Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 30

Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.

#DTG30 Chapter 30

"Answer that or for the love of God, turn off your phone," sabi ni Niko nang lumabas siya ng kwarto niya. Dito pa rin ako sa condo niya nananatili. Sinabi ko na aalis ako, pero hindi siya pumayag. Sa palagay ko ay may girlfriend si Niko dahil may nakita akong may panty na naka-suksok sa sofa niya. Hindi ko natanong si Niko dahil mukha siyang problemado hanggang ngayon.

Hindi ako gumalaw.

Lumapit si Niko at tinignan kung sino ang tumatawag. "Who's this Atty. Torres?"

"Boss ko."

"Don't you wanna answer?" tanong niya at umiling ako. Pinatay niya iyong tawag at ibinaba iyong cellphone ko. "What do you want to eat?"

Naglakad si Niko papuntang kusina. Naiwan akong naka-upo sa sofa. Nakita kong nagvibrate iyong cellphone ko. Siguro si Atty. Torres iyon. Siguro hina-hanap niya ako. O baka galit siya dahil binabaan siya ni Niko ng tawag.

Pero natatakot akong kausapin siya.

Kasi baka itanong ko... kung bakit nagising na lang ako na nasa apartment ni Atty. Villamontes?

Alam ba niya?

Sino ang nakaka-alam na nandoon ako?

"Niko," pagtawag ko kay Niko. Naka-talikod siya sa akin at tinitignan kung ano iyong laman ng ref niya. Naka-suot siya ng navy blue na pajama at puting t-shirt.

"Yeah?" sagot niya. "Bacon and eggs? I also have cereals here."

Hindi ako sumagot. Humarap siya sa akin.

"Pupunta ka ba kay Vito? Sasama ako."

"Assia—"

"Hindi ako papayag na siya iyong makulong sa ginawa ko, Niko. Hindi ako patatahimikin ng konsensya ko," sagot ko sa kanya. Tama naman si Shanelle... Hindi naman talaga tama na may ibang tao ang magbayad sa ginawa ko...

Ipinatong niya iyong mga kamay niya sa counter. "Look, it's not as if Vito planned on taking the blame. When he called me to tell me that you're coming, he told me that he was still there because he wanted to check if there's CCTV there. I didn't think that he planned to stay there and called the police on himself."

Napa-awang ang labi ko. "Yung pulis..." Tumingin ako kay Niko. Nagsisimula na namang bumilis ang tibok ng puso ko. "Paano naka-rating doon iyong pulis?"

"What do you mean?"

Humugot ako ng malalim na hininga. Naghintay ako ng ilang segundo bago kumalma iyong puso ko. "Nung... nung nandoon pa ako, hindi ako maka-hingi ng tulong dahil wala akong makitang mga taong dumadaan..." sabi ko sa kanya. Muli akong huminga nang malalim. "Pero nung paalis na ako, doon ko lang napansin na medyo malayo iyong unang kapitbahay ni—" sabi ko ngunit natigilan ako.

"Here," sabi ni Niko pagkatapos akong abutan ng baso ng tubig.

Tahimik kong ininom iyon.

Nakiki-usap pa rin ako sa puso ko na kumalma siya.

Alam ko na mali iyong ginawa ko... pero gusto ko lang na tumigil siya... Sinabi ko na tumigil siya pero hindi siya nakinig...

"It's okay," sabi ni Niko. "You're safe now," dagdag niya habang naka-hawak sa kamay ko. "He can't touch you anymore."

Mabilis na bumagsak sa sahig iyong baso.

Parang bumalik lahat sa isipan ko.

Iyong paghawak niya sa pisngi ko.

Pag-amoy sa batok ko.

Pagtawag sa pangalan ko.

Iyong pagka-takot sa pintuan.

"Shit. I'm sorry," sabi ni Niko. Hindi ako naka-galaw habang isa-isa niyang pinu-pulot iyong nabasag na baso. Pilit kong pinapa-kalma ang sarili ko. Ayoko nang bumalik sa dati. Ayoko nang umiyak araw-araw. Hindi na ako pwedeng bumalik sa ganon.

