Chapter 04
#DTG04 Chapter 04
Tulala ako habang nag-iisip kung saan ako kukuha ng pambayad doon sa libro na ni-require sa amin na bilhin. Late na kasi natapos iyong klase kahapon at sarado na iyong library... Tapos nung pagdating ko naman kanina sa school, sobrang na-late ako dahil may banggaan kaya sobrang traffic. Pagdating ko sa library, wala na iyong libro... Dalawa lang pala kasing kopya iyong meron tapos nahiram na.
"Haaay..."
"Why?"
Agad akong napa-tingin kay Vito na nasa tabi ko. Maaga pa rin siyang pumapasok at pagdating ko sa library, may naka-save na na upuan para sa akin. Bilang kapalit, pinapa-hiram ko siya ng notes ko... Pakiramdam ko naman hindi niya na kailangan kasi nag-aaral naman siyang mabuti. Si Nikolai talaga ang mas may kailangan ng notes ko.
"Wala," sabi ko tapos ngumiti.
Makiki-usap na lang siguro ako kina Nanay na padalhan nila ako ng extra na pera. Kailangan ko na talagang maghanap ng trabaho. Ayokong mamroblema ng ganito tuwing may kailangan sa school.
Bahagyang kumunot ang noo ni Vito. Ngumiti lang ako tapos bumalik na ako sa pag-aaral. Tahimik lang akong nag-aral hanggang sa oras na para kumain ng tanghalian.
"Salamat," sabi ko nang maglagay siya ng platito na may lamang cake sa lamesa. Hati kami sa bayad. Pero halos hindi naman siya kumakain kaya ako rin talaga iyong umuubos ng cake. Ayaw niya naman kasing kumain kahit pilitin ko.
"Hello, dear friends," sabi ni Niko nang dumating siya. Tuwing lunch na siya nagpapa-kita. Late daw kasi siyang natutulog kaya kaka-gising niya lang. Si Sancho naman, dadating lang kapag magsisimula na iyong klase.
"Nag-aral ka ba? May quiz daw tayo mamaya," paalala ko sa kanya dahil nung isang beses na nagquiz kami, nagpanic siya dahil hindi niya alam na meron. Hindi kasi siya nagbabasa ng message sa groupchat.
"Yes, my dear Assia," sagot niya sabay tingin sa cake ko. "Is that ube cake?"
Tumango ako at nilapit sa kanya iyong platito para maka-kuha siya. Pero bago pa man maka-lapit kay Niko iyong platito, inurong pabalik sa akin iyon ni Vito.
"Buy your own."
"Asshole," sabi ni Niko. Natawa ako. Ngumisi siya sa akin. "I'll just get food. I'll be back," sabi niya pagkatapos ay tumayo at umikot sa cafeteria para maghanap ng kakainin niya.
Habang kumakain kami, naramdaman ko iyong pagba-vibrate ng cellphone ko. Agad kong tinignan iyon. Importante kasi iyong mga message sa group chat kasi doon nilalagay iyong mga pinapa-sabi ng professor.
"Hala..." sabi ko nang makita ko na required pala kami na dalhin mamaya iyong mismong libro. Si Atty kasi iyong author nung libro kaya pinapa-bili niya talaga kami.
"What?" tanong ni Vito.
Hindi agad ako naka-sagot. Kinuha niya iyong cellphone niya at tinignan niya rin iyong sa groupchat.
"What's the problem?" tanong niya ulit.
"Sa tingin mo ba magagalit si Atty kung ipapa-photocopy—" tanong ko tapos natigilan ako. Malamang magagalit siya... Intellectual property niya iyon, e... Tapos ipapa-photocopy ko? E 'di parang ninakaw ko na rin...
"The book?" tanong ni Vito.
"Magkano nga ulit?" tanong ko sa kanya. May extra pa naman akong pera... pero nirereserve ko kasi iyon sa mga sobrang emergency talaga... Pero siguro ito na iyong 'emergency.' Ayoko naman masigawan mamaya para rito... Mukha pa namang nakaka-takot si Atty...
"Do you need the book?" tanong niya.
