Present 97
· ꕥ · ──────
Dairy.
It's already 10PM and tulog
na sila Dad at Mom sa kabilang
kwarto. I don't know kung
tulog na sila or may kababalaghang
nangyayari mula roon.
Bahala sila.
Sila Tito Monie at Tita Gold
ay nasa bench at nakatingin sa
malaking buwan. Inaatake na
naman siya ng pagiging
makalimutin niya kaya kinukwentuhan
siya ni Tito Monie ng kwento
nilang dalawa.
And I'm here, sa harapan ng
kwarto ni Bronze. Hindi na kami
nagkita matapos ang mangyari
kanina sa pool at balita ko,
nag-eedit siya ng vlog namin.
Papasok ba ako?
Hindi na kumatok at
pumasok sa kwarto niya.
Langya naman. Ang lakas-lakas
ng aircon. "Kulang nalang
magsnow dito," bati ko habang
naglalakad palapit sa kanya.
Nakaupo siya sa kama at nasa
hita niya ang laptop. Basa
pa ang buhok niya.
WTF HOW COME NA
GANITO SIYA KAGWAPO?
"Halika." Kahit awkward
ako ngayon ay tumabi ako
sa kanya at nag-eedit
siya ng video.
"Matagal ka bang mag-edit?"
tanong ko at nagtama ang
paningin namin. Kitang-kita ko pa
rin ang mga mata niya kahit
tinatakpan ng basa niyang
bangs kaya bumilis na naman
ang tibok ng puso ko. Parang
tumakbo ako kanina.
Okay naiihi na ako.
"Oo. Pero kaya naman,"
sagot niya nang umiwas ang
paningin ko. I don't know but
all of a sudden parang pumasok
sa isipan ko na gusto ko na siya.
Kaya ito, parang baliw ang
nararamdaman ko at kung
ano ang iniisip ko.
"A-ah.. alis muna ako."
"Dito ka lang muna."
Inexpect ko na ganito pero
nagulat pa rin ako. Bumalik
ako sa pwesto ko at nagulat
kaming dalawa na sumandal
ako sa kanya habang pinanood
siyang mag-edit. After raw masave
ng video ay agad niyang
iuupload sa youtube.
Ang bilis niya palang
mag-edit pero sinabi niya matagal.
"Aaahhh ang lamig!" reklamo
niya pagkababa niya ng
laptop dahil saving ito.
Katatapos palang ng pag-eedit
niya at pasimpleng umunat
para mayakap ako.
Hindi ako nakaangal kasi
nanghina ako nang may yumakap
sa akin ulit. Actually ilang
beses niya na akong yakapin
pero 'yung nararamdaman ko
parang first time. "I really
missed you," bulong niya kaya
bumigay ako. Niyakap ko rin
siya at ang mga alaala namin
noong bata pa kami
ay nagsibalik.
"Is this true? Parang
panaginip lang," natatawang sabi
niya kaya napatawa ako.
Sana totoo. At mukhang totoo.
"I love yoㅡ"
Napahiwalay agad ako
sa kanya dahil may tumawag
sa akin. Unknown number.
"Panira 'yan ah. Hahahahhaahaha,"
sabi ni Bronze kaya natawa
ako sa reaksyon niya.
"Epal ah hahahahaha."
"Tumahimik ka. Baka importante 'to,"
natatawa kong sabi at sinagot
ang tawag. Nagmadali akong
lumabas ng kwarto hanggang
sa mapadpad ako sa likuran ng
lodging house at puno roon
ng mga ilaw at puno.
"WowㅡHello?" Muntikan ko
nang makalimutan na may
tumatawag sa akin.
"Dairy?"
Natigilan ako at lumingon
kung saan man. Parang hindi lang
sa linya ang narinig kong boses.
Ang kaninang taka ay pinalitan ng
galit nang marinig ang boses
na 'yun. Boses ni One.
Bumalik ang tingin ko sa harapan
at laking gulat ko na andoon
si One. Pinatay ko ang tawag
at galit na lumapit sa kanya.
Gusto ko siyang saktan dahil
nagtiwala ako sa kanya at
may balak siya?
"P-Please Dairy.. pakinggan mo ako,"
puno ng takot ang boses niya pero
hindi bumenta 'yun sa akin.
Umaakting na naman siya. Hindi ko
mabawi ang mga kamay ko na
hawak-hawak niya kasi balak ko
sana siyang sapakin at suntukin
pero hinawakan niya agad
ang kamay ko.
"Para saan pa, One?