Nangako ako sa puntod ni Nanay na hindi ko hahayaang maapektuhan iyong buong buhay ko dahil sa isang gabi...

Kailangan kong maging matapang para sa pamilya ko.

"Sasama ako kay Vito."

Tumingin sa akin si Niko at napa-buntung hininga siya. "Fine..."

* * *

Wala akong ganang kumain, pero sabi ni Niko ay hindi kami aalis hanggang hindi ko nauubos iyong nilagay niya sa plato ko. Mabilis ko iyong inubos dahil gusto ko nang puntahan si Vito. Hindi ako naka-tulog nang maayos dahil iniisip ko kung paano si Vito doon...

Ako dapat iyong nandoon...

Kasalanan ko iyong nangyari...

Kapag nakulong ako—

"Niko," pagtawag ko sa kanya habang nasa daan ang mga mata niya. Tumingin siya sa akin sandali. "Pwede ba iyong 'ride or die' mo, maging sa pamilya ko na lang? Iyong mga kapatid ko—"

"We're not discussing this again, Assia. No one's getting imprisoned."

"Pero si Vito—"

"The case is still pending. Heck, we don't even know who the prosecutor is in his case. And until we hear from the judge himself that he's guilty, we're not talking about this, okay?"

Hindi ako sumagot.

Hindi ko kaya na umabot kami sa ganoon.

Iyong pinaghirapan ni Vito... Iyong titulo niya... Iyong pangalan niya... Hindi ko kaya na mauwi iyon lahat sa wala dahil lang sa akin...

Tama si Shanelle...

Pagdating namin sa presinto ay nakita ko na naman na inabutan ni Niko ng pera iyong isa sa mga pulis. Pagpasok namin sa isang kwarto ay nakita agad namin na nandun si Shanelle at Vito. Pagharap sa amin ni Shanelle ay kita ko na agad iyong galit sa mukha niya.

"Oh, great. Maybe you'll talk now!" sabi ni Shanelle bago lumabas at malakas na isinara iyong pinto. Natigilan ako.

"Did you bring what I asked for?" tanong ni Vito.

"Duh," sabi ni Niko bago may inilabas sa bag niya at nilagay sa harapan ni Vito iyong isang paper bag na may lamang sandwich at kape. Kaya pala kami huminto doon kanina...

"Thanks. I'm starving. Shanelle wouldn't let me eat unless I tell her that it wasn't me."

"Typical," sabi ni Niko. "Sometimes, I think she's confused if she's your girlfriend or your mom," dagdag ni Niko bago may inilabas na naman sa bag niya. Gaano ba kalaki iyong binigay niya sa pulis? Hindi man lang chineck kung ano iyong laman ng bag niya...

"So, any update?" tanong ni Vito.

"So, Yuchengco resigned but he has 1 year non-compete contract, same as Yago. The others are either retained or... you know, no balls," sabi niya sabay bigay kay Vito ng papel na may mga naka-sulat na pangalan. "I'd take your case myself, but I think I'd do more harm than good. Crim's not my favorite. I still have nightmares."

Binasa ni Vito iyong mga pangalan.

"How about Tali?" Vito asked.

"I already asked Lui. He said he'll update me."

"Good. If she says yes, sign her immediately. Saw her once and she's really good," sabi ni Vito. Bakit sobrang kalmado niya? Hindi ba siya natatakot? Ganoon ba siya ka-kumpyansa na hindi siya makukulong?

"Noted. But what about your folks? Uncle? Pretty sure he's pissed."

Saglit na tumingin sa akin si Vito.

"Vito—"

"No," agad na sagot niya. "It's no the first time, and it's still a no this time. Just drop it."

Mariin akong umiling. "Alam ko gusto mo lang akong tulungan, pero hindi mo naman ako responsibilidad, Vito. Hindi mo kasalanan kung hindi ka nakarating agad nung una—"

"I promised you that I'll always have your back... and this is me having your back, okay?" sabi niya habang naka-tingin sa akin. Parang kumikislap iyong asul niyang mga mata. Hindi ko alam kung dahil ba sa luha iyon. Sana hindi. "I didn't plan on getting arrested, so stop blaming yourself for that. But it's already here. I'm just trying to make the best out of the situation. Can you help me with that? Please?"