"Oo, e. Bibili na lang ako pagkatapos kumain," sabi ko. Buti na lang may sariling bookstore dito sa loob ng Brent. Hindi ko na problema na lalabas pa ako para bumili ng libro. "Magkano nga 'yung libro?"
Bago pa maka-sagot si Vito, naka-balik na si Niko. May dala siyang tray na may lamang sobrang daming pagkain. Siya na yata iyong pinaka-malakas kumain na nakilala ko. May isang cup ng rice tapos dalawang ulam tapos may prutas pa siya at saka dessert. Ang tanging healthy lang sa kanya ay hindi siya umiinom ng soft drinks dahil puro tubig lang talaga siya.
"What book?" tanong ni Niko.
"Yung required ni Atty. Plaridel," sagot ko. "Yung sinabi niya last meeting."
"Do we need that?"
"Oo. Magbasa ka kasi ng group chat."
"Do you have that?" tanong niya kay Vito.
"Yeah. I told you. I got mine last week."
Tumingin sa akin si Niko. "Let's just get one after we eat," sabi niya. Tumango ako. Kailangan ko munang dumaan sa ATM para magwithdraw. Tsk. Kailangan ko na talagang maghanap ng trabaho. Gagawa na ako ng resume pag-uwi ko mamaya.
Pagkatapos naming kumain, nagpunta na kami sa bookstore. Nag-uusap na naman iyong dalawa tungkol sa business. 'Di ako masyadong nakikinig sa kanila, pero ang alam ko, may tinayo silang business tapos magkaka-sosyo sila nina Sancho.
Huminto muna ako sa ATM para magwithdraw. Nakaka-depress namang makita 'yung balance ko. Pagpasok ko sa bookstore, nakita kong naka-tingin sila sa akin.
"Bakit?" tanong ko.
"Where were you?"
"Nagwithdraw," sagot ko. "Magkano 'yung libro?"
"Here," sabi ni Niko sabay abot sa akin nung libro. Softbound lang pala. Mabuti naman. Kung hardbound 'to, siguradong ubos ang pera ko.
"Magkano?"
"I have no idea," sabi niya habang naglalakad kami palabas ng bookstore. Binuksan niya iyong kanya at sinubukang basahin iyong laman.
"Ha?"
"Lost the receipt," sagot niya sa akin. "This is boring as fuck."
"Kaka-bigay lang sa 'yo? 'Di mo ba kinuha?"
"Yeah... As you probably noticed already, I'm not a very organized person," sabi niya lang tapos napapa-iling habang binabasa iyong bagong libro niya sa Political Law. Bigla siyang tumawa tapos nailing. "Constitution my fucking ass."
"Grabe ka," sabi ko sa kanya.
"What? I'm right, though. Constitution is the supreme law of the land... true, unless you have money and power," sabi niya sa 'kin. "Why so surprised? Just speaking truths, babe."
Napa-iling ako. "Bakit nag-aaral ka pa kung ganyan ang paniniwala mo?"
"You know what they say? If you wanna evade something, you gotta master it first," sabi niya sabay tapik sa ibabaw ng ulo ko. Kaka-iba talaga siyang mag-isip... Mukhang future criminal 'tong isang 'to...
Tumingin na lang ako kay Vito dahil ramdam ko na na wala akong makukuhang matinong sagot mula kay Nikolai. "Naaalala mo ba kung magkano iyong binili mo?" tanong ko sa kanya, pero tahimik lang siya at hindi sumasagot.
Pagdating namin sa library, agad kong tinignan sa Internet kung magkano iyong libro. Kinukulit ko si Nikolai na tanggapin iyong bayad ko nang biglang magpaalam si Vito na may pupuntahan muna siya.
"Okay," sabi ko na lang. "May quiz daw tayo mamaya. 'Wag kang magpa-late," paalala ko sa kanya. Pakiramdam ko kasi responsibilidad ko na na paalalahanan iyong tatlong lalaki na 'to—maliban kay Sancho kasi hindi naman 'yun makaka-limutin kagaya ni Niko.
Tumango lang siya tapos lumabas na ng library habang bitbit iyong bag niya. Napa-tingin ako kay Nikolai nang tumawa siya.
"Bakit?" tanong ko.
