Beast 2
~Lu Han~
Habang nilalagay yung mga gamit ko sa locker, isang kamay ang pumatong sa braso ko. Lumingon ako at nakita ang isang Byun Baekhyun--- kasama ko sa isang organization--- na nakatayo at may inaabot sa akin.
"Ano yan?" tanong ko at kinuha yung folder na binibigay niya.
"News." sagot niya. "Paki-edit nalang ah. Ang dami ko pa kasing gagawin na editing sa feature stories. Sabi ni Suho, dapat matapos nating i-compile by the end of this week yung mga articles para sa school paper."
Tumango ako at binuklat yung folder. "Sino palang gagawa ng news para sa darating na party?"
Kumunot ang noo ni Baek. "Hindi ko alam eh." sagot niya. "Ikaw, kung gusto mo. May date ka ba?"
Natawa ako sa tanong niya. "Mukha ba akong may date?" natatawang sagot ko. "O sige, ako nalang. Tutal ako din naman mag-eedit ng news."
Ngumiti siya ng malaki at pinat ako sa balikat. "Thank you, Luhan! You're the best!" masayang sabi niya at naglakad palayo.
Pinanood ko nalang si Baek maglakad palayo hanggang sa isang nakakagulat na pangyayari ang nakita ko.
Biglang lumapit si Park Chanyeol kay Baekhyun at may sinabi. Hindi ko marinig kung ano kasi malayo na sila pero biglang namula si Baek at umiwas ng tingin.
May sinabi pa ulit si Chanyeol at maya-maya, tumango ng mabagal si Baekhyun. Tapos sobrang saya ng mukha ni Chanyeol. At sabay silang naglakad palayo.
Anong nangyari?! Baka pag-trip-an lang ni Chanyeol si Baek! Mabait pa naman yun!
"OMG!" sigaw ng babaeng katabi ng locker ko. "OMG TALAGA!"
Napatingin ako sakanya at sinundan kung saan siya nakatingin. OMG nga talaga.
Sabay na naglalakad sina Sulli at Sehun sa hallway. At ang nakakagulat pa, MAGKA-HOLDING HANDS SILA. Lumampas sila sa tapat ko at bakas ang gulat sa lahat ng taong nilampasan nila.
"Mangkukulam yung babaeng yun!" sigaw nung babae sa tabi ko sa kaibigan niya. "I'm sure kinulam lang niya si Prince Sehun."
Tumango-tango naman yung kaibigan niya. "I agree!" sigaw din nung isa. "Maniniwala pa ako noong si Jane ang girlfriend ni Sehun! Pero siya?! Like OMG! NO!"
Umirap yung isa at naglagay ng lip gloss sa labi. "Well..." simula niya at ngumisi. "I'm sure, paiiyakin lang yan ni Sehun. Si Jane nga na sobrang ganda at sexy, iniwan niya. Yan pa kayang hukluban na babaeng yun! Sehun just want another toy to play."
Sabay silang natawa at naglakad palayo.
Another toy to play?
ARG! Nakaka inis talaga ang mga ganung lalake. Oo, aaminin ko, gwapo si Sehun at yung barkada niya. Crush ko nga siya noon eh. Pero nung nalaman ko ang tunay niyang ugali, BWISIT LANG! Mali ang magkagusto sa masamang tao. Maling-mali.
Sinara ko yung locker ko with force at naglakad papunta sa next class ko. Kung saan... kaklase ko si Sehun.
Sa likod ko naka-upo sina Sehun at Kai. Kahit pa sobrang ingay nilang dalawa madalas, pinipilit kong hindi sila pansinin kasi nagco-concentrate ako! Kailangan, hindi mawala yung scholarship ko dito sa academy.
Nag-didiscuss yung teacher namin nang magsalita si Kai.
"So ano na, Sehun?" bulong niya. "How's the plan?"
Napatawa ng mahina si Sehun. "Okay lang." sagot niya. "It's so easy! Hindi manlang ako pinagpapawisan."
I rolled my eyes. Kadiri talaga tong mga lalakeng to.
