Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

100

brey's pov

"oh, gising ka na pala." napakunot yung noo ko nung may nakita akong doctor na papalapit na sakin. nakatayo na siya sa tabi ko at nakatingin sakin, nakahiga ako sa isang.. kama? tapos may doctor? panay puti nakikita ko?

"n-nasan po ako?" napahawak ako sa ulo ko, ang sakit.

"nasa hospital." tinignan ko yung paligid. nasa isang room lang ako tapos panay puti. puti rin yung sa taas kaya nasabi kong 'bakit panay puti nakikita ko' akala ko.. akala ko.. namatay na ko.

"ano pong nangyari?" napaupo na ko pero nakahawak pa rin ako sa ulo ko. i feel better now pero masakit pa rin ulo ko, pero konti lang.

teka...

"nasan po si do--- si zaiden?" nanlaki mata ko. nasan nga pala siya? diba makikipagkita ako sa kanya?!

"BEYBEH BREY!!!!!!"

yan yung huli kong narinig.. sa pagkakatanda ko.

"sumunod ka sakin."

tumayo na ko at sumunod nga sa kanya. lumabas kami tapos naglakad papunta sa isang pintuan, nasa tapat na kami nito.

"ano pong ginagawa natin dito?"

"nakatayo," sabi niya sabay yuko. halata ngang nakatayo kami dito, "kaano ano mo ba yung lalaking yun--- si shenden?"

"zaiden po." i corrected him. he nodded.

"oo, siya nga. kaano ano mo siya?" ulit niya. ano bang sasabihin ko? chatmate?

"girlfriend po." nanlaki mata ko nung sinabi ko yun. why the hell did i say that?!

"i mean.. kaibigan po na babae." pagc-correct ko, tumango ulit siya. pansin ko lang na di siya mapakali. tapos yuko pa siya ng yuko. napakunot noo ko.

"ano pong nangyari?" feeling ko nagaalinlangan siya kung sasabihin ba niya o hindi base sa kilos niya.

"alam mo na b---" tumingin siya sakin, "may sinabi ba siya sayo na kung ano?"

ano yun? na iisa lang si zaiden at dodong?

napailing ako, "wala po."

"alam mo ba kung ano ang kondisyon niya?" kaya ko nga tinatanong diba?

"di rin po." mas kumunot noo ko, "just say it."

"bumalik na naman yung dati niyang kondisyon..."

naningkit mata ko, "ano pong ibig niyong sabihin?"

"bumalik yung brain cancer niy---"

i cut him off. pumasok agad ako sa kwarto niya, ni zaiden. napahawak ako sa bibig ko nung nakita yung kondisyon niya.

why am i even crying?

bakit ang daming may mga nakakabit sa katawan niya?

bakit?

"pakyu ka." sabi ko sabay iyak. lumapit ako sa kanya tapos hinawakan ko yung kamay niya, "bakit? bakit mo to nagawa sakin? bakit di mo sakin sinabi?!"

o baka naman di ko siya pinakinggan?

"ang sama sama *sob* k-ko..." ang daming tumutulo na luha galing sa mga mata ko.

pero...

parang may nararamdaman akong may hawak siya. napatingin ako sa hawak niya, his phone.

kinuha ko yun galing sa kamay niya. may crack na yung screen ng phone niya at basag na rin. bakit?

inopen ko yung phone niya. buti gumagana pa. good thing, walang password. pagka unlock ko nun, agad na bumungad sakin yung messages niya sakin na galing sa dad niya, kay tito zeke.

zeke: beybeh brey!!!

zeke: aw beybeh brey ko sinsnob mo na ko :--(

zeke: nagbibihis ka na ba? sabay na tayo hehehe

zeke: dejoke lang. shempre may respeto ako sayo no :)

11:32pm

zeke: beybeh brey ang tagal mo naman iseen :(

zeke: nagpapaganda ka talaga ha hehehe antagal mong magbihis eh

11:34pm

zeke: BEYBEH BREY HINTAYIN MO KO HA

zeke: I'M STUPID GABI NA PALA PUPUNTAHAN NA LANG KITA DIYAN

zeke: SABAY NA TAYONG PUMUNTA SA PARK PARA SAFE KA

zeke: WAG KA MUNA UMALIS HA

you stupid idiot! umalis na ko nun. ugh bakit di ko to napansin?! nalimutan ko pa naman yung phone ko sa kwarto ko!!

may napansin ako sa likod ng phone niya. transparent kasi yung cover niya so napansin ko yung papel. sa harap nun may nakalagay na "IF YOU ARE MY BEYBEH BREY OPEN THIS" so i opened it, i couldn't help but to smile.

