Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 40

Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.

#DTG40 Chapter 40

"I swear to tell the truth and nothing but the truth, so help me God," diretso kong sabi habang naka-patong ang kamay ko sa bibliya. Panay ang paghinga ko nang malalim.

Walang makukulong.

"State your name for record."

Huminga ako nang malalim. "Assia dela Serna," sagot ko kay Tali. Tumango siya sa akin na para bang pinapaalala niya na kumalma ako... dahil ang tanging gagawin ko lang naman ay ang magsabi ng katotohanan.

"You were a student from Brent, yes?"

"Tama po."

"And Arthur Villamontes was your professor?"

"Tama po."

"Was that the first time you met him?"

"Hindi po."

"Can you walk us through your first meeting with Atty. Villamontes?"

Muli akong huminga nang malalim at tumingin lamang kay Tali. Hindi ako tumingin sa Prosecutor. Kailangan kong kumalma at magsabi ng totoo. Hindi ako pwedeng tumingin sa iba at pagdudahan ang sarili ko.

"Nakilala ko po siya nang ilipat ako sa kanya sa trabaho ko. Naging assistant po ako ni Atty. Villamontes hanggang sa kailanganin kong magresign dahil masyado ng mabigat iyong inaaral ko sa eskwelahan," diretsong sagot ko.

"And there was no contact after that?"

"Wala na po."

"But during your time there, did you two eat out or—"

"Objection. Relevance," biglang singit ng prosecutor.

Hindi nagsalita si Tali at nanatiling naka-tingin sa Judge.

"Overruled. Proceed."

Bahagyang ngumiti si Tali. "Thank you," sabi niya sa judge bago muling nagbaling ng tingin sa akin. "Where was I?" muli niyang sabi. "Kayo ni Arthur Villamontes—was your relationship with him strictly professional o lumabas ba kayong dalawa?"

Tumango ako. "May isang beses po."

"So do you mean to say that aside from being colleagues, you have a relationship with Arthur Villamontes?"

Mariin akong umiling. "May isang beses lang po na hinatid niya ako sa dorm galing sa school."

"So, there's a relationship?"

"Tumanggi po ako, pero pinilit niya—"

"Objection. Relevance, Your Honor," muling sabi ni prosecutor.

Tumingin si Tali kay Judge Paras. "Your Honor, I'm cross examining my client. All my questions are pertinent to our defense."

"Overruled," muling sagot niya. Tumingin si Tali kay Prosecutor Zaldivar na matalim ang tingin sa akin. Sa tingin niya ay nagsisinungaling pa rin ako...

Gusto kong isipin na naiintindihan ko siya...

Pero ano'ng pinagkaiba niya kay Trini?

Isang hindi nagbingi-bingihan.

At isang nagbulag-bulagan.

"Pinilit ka? Can you elaborate for the record kung paano kang pinilit ni Arthur Villamontes, Ms. dela Serna?" muling tanong sa akin ni Tali.

Hinawakan ko ang mga kamay ko habang humi-hinga nang malalim. Katotohanan. Iyon lang ang kailangan kong sabihin.

"Enrolment po bago iyong 4th year nang pumunta ako sa Brent para magtanong tungkol sa section. Nakita po ako ni Atty. Villamontes doon. Nakikiusap ako sa Dean's Office kung pwede akong magpalipat ng section, pero hindi ako pinayagan... pero nung nakita ako ni Atty. Villamontes, kinausap niya po iyong Dean's Office para payagan akong mapalipat ng section tapos ay hinatid niya ako kahit sinabi ko na kaya kong umuwing mag-isa," diretso kong sagot habang hawak pa rin ang mga kamay ko.

Nung mga panahon na iyon, may balak na kaya siya sa akin?

Kaya pinilit niya akong sumabay sa kanya?

Kahit sinabi ko na hindi ko gusto?

"Ano'ng pinag-usapan niyo nung nasa sasakyan niya kayong dalawa?"

"Tinanong niya po kung ano ang plano ko pagkatapos ng graduation... kung gusto ko bang bumalik sa dati kong trabaho... kung may boyfriend daw po ba ako..."

"Interesting..." sabi ni Tali. "Arthur Villamontes, your professor and ex-employer, was asking you for your relationship status matapos kang piliting sumakay sa sasakyan niya," pagpapa-tuloy niya. "Were there other instances that Arthur Villamontes showed you... preferential treatment?"

"Objection, Your Honor," muling sabi ni Prosecutor Zaldivar. "The question calls for speculation."

"Overruled. The defense is cross-examining, Prosecutor," paalala ni Judge Paras sa kanya.

Muling tumingin sa akin si Tali at bahagyang tumango na para bang sinasabi na sumagot lang ako base sa mga nangyari noon. Kakampi namin ang katotohanan.

Nagsimula akong magkwento tungkol sa pagiging beadle ko sa klase niya kahit na mayroong ibang beadle... lahat ng naaalala kong nangyari noon... Hindi ko na alam kung nakaka-tulong ba ang mga sinasabi ko sa kaso ko, pero gusto ko lang sabihin lahat ng nangyari noon.

"So, he insists on calling you Assia kahit na sa ibang estudyante ay apelido ang tawag niya?" tanong ni Tali.

"Opo."

"And your blockmates can attest to this?"

"Opo," sagot ko dahil totoo naman... Kahit sina Isobel ay tinatanong ako noon kung bakit ganoon sa akin si Atty. Villamontes.

