Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Expectation VS. Reality

Okieeee. It's KaiSoo time! ㅋㅋㅋ

***

Tinawanan na lamang ni Kai ang kanyang kaibigan na si Kyungsoo nang magsimula itong magdabog dahil sa kanilang takdang aralin. Paano ba naman e, kanina pa sinusubukang pigurahin ni Kyungsoo ang sagot dito, ngunit, wala talaga syang maisip na posibleng sagot.

"Tulungan mo kaya ako imbis na tumatawa ka diyan? Binansagan ka pa namang Math Wizard, tapos hindi mo ako tutulungan?" Sumbat ni Soo kay Kai na tawa parin ng tawa. Ginulo na lamang ng isa ang buhok ng kaibigan at nagsimula na ngang magturo.

Si Kim Jongin, o ang tinatawag kong si Kai, ay ang matalik na kaibigan ni Do Kyungsoo. Sila ay magkaibigan simula pa nung.... Este, hindi pa yata sila nabubuhay sa mundong ito e magkaibigan na sila. Paano ba naman, matalik na magkakaibigan din ang kanilang mga magulang. Top 2 si Kai at ang top 1 ay si Soo. Hindi halata, 'no? Magaling kasi si Kyungsoo sa lahat ng subjects at sa Math lang talaga sya nag-aalangan. Buti na lamang at nandiyan si Kai sa tabi nya para tulungan sya sa mga hindi nya naintindihan. Sa kabilang dako naman, si Kai, marunong sya sa lahat ng subjects pero... Talagang mas higit ang kaalaman ni Soo kesa sakanya. Hindi naman sila nagkakailangan sa kabila ng pagiging magka-kumpitensya nila sa klase.

Kinabukasan...

"Salamat talaga, Kai ah. Nagka-impresyon nanaman ako kay prof. Mehehehe." Tuwang-tuwa na sabi ni Kyungsoo kay Kai habang puno pa ng pagkain ang kanyang bibig. Recess ngayon at nasa field sila ng school, nakaupo sa damuhan. Oo, dito sila madalas tumambay tuwing breaks. Mas mahangin kasi at natutuwa silang panuorin ang mga naglalaro ng iba't ibang laro.

"Wala yun. Ikaw pa?" May idudugtong pa sana si Kai doon sa sinasabi nya, ngunit may napansin sya sa gilid ng labi ng kanyang kaibigan. Napangiti na lamang sya at pinunasan ang mayonnaise na nabahid sa balat ni Soo gawa ng burger na kanyang nilalangot. Kahit kailan talaga e napakaduming kumain nito.

Masyado pang busy si Kai na pagmasdan ang kanyang kaibigan upang mapansin ang naiilang na tingin ni Soo. Ikaw ba naman, ganunin ng kaibigan mo? Hmm... Para sa'kin, wala namang masama dun. Magkaibigan naman kayo e. Hindi lang talaga alam ng isa sa ating mga bida na si Do Kyungsoo ang dahilan kung bakit sya naiilang sa mga pagkakataong ganito. Iniwas nya na lamang ang kanyang tingin at nagpatuloy sa pagkain.

'Ang cute nya talaga...' Yan. Yan ang nasa isip ni Kai habang pinagpapatuloy nya parin ang panunuod kay Soo. Tama kayo ng nabasa. At, alam nyo naman na siguro kung anong nararamdaman nya, di ba? Tama ulit. May gusto sya sa kanyang kaibigan. Hindi sya bakla.... Kaso pagdating kay Kyungsoo... Pwede naman sigurong magkaroon ng exception.

Matagal na syang may gusto sa isa, ngunit hindi na sya nagtangka pang umamin dito. Alam nyang hindi sila parehas ng nararamdaman para sa isa't isa. Siguro nga, pwedeng mahal rin sya ni Soo. Ngunit, hindi mo matatanggal ang katotohanan na mahal lang sya nito bilang isang kaibigan. Natatakot syang masira ang taon-taong pinagsamahan nila sa isang simpleng pag-amin lang. Ilang beses na nyang naisip na magtapat dito, pero gaya nga ng sabi ko, hindi nya na tinangkang totohanin ito dahil natatakot sya at alam nya na ang magiging sagot ng binata sakanya.

Madalas nyang itatak sa kukote nya na, hindi pwede. Parehas kaming lalaki at hindi pwedeng magmahalan ang dalawang lalaki. Pero, isip lang yun e. Kukote lang yon. At sa panahon ngayon, ano ba ang mas sinusunod? Di ba ang puso? Kaya, hinayaan nya na ang sarili nyang mahalin ng palihim ang kanyang kaibigan, kahit na nasasaktan na sya. Sa ginagawa nya kasing paglilihim e, mas nagiging manhid pa ang kanyang kaibigan.

Kagaya na lamang ngayon.

"Kai! 'Lika dito, dali. Daliii~" Sita ni Kyungsoo sa isa na nakapagpalapit naman nito dito habang tumatawa. "Ano 'yon, Soo?" Tanong nya nang may malaking ngiti sa mukha. Baka may hindi nanaman naiintindihan si Soo. Masaya sya na makakatulong nanaman sya sa mahal nya.

