Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 3

Yannie's POV

Kinabukasan....

"Girls!!!!!" Sigaw ni Dianne ng makalapit sila ni Ar samin. Nabatukan naman agad sya ni Ar dahil sa sobrang kaingayan nya.

"Aray! Pag ako nagka hemorrhage sa kakabatok nyo, ipapasagasa ko kayo sa truck!" Sigaw nya. But we just rolled our eyes at her.

Nandito kami ngayon sa Soccer field. Nakaupo sa bleachers. Kanina pa kasi naguusap usap tong sila Marie tungkol daw sa igaganti nila dun sa mga lalaki.

"Bakit ba kasi kayo gaganti pa dun? Pwede ko namang kausapin si Dyllan to stop" ako. Inirapan nila ako. I sighed. Kanina pa nila ko kinokontra.

"No girl! Wag na wag kang mag pi please sa mga yun! Aba! Ikaw na nga siniraan ng kotse tapos ikaw pa magsosorry?! That's not makatarungan!" Keys kaya sya naman ang nabatukan ni Cassie.

"Ako naman---" Marie cut me off. Pansin kong parati nalang nilang pinuputol amg sinasabi ko. -_-

"No. It's not your fault. Hindi pa ba enough ang lahat ng nangyare sayo para pamalit sa lahat ng nasabi mo sa kanya? If he only knew. Malamang di na yun gaganti sayo. Pero girl, kotse natin yung dinamay nila! Hindi pwedeng walang kapalit!" Marie.

Yun na nga eh. If he only knew, pero ayokong sabihin sa kanya. I will never give him reason to pity me.

I rolled my eyes at them. The i sighed. Of course, kahit anong mangyare. Kasama ako ng girls. Kahit sa away, sa gulo, sa giyera! Kahit sa pag susuicide pa. Joke! Basta kahit saan pa yan! I'll never leaved them! We are one kaya!

"Aha! Alam ko na! Hah! Buwiset sila! Lintek lang ang walang ganti!" Dianne.

"Luma na yang kasabihan na yan eh! Pero ano bang naisip mo?" Cassie.

"Spray paint" then dianne smirked. Mukhang alam ko na to ah -_______-

"HAHAHAHA! Tama! Tama! Hah! Kala nila ah! Ngipin sa ngipin! Kotse sa kotse! Bwahaha-- ARAY NAMAN!" Cassie. Nabatukan din tuloy sua no Dianne. Lumang phrase din naman yun ah? Malala na sila.

Ewan ko sa kanila. Goodluck samin kung magawa man namin to -.-

-

"Girls! Girls! Tara! Dito na yung shop!" Sigaw ni Dianne, kaya sinundan na lang namin sya.

"Dali! Ate! Pakibilisan ang pag babalot! Malelate na kami sa class!" Sigaw naman ni Keys.

"Ang ingay nyo! Mahiya nga kayo -.-" Ako.

"I don't care! Excited na ko sa magiging reaction nila sa gagawin natin! HAHAHAHA! Buwiset sila!" Keys.

"Oo na -.- Dalian nyo nalang" Ako.

Paglabas namin sa shop, tinignan namin yung mga binili namin. Binigyan ako ni Marie ng paper bag na may laman ngang sray paint. Tinignan ko yun at napailing. Color blue pa talaga. Alam na alam talaga nilang hindi ko sila tatanggihan basta may kasamang blue eh =3=

"HAHAHAHAHA! That reaction girl! Tara na! Tara na!" Marie at naglakad na papunta sa kotse nya. But then she suddenly stop nung nag salita ako.

"This is against the school rules girls" Ako. Then i raised my eyebrow. Alam naman nilang running for honors kami tapos gagawa ng kabalastugan? Baliw talaga tong mga to. Alam kong gustong gusto nilang gawin yung bawal. Pero kasi nga diba? We choose this reputation we have.

