072
brey's pov
nanggigigil ako. oo nanggigigil talaga ako! kanino?! malamang kay dodong! kanino pa ba?! bwisit siya eh. ang hilig mang joke. may fiancee na raw siya?! pinagsabay kami ng fiancee niya?! manloloko siya.
pero sana nagbibiro lang siya.
"mahal ka nun." biglang sabi ni arianne na katabi ko ngayon. napangiwi na lang ako sabay nguso. hindi ko tinitignan si dodong sa likuran, naiinis ako sa kanya. mamaya ko na lang siya aawayin.
andito nga pala kami ngayon sa room, sa school syempre alangan naman sa hospital diba?! okay highblood na ko, inhale, exhale.
"bakit wala pa yung dodong mo?" tanong ni arianne kaya agad akong napalingon sa likod. HA?! wala pala si dodong dito?! absent kaya siya? magt-time na tapos wala pa siya. lagi kaya yung maaga. anong nangyayari sa earth?!
"baka tumalon na ng building --- ARAY HA!" bigla akong pinalo ni arianne. alam niya ba yung word na joke?!
"ang hard mo sa future husband mo!" nag pout pa siya na parang bibe. kinilabutan ako dun ha.
"maganda kasi ako." humangin hehehe.
"BREEEEEEEEEEEY!" tawag sakin nung baklang president namin. naks naka red lipstick, "labas ka dali! tara!" nagulat ako nang bigla niya kong hinila palabas ng room. nakita ko namang sumunod rin si arianne na humahagikhik pa. ANONG MERON?!
"bakit?" pero wow, okay, hindi nila ako sinagot.
nagpakaladkad lang ako hanggang sa makarating kami sa may gitna ng campus --- BAKIT ANG DAMING TAO?! ANONG MERON?! MAY PA LECHON BA?!
"beybeh brey, naririnig mo ba ako?" biglang tanong nung isang lalakeng di ko kilala. dejoke syempre kilalang kilala ko, si dodong yun kaya kinilig ako bigla.
AKALA KO BA GALIT AKO SA KANYA?!
"gagu. sinong hindi makakarinig sayo eh naka mic ka?" natatawa kong sambit kahit na hindi niya naman ako naririnig. ang lakas kasi ng hiyawan at tilian.
nasa pinaka gitna ako tapos nakapalibot sakin yung mga tao ng pabilog at may space. sa hindi kalayuan, may nakikita akong gwapong lalakeng naglalakad papunta sakin. palakas ng palakas yung tibok ng puso ko. OKAY PWEDE MAG COLLAPSE SA KILIG?!
ngumisi siya ng malapad pagkakita niya sakin. pagkalapit niya, hinawakan niya yung kamay ko sabay luhod.
"SHET SHET SHEEEEEEEEEEEEEEEEEET!"
"AYAN NA BES!"
"KILERGS!"
mas lalong umingay yung crowd at ako naman, parang ewan na ngumiti ng malapad. ANO BA KINIKILIG AKO HAHAHAHA.
may nilabas si dodong galing sa bulsa ng pants niya. may inilabas siyang maliit na box at lechon ang nasa loob nun. syempre joke lang, alam niyo na yung nasa loob nun. ayoko lang sabihin kasi baka mahimatay na ko sa kilig. kailangan kong kumalma ---
"fiancee na kita, beybeh brey-"
"AAAAAAAAAaaaAAAAAAAAAAAAaAAAAAAAAAAH! YES! YES! YES!" bigla kong nahila pataas si dodong kaya natawa siya. sinuot niya naman yung singsing sa daliri ko sabay yakap sakin ng mahigpit.
oo, siya na yung fiancee ko, at magiging husband ko rin siya. magkakaroon kami ng anak and we will live...
...happily ever after.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com