Mas lumapit pa si Soo sa tenga ng kaibigan nang may malapad na ngiti.

"Naaalala mo si Sojin?" Napakunot-noo naman si Kai doon pero dahan-dahang tumango. "Magpapatulong sana ako sa'yo na.... Ligawan sya."

Napako sa kinatatayuan nya si Kai. Akala nya ay magpapatulong lamang si Soo sakanya sa Math, dun sa bago nilang lesson. Akala nya ay hindi nanaman nito maintindihan iyon. Akala nya ay magpapatulong lang din ito sa isa pa nilang takdang-aralin.

Pero mali sya. Maling-mali.

Tinitigan lamang nya si Kyungsoo. Tumitig din naman pabalik ang binata habang may malaking ngiti na nakapaskil sa kanyang mga labi. Tumagal ang titigan nila at paunti-unting nawala ang ngiti ni Soo. "Kai?" Nabalik naman sa katinuan nya si Kai sa ginawang pagtawag ng kaibigan. Bigla naman syang sinugod ng sakit. Pinigilan nya ang sarili nyang ipakita 'yon sa kaibigan kaya naman e tumango nalang sya. Bumalik ang malaking ngiti ng isa at niyakap pa si Kai. "Salamat talaga!"

***

Dinukdok na lamang ni Kai ang kanyang ulo sa kanyang study table at bumuntong-hininga.

Ngayon ay nagsisisi na syang pumayag pa sya kay Kyungsoo sa hiling nito. Araw-araw kasi syang tatawagin nito para magpatulong ipaabot ang mga rosas o kung ano pa mang binili nya para kay Sojin. At bilang mabuting kaibigan na tumutupad sa mga pangako nito, ginagawa nya naman. At sa bandang huli, pag natapos na ang araw, saka nya lang maiisip na sya na mismo ang nananakit sa sarili nya.

Na pinapatay nya ang sarili nya sa sakit sa mga ginagawa nya.

Gustuhin man nyang patigilin si Kyungsoo sa panliligaw nya kay Sojin, hindi naman nya magawa. Natatakot kasi sya na baka imbis na tigilan ni Soo 'yon, e sya pa ang layuan nito. Baka sya pa ang iwasan nito. Mahal na mahal nya ang kaibigan na isipin nya pa lang na lalayo ito sakanya, naiiyak na sya. Tulad ngayon. Napigura nya nanaman na pinatay nya nanaman ang sarili nya sa sakit ngayong araw. Nagsimula na namang magpatakan ang kristal na bagay mula sa kanyang mata. Hinayaan nya na lamang ang mga ito at kinuha ang cellphone nya.

Nagbabasa sya ng iba't-ibang storya. Love stories kumbaga. Nakaka-bakla mang isipin, pero, nakahiligan nya na. Nakaka-relate kasi sya sa mga ito. Binuksan nya ang kasalukuyan nyang tinatapos na istorya at nagsimula sa pagbabasa.

Ginabi na sya sa pagbabasa nun. Natapos nya na yun at napatitig nanaman sa kawalan. Iniisip nya na, baka naman pwede pa sila ni Kyungsoo. Gaya ng nabasa nya. Parehas namang lalaki yun pero nagkatuluyan sila sa huli. Matalik na magkaibigan din yun at may nililigawan yung isang lalaki, pero nung nagtapat yung isa pa, sakanya parin ito sumama. Madaming tumatakbo sa isipan ni Kai ngayon. Pa'no kaya kung mangyari sakanila ni Kyungsoo 'yon? Pa'no kaya kung magtapat din sya?

Tatanggapin kaya ni Kyungsoo 'yon? Malaki ang posibilidad. Malaki ang posibilidad na tanggapin nya 'yon at maging sila. Magkaron sila ng 'happy ending' kumbaga. Maging masaya sila. Bumuntong-hininga ulit si Kai at mas nag-isip pa. Ano nga bang masama kung aamin sya? Mas maganda na nga yung umamin na sya ngayon, para kung sakali mang hindi sya gustuhin nito pabalik, hindi na sya aasa. At kung sakali mang gusto sya nito pabalik, magiging masaya na sila. Wala na syang poproblemahin.

"Bakit kaya hindi ko naisip yun?" Sita ni Kai sa sarili. Unti-unti na syang nagiging pursigidong umamin sa kaibigan. Hanggang sa matapos ang ilang oras, nabuo na ang desisyon nya. Agad syang nagplano ng mga dapat gawin. Sana lamang e tama ito. Sana lamang e makuha nya ang gusto nya, na mangyari yung nangyari sa binasa nya.

Aamin na sya. Bukas na bukas.

***

Tulad ng pinangako ni Kai sa sarili nya, andito sya ngayon, nakatago sa likod ng isang malaking puno habang may bitbit na gitara. Nasa field sya ng school nila, hinihintay si Soo. Sinabi nya sa kaibigang puntahan sya nito dito pagkatapos nyang gawin ang pinagawa sakanya ng teacher nya. Mga ilang minuto na din syang naghihintay dito para sa kaibigan, muntik-muntikan na nga syang umalis dun sa pag-aakalang hindi sya sisiputin ng kaibigan e.

