Chapter 36
Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.
#DTG36 Chapter 36
"Don't believe what he said! I don't do magic, ha. Swerte lang talaga sa cases," sabi nung Tali. Hindi ko pa rin maialis iyong tingin ko sa kanya. Madalas ko siyang marinig na pinag-uusapan nila Niko... Sabi nila, ito raw iyong kauna-unahan na nagtop 1 sa Brent...
Kumbaga, legend daw 'to sa school.
Kaso hindi ko nabalitaan.
Dahil nung mga panahon na naging abogado siya ay iyong panahon na nasa Isabela ako at pilit na kinalimutan lahat ng mga masasamang nangyari sa akin sa Maynila.
Pero siguro ganoon talaga ang buhay... minsan may mga nangyayaring hindi maganda... pero naniniwala ako na dadating din iyong panahon para sa mga magagandang bagay.
"When did you get back?" tanong ni Niko.
"Ngayon lang!"
"Where's Lui?"
"He brought my things back to condo. He just dropped me off here. Urgent daw," sabi niya. Naupo siya. Naka-sunod pa rin ang mga mata ko sa kanya.
Siya... iyong maglalabas kay Vito sa kulungan?
Ang ganda niya masyado.
"So... what's up? What can I do to help?"
Tahimik akong nakikinig habang sinasabi ni Shanelle iyong mga importanteng kailangang malaman ni Tali tungkol sa kaso. Habang nagsasalita si Shanelle ay binasa ni Tali iyong minutes nung pre-trial conference. May hawak siyang pencil at may mga bini-bilugan at sinu-sulat doon.
"Magaling talaga siya?" tanong ko kay Sancho nang pumunta siya sa kusina para kumuha ng tubig. Nandun ako kanina pa naka-tayo at pinapa-nood sila.
Kaibigan ko sina Sancho at Niko... pero mas mukhang magkaibigan si Tali at Shanelle. Kaya lumayo na lang ako para bigyan sila ng espasyo.
"Top 1 sa BAR," sagot ni Sancho.
"Iba naman 'yung sa BAR sa mismong practice."
Tumango siya. "Sabagay... pero magaling si Tali. Wala pang talo 'yan na kaso."
Bahagyang nanlaki ang mga mata ko. "Talaga?"
Muli siyang tumango. "Maarte kasi 'yan. 'Di tatanggap ng kaso kapag alam niya na 'di mananalo," sabi niya na natawa. "Madaya din, no?"
"Choice niya naman..."
"Pero puro pro-bono din kasi kaso niyan."
Kumunot ang noo ko. "Ha?"
"Nagtrabaho 'yan sandali sa prosecutor tapos biglang pumasok sa mediation," paliwanag niya. "E nung nagsettle, 1 billion iyong award. Sa kanya napunta iyong 20% nun."
Nanlaki ang mata ko. "Seryoso?"
Tumango si Sancho. "Laki ng pera sa ADR," sagot niya. "Galing sa Singapore 'yan kaya ngayon lang dumating. May mediation na naman ata. Kaya siya namimili ng kaso niya kasi marami ng pera 'yan."
Ang galing niya naman.
"You two."
Sabay kaming napa-tingin nang marinig namin ang boses ni Niko. Pina-balik niya kaming dalawa roon. Hindi ko na talaga maialis iyong tingin ko kay Tali...
Girlfriend siya ni Lui? Si Lui na puro kalokohan?
"First of all... for all our sake, let's talk in hypothetical terms, okay?" sabi ni Tali. Lahat kami ay tumango. "Unfortunately, I know a lawyer who handled a very similar case, under the Judge Paras din..."
Walang guma-galaw.
Walang nagsasalita.
"See? I told you it's hopeless," sabi ni Shanelle.
"Shanelle, please," sagot ni Niko. "I only need solutions right now."