Malinaw na sa akin na balak
mong nakawin ang application
ko at sirain ang tiwala ko sa'yoㅡ"
"Dairy, sinundan ko kayo
dahil hindi na kaya ng
konsensya koㅡ"
"Please! Itigil mo na 'yan!
Tigilan mo na ako!
'Wag kang magpakita
sa akin, hayop kaㅡ!"
"Hindi ako ang magnanakaw
ng application mo!
Nagpapanggap ako bilangㅡ"
Nasampal ko siya dahil
ngayon ay gagawa na siya
ng kwento? Akala niya mauuto
niya ako? Saglit siyang napatahimik
at unti-unting napatingin sa akin.
"Pwede bang pakinggan mo ako,
kahit isang minuto lang?"
Hindi pa ba siya titigil?
"Ayoko na marinig ang
mga kasinungalingan mo,
One. Pwede baㅡ"
Napatigil na naman ako
sa pagsasalita dahil mariin
niyang hinawakan ang
magkabilang balikat ko at
nilapit ang mukha niya sa akin.
Ramdam ko ang galit
niya ngayon. Wtf! Ako dapat
ang magalit! Bakit ba ganito siya?
"Hindi ako ang magnanakaw
ng application mo," bulong
niya at mukhang pinapanamnam
niya sa akin ang gusto
niyang sabihin.
"Hindi.. ako.. si.. One."
Kumunot ang noo ko.
Bakit siya ganito? Hindi
ko maintindihan!
"Pinagpanggap niya ako
bilang One. Kapag nasa
Pilipinas na kami.." bulong niya
habang diretsong nakatingin
sa mga mata ko. It's creeping me
out! Do I need to call
somebody for help?
"My name is Sixto."
W-What..?
"Importante ba ang ginawa
mong application?" mariin
niyang bulong sa akin
pero hindi ako makasagot!
Tinatakot niya ako! Mukhang
hindi siya nagbibiro!
"Dairy, importante ba?!"
Nagmamadali na siya
at inalog pa ako para makasagot.
"Oo.."
"Importante 'yun sa'yo diba?
Ayaw mo 'yun mawala sa'yo.
Sinabi mo sa akin noon diba?"
tanong niya kaya napatango
ako. Bumibilis ang pananalita niya
pero buti nalang naiintindihan
ko pa. Parang may hinahabol siya.
"Si One ayㅡ"
"Dairy?" Narinig ko ang
boses ni Bronze mula sa kalayuan
kaya lilingon sana ako pero hinarap
ulit ako ni One--Sixto I don't know.
"Better reject him."
Binitawan niya ako. "Dairy??"
Napalingon ako kay Bronze at
nakita ko siyang hinahanap ako.
Nakatayo ako sa gitna ng mga
nakapalibot na puno na may
mga nakasabit na ilaw.
Nagtama ang paningin namin
kaya napangiti siya.
I can't smile. Ang daming
bumabagabag sa akin.
Nakangiti siya habang
naglalakad palapit sa akin.
Napalingon ako at wala
na si One--Sixto..
Hindi ako si One.
Nagpapanggap lang siya?
Dahan-dahan akong
humarap kay Bronze at napatingin
sa mga mata niya.
Ikaw ba..?
The lights.. the trees..
the bright moon, parang
ang romamtic.
But I feel numb.
"May problema ba?"
Agad akong napailing bago
pa man niya hawakan
ang mukha ko. Hindi niya
napansin ang takot ko dahil
nakapokerface lang ako.
Pero deep inside parang
naglalaro ako ng puzzle.
Iniisa-isa ko ang mga piraso
para maintindihan ko ang
pinagsasabi niya kanina.
Hindi siya ang magnanakaw
ng application ko.
Hindi siya si One.
His name is Sixto.
He's pretending to be One.
Nakatingin lang
ako kay Bronze.
"Dairy, Tayo na ba?"
That became a weird question
and all of a sudden naging
negative ang pagtingin
ko sa kanya. But still! Paano
kung mali si Sixto? Paano
kung hindi si Bronze si One?
I love him.
Hindi niya ako sasaktan.
"Yes."
Nakita ko ang malawak
niyang ngiti at napayakap sa akin.
And that hug, I felt nothing.
"Better reject him."
Paghiwalay niya sa
akin ay ang laki ng ngiti niya
parang may nakuha siya.
I ruined myself.
"Do you love me?" tanong
niya at wala sa sarili
akong tumango.
"I heard na meron
kang application.
If you love me,
can you delete it?"
Yeah. When it
comes to love,
I'm the worst.
I nodded.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com