Chapter 21
Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.
#DTG21 Chapter 21
"Dala niyo naman 'yung ID niyo, 'di ba?" tanong ko habang hawak iyong request letter na pina-lagyan ng dry seal sa school kahapon. Mabuti na lang at nag-offer si Sancho na siya na ang gagawa nun dahil hindi ko na alam kung paano hahatiin ang katawan ko kung ako pa ang gagawa nun.
"Yeah," narinig kong sagot nila. Si Niko iyong nagda-drive dahil sasakyan niya 'to. Si Vito iyong nasa front seat habang katabi ko naman si Sancho sa likuran. Kanina ko pa nakikita si Vito na tingin nang tingin sa akin. Nung tinanong ko naman kung ano ang kailangan niya, sabi niya wala naman daw.
"Where first?"
"Sa MARINA muna tapos MTC. Last na natin iyong sa Prosecutor," sabi ko. Mabuti na lang din at pumayag sila na maaga kaming umalis. Iniisip ko kasi na baka traffic mamayang hapon. Gusto ko na maaga kaming matapos para makapagpahinga at makapagreview din mamayang gabi. Tatlong araw na lang kasi ay simula na ng midterms.
Habang nasa byahe kami, nag-usap kami ni Sancho tungkol sa Tax at CivPro. Minsan kasi sa kanya ako nagtatanong dahil mas mabilis siyang maka-intindi ng concepts. Saka ang galing niya kasing mag-explain. Simple lang. Pinapaliwanag niya iyong basic concept tapos iyong mga example niya naka-relate sa real world. Sana ganoon din magturo si Atty. Villamontes... Hindi ko kasi malaman kung saan nanggagaling iyong mga tanong niya minsan, e.
"Where are we going to fucking park?" tanong niya dahil hindi siya maka-hanap ng parking. Ang daming sasakyan sa port area. Puro container van. Grabe. Ang lala pala talaga ng traffic... Akala ko malala na iyong traffic sa school...
"Ganoon ba talaga karami iyong pera ni Niko?" tanong ko kay Sancho dahil may binayaran siyang lalaki para bantayan iyong sasakyan. Naka-park lang kami sa isang gilid. Hindi nga yata talaga parking iyon. Kaso ay wala talagang lugar. Ang dami pang naka-pila. Hindi ko maintindihan. Ang gulo.
"Medyo," sagot ni Sancho. "Ang motto ni Niko ay bakit niya pa gagawin kung pwede naman siyang magbayad?"
"Grabe... Siguro dati... Iba naman na si Niko ngayon," sabi ko. Nung first year kami, sobrang luwag ni Niko sa pera... Ngayon pa rin naman... kaso hindi na kasing dalas ng dati. O baka hindi na lang siya nakaka-gastos dahil mas focused na siya sa pag-aaral? Hindi kagaya dati na madalas kong naririnig na inaaya niya si Sancho sa bar.
"Maybe," sabi ni Sancho. Sabay kaming napa-tingin kina Niko at Vito na kausap iyong guard papasok sa MARINA. Ang daming tao.
Pagpasok namin, agad kaming nagpa-kilala bilang law students galing sa Brent. Pina-pasok naman kami agad nang maipakita namin iyong ID namin. Naka-tulong din siguro na mukha kaming kagalang-galang sa suot namin. Kaso ay pinagpapawisan na ako dahil sa sobrang init. Kanina kasi ay parang may snow sa loob ng jeep ni Niko.
"What's this place again?" tanong ni Niko.
"MARINA," sagot ko. Ako kasi iyong nagresearch kung saan kami pupunta. Kailangan kasi naming pumunta sa 2 quasi-judicial office para sa requirement. Ginawa kong 3 para may backup kami.
"What's that?"
"You didn't even research?" tanong ni Vito.
"Well, I was busy reviewing for the exams."
"We're all busy," sabi ni Vito.
"Dito daw iyong mga seafarers," sagot ko na lang dahil baka magka-inisan pa iyong dalawa. Inis pa naman si Niko kanina dahil iniwan siya nina Vito at Sancho nung nakita si Yago.
Pagpasok namin sa loob ay agad kaming pina-lapit doon sa pinaka-head nung office nila. Medyo magulo sa loob dahil pinagcombine daw iyong dalawang office. Mabuti na lang at nagbasa sina Sancho at Vito dahil sila iyong nagtanong doon sa boss kung ano ang karaniwang ginagawa nila sa MARINA. Nandun lang ako at tahimik na nagnonotes habang si Niko naman ay nagrerecord sa cellphone niya.
Nang matapos kami roon ay dumiretso kami sa MTC. Kaso pagdating namin ay wala pa raw iyong judge.
"So... what are we gonna do?" tanong ni Niko habang naglalakad kami pabalik sa parking. Medyo malayo, pero ayos lang. Natutuwa akong panoorin silang maglakad na tatlo. Para silang mga seminarista. Sobrang puti nung damit nila.
