005
Brey's POV
Kumakalabog ang puso ko habang magkaholding hands kami ni Dodong ngayon. Omg lang! Kinikilig ako! Yung titipong maiihi ka na talaga sa kilig!
"Beybeh Brey, anong gusto mo? Isaw, fishball, kikiam, kwek kwek o pagmamahal ko?" Natawa ako bigla sa huli niyang sinabi. Pabiro ko siyang hinampas. Nagtawanan kaming dalawa.
"Ang gusto ko ay sapakin ka." Sabi ko. Sasapakin ko na sana siya nang bigla niya kong ninakawan ng halik sa pisngi. Ew yak! Joke lang! Kinilig nga ako eh. Hihihi.
I glared at him, "Ngisi pa!" Hinampas ko siya sa braso niya. Pinagmasdan ko siya habang tumatawa siya. Omgs. Mas lalo akong nahuhulog sa kanya. Bakit ba kasi ang gwapo gwapo niya?!

"Lusaw na ko, beybeh Brey." Mas lumaki ang ngisi niya. Inirapan ko na lang siya at hinila papunta kay manong nagtitinda ng mga streetfoods. Nakabili naman kami agad kasi walang bumibili.
"Nagtitinda po ba kayo ng pagmamahal ni Dodong?" Natatawang tanong ni Dodong. Agad ko siyang sinamaan ng tingin sabay tingin ulit kay manong na nagtataka. Ang adik talaga ni Dodong!
"Pagpasensyahan niyo na po kabaliwan niya." napangiwi si Dodong. "50 pong kwek kwek."
Pagkatapos naming mamili, umupo kami sa isang bench doon. "Kaya mong ubusin yan?" Tanong niya. 10 kwek kwek lang kasi yung kanya, akin yung 40. 40 plus 10 equals 50. O diba talino ko! Hikhik.
"Oo naman!" Sabi ko sabay subo ng kwek kwek. Nag pout siya sabay tingin kay manong na busy sa pagluluto ng streetfoods.
"Nalimutan kong bumili ng isaw." Mas nag pout pa siya. Ack! Sarap sumuka ng rainbow, jusko! Kung maka pout naman kasi eh!
"Mamaya na lang." Sabi ko sa kanya sabay tapat ng kwek kwek sa bibig niya. Bigla siyang ngumisi at tumingin diretso sa mga mata ko. Halos manginig yung mga kamay ko dahil sa kabog ng dibdib ko. ANO BA YAN EH! HUHUHUHUHU! Lakas talaga ng epekto sakin ng Dodong na to!

Kahit na di niya pa binubuka yung bibig niya, nilagay ko na yung kwek kwek sa bibig niyang nakasara kaya natawa siya sabay bukas ng bibig niya. Inirapan ko na lang.
Oh God, I'm so inlove with him.
--
A year ago . . .
11:11pm
dodong II: hi
brey: dodong?
brey is typing...
brey: OHMAYGAHD DODONG MINUMULTO MO NA BA AKO?!?!?!?!??!?!?!
dodong II: shibal, ang cute mo talaga beybeh ko HIHIHI
dodong II: I'm not dead
brey: dodong...
dodong II: binuhay ako ng pagmamahal mo
brey: DODOOOOOOOONG
brey: WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH
brey: KINGINA UMIIYAK NA KO NGAYON
brey: NAKAKAINIS KAAAAAAAAAA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
brey: AKALA KO IIWAN MO NA KO!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
dodong II: that will never happen :)
brey: omg omg omg omg
brey: wait up, magboohs ln6 akp amdalu
brey: magbibihis lang ako sandali*
brey: pupunta na ko diyan sa hospitpl
brey: hospital*
seen 11:13pm
--
"Beybeh brey..." pinaglock niya yung mga daliri naming magkahawak. Kilergs. "Pang ilang date na ba natin to?" Ngumuso siya sabay tingin na naman sakin. Ayan na naman siya sa mga tingin niya eh. Tagos puso kasi yung mga tingin niya, nakakalambot puso. Alam niyo yun?
"69 yata." tumawa ako. "Joke lang. Di ko alam." Nag shrug ako.

"Basta hanggang sa pumuti na mga buhok natin, gagawin pa rin natin to ah?" Nginisian niya ko. Tinaasan ko siya ng kilay. Bakit parang double meaning yun? O ako lang tong may maduming utak?
"Ang... mag date?" Paninigurado ko.
"Love." Kahit love lang yung sinabi niya, uminit na ang pisngi ko. Ano ba yan?! Bakit binibigyan ko ng kahulugan yun?! Ang dirty mo, brey! Huhuhu.
"Lagi tayong magmamahalan..." bumilis heartbeat ko nang hinalikan niya yung kamay ko. "Forever."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com