Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Beast 18




~Oh Sehun~




"Kyungsoo, matulog na muna kayo ni Baek."



"Oo nga, babe. Kami na muna magbabantay kay Seth. Sige na." 



"O sige. Pero ihahanda ko muna ang pagkain ni Master Seth baka sakaling magising na siya."



Sobrang sakit ng katawan ko. Pakiramdam ko, nakipagbugbugan ako sa sampung tao. Gusto kong bumangon at gumalaw; gusto kong imulat yung mga mata ko pero sobra akong pagod, hindi ko alam kung bakit. 



Nakarinig ako ng mga galaw at kaluskos. Bumukas at sumara yung pintuan. 



Sinubukan kong buksan ulit ang mga mata ko. Pero wala parin. Mahirap paring gawin. 



Narinig kong napabuntong hininga si Chanyeol. "Naligo ka na ba, Kai?" tanong niya sa kasama niyang si Jongin. 



"Oo naman." sagot ng isa. "Ako pa ba?" 



Natawa naman si Chanyeol at medyo matagal na walang nag-ingay sa kanilang dalawa. Pinilit ko ulit na igalaw ang katawan ko pero wala parin. Mga daliri ko lang ang kaya kong galawin. I feel so sore. Para akong nahiga ng ilang araw.



Nakarinig ako ng mga galaw at kaluskos at maya-maya... mga yapak. 



Mukhang nag-iikot sila dito sa kwarto ko. 



"Oy, Chanyeol." tawag ni Kai sa kaibigan niya. "Tignan mo tong si Seth, parang nakikita ko sakanya si Sehun. Hehehe."



Hindi naman sumagot agad si Yeol. "Talaga?" tanong nito at medyo natawa. "Paano mo naman nasabi?"



"Eh kasi yung mga gamit niya. Sehun na Sehun. Di mo ba napapansin? Ikaw tong mas matagal dito eh." sagot naman ni Jongin. 



Chanyeol scoffed. "Hindi naman ako pumapasok dito no. Si Baekhyun lang." sabi niya. "Pero... oo nga no. Kamukha nga ng kwarto ni Sehun tong kwarto ni Seth." pag-sang ayon pa niya. 



"Sobrang kamukha." natatawang sabi naman ni Kai.



Bumilis ang tibok ng puso ko. Pinag-uusapan nila ako. 



At sa huling pagkakataon, sinubukan kong gumalaw. Binuksan ko ang mga mata ko at medyo madilim na paligid ang sumalubong sa akin. 



"Seth?" gulat na bulong ni Chanyeol at napatingin ako sakanya. Nakaupo siya sa isang sofa at napatayo nang makitang gising ako. 



"OHMYGAD!" singhap ni Kai at napalapit sakin. "Gising ka na din sa wakas!" 



"Tatawagin ko lang sina Baek." sabi ni Chanyeol at lalabas na sana ng pintuan pero pinigilan ko siya. 



"Huwag." mariin kong sabi at napapikit. Sobra talaga akong pagod. Bakit ganito? "Mukhang... pagod na sina Baekhyun. Sabi mo diba?" tanong ko at napatingin kay Jongin. 



Napakunot noo siya. "P-paano mo alam yun?" tanong niya at napatingin siya kay Chanyeol. 



Ngumiti ako ng maliit. "I can hear you." i muttered. "Pero... hindi ako makagalaw." i sighed and felt my body is still in pain. 



Lumapit naman sakin si Chanyeol. "Sure ka bang ayos ka na, Seth?" tanong niya. Mukhang nag-aalala talaga siya. "We could call Kyungsoo or Luhan to look at you." 



Umiling ako. "I'm fine." sabi ko at nagrelax naman silang dalawa. Napa-upo sila sa may bandang paanan ko at nakatingin lang sakin. Ngumiti naman ako at saka ko lang narealize kung gaano ko namiss tong dalawang to. 



I can't believe... i hurt them in the past. 