"May Office of the Prosecutor pa," sabi ko. "Pero wala tayong schedule 'dun... Meron lang tayong letter..."
"Let me do the talking," sabi ni Niko. "I wanna get this shit done and over with," sabi pa niya.
"Nagrerecord ka lang naman," sabi ni Sancho.
"Well, you were taking over the conversation."
"Di ka naman nagresearch kasi tungkol sa MARINA," sagot ni Sancho. "Ikaw na lang magtanong mamaya sa Prosec."
"Fine. You drive," sabi niya sabay hagis nung susi niya kay Sancho.
Minsan, nakakapagtaka silang magkakaibigan.
* * *
Si Sancho na iyong nagdrive ng sasakyan ni Niko. Nasa front seat si Niko. Kitang-kita ko kung paano naka-kunot ang noo niya habang nagbabasa tungkol sa Office of the Prosecutor. Sinabi kasi sa kanya ni Sancho na puro siya reklamo e nagrerecord lang naman siya ng usapan. At dahil competitive si Niko kahit ayaw niyang aminin sa sarili niya, ngayon ay nagr-research siya tungkol sa Office of the Prosecutor. Si Vito naman ay nasa tabi ko. Kita ko na naka-dikit na sa noo niya iyong buhok niya dahil sa pawis.
"Oh," sabi ko sabay abot sa kanya ng panyo ko. "Malinis 'yan. 'Di ko pa nagagamit."
"No, it's okay," sabi ni Vito sabay iling. "Are you okay?" tanong niya.
"Ha? Bakit naman?"
"You're wearing... that," sabi niya habang saglit na tinignan ang suot ko. "And it's scorching hot outside."
Napa-tingin ako sa suot ko. "Hindi naman. Manipis naman 'tong suot ko," sabi ko sabay hawak sa damit ko. Hinatak ko pa para makita niya na hindi naman makapal. "Saka sanay naman ako sa mainit," pagpapatuloy ko pa. Sumasama ako kay Tatay dati sa sakahan, e. Ayoko rin ng mainit, pero sanay naman ako.
"Parang mas mainit pa nga 'yang suot niyo," sabi ko. Pero ang cute talaga nilang tatlong tignan. Nag-usap kaya sila na pareho ang isuot nila? Para talaga silang iyong mga nasa simbahan.
Pagdating namin sa City Hall, napansin ko agad na tumingin iyong mga nakaka-salubong namin sa mga kasama ko. Ako lang ang naka-pansin dahil sanay na silang tatlo sa atensyon. Kahit kapag nasa fastfood kami, pinagtitinginan talaga sila. 'Di na lang siguro rin nila pina-pansin.
"Where's the prosecutor's office?" tanong ni Niko.
"I don't know," sagot ni Sancho. "Didn't you google while I was driving?"
Tinignan nang masama ni Niko si Sancho. "You know what? You're annoying today. Piss off," sabi ni Niko habang may nilapitan na isang babae at doon nagtanong kung nasaan iyong hina-hanap namin. Mabait naman iyong babae dahil talagang sinamahan pa niya kami papunta sa office. Habang naglalakad kami ay tinatanong niya kung saan kaming school nanggaling at kung ano ang pakay namin doon.
"Lagi bang ganto?" tanong ko.
"What?" sagot ni Vito.
"Ano... ang bait ng mga tao sa inyo kapag nagtatanong kayo..." sabi ko. Kapag kasi ako ang nagtatanong, madalas pa na masungitan ako o mapagalitan. Pero kapag sila Niko, ang babait ng mga tao sa kanila.
"Haven't noticed... but I think yeah, people are often accommodating."
Tumango na lang ako.
Iba talaga ang mundo kapag may itsura ka.
Meron ka na agad advantage.
Nagpasalamat si Niko sa babae pagkatapos kaming maihatid sa harap ng Office of the Prosecutor.
"Good morning," bati ni Niko habang gamit niya iyong ngiti niya na hindi umubra kay Prosec dati. Tumingin sa kanya iyong babae na parang secretary. Naka-kunot ang noo.
"May appointment ba kayo?"
"No, but—"
May inabot na papel iyong babae. "Fill-up-an niyo. Bumalik na lang kayo kapag may appointment kayo."
"But—"
Natigilan si Niko nang tignan siya nang masama nung babae. Pinagdikit ko ang labi ko dahil natatawa ako sa nakikita ko. Si Niko... wala talaga siyang charm sa mga matatandang babae... Hindi ko alam kung bakit lagi siyang nasusungitan.
"Thanks," sabi ni Niko sa babae pagkatapos kuhanin iyong papel. Tumingin siya sa amin. "What now?"