"Naiinlove na ba siya sayo?" tanong ni Kai. Halata ang excitement sa boses niya.
"Siyempre naman." mayabang na sagot ni Sehun. "I would break up with her during the party. Sa harap ng maraming tao. How's that sound?"
Biglang natawa si Kai kaya napatingin sakanya yung teacher at pati na din yung buong klase. Pero nag-peace sign lang siya at tumungo. Umirap yung teacher at nag-discuss ulit.
"Mukhang exciting yan ah." sagot ni Kai. "I'll be watching."
"May date ka na ba?" biglang tanong ni Sehun.
Napatahimik ng ilang seconds si Kai. "E-ewan." bulong niya. Medyo nailang ata siya sa tanong ni Sehun.
"Psh." sagot ni Sehun. "Siguraduhin mong maganda yan ah."
Natawa si Kai pero medyo kinakabahan yung tawa niya. At hindi na siya sumagot. Eh sino naman kaya ang date ni Kai at medyo kinakabahan siya?
Mukhang maraming mangyayari sa darating na college party.
Pero... Kailangan kong sabihan si Sulli. Kailangan niyang malaman ang balak ni Sehun.
"Sulli! Sulli! Teka lang! Huy!"
Patakbo akong lumapit kay Sulli habang umiinom siya sa drinking fountain ng school. Napatingin siya sakin at ngumiti.
"Oh, Luhan." sagot niya. "May kailangan ka ba?"
Hingal na hingal ako kaya tinaas ko muna ang isa kong kamay. "W-wait lang." bulong ko at saka naghabol ng hininga.
Natawa siya at inayos ang bag na hawak niya. Napangiti siya. "Parang alam ko na ang sasabihin mo ah."
Napakunot noo ako. "Alam mo na?"
Napa-shrug lang siya. "Ewan. Try me." sabay tawa. Nakakatakot talaga tawa neto. "Ano ba yun? Sabihin mo na, dali. May next class pa ako."
Lumunok ako at nag-ipon ng lakas ng loob. "Kayo na ba ni Sehun?" tanong ko.
Ngumiti siya. "Oo." sagot niya. "Bakit? May gusto ka ba sakanya?"
Umiling ako agad. "Wala!" depensa ko. "Iniisip lang kita."
Napangiti siya. "Ha? Anong sinasabi mo?" sabi niya at nag-cross arms. Mukhang interesado talaga siya sa sasabihin ko.
"Niloloko ka lang niya." sabi ko at hinawakan siya sa balikat. "Narinig ko sina Sehun at Kai na nag-uusap sa klase kanina. Pinagti-trip-an ka lang ni Sehun. Hindi ka niya mahal. Sasaktan ka lang niya, Sulli."
Huminga ng malalim si Sulli at ngumiti lang. "Alam ko."
Napakunot noo ako. "Alam mo?" gulat na sabi ko. "Eh bat hinahayaan mo lang?"
Umiling siya at inayos ang buhok niya. "I'm giving him a chance to change. Baka ma-realize niya one of these days na masama siyang tao."
Teka. Wala akong maintindihan sa sinasabi niya. Ano bang magbabago? Bat magbabago si Sehun?
"Teka." sabi ko. "Hindi kita magets."
Umiling siya at ngumiti. "He needs to change." seryoso niyang sabi. "Kailangan niyang magbago kundi mawawala lahat sakanya."
Hindi ko alam pero kinilabutan ako sa sinabi niya. Bat ba pakiramdam ko, ibang tao ang kaharap ko?
"Alam kong hindi mo maintindihan." sabi niya at napabuntong hininga. "But time's running out for him. Tinutulungan ko lang siya."
Umiling-iling ako. "Ang ewan mo kausap." i sighed.
"I know right." sabi niya at natawa. "By the way, see you sa party. I bet marami kang mawi-witness na hindi mo aakalain. Good luck."
Matapos nun ay agad siyang tumalikod at naglakad palayo.
Sino ka ba Sulli? Bat ba pakiramdam ko... may sikreto kang kakaiba.
*****
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com