Prologue
Nandirito kami sa lumang simbahan kung saan nakatagpo ang masasaya at masasakit na karanasan sa aking buhay. Sa lugar na ito kung saan namatay ang aking minamahal na ina at masasayang alala galing sa kanya. Kapag pumupunta ako dito ay nararamdaman ko nag-iisa ako pero nawala yun nung nakilala ko siya, Ang babaeng nagpagaan ng aking loob.
Tuwing kasama ko siya ay nararamdaman ko hindi ako nag-iisa, nararamdaman ko na may karamay ako sa lahat ng bagay at nararanasan ko na...parehas kami ng pinagdadaraaan.
"Rea, sino ka ba?" Tanong ko sa kanya at siya'y tumingin sa akin at tipid na nakangiti.
Sino ka ba sa buhay ko?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com