Nag-usap silang tatlo tungkol sa gagawin namin. Kailangan na kasi naming matapos ito para wala na kaming iisipin. Gusto namin na magfocus na lang kami sana sa exams. Kailangan naming maipasa lahat para next year ay 4th year na kami.
Excited na akong maka-graduate.
Kailangan ko pa ulit maghanap ng sideline... Sa bakasyon na lang siguro... Gusto kong mag-ipon para sa pamasahe ng pamilya ko. Gusto ko na nandito silang lahat sa graduation ko. Tapos ipapasyal ko sila rito sa Maynila. Pupunta kami sa Mall of Asia.
Konti na lang.
Kaya ko 'to.
Patapos na ako.
"Where's the nearest other MTC?" tanong ni Vito.
"Wait. I'll check," sabi ni Niko habang nilabas iyong cellphone niya. Lumabas silang dalawa dahil sinamaan ng tingin nung babae si Niko. Pinigilan kong matawa.
Tahimik akong naghihintay ng susunod naming gagawin nang bumukas muli iyong pinto. Akala ko sila Niko. Natigilan si Atty. Villamontes nang makita niya ako. Napa-kunot ang noo ko nang umawang ang labi niya. Nakaka-gulat ba talaga na makita kami rito?
"Assia," pagsabi niya sa pangalan ko.
"Hi po, Atty," bati ko.
"What are you doing here?" tanong niya. Napa-tingin siya kay Vito sa tabi ko.
"Requirement po sa Legal Counselling," sagot ko. "Pero paalis na rin po kami."
Tumango si Atty. Villamontes. Bumukas na naman iyong pinto. Nakita kong may lumabas na babae.
"30 minutes," sabi nung babae. "May tinatapos lang akong files. Tambay ka muna d'yan," pagpapa-tuloy niya. Natigilan siya nang makita kami ni Vito. "Do we have an appointment?" tanong niya.
"Wala po silang appointment, Prosec, kaya pina-babalik ko na lang," sabi nung babae.
Alanganin akong napa-ngiti. "Pasensya na po... Nagbabaka sakali lang naman po."
"Interview lang naman, right?" tanong bigla ni Atty. Villamontes sa akin. Agad akong tumango. "Come on, Ju. Interview lang naman. Kaya in 20 minutes, right?" tanong ni Atty at agad akong tumango.
Napa-tingin ako sa Prosec habang naghihintay ng sagot. Sana pumayag siya. Para tapos na. Para maka-uwi na kami at makapagreview na para sa midterms.
"Fine," sagot nung Prosecutor. "But you owe me dinner plus dessert now." Tumingin siya sa akin. "Come inside in 5 minutes."
"Salamat po," sabi ko. Tumingin ako kay Vito. "Tawagin mo na sila. Sabihin mo na dito na tayo. Sabihin mo rin kay Niko na 'wag na siyang magpa-cute," sabi ko pa. Baka kasi hindi rin siya uubra sa Prosecutor na 'to... Parang may malas si Niko sa mga prosecutor...
Tumingin muna si Vito sa akin tapos ay kay Atty. Villamontes. Akala ko ay magpapasalamat din siya sa kanya kaya lang ay lumabas na rin siya.
"What was that?" sabi niya pagka-labas ni Vito.
"Salamat po talaga, Atty..." sagot ko.
"No problem," sabi niya habang naka-ngiti. "Exam na next week, right?"
Tumango ako. "Opo."
"Galingan mo."
"Salamat po," sabi ko. "Salamat po ulit sa pagtulong niyo sa amin."
"Wala lang 'yun," sabi niya ulit. "Pero bilisan niyong magtanong kasi busy talaga 'yung si Julia. Saka pertinent questions lang ang tanungin niyo. 'Yung mga kayang ma-research online, 'wag niyo ng itanong sa kanya."
Tumango ako habang tinatandaan lahat ng sinasabi niya. "Okay po. Salamat po sa tips."
Ngumiti siya. "Di ka na ba babalik sa trabaho?"
Umiling ako. "Baka hindi na po muna. Ang bigat po ng load ngayong third year."
Natawa siya. "Ah, yes. Actually, arguably, third year nga talaga ang pinaka-mahirap dahil sa dami ng subjects," sabi niya. "Si Julia, sobrang tumaba nung third year kami dahil sa sobrang stress."
Magkaklase pala sila... Bakit kaya nandito si Atty? Girlfriend niya kaya si Prosecutor?
Nagkukwento pa si Atty tungkol sa third year niya nang bumukas ang pinto. Nagpasalamat sina Niko at Sancho kay Atty. Villamontes bago kami pumasok sa office.
Bago pa man kami maka-pasok, lumingon ako para magpasalamat ulit kasi malaking bagay talag... Paglingon ko ay naka-tingin na siya agad sa akin.
"Good luck," sabi ni Atty. Villamontes habang naka-upo sa sofa at tinitignan iyong mga magazines doon.
***
This story is chapters ahead on Patreon x
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com