"Does my room really look like Oh Sehun's?" tanong ko at ngumiti sakanila ng maliit. Even smiling is hard for me. 



Ngumiti naman ng malaki si Kai at napakamot ng ulo. "Pati pala yun, narinig mo." natatawang sabi niya. "Well, yeah. Sobrang kamukha. Pero teka... paano mo kilala si Sehun?" tanong niya habang nakakunot noo. 



"Naririnig ko siya kina Luhan at Baek." pagsisinungaling ko. "Luhan's... mad at him." 



Napa-iling si Chanyeol habang natatawa. "Oo nga pala." sabi niya habang nakatingin sa malayo. "Medyo inis pala si Luhan kay Sehun." 



"I heard he's a bad guy." bulong ko at naramdaman ang paninikip ng dibdib ko. Hindi dahil may petal na naman na nahulog kundi sa sobrang lungkot.



Kaharap ko na ngayon ang dalawang taong sobra ko ding nasaktan noon. 



"Minsan." Kai shrugged. "Pero hindi naman totally, Seth." sagot niya. 



Tumango naman si Chanyeol. "He's just... misunderstood." 



Bakit ganun? Kahit gaano ko sila nasaktan noon, ganito parin sila sakin? Kahit ilang beses ko silang pinakitaan ng masama, mabubuti parin silang kaibigan. Sina Chanyeol at Kai... totoo sila. 



The friendship they showed me... it's real. 



"Pero..." i started and looked away. "Sinaktan din niya kayo noon diba? Pinagsalitaan niya kayo ng masasakit na bagay. He even talked sht about Baekhyun and you, Chanyeol. Tinakwil niya kayo. He's not a real friend." i whispered and i realized how true the words are. 



"Nako," sabi ni Kai at napabuntong hininga. "Alam mo Seth, Sehun's our bestfriend. Simula bata, kami na ang magkakasama. Memorize na memorize na namin ang lahat ng sikreto ng bawat isa. Alam namin, masama ang budhi nun pero, alam mo ba yung feeling na kahit ganun siya, tanggap mo parin?" 



I smiled bitterly and nodded slowly. 



"At saka..." singit ni Chanyeol. "Ayaw naming maging bakla sa harap mo ah. Hehe. Pero lalake ka naman kaya sure akong maiintindihan mo kami. Si Sehun... may mga bagay lang siyang hindi maintindihan kasi nga, ayaw niyang intindihin. Pero Seth, sinasabi ko sayo, mabuting tao yun. Alam mo kapag may kailangan kami ni Kai, isang tawag lang, andiyan na yan. Pero syempre, mataas ang pride, hindi nagpapahalata na nag-aalala na talaga siya. Kaya mahal na mahal namin yun eh. As a brother, siyempre."



My tears started to flow and i looked away. Buti nalang hindi nila napapansin yun. Thanks to all these fur covering my face. 



Natatandaan ko yung isang gabi na yun. Heart broken si Jongin at naglasing sa isang bar. Tumawag siya sa amin ni Chanyeol... sabi niya magpapakamatay na daw siya. Sobra kaming kinabahan at natakot noon. 



Pinuntahan namin lahat ng bar hanggang sa nahanap namin siya. We were dead worried and seeing Kai okay was a major relief. 



Napa-sigh si Kai. "I really hope... he'll be back soon." bulong niya. "Sobrang... miss na namin ang kasamaan niya." he laughed and Chanyeol did, too.



"At sana... sa pagbabalik niyang yun, matanggap na niya kami ni Baek." sabi ni Chanyeol at bakas sa mukha niya ang lungkot. 



Napatango naman si Kai. "Lalo naman kami ni Kyungsoo." sabi niya. "Hindi pa niya kasi nakita si Kyung eh." napangiti naman siya ng maliit at halatang kinakabahan. 



I gave them an encouraging smile. 



"Sigurado ako," bulong ko at tumingin sa mga mata nila. "Pagbalik ni Sehun, magbabago na siya. Matututo na siyang pahalagahan ang lahat ng meron siya. He'll never be that same cold guy again."