"Break some rules girls. I know you all want this, don't you? Hindi lang naman revenge sa kotse ang gusto kong gawin natin eh. Gusto ko ring maranasan yung-- you know? Lumabag sa school rules. We lived like a robot in school. It's time to learned to control your own self. Yung hindi kinokontrol ng teacher, ng professors, ng principal, ng lahat ng Faculty members. So ano? YOLO tayo?" Marie then she winked at us. Nagkatinginan kami. Then we smirked.

Yeah right. Sometimes a perfect students want to be a rebelled students too. Like us. Mahirap maging perfect sa mata ng ibang tao. Yung kahit gusto mong gumawa ng hindi tama-- hindi pwede. Dahil para sakanila, perpekto ka. You can't failed everyone's expectation dahil mapapahiya ka.

Yes. We're smart, talented, and pretty. They called us god given. Pero hindi pa pwedeng-- ang smart, maging tanga? Ang talented, maging talentless? Ang pretty, maging ugly? Ang perfect, maging imperfect?

Kapag imperfect ka kasi, walang makakapansin sayo. Walang hahanga sayo. Na kapag bumagsak ka, walang may pake. Yun bang, nakakakilos at nakakagalaw ka ng hindi tinitignan ang performance mo. Ganun kasi kaming anim. We are a living princesses. Nahihirapan kaming gumawa ng hindi tama dahil maraming nakatingin samin. I think, it's time to go out of our oh-so-called "tittle"

I looked at them, then i smiled. Yeah right. Break some rules yannie.

Dianne's POV

Pagdating namin sa school, bumaba agad kami sa kotse. Yes! Excited na ko mamaya sa art na gagawin ko sa kotse ng mga damuhong yun! *smirk* Kala nila ah! Lintek lang talaga ang walang ganti! Buwiset sila! Akala nila ah!

At isa pa, tama kasi si Marie. Oo nalalabas namin yung ugali namin. Yung totoong ugali namin, yung mataray, masungit, suplada. Pero di namin magawa ang gusto namin. Gustong gusto kong mag vandalism sa pader. Gusto ko kasing itry yung talent ko sa arts ^_^ Gusto kong asarin yung mga teacher kong panot. Pano kasi, mukhang manyak. Badtrip -_- Gusto kong mag cutting. Gusto kong umabsent na walang dahilan. Gusto kong hindi gumawa ng projects. Gusto kong mag hang out with girls kahit 1 day lang. Gusto ko yung wala kaming pake sa iisipin ng iba.

Andami kong gusto no? Eh bakit ba? Gusto naming itry yan ng girls eh. Nakakainggit kasi yung bitch perfect eh. Oo kaaway namin sila, they maybe insecure because of the reputation and the tittle we have. But they don't know the feeling of being on the top. Hindi nila alam kung gano kataas yung expectation ng mga teachers samin na sometimes, nakakasakal na. Kung sila inggit samin? Aminin man naming girls o hindi, inggit din kami sa kanila. The can do what they want. They can lived free in this school.

Tama na ngang drama! -____-

"Girls! Dalhin mo na natin to sa locker! Baka may makahalata eh! Mahirap na! Makatunog pa yung boys" Sabi ko sa kanila. Tinignan naman nila ako at nag isip. Napaatras ako sa kanila. Ang creepy kasi ng tingin nila sakin -_-v

"Hoy! Ano ba yang tingin na yan! Ang creepy ah! Nakakatakot!" Ako. Kaya nabatukan ako ni Arianne. Grabe talaga tong mga to sakin! Ang sama!

"Tsk! Okay na sana dianne eh! Matino na yung suggestion mo, may pahabol pa pala. Oh sige na, ikaw na magdala nyan dun ah ^_^." Sila.

"Mahal nyo talaga ako no?" Ako at nag pout.

"Obvious ba dianne? HEHE ^_^" Yannie. Kaya lalo akong sumimangot. Kinuha ko na yung mga paper bag at dumiretso na papasok sa gate ng lockers.

Pagpasok ko dun, medyo madilim. Katakot ah -_- Joke lang. Black belter to no!

After kong masara yung pinto ng locker ko, may narinig akong kaluskos. O.O

"S-sino yan?" Ako at tumingin sa kanan ko.