to: my beybeh brey labidabs
from: your gwapoging dodong slash zaiden

hello!! heheh. hindi ko talaga alam kung saan ako magsisimula. pero ang unang pumasok sa isip ko ay, sorry. brey, sorry talaga sa nagawa ko. sa mga nagawa ko. sorry talaga. i'm so sorry. sorry kung nagsinungaling ako sayo. sorry kung sa tingin mo pinaglaruan kita dahil ako at si dodong ay iisa. sinabi sakin ng kaibigan mo, si abigail, yung mga sinabi mo sa kanya na galit na galit ka talaga sakin and you hate me so damn much. di naman kita masisisi eh, kung ako ikaw, ganun rin naman ang masasabi ko. baka nga mas higit pa dun eh.

sinabi niya rin sakin na nagustuhan mo kami pareho ni dodong at di ka makatulog kakaisip kung sino nga ba samin yung gusto mo. pero kahit naman hindi ako si dodong, ako pa rin naman yung pipiliin mo diba? alam kong loyal ka sakin eh hehehe mwa beybeh brey :* dejoke.

sorry beybeh brey, sorry kung di kita pinatulog kakaisip samin ni dodong, kahit iisa lang naman kami, kahit ako rin naman yun. sorry kung pinahirapan kita. sorry talaga. sorry sa lahat. sorry sa lahat lahat. sorry kung nasaktan ko yung feelings mo. sorry sorry sorry sorry! sorry kung pinapakilig kita sa mga chat natin. i just can't help it, gusto kitang pakiligin, gusto kong makita kitang ngumiti, gusto kitang pasayahin kahit sa chat lang. gusto kong maramdaman mo na ikaw ang pinakamasayang babae sa buong mundo.

gusto kong sabihin sayo ang lahat, lahat lahat, kung bakit ko yun nagawa, kung bakit ako nagpanggap na si dodong.

una sa lahat, nung una pa lang, di ko alam pero ang unang pumasok sa isip ko ay ang gumawa ng facebook account. i lied what i've said back then. i didn't know, mga bata pa naman tayo nun eh. remember? i said, di ako gagawa ng facebook account, o kung ano pa mang social sites kasi sisikat ako dahil sa kagwapuhan ko. pero totoo naman eh, kung nagpost ako ng mga pictures ko doon sa facebook ko, sisikat ako. tapos maraming maga-add saking mga babae. but you know what, kahit naman maraming mag add sakin na mga babae, i wouldn't accept them and would never will. ikaw lang ang ia-accept ko. hindi lang sa facebook kundi sa buhay ko. ayie kinilig ka ba beybeh brey? hehehehe.

seryoso na.

brey, sorry kasi iniwan kita nung mga bata pa tayo. sorry kung umalis ako nang walang paalam, nang di sinasabi sayo. i'm really sorry. actually, i didn't know that we would go to seoul, south korea.

that night, i was sleeping then my parents went to my room. di ko alam pero nagmamadali sila tapos nakapang bihis sila. nagulat rin ako nun nung may maleta na sa tabi ng kama ko. i asked them where were we going, at ang sabi nila, pupunta na kaming south korea. at first, hindi ako pumayag kasi ayoko talaga. at inisip kita, ayaw kitang iwanan lalo na't di ako nakapag paalam sayo. i knew na magagalit ka sakin. i knew it. pero wala akong nagawa, they forced me to go to south korea. umiyak ako nun kasi ayoko talagang umalis. ayoko kayong iwan. mamimiss ko kayo. pero wala akong nagawa kasi bata pa lang naman ako nun.

nang makadating na kami sa sokor, tinanong ko sila kung bakit andun kami, kung bakit pumunta kami dun. they didn't answer me. instead, nagkatinginan lang sila. nagaalin langan pa sila kung sasabihin ba nila o hindi. pero pinilit ko silang sabihin kung bakit. but shit, nagsisi ako na nalaman ko pa yun. sabi nila, kailangan kong magpa surgery. i had brain cancer.

for pete's sake! i was just 8 years old when i had brain cancer!! di ako makapaniwala nung nalaman ko yun. ofcourse, i was too young para magka brain cancer! i always ask God kung bakit ako pa.

at dahil nga bata pa ko, mahabang proseso yung nangyari, how to save me, and such. naging bahay ko na ang hospital for 10 years. gusto kitang makita, pero wala akong magawa. gusto kitang makausap, even through internet, di ko magawa. gusto kong maglaro sa labas, di ko magawa. lahat ng gusto kong gawin, di ko magawa. lahat naman ng ayaw kong gawin, kaya kong gawin. ayaw kong umiyak, pero iyak ako ng iyak tuwing gabi.

