Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 24

Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.

#DTG24 Chapter 24

"Happy birthday," sabi sa akin ni Sancho.

"Salamat," sagot ko.

"Di mo na rin pinapansin si Niko?" tanong niya.

"Kausap ko si Niko kanina," sagot ko ulit.

Nung nagsimula iyong second sem, nasa harap ako ng classroom naka-upo palagi. Hindi ko na kinakausap si Vito. Ewan. Siguro ay dahil nahihiya ako sa mga sinabi ko sa kanya dati hanggang sa hindi na talaga kami nag-usap.

Iyong kay Niko...

Ewan.

Posible ba na magselos kahit magkaibigan lang kayo? Kasi dati ako lang naman ang ka-close na babae ni Niko sa classroom... Ngayon ay close na sila ni Shanelle dahil tinuturuan siya ni Shanelle sa Tax 2.

"Di ka ba napapagod magcommute? Sabi sa 'yo sa 'kin ka na lang sumabay," sabi ni Sancho sa akin. 'Di ako sumagot. Si Vito naman talaga ang kaibigan nilang dalawa ni Niko. Singit lang naman ako sa kanila. Baka si Vito naman ang umiwas sa kanila kapag sumama ako.

Nang mailagay ko na iyong gamit ko sa bag ko, tumingin ako sa kanya at saka ngumiti. "Thank you sa greeting. Enjoy kayo," sabi ko bago lumabas. Sabay pala kasi kami ng birthday ni Shanelle. May celebration ata. Ewan ko. 'Di naman ako updated sa mga nangyayari sa kanila.

Ang importante, naka-pasa ako sa Tax 1. Kailangan ko na lang maipasa itong Tax 2.

"Good eve po, Atty," bati ko kay Atty. Villamontes nang maka-salubong ko siya sa harap ng Dean's Office. Nginitian niya ako tapos ay sinabayang maglakad.

"Graduating ka na next sem, noh?"

"Sana po," sagot ko.

"Sabihan mo ako kapag gusto mong bumalik sa trabaho," sabi niya ng naka-ngiti. "May naisip ka na ba kung saan mo gustong magspecialize?"

Ngumiti lang ako. Gusto kong magfocus sa civil law. Sigurado ako na kung hindi man void, voidable o rescissible iyong mga contracts of sale ng lupa sa lugar namin.

Gusto ko na talagang maging abogado.

Ang dami kong gagawin.

Sabay kaming naglakad palabas. Medyo nagtaka ako dahil nasa loob iyong parking ng sasakyan ng mga prof.

"Tito!"

Natigilan si Atty. Villamonte sa paglalakad sa tabi ko. Agad siyang luminga na parang alam niya kung saan nanggaling iyong boses.

"What do you need again, Trini?"

Bahagyang kumunot ang noo ko nang marinig ko iyong pangalan. Napa-tingin ako sa gawi kung saan naka-tingin si Atty. Agad na kumunot ang noo ni Trini.

"Oh. It's you again, home-wrecker," sabi niya habang naka-angat ang kilay.

"Trini!" saway sa kanya ni Atty. Villamontes.

"What? It's true. She's a slut. She probably seduced my boyfriend," sabi ni Trini habang masama ang tingin sa akin. "She just looks innocent—she's probably one of those 'lady in the streets, freak in the sheets.'"

Huminga ako nang malalim at ngumiti kay Atty. Villamontes. "Aalis na po ako, Sir—"

Tumawa si Trini. "Oh, here's that meek act again. What? Tito ko naman ang nilalandi mo ngayon? Fucking gold digger," sabi niya sabay tulak sa akin.

Muntik na akong matumba dahil sa pagtulak niya sa akin. Muli lang akong huminga nang malalim. Ayokong pumatol kay Trini. Naghahanap lang siya ng gulo. Ayokong ibigay sa kanya iyon.

"Sige po, Sir," sabi kong muli bago mabilis na tumalikod. Pero natigilan ako nang makita ko si Vito na naka-tingin sa akin. Nasa tabi niya si Shanelle na kausap si Niko.

Muli akong huminga nang malalim.

Tumalikod.

Isang taon na lang.

* * *

"Ano'ng oras po makaka-balik si Ate Nancy?" tanong ko sa Dean's Office. Kakalabas lang kahapon nung official list ng mga fourth year students. Kasama ako—kasama din sila. Nakita ko na classmates na naman kami.

"Di ko rin alam," sagot ni Kuya Lars. "Baka naglunch lang. Hintayin mo na lang."