Pero ayun sya, dumating. Napasinghap na lamang si Kai at mas bumilis ang tibok ng puso nya. Andito na sya, ang dapat nya na lamang na gawin ay lumabas sa puno na 'yon, kumanta, at magtapat. Pinanuod nya ang kaibigan na ilibot ang paningin sa walang katao-taong field na alam nyang bago sa paningin nito. Araw-araw kasing puno ng tao itong field, pero dahil nga magtatapat sya, nakiusap sya sa mga tao na wag pumasok 'don. Malamang e nakatago sa kung saan ang mga tao at nanunuod sa kanila. Wala silang kaalam-alam na sobrang daming tao ang nakatago sa labas ng field, pinagmamasdan sila.

Suminghap si Kai sa huling beses, at lumabas sa tinataguan nya. Agad namang napatingin si Kyungsoo sakanya, ngumiti pero napakunot-noo din nang mapansin ang dalang gitara ni Kai. Nagsimula naman itong tumugtog habang dahan-dahang naglalakad papunta sa kaibigan.

"'Cause deep down, I'm certain, I know what you'd say~

You'd say; I'm sorry, believe me, I love you... But not in that way~"

Alam ni Kai na malaki ang pag-asang mahal din sya ni Kyungsoo ngayon dahil sa mga binasa nya. Pero pinili nya pa din ang kantang iyon para ipakita sa kaibigan na hindi sya umaasa, kahit na sa kaloob-looban nya e sumobra pa sya sa sobra kung umasa. Pinagpatuloy nya 'yon hanggang sa huling galaw nya sa gitara. Kasabay 'non ang huling pagtapak nya sa damo ng field, kung saan e nasa harapan na sya ni Kyungsoo.

"Kyung."

Tinitigan lamang sya ni Kyungsoo, pero ilang segundo pa ay ngumiti ito. "Sasali ka pala dun sa contest? Akala ko naman hindi. Pero, in fairness ha, ang galing mo. Congrats. Panalo kana." At kukunin na sana nito ang kamay nya para i-shake pero agad nya itong nilayo at umiling. Kinunutan sya muli ni Soo ng noo.

"Soo, hindi ako sasali dun. Yung kantang 'yon... Para sa'yo 'yon."

"Ha?"

Humugot ng malalim na hininga si Kai, nilapag ang gitara nya sa damo at kinuha ang dalawang kamay ni Kyungsoo na ikinagulat naman nito. "Do Kyungsoo... Mahal kita. Mahal na mahal."

"Ha? Ay, hahaha. Mahal din kita, Kai--"

"Mahal kita higit pa sa kaibigan."

At dun na natahimik si Kyungsoo. Hindi sya makagalaw. Sobra syang nagugulat sa mga nangyayari ngayon. "Matagal na kitang gusto, Kyungsoo. Hindi ko lang maamin-amin sa'yo dahil natatakot ako na layuan mo. Natatakot ako na iwasan mo. Pero, napag-isipan ko... Sobra-sobra na. Hindi ko kayang itago ito sa sarili ko nang habang buhay. Baka... Sumabog lang ako ng hindi ko namamalayan."

Umiling ito, "K-kai, may mahal na akong iba. S-so---"

"Wag ka nang magsalita, Soo." At binitawan na nito ang kamay ng kaibigan tapos binuhat ang gitara. "Baka masaktan lang ako sa mga sasabihin mo. Alam kong hindi tayo parehas ng nararamdaman sa isa't-isa. Gusto ko lang sanang ilabas yung nararamdaman ko, at nagawa ko na. Sorry kung nabigla ka, ha? Sige, bye na." At nagsimula na syang maglakad palayo sa kaibigan, patungo sa exit ng field na diretso sa labas ng school.

Sa kaloob-looban nito ay sobra syang umaasang hahabulin sya ng kaibigan kaya naman binagalan nya ang lakad papunta sa kanyang pupuntahan. Iniisip nya na susunod ito sakanya at yayakapin, sasabihing parehas sila ng nararamdaman sa isa't isa. Pero, nakatapak na sya sa tapat ng exit ng field e wala parin syang naramdamang yumakap sakanya. Wala syang narinig na pumigil sakanya. Pumikit sya ng mariin, minulat ulit ang kanyang mga mata at lumingon sa kanyang pinanggalingan kanina kung nasaan si Kyungsoo.

Pero wala na syang nakita.

Hindi nya na napigilan at nagsimula nang tumulo ang mga luha mula sa mga mata nya. Masyado syang umasa. Masyado syang umasa kaya sya nasasaktan ng ganito. Kaya lang, hindi nya nakuha ang inaasahan nya dahil.. Iniwan lamang sya nito. Ni hindi man lang pinigilan... Ni hindi man lang nagpaliwanag... Basta na lamang syang iniwan.

Wala na.

Wala na yung kaibigan nya sakanya. Imbis na mawalan sya ng mahal lang, pati kaibigan, nawala. Dahil lang sa simpleng pag-amin nya na 'yon.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com