I blinked back the tears pero patuloy parin sila sa pag-agos sa mukha ko. 



Chanyeol smiled and nodded. "Friendship would never be the same without him, you know." sabi niya na mas lalong nagpa-iyak sakin. 



These guys! Sobra-sobrang importante nila sakin at ngayon ko lang nare-realize lahat ng yun. Sobrang sayang lahat ng oras na sinayang ko sa pang-aaway sakanila. I want my time back. 



I want my moments with them back. 



But it's too late. 



"Jongin," tawag ng isang boses papasok sa kwarto ko. "Pakibigay nalang ito kay--"



Napatigil si Kyungsoo nang makitang gising na ako. "Master?!" gulat na sigaw niya at tumabi sakin. "Oh my god, akala ko hindi ka na magigising!" sobrang saya ng itsura niya at tinabi niya sakin yung pagkain ko. Hinawakan ni Kyung ang magkabila kong balikat at tinignan ako kung may problema ba sa akin. 



Napakunot noo naman ako at natawa ng mahina. "Relax, Kyung." sabi ko habang palihim na pinupunasan ang mga luha ko kanina. "Ilang oras lang naman akong nakatulog ah." 



Umiling si Kyungsoo at tinignan ako ng mainam. "Master..." simula niya at bakas ang pag-aalala sa mukha niya. "Tatlong araw kang nakatulog." 



Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Parang tumigil ang mundo ko at biglang bumilis ang tibok ng puso ko. 



Kung tatlong araw akong nakatulog... paano na yung rosas?!



"A-ano?" gulat na bulong ko habang nagpalipat lipat ng tingin kina Kyung, Chanyeol, at Kai. "T-tatlong araw?" 



Tumango ng magabal si Chanyeol. "Oo, Seth." sagot niya. "Kaya nga... nagtataka kami kung bat hindi ka naghahanap ng pagkain." 



Napatingin ako sa box sa itaas ng cabinet ko. Itinuro ko yun at naramdaman ang pag-init ng mukha ko dahil sa kaba. "Paki-abot, please." bulong ko at halos hindi na ako makapagsalita dahil sa kaba. 



Agad naman na kinuha ito ni Kai at iniabot sakin. 



"May pagkain ba diyan, Seth?" tanong niya pero hindi ko na siya narinig. Puno na ng pag-aalala ang katawan ko. 



Paano kung naubos na ang mga petals ng rosas? Hindi ko manlang namalayan.



Binuksan ko ito agad at nanlumo nang dalawang tuyong petals ang natanggal mula sa pulang-pulang rosas. Pinulot ko ito at napaluha nalang. 



Nasayang ang dalawang petals sa tatlong araw na pagkakatulog ko. 



Dalawa nalang... dalawang petals nalang... 



"Kyungsoo!" 



Napatingin kaming apat sa isang Baekhyun na naluluhang pumasok sa kwarto ko. May hawak siyang telepono sa isang kamay at namumula ang mukha sa takot. 



"Babe?" tanong ni Chanyeol at agad siyang nilapitan. "A-anong problema?" 



Tuluyan nang napaluha si Baekhyun at napatingin sakin. "M-master..." sabi niya at napahikbi. "Yung papa niyo po... pupunta po dito." natatakot na sabi niya. 



"Ano?" gulat na sabi ni Kyungsoo. "Kelan daw?!" 



"Galit na galit siya, Kyungsoo." iyak nito. "Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko din alam kung kelan, Kyung. Hindi ko alam." niyakap siya ni Chanyeol at umiyak ito sa mga bisig niya.



Napa-iling ako at hindi alam ang sasabihin. 



Darating si Daddy? 



Napatingin ako ulit sa box ng rosas. Kung saan dalawang petals nalang ang meron. 



Ano nang gagawin ko? Paano na si Luhan at ang nararamdaman ko para sakanya? 




*****


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com