ibabaw. Sinubuan niya
ako at hindi na ako umangal.
Sumubo ako at tiningnan
niya ang reaksyon ko.

"Okay na," sabi ko at kumuha
ng isa. "Okay lang?! Hindi ba
masarap para sa first timer?"
Umiling ako at pintuloy ang
pagkain ko. Agad nalipat
ang paningin ko sa kanya dahil
nakangiti lang siya habang
pinapanood akong kumain.

"Samahan mo ako sa mall,"
sabi ko na puno ang bibig
ko kaya agad siyang
napapunas sa mukha niya
dahil tumalsik ang mga
kinain ko. "Oo naman pero
ubusin mo muna ang pagkain
mo ah?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com