after 10 years, nakalabas rin ako sa hospital at wala na akong brain cancer. sobrang saya ko nun kasi sa wakas, makakauwi na rin ako diyan sa pilipinas, makikita ko na rin kayo, makikita na rin kita. pero hindi.. sabi ng mga magulang ko, i would finish my studies there in seoul, south korea. wala akong magawa kasi kailangan ko silang sundin.

i went college there and nung pumasok ako sa sing and dance club, dun ko natuklasan yung talent ko. dun rin nila ako natuklasan, sabi nila, mag audition raw ako sa ******* entertainment. nag audition nga ako, kasi pwede rin ako makapag ipon para pang uwi ko diyan sa pilipinas, by myself. kahit alam kong hindi papayag sina eomma at appa.

sumikat kami. sumikat yung group naming mansae at dun ko rin nakilala sina wonwoo, jeonghan, s.coups, woozi at vernon. alam mo bang kinwento kita sa kanila? lahat lahat kinwento ko. tong mga loko naman kilig na kilig. pfft sinuportahan pa nga nila akong umuwi ng pilipinas para makita ka. pupunta na sana ako diyan sa pilipinas pero binawalan muna ako ni manager kim. sabi niya after 2 months pa raw pwede. na disappoint ako kasi akala ko makikita na kita, pero after 2 months pa pala.

nag isip ako nang paraan para makausap ka. di ko alam pero ang unang pumasok sa isip ko ay ang gumawa ng facebook account, and i named my account as dodong. ikaw ang una kong sinearch. i searched your whole name pero walang lumabas. paulit ulit ko yun ginawa at nainis ako ng di pa kita mahanap. lahat na ginawa ko pero wala pa rin talaga. alam mo bang halos mag report na ko sa gumawa ng facebook kung bakit di kita mahanap? pfft i know i'm crazy af. pero may naisip ulit ako. ewan ko ba kung bakit naisip kong isearch ko yung name mo as 'brey' sobrang saya ko nung nahanap kita. di mo lang alam kung gaano ako kasaya nun. tumalon talon pa ko tapos sumigaw sa tuwa.

inadd kita at mas sumaya ako nang inaccept mo ko. tapos chinat kita. i know this sounds gay pero alam mo bang kinikilig ako tuwing kachat kita? alam kong ikaw rin naman eh ayie hahaha. tapos tuwing pinapakilig kita, parang ako pa nga yata yung mas kinikilig satin. alam kong kinikilig ka sa mga chat ko sayong nakakakilig at kahit na di kita nakikita, alam kong nakangiti ka habang kachat mo ko, tuwing kachat mo ko, even me.

after 2 months, nakauwi rin akong pilipinas at nag transfer ako sa school niyo. stalker ako kaya ko nalaman school mo hehehehehe!

patagal ng patagal, nag-guilty ako dahil sa mga kasinungalingan ko. na ako at si dodong ay iisa. di ko na alam ang gagawin ko, but to tell the truth. pero natatakot ako eh. lagi akong natatakot. i'm a fucking wimp. napaka duwag ko, bakit nga ba kasi ako nagpanggap na ibang tao sayo sa una pa lang? as dodong? bakit nga ba ako inunahan ng takot ko? takot ko na baka ayaw mong makipag usap sakin dahil iniwan kita ng walang paalam? nagsisi ako, brey. it is true.

until now nagsisisi ako.

akala ko, si dodong na ang magpaparamdam sayo na ikaw ang pinaka masayang babae sa buong mundo. but my thought was wrong. hindi pala, nasaktan ka rin pala niya.

sorry. sorry. sorry. sorry. sorry. sorry. sorry. sorry. sorry. sorry. sorry. sorry.

sorry, brey, kung hindi ako yun. sorry kung nasaktan kita. sorry kung ganto kondisyon ko, sorry talaga.

i just want you to be the happiest girl in the world.

hey, i know you're crying so stop before i kiss you.

siguro eto na yung huli kong masasabi sayo? i don't know. malay natin di na ko gumising.

I love you Aubrey Alvarez.

di ako makapagsalita. di ako makapaniwala. di ako makapaniwala sa nangyayari ngayon, samin, sa kanya. di ako makapaniwala na nagka brain cancer pala siya nung bata pa lang siya. hindi ko alam, i really do.

iyak lang ako ng iyak nang may humawak sa balikat ko, yung doctor, "i'm his doctor. nung nasa south korea pa. i went here para lang bantayan siya, nag aalala yung magulang niya sa kanya, sa kondisyon niya." huminga siya ng malalim, "nagsisi ako na di sinabi sa kanya na may posibilidad na bumalik yung brain cancer niya." napangiwi siya. kita ko sa mga mata niya yung lungkot.

"sabi ng magulang niya, wag ko raw sabihin yun kay zaiden kasi gusto nilang maranasan ni zaiden yung normal na buhay." napayuko siya. napaiyak ako.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com