"Nothing. This is really entertaining as fuck," sabi niya habang naka-ngisi tapos ay binuksan niya na iyong libro at saka binalik sa lamesa ko iyong pera nang makita niyang nilagay ko roon kanina nung nagpaalam si Vito na aalis siya.
* * *
Sabay pumasok sa classroom sina Vito at Sancho. Magha-hi sana ako kaya lang nasa likod na agad nila iyong professor namin. Nagpa-labas ng yellow paper iyong professor namin.
"Meron ka?" tanong ko kay Vito dahil siya iyong katabi ko.
"Yeah," sabi niya sabay labas ng paper mula sa bag niya. Kay Niko ko na lang binigay iyong papel na napunit ko na kasi wala siyang papel. Minsan nga wala rin siyang ballpen. Minsan pumapasok siya na siya lang talaga. Nakakapagtaka.
Nagsimula na iyong quiz. Sobrang nagpapasalamat ako sa libro kanina dahil nandun lahat nung tanong sa quiz.
"Exchange papers," sabi ni Sir. "Write your name on the upper right side of the paper. If you check even if the answer is wrong, I'll fail you both," pagpapatuloy niya pa bago nagsimulang sabihin iyong sagot sa mga tanong.
Nasa akin iyong papel ni Niko dahil nagpalit kaming apat.
"Oh, come on..." sabi ni Niko nang makita niya na lagyan ko ng mali iyong sagot niya.
Nagbuntung-hininga ako. "Kulang kasi..."
"Yeah, but the thought's there?"
Biglang kinuha ni Vito iyong papel ni Niko tapos binigay niya sa akin iyong papel ni Sancho. Agad na nanlaki iyong mga mata ko nang lagyan niya ng malaking ekis iyong papel ni Niko.
"Fuck you," sabi ni Niko.
"I don't wanna fail," sabi ni Vito habang masayang nilalagyan ng ekis halos lahat ng sagot ni Niko.
"Oh, come on! I have correct answers."
"Incomplete."
"But the thought is there?"
"Yeah, that's how the law works," sabi ni Vito. "Judge, the thought is still there. Maybe you can reverse the decision. Maybe you can be lenient with the penalty."
"You fucking asshole," sabi ni Niko nang maibalik sa kanya iyong papel niya at kalahati lang iyong tama.
"Next time, write the complete answer," sabi niya.
Nag-aaway ba sila?
"Whatever," sabi ni Niko. "Lui texted."
"Pass."
"Boring," sabi ni Niko tapos kay Sancho naman tumingin.
Kanina parang mag-aaway na sila... tapos biglang wala na ulit... Hindi ko talaga sila maintindihan...
Naka-tingin ako kay Sancho dahil nasa kanya ata iyong papel ko... pero naipasa niya na sa harap... Gusto kong malaman iyong score ko, pero hindi ako maka-singit dahil dinadaldal siya ni Niko tungkol doon sa party na pupuntahan yata nila pagkatapos ng klase.
Napa-tingin ako kay Vito na naka-kunot ang noo habang naka-tingin sa akin.
"Nakita mo ba 'yung score ko?"
"Sancho," sabi niya bigla. "Score?"
"Score?"
"Assia's."
"Perfect."
Lumaki ang ngiti ko. Salamat naman. Nagpasalamat ako kay Sancho. Ang bait niya naman. Alam ko naman na tama iyong sagot ko... pero akala ko sobrang higpit siya kagaya ni Vito na magcheck.
Akala ko maglelecture o magrerecit kami pero nagkwento lang si Sir tungkol sa naging hearing niya kanina... Nakinig na lang ako. Medyo nalungkot nga ako na natapos iyong klase namin na iyon lang ang nangyari.
At least perfect pa rin iyong quiz ko.
"Adios, amigos," sabi ni Niko nang maka-labas na si Sir. Agad niyang hinatak si Sancho palabas. Tapos papasok na naman silang lasing bukas. Ewan ko sa kanila.
"Di ka sasama sa kanila?" tanong ko kay Vito.
"Kinda done with partying," sabi niya.
"Ano ba'ng ginagawa sa ganon?"
Lagi kong naririnig sa mga classmate ko iyong tungkol sa party. Tapos kung anu-anong pangalan ng lalaki ang naririnig ko mula sa kanila. Tapos minsan... bastos.