Nagpasalamat ako tapos ay naupo roon sa bench malapit sa Dean's Office. Gusto kong maka-usap si Ate Nancy kasi gusto kong magrequest na magpa-lipat ng section. Ayoko ng maging kaklase sila Vito. Para akong hindi nakaka-hinga kapag nakikita ko silang tatlo. Kasi nandyan sila, pero hindi ko malapitan.

Wala naman silang kasalanan sa 'kin.

Choice ko naman 'to.

Binabasa ko iyong Civil Code habang naghihintay. Kailangan ko lang mairaos itong review year. Tapos ay BAR exam. Tapos ay magiging abogado rin ako. Masisimulan ko na iyong mga bagay na gusto kong gawin.

Habang nagbabasa ng codal ay gusto kong batukan iyong sarili ko dahil kung anu-ano iyong naka-highlight at naka-sulat. Dapat pala ay ginaya ko talaga si Sancho na naka-pencil lang iyong mga notes niya sa libro niya.

"Start na ba ng pasukan?"

Napa-angat ako ng tingin at nakita ko si Atty. Villamontes na naka-tayo sa harap ko. Naka-pantalon at polo shirt lang siya. Ibang-iba sa itsura niya kapag nasa klase siya.

"Ah, hindi pa po," sabi ko.

"Congrats nga pala," sabi niya. "Nakita ko pangalan mo sa list ng fourth years."

Ngumiti ako. "Salamat po," sabi ko tapos ay agad akong tumayo dahil nakita ko si Ate Nancy na pumasok na sa Dean's Office. Mabilis na nagpaalam ako kay Atty. Villamontes at lumapit kay Ate Nancy.

"Sige naman na po..." paki-usap ko nang sabihin niya na hindi pwedeng magpa-lipat ng section maliban kung working student ka... At required akong magpasa ng Certificate of Employment.

"Bakit ba gusto mong lumipat?" tanong ni Ate Nancy. "Ayan na nga't nasa Star Section ka. 'Di mo ba alam na 100% ang passing rate ng mga galing Star Section?"

Tipid akong ngumiti.

"Sige na po... Kahit saang section po," sabi ko sa kanya.

"Hindi nga—" sabi niya tapos ay natigilan si Ate Nancy. "Atty. Villamontes," dugtong niya tapos ay ngumiti at iniipit iyong buhok sa likod ng tenga. "Good afternoon, Atty. May kailangan ba kayo dito? Wala si Dean, e."

Napa-tingin ako kay Atty. Nginitian niya si Ate Nancy. "Payagan mo ng lumipat 'tong si Assia," sabi niya kay Ate Nancy.

"Para lang sa working—"

"Working 'to," sabi ni Atty sabay tapik sa balikat ko. "Masipag nga 'to, e."

Hindi ako nakapagsalita. Hindi naman kasi ako working. Baka hingan ako ng COE. Wala akong maibibigay.

Bumuntung-hininga si Ate Nancy. "O siya. Kahit ano'ng section, 'di ba?" tanong niya at saka mabilis akong tumango. "Sige na. Ililipat na kita."

Ngumiti ako. "Salamat po, Ate Nancy," sabi ko. Tumingin ako kay Atty. Villamontes. "Salamat po talaga, Atty."

"No problem," sagot niya. "Bakit mo gustong magpa-lipat ng section? Mas maganda lineup ng B."

Ngumiti lang ako.

Nagsimula akong maglakad palabas. Babalik na ako sa boarding house. Kaka-balik ko lang din galing Isabela. Doon ako buong bakasyon. Tumulong ako kay Tatay sa sakahan kaya medyo umitim ako. Wala akong balita sa mga nangyari sa school. Nalaman ko lang na nag-announce na ng listahan ng fourth year dahil nagtext sa akin si Mauro ng congratulations.

"Uwi ka na ba?" tanong ni Attorney.

"Opo."

"Sabay ka na. Baka on the way."

"Hala. Hindi na po."

"Grabe. Halos 3 years na tayong magka-kilala," sabi niya nang pabiro.

Napa-awang ang labi ko. "Hala, hindi naman po. Nakaka-hiya lang po saka malapit lang naman po ako rito."

"Oh, iyon naman pala. Hatid na kita tutal malapit ka lang naman pala rito," sabi niya habang naka-tingin sa akin at naka-ngiti. Hindi ako makapagsalita. Gusto kong sabihin na ayoko... pero hindi ko alam kung paano.

* * *

Naka-tingin lang ako sa harap at yakap-yakap iyong bag ko habang naka-sakay ako sa sasakyan ni Atty. Mahina iyong tugtog sa radyo. Gusto kong abutin para lakasan.