"Ah gagooooo!" Sigaw ko ng biglang sumara yung pintuan ng locker sa kaliwa ko. Tinignan ko kung sino yun at nakitang si Chester the Poker faced pala yun

"WALANGYA KA! PAPATAYIN MO BA KO SA TAKOT?!" Sigaw ko sa kanya. Tinaasan nya lang ako ng kilay at tumalikod na habang nakapamulsa.

Ah ganun ah! *POK*

"ARAY!!" Boom! Headshot! Nice dianne! HAHAHAHA.

"Hoy! Bakit ka nambabato?!" Sya at biglang lumapit sa akin. Tinaasan ko din sya ng kilay. Hah!

"Bakit ka ba kasi nandito?!" Ako

"Bakit?! Sayo ba tong locker's area?!" Sigaw din nya sakin. Akala ko ba, pipi to? -_-

"Wow! Nagsasalita ka pala! Akala ko napipi ka na!" Ako. Inirapan nya ko at tinakpan ang bunganga ko.

"Napakaingay mo! Daig mo pa yung manok! Tilaok ng tilaok!" Siya.

Kinagat ko yung kamay nya kaya agad syang na pa cursed. HAHAHAHAHA! Ang pangit ng lasa ng kamay nya! Pwe!

"FYI! Mas maganda ako sa manok-- ah no, WALANG PANAMA ANG MANOK SAKIN! BUWISET KA! IPAG COMPARE BA NAMAN AKO SA MANOK! GAGO! IKAW MUKHA KANG AMPALAYA!!!" Ako

"Alam mo? Wala kang sense" siya at tumalikod na ulit, pero hinatak ko sya at sinapak sa mukha. HAHAHA!

"PARA YAN SA KOTSE NAMIN!" Ako sabay tuhod sa "where it hurts the most" nya.

"PARA YAN SA UGALI MONG KASING PAIT NG AMPALAYA! BUWISET! MAKALAYAS NA NGA! HMP!" Ako at tinalikudan na sya. Narinig ko pa syang namimilipit sa sakit at tinatawag ako kaya lumingon ako at binelatan sya. HAHAHA! 1 point for you Dianne!!

Marie's POV

Ang tagal naman ng bruhang yun -_- kanina pa yun ah. Ano? Natabunan na ng lockers?

"Ang tagal naman ni dianne" Reklamo ni Keys. Nandito na kami sa classroom namin. Hinihintay namin si Dianne. Buti wala pang prof. Napansin kong nakangisi ang barkada nila Chester. Kung pwede ko lang sipain ang mukha nila para matanggal yang ngisi nilang yan. Baka kanina ko pa ginawa. Kaimbyerna ah -______-

"Hoy! Babaita? San ka nanggaling? Ba't ang tagal mo? Anong ginawa mo?" Yannie. Nandito na pala si Dianne. Tumabi na sya sa tabi ni Arianne.

"Bakit ka ba nakangisi dyan? Anyare sayo?" Arianne. Napansin ko nga -_- Parang tangang nakangiti ng malaki. Napatingin yung limang lalaki sa amin. Tumingin din sa kanila si dianne. Ngumisi lalo si dianne kaya nagbago yung ekspresyon nung limang kulugo.

"Let's just say... It's pay back time" dianne tsaka kami kinindatan. Upon hearing that. Sabay sabay na tumayo yung lima at naglakad palabas ng classroom. Kaso unfortunately for them. Bumungad sa tapat ng pinto ang terror physics teacher namin. Pft. HAHAHAHA.

Nagkatingin kaming anim at palihim na natawa sabay thumbs up. Napapoker face yung lima sabay balik sa upuan. Nagulat ako ng tingnan ako ng isa sakanila. Yung nakakalaban ko sa taekwondo. He's staring at me, blankly. Luh? Problema nito?

There's really something in his stares that makes me uneasy. Psh. Bahala sya, di ko naman sya kilala -_-

-----

Yo~ ^_^ Hahaha! Thanks for reading! Godbless :))))


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com