"Just drinking," sabi niya. Naghintay ako ng kasunod kasi base sa mga naririnig ko nga, minsan may drugs pa na kasama... pero wala ng sinabi si Vito. Baka ibang klaseng party iyong pinupuntahan niya.
Nang maka-lapit kami sa sasakyan niya, napa-hinto siya sa paglalakad kaya naman napa-hinto rin ako.
"Trin," sabi ni Vito.
Agad na nanlaki ang mga mata ko. Hala. Ito iyong babae na sinigawan ako dati dahil akala niya inaagaw ko si Vito sa kanya... Agad akong napa-hakbang pa-atras.
"Done with your class? Let's go to Lui's," sabi niya kay Vito pero nasa akin iyong mga mata niya. Bahagyang naka-angat iyong kilay niya.
"I'm not going," sagot ni Vito. "I have assignments."
"Assignments?" sabi niya na parang nandidiri iyong mukha. "Just do them tomorrow," pagpapatuloy niya. Lumapit siya kay Vito tapos nilagay iyong mga kamay niya sa dibdib nito. Nag-iwas ako ng tingin. Pakiramdam ko nanonood ako ng isang bagay na hindi ko dapat makita. "Let's go... please? I wanna get drunk tonight... And I don't wanna get drunk without my boyfriend around," sabi niya habang naka-tingin sa akin.
Tumingin ako sa paligid.
Sa akin ba talaga siya naka-tingin?
Gusto ko na silang iwan... pero hindi ako makapagsalita dahil sa takot sa girlfriend ni Vito. Para kasing bigla niya na lang akong sasabunutan o kaya itutulak. Kakagaling lang ng paa ko. Ayokong magka-injury ulit.
"What are you looking at?" tanong ni Trini habang naka-angat ang kilay.
Mabilis akong umiling. "Wala... Uhm, mauna na ako," sabi ko bago mabilis na tumalikod at naglakad palayo. Grabe naman siya... Galit ba siya sa akin? Bakit naman? Wala naman akong ginagawa...
Binilisan ko iyong lakad. Medyo gabi na rin kasi. Kailangan ko nang maka-uwi. Kung alam ko lang na hindi pala ako makaka-sabay kay Vito ngayon, dapat hindi na ako nakipagkwentuhan kanina at dumiretso na pauwi... Ayoko pa namang nagcocommute kapag gabi... Natatakot ako, e...
"Diyos ko..." sabi ko sa sarili ko nang maka-rinig ako ng pagtawag ng pangalan ko... na nasundan ng pagtawa. "Ano ba naman, Niko!" sigaw ko sa kanya dahil sobrang kinabahan ako.
"What? I just called your name!"
"Wag ka kasing nanggugulat!" sabi ko.
"I didn't even shout your name," sagot niya na natatawa. "Why are you alone? Where's Vito?"
Naka-hawak pa rin ako sa dibdib ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Magkaka-sakit yata ako sa puso dahil sa mga lalaking 'to.
"Nauna na ako. Dumating iyong girlfriend," sabi ko.
"Yikes," sabi niya. "Well, you need a ride?"
"Di ba pupunta ka pa sa party?"
"Sancho fucking bailed," sabi niya. "I don't wanna go alone. You wanna party with me?" Agad akong umiling. Natawa siya. "Such a good girl. Never change."
Ang kulit talaga.
"But do you need a ride?"
"Hindi ba out of the way?"
"Nah, it's okay," sabi niya. "Hop in."
Pagpasok ko, huminto muna siya. Tahimik lang akong naghihintay. Kinuha niya iyong cellphone niya tapos biglang tumawa.
"He's so screwed," sabi niya habang may binabasa tapos may tinayp sa cellphone niya. Nang matapos siya, nilagay niya lang sa gilid niya iyong cellphone niya na napaka-raming crack dahil lagi niyang nahuhulog. "So... to the LRT station?"
Tumango ako. Tapos napa-tingin sa cellphone niya na biglang umilaw. Nakita ko iyong pangalan ni Vito. Sinabi ko na nagtext siya kay Niko. Tumawa lang si Niko. Ang weird talaga nila.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com