"No more questions, Your Honor," sabi ni Tali nang matapos niya akong tanungin. Halos hindi ako maka-hinga sa mahigit isang oras na pagtatanong niya sa akin. Simple lang ang mga tanong niya... pero alam ko na alam niya nag ginagawa niya. May tiwala ako sa kanya.

Nang bumalik si Tali sa kinauupuan niya ay agad na tumayo si Prosecutor. Diretso ang tingin niya sa akin.

"The victim was your professor in Tax 1, right?" tanong ni Prosecutor Zaldivar.

"Tama po."

"And he chose you as his beadle when he replaced your professor?"

"Opo."

"And you said that that was him showing you preferential treatment... but was it possible that since he took your section midsem at kaya ka niya pinili bilang class beadle ay dahil kilala ka na niya dahil naging magka-trabaho kayo?"

Tumingin ako kay Tali.

Bahagya siyang tumango.

"Mayroon na po talagang beadle para sa Tax 1."

"Yes, pero ikaw ang kilala niya, hindi ba?"

"Hindi naman po kailangan na kilala ng prof para maging beadle," sagot ko. "At sinabi ko na po sa kanya dati na wala akong experience sa pagiging beadle pero nginitian niya lang po ako at sinabi na ibigay ko sa kanya iyong class record sa susunod na meeting."

Diretso ang tingin niya.

Kailangan ko lang sumagot.

Kung ano iyong nangyari.

"Let's assume that you were right—pero sa pagiging beadle mo ba na iyon, was there ever a time na humingi siya ng kahit na anong request na pakiramdam mo ay iba na sa trabaho mo bilang class beadle?"

Umiling ako. "Kinakausap ko lang po siya kapag tungkol sa subject."

"So, walang ibang pilitan na naganap bukod sa ginagawa mo bilang class beadle? Na normal naman talagang ginagawa sa law school?"

"Wala po."

"Nabigyan ka ba ng mas mataas na grade o additional grade man lang sa pagiging beadle mo sa Tax 1?"

"Wala po."

"So, iyong sinabi mo kanina na pinilit ka niyang isakay sa sasakyan niya, isa rin ba iyon sa mga assumption mo na preferential treatment? O baka naman nagmamagandang loob lang siya dahil nga magkakilala kayo?"

Tumingin ako nang diretso sa mga mata ni Prosecutor Zaldivar. "Diretso ko pong sinabi sa kanya noon na ayoko—hindi niya lang ako pinakinggan."

Nakita kong nag-igting ang panga niya sa naging sagot ko.

Bakit mahirap intindihin ang salitang ayoko?

Bakit kailangang mamilit?

Tumalikod siya at mayroong kinuha sa lamesa. Naglakad siya pabalik at saka huminto sa harapan ko.

"Ms. Assia dela Serna... Lumaki ka sa Isabela at lumuwas sa Maynila para mag-aral, hindi ba?"

"Opo."

"Para sa pamilya?"

"Para maka-tulong po."

"Para umangat sa buhay?"

"Para sa pamilya po."

"So, Assia dela Serna... probinsyana... pumunta sa Maynila para mag-aral... pagdating mo rito, ang naging kaibigan mo ay sina Nikolai Ferreira—tigapagmana ng Ferreira Group of Companies... Sanchez Cantavieja—haciendero ng Isabela... at Viktor Tobias Sartori—son of the owner of the largest oil refinery in the country," diretso niyang sabi habang naka-tingin sa akin at may maliit na ngiti sa labi. "Quite a group of friends, huh?"

"Objection, Your Honor. Vague."

"Your Honor, I'm getting to my point."

"Overrule. Get to your point, Prosecutor."

Lumapit siya sa akin at inilagay iyong hawak niyang puting folder. "Can you tell us what's on the picture?"

Tumingin ako kay Tali bago ko kinuha iyong folder. Pinaki-usapan ko ang sarili ko na kumalma dahil nakita ko na naman lahat ng 'to... Pina-kita na sa akin ni Tali lahat ng laman ng discovery para hindi na ako magulat pa...

"What's on the picture, Ms. dela Serna?"

Naka-tingin ako sa litrato ko papasok sa building nung gabi na pinuntahan ko si Atty. Villamontes para tanungin tungkol sa grades ko.

"Litrato ko po," tanging sagot ko.

"And where was this picture taken?"

"Sa building kung saan po ako dating nagta-trabaho."

"Help me, Ms. dela Serna. Mayroong timestamp diyaan. Ano'ng oras nga nang pumunta ka sa opisina ni Atty. Villamontes?"

"Alas-otso po ng gabi," mahinang sagot ko.

"And what was the date?"

"May 6 po."

"Tell me if I'm wrong, pero noon inilabas iyong finals standing niyo, tama ba ako?"

"Opo..."

"The page after the picture, Ms. dela Serna. Could you tell us kung ano ang nasa litrato?"

Huminga ako nang malalim. "Iyong grade ko po sa CommRev."

"And your grade was?"

"73."

Tumango siya. "Alas otso ng gabi... Pagkalabas ng grades... Ikaw, Assia dela Serna, probinsyana, pumunta sa opisina ni Atty. Villamontes ng alas-otso ng gabi—"

"Objection, Your Honor. Leading question," mabilis na sagot ni Tali.

Tumingin sa akin si Prosecutor Zaldivar at ngumiti. "I have no further question, Your Honor," sabi niya bago mabilis na tumalikod at bumalik sa upuan. 

***
This story is chapters ahead on Patreon x

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com