Napa-irap si Shanelle. "Because I've been telling you that we have no fight in this freaking case. Nakita mo ba iyong testimonial evidence ng prosec? Nakita mo kung gaano karami? Kung hindi pa si Tali ang nagsabi, hindi ka pa maniniwala."
Nakita ko iyong pag-igting ng panga ni Niko. Huminga siya nang malalim. Pilit na hindi pinansin pa iyong sinabi ni Shanelle.
"Solutions, please," sabi ni Niko.
Muli ay walang nagsalita.
Walang makapagbigay ng solusyon.
"Hypothetically..."
Lahat kami ay napa-tingin kay Sancho.
"Hypothetically..." pag-uulit niya. "I know some people who pay other people to admit to their crimes."
"Seriously, what the fuck!" sigaw ni Shanelle. "It's one thing na pagtakpan ni Vito iyong ginawa ni Assia, but this?! You all are insane!" sabi niya matapos kunin iyong mga gamit niya. "There's a fucking line, and this is the line!" pagpapa-tuloy niya bago siya lumabas at malakas na isinara iyong pintuan.
Para kong naririnig iyong tibok ng dibdib ko.
Parang hinuhukay iyong tiyan ko.
"Holy fuck," sabi ni Niko.
"Yeah," sagot ni Sancho. "So fucking twisted... but it happens," dugtong niya. "And it works."
Agad akong napa-tingin kay Tali.
Seryoso lang ang mukha niya.
Na para bang hindi na bago pa sa kanya ang mga naririnig niya.
Napa-tingin siya sa gawi ko. Na para bang nabasa niya iyong mga nasa isip ko. Bahagya siyang ngumiti. "Welcome to the real world," sabi niya na may malungkot na ngiti.
Ni hindi ako makapagsalita habang nag-uusap sila.
Puro hypothetically.
Para walang malabag na batas.
Puro technicality.
Gusto kong sumunod kay Shanelle.
May linya na hindi namin dapat lagpasan... ito 'yun.
"Hypothetically, how do we... do this?" tanong ni Niko.
"Hypothetically, we'll find someone who's willing to admit to committing the crime—but of course iyong kapani-paniwala. Someone who has the motive to kill him," sagot ni Sancho.
"Well, I'm pretty sure there are lots of people who hated his guts."
"Ano 'to? Blessing in disguise?" tanong ni Sancho.
"I mean... maybe," sagot ni Niko. "We need to find someone who hated him enough to kill him—someone who's convincing... And most importantly, desperate enough."
Parang gusto ko na lang takpan iyong tenga ko sa mga lumalabas sa bibig nilang dalawa.
Ganoon lang ba talaga iyon kadali?
"I want coffee. Wanna come?" sabi ni Tali habang naka-tingin sa akin. Agad akong tumayo. Hindi ko kayang marinig iyong mga pinag-uusapan nila.
Alam ko na na kayang gawin 'to ni Niko... Kahit nung nasa law school pa lang kami ay pansin ko na... Kahit sa tuwing binibisita namin si Vito ay napapansin ko iyong pag-aabot niya ng pera.
Alam ko...
Pero bakit nagugulat pa rin ako?
"It's shocking, I know," sabi ni Tali habang nasa loob kami ng elevator. "Lui told me kaka-take mo lang ng BAR?" Tumango ako. Ngumiti siya sa akin. "Congrats in advance."
Tipid akong tumango.
"But you know? Reading the minutes? It's either this or makukulong si Vito. There were lots of testimonial evidence showing that Vito's not exactly a big fan of Atty. Villamontes—that alone is very incriminating. Add to the fact also that there's no one there but him..."
"May mga tao ba talaga na pumapayag sa ganoon?" tanong ko.
"Unfortunately, yes... Some people are so poor that they'd rather sacrifice a life in exchange of the others... Mahirap magutom, alam mo 'yun?" sabi niya ng may malungkot na ngiti. "When I first heard about it, I was absolutely appalled, too... Because like Shanelle, what the heck, right? We're lawyers—we're supposed to uphold the law... but you know? Life's not black and white—there are lots of gray areas... and those gray areas? They tend to abuse."