Humugot ako nang malalim na hininga at dahan-dahang tumango.

"Thank you," sabi ni Vito. "Now, let's discuss our possible defense—"

Pero hindi natapos ang sasabihin niya nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Shanelle. Pagka-pasok niya pa lang ay amuy na amoy ko na iyong sigarilyo. Sobrang nahihirapan na rin siya sa nangyayari.

"Clarify this for me, Vito, because the facts are we were having dinner then you got this fucking mysterious call that made you leave the room. So, who was the caller?" tanong niya at saka nagbato ng tingin sa akin. "Then bigla mong sinabi na aalis ka. You got your key—I specifically remember seeing you grab the key fob to your Chrysler. But then when I asked around, wala raw iyong sasakyan mo sa scene. So, ano? Lumipad iyong sasakyan mo? Paano ka napunta roon? And why in hell were you even there in the first place?!"

Walang nagsasalita sa aming tatlo.

"For fuck's sake, somebody tell me anything!" sigaw ni Shanelle. Kitang-kita ko iyong mga ugat sa leeg niya. "What? Walang magsasalita?! This is just me asking questions, Vito! Paano na kapag prosecutor na iyong nagtanong?! Paano na sa pre-trial?! Sa tingin mo ba makaka-lusot 'yang ginagawa mo?! My God! You're a lawyer! Don't kid yourself! Hindi makaka-lusot 'tong ginagawa mo!"

Kitang-kita ko iyong lalim ng paghinga niya.

Kung paano kumuyom ang kamao niya.

"You," sabi ni Shanelle pagkatapos tumingin sa akin. "Assia, I know you know something—"

"Shanelle, please—"

"What happened, Assia? Bakit nandoon si Vito? Sino pa iyong kasama niya? Ano talaga ang nangyari?"

Unti-unting bumi-bilis ang tibok ng puso ko.

Ramdam kong naka-tingin silang tatlo sa akin.

Hindi ako maka-hinga.

Pasikip nang pasikip ang dibdib ko.

"Shanelle!" malakas na pagtawag ni Vito. Agad na tumingin doon si Shanelle. Lumapit sa akin si Niko at sinabihan akong huminga.

"What—"

"You wanna be my lawyer? Fine," sabi ni Vito. "Yes, it was Assia who called me. Yes, I brought my car but it wasn't there because I told Assia to drive it away."

Parang lalabas na iyong puso ko palabas ng dibdib ko.

Hindi ako maka-hinga...

"But you're my lawyer now and you can't use anything I said—"

"No—"

"You're a lawyer, Shanelle. This is privileged communication. You can't tell anyone anything."

Umawang ang labi ni Shanelle. "What if I do? Ano'ng gagawin mo?" Hindi nagsalita si Vito. "What the fuck will you do?!"

Umiling si Vito. "Please don't shout—"

"What the fuck will you do, Vito?! Report me?! Just because I want to get you out of here?!"

"Please don't—"

"What?!"

Marahas na tumingin si Vito kay Shanelle at agad na natigilan si Shanelle dahil sa paraan ng pagtingin ni Vito.

"You know that I will... so please don't make me do that," mahinang sabi ni Vito.

Agad na natigilan si Shanelle.

Na para bang hindi maka-paniwala sa narinig niya.

Mabilis siyang lumabas.

Walang nagsalita sa amin.

"It's awfully quiet here," sabi ni Sancho nang pumasok siya sa pintuan. Wala pa ring guma-galaw sa amin. "So, I just heard that Iñigo's supposed to be the prosec—"

"What the fuck? Really?" sabi ni Niko.

"Yeah."

"We're screwed."

"But he resigned."

"Oh, thank God."

"Don't thank God yet," sabi ni Sancho. "Because the case is now assigned to Prosec Julia Zaldivar—Villamontes' best friend." 

***
This story is 7 chapters ahead on Patreon x

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com