"What's your plan after grad?" tanong niyang bigla.

"Trabaho po."

"Gusto mong bumalik sa trabaho mo dati?"

"Hindi po. Uuwi na po ako sa probinsya namin," sagot ko. Maraming bagay ang nagbago simula nung tumuntong ako rito sa Maynila... pero ang hindi nagbago ay iyong kagustuhan ko na bumalik sa Isabela at doon magtrabaho biglang abogado.

Kasi doon ako kailangan.

Marami akong matutulungan doon.

"Oh..." sabi niya. "Sa PAO? O Prosec? I have contacts," dagdag pa niya. "I can help you."

Umiling ako. "Hindi na po, pero salamat po sa offer."

Tumawa siya. "Grabe ka talaga gumamit ng po," sabi niya. "Bata pa naman ako, pero pakiramdam ko sa 'yo ang tanda-tanda ko na."

Ngumiti lang ako.

"I'm a bit surprised na sa probinsya ka magta-trabaho. What about your boyfriend?" tanong niya.

"Wala po akong boyfriend," sagot ko.

"Oh... Sabi ni Trini—" sabi niya at saka natigilan. Ano ba ang sinasabi ni Trini sa kanya? Wala naman akong ginagawang masama... Kung may magagalit man siya, kay Shanelle dahil ang rinig ko ay sila na ata ni Vito.

"No boyfriend," pag-uulit niya sa sinabi ko. "Focus kasi sa acads?"

Tumango ako.

"What about after BAR?"

Hindi ako sumagot.

Mabilis kong tinanggal iyong seatbelt ko nang sabihin ko sa kanya na pwede na siyang huminto sa may tapat ng LRT station. "Dito na po ako. Salamat po," sabi ko tapos ay mabilis na lumabas sa sasakyan niya.

Hingal na hingal ako nang maka-rating ako sa boarding house. Tinanong pa ako ni Rose kung sumali raw ba ako sa marathon dahil sa sobrang pawis ko. Dumiretso na lang ako sa kwarto at saka nagpalit ng damit. Natulog na agad ako.

Nag-aral lang ako nung mga araw bago ang pasukan. Masyadong marami iyong coverage ngayong review year. Mas mabuti na na mag-advance study ako. Kahit ba napag-aralan na namin lahat 'to, wala naman akong eidetic memory para maalala lahat. Kailangan kong daanan sa sipag.

Sa may Med library ako nag-aral kahit na pakiramdam ko ay nagkaroon ako ng frostbite sa sobrang lamig sa loob. Nang malapit ng magsimula ang klase ay inayos ko na iyong gamit ko.

Nagrerecite ako ng requisites ng mge elements ng crime habang naglalakad papunta sa elevator. Nagbibilang ako sa isip ko at saka pilit na inaalala kung anong mnemonic device ang ginamit ko para magmemorize. Pakiramdam ko ay mababaliw na ako sa sobrang dami. Kailangan kong ayusin ngayong review year para sana kapag review na talaga ng BAR ay makapagfocus ako sa Remedial at Commercial.

Wala sa loob na pumasok ako sa elevator habang inaalala pa rin kung may exception to the exception ba iyong general rule na iniisip ko. Paglabas ko ay may nabunggo ako kaya naman magsosorry sana ako nang matigilan ako dahil kasama ko pala silang tatlo sa elevator.

"Sorry," sabi ko kay Vito na nabangga ko.

Tipid na tumango lang siya.

"I texted you congrats," sabi ni Niko.

Tipid na ngumiti ako. "Walang signal sa probinsya."

"I hate it when you lie because you're not a very good liar," sabi ni Niko habang sabay kaming naglalakad. Huminto ako nang makita ko iyong classroom ko. Papasok na sana ako roon nang mapa-hinto ako dahil naka-tingin sa akin sila Niko.

"That's our classroom," sabi niya sabay turo roon sa pinaka-dulong classroom. "We're section B."

"Section D ako."

"What? I saw your name—"

"She probably asked to switch sections. Let's just go," sabi ni Vito at saka nagpa-tuloy sa paglalakad.

Tumingin sa akin si Niko.

"I know you have a problem with Vito, but I'm your friend, too, and you're being a very shitty friend," sabi ni Niko bago ako iniwan at naglakad palayo.

Naiwan si Sancho sa harapan ko.

"Friends?" tanong niya sa akin.

"Friends," sagot ko bago tipid na ngumiti at pumasok sa bagong section ko. 

***

This story is chapters ahead on Patreon x

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com