Hindi pa rin ako makapagsalita.
Wala akong masabi.
Paano iyong tao na makukulong?
Paano iyong pamilya niya?
"Ginagawa mo rin ba 'yun?" tanong ko sa kanya.
"No," sagot niya. "Thankfully, hindi pa... but who knows, right? I don't claim to have the highest of morals—siguro when I was beginning, sobrang idealistic ko rin. But after some time in the real world, you'll realize how fucked up things really are. Kasi you'll see it first hand, e. Iyong mga kawawang nasa kulungan pa rin until now, with their cases still pending, all because of what? Iyong kalaban nila has money to waste para idelay nang idelay iyong kaso. Sobrang fucked up, to be honest."
Nang bumukas iyong pintuan, naunang lumabas si Tali at saka humarap siya sa akin.
"Sometimes, you have to do bad things to save good people," sabi niya habang malungkot na naka-ngiti.
Tahimik lang ako habang bumi-bili si Tali ng kape. Hindi niya rin ako kinausap. Kanina ko pa iniisip iyong balak nilang gawin... Nag-iisip ako kung wala bang ibang pwedeng gawin? Na ito lang ba talaga ang solusyon?
"Wala bang ibang pwedeng gawin?" tanong ko habang pabalik na kami sa condo ni Niko.
"We can actually proceed with the trial, but I'm 99% certain that Vito will get convicted. We can appeal, but you know? We can't appeal the facts—just the question of law... so medyo malabo rin. Best bet is to introduce another person—someone who'll admit to the crime."
Sinabi ko kay Vito na lalabas siya sa kulungan.
Nangako ako sa kanya...
Pero kaya ko bang sikmurain iyong gusto nilang mangyari?
Pagpasok namin ay nakita namin na nandun pa rin sina Sancho at Niko at mukhang seryoso pa rin ang pinag-uusapan.
"We have a lead," sabi ni Niko.
"Who?" tanong ni Tali. Hindi ko kayang magtanong. Ni hindi ko kayang magsalita ng kahit na ano.
Parang tanga.
Sinabi ko na ilalabas ko siya.
Pero hindi ko yata kaya.
Hindi kung ganito lang...
"Remember Kuya Jun—" Agad na napawi ang atensyon ko nang marinig ko iyon. "After Assia first told me about what happened..." sabi ni Niko sabay hinto nang saglit. "I asked someone to go there to ask about what happened. Apparently, him and his wife were at home when suddenly, the police barged in and they arrested them both..."
"Buhay pa siya?" agad na tanong ko. Dahil sa mga sinabi ni Atty. Villamontes ay—
"He's been missing for a while now, Assia... but his wife's still in prison for drug charges."
Agad na napa-pikit ako.
Ang sikip-sikip ng dibdib ko.
Bakit ang sama-sama nila?
Paano nila nagagawa iyong ganito?
"They have 3 kids... and they're being taken cared of by their grandfather who's suffering from cancer..."
Agad kong ibinaba iyong kamay ko sa binti ko at hinawakan iyon. Naka-tingin lang ako sa ibaba. Akala ko pagod na akong umiyak... pero hindi ko mapigilang malungkot... magalit... na bakit ganito sila?
Bakit parang wala lang ang buhay ng tao?
"We can talk to the grandfather—promise him that we'll take care of the kids and assure them that everything will be taken cared of..."
Pero hindi ako makapagsalita.
Patuloy lang iyong pagtulo ng mga luha.
"Wala na bang ibang paraan?" mahinang tanong ko dahil parang nawawalan na rin ako ng pag-asa sa mundong 'to... parang lagi na lang nananalo iyong mali... na kahit gusto mong gawin iyong tama, wala ka pa ring magawa...
Walang nagsalita.
Nang mag-angat ako ng tingin, doon ko nakuha ang sagot.
***
This story is chapters ahead on Patreon x
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com