Chapter 15
Chapter 15
I did as I was told—and it wasn't as if may choice ako kasi lagi din akong chine-check ni Atty. Serrano tungkol sa progress ko. We'd meet once every two weeks. He asked me prior kung ano iyong mga topics na nahihirapan ako. Then he'd give me a one on one lesson tapos ay may pa-exam din siya.
"You don't always have to use the ALAC method," sabi niya after niya basahin 'yung isang sagot ko. "For questions like this, you can just directly cite the provision after you answered with a yes or no," he explained. "Kapag sigurado ka sa sagot, idiretso mo na kaysa magpaliguy-ligoy ka pa."
Tumango ako habang nagpapaliwanag pa siya sa mga pwede ko pang iimprove.
"Thank you, Sir," sabi ko nung natapos kami. Alam ko naman na madami siyang ginagawa sa trabaho niya, but he still made time to help me.
He just gave me a small nod. "Last stretch," he said. "I know it's hard, but topnotcher is forever."
"Ano'ng pakiramdam, Sir?" I asked. Napa-tingin siya sa akin. "Ng top 1?"
"Like I'm on the top of the world," he replied. "Dadami din iyong mga kaibigan at kamag-anak mo bigla," pabirong dugtong niya kaya naman natawa ako.
"Baka ikaw lang kasi 'yung kakilala nila na lawyer, Sir," sagot ko na lang sa kanya. Kapag abogado na ako, I honestly wouldn't mind iyong mga magtatanong sa akin... of course as long as hindi naman sila demanding. Ang hirap din kayang mag-isip. Saka ang hirap din kaya magbigay ng legal advice lalo na kapag 'di mo naman alam lahat ng facts sa kaso. Mamaya mali pa masabi ko tapos mapahamak pa sila dahil sa 'kin.
Tsk.
Bakit ba iniisip ko na agad 'to e hindi pa nga ako nakaka-pasa sa BAR?
"What's your plan?" biglang tanong ni Sir. "After the BAR."
I shrugged. "Wala pa, Sir," sagot ko sa kanya. Nakita ko na naman iyong bahagyang pagkunot ng noo niya. Sobrang opposite ata kami nitong si Atty. Serrano. Base sa pagkakakilala ko sa kanya, siya iyong tao na bata pa lang siguro e planado na lahat ng gagawin niya sa buhay. Siguro naka-plano na sa kanya maging law student tapos ay magtop sa BAR.
I slightly tilted my head to the side. "BAR bet ka nung time mo, Sir?"
Bahagya na naman siyang natawa. "Seriously, Italia, you talk about 'my time' as if I'm decades older than you."
I just gave him a small smile. Nung merong 'something' sa amin ni Lui, for a moment, naging delulu talaga ako. Aaminin ko naman. Kaya dito kay Atty. Serrano, ayokong maging delulu... But he's so nice to me and he always goes out of his way to help me. Alam ko hindi naman ganito kapag mentor. Kasi iyong mga kakilala ko dati, hindi naman ganito. At most, they'd get one dinner the whole BAR season with their mentor.
Kaya lagi akong gagamit ng po just to remind the both of us na may pader sa pagitan namin.
I just refused to be that girl again.
"But yes, I was the 'BAR bet,'" he replied with air quotes.
"Nakaka-pressure siguro noh, Sir? Na ang daming nag-e-expect sa 'yo."
Umiling siya. "On the contrary, it pushes me to do better," he said tapos ay tumingin siya nang diretso sa mga mata ko. "You're my BAR bet."
Bahagyang napaawang iyong labi ko. But then I quickly regained my composure at saka ngumiti lang ako sa kanya. "Nakaka-pressure naman 'yan, Sir, pero I will do my best."
And I did exactly that.
I studied day in and day out. I would wake up at 7AM and begin studying. Kapag magbbreak ako, I would make sure na 15 minutes lang tapos ay balik na ako sa pag-aaral. I would only take a half-day break tuwing Sunday kapag pupunta iyong family ko para magdala ng pagkain para sa 'kin.
It was so different from what I usually did back when I was still a student. Ngayon lang ako nag-aral nang ganito. Pero laging pinapaalala sa akin ni Atty. Serrano that I just have to endure for a few months...
But it wasn't as if I was expecting to top the BAR exam. Gusto ko lang talaga pumasa. Because honestly, what were the chances na magtop ako e hindi naman ako honor student nung undergrad pa ako? Still, I wanted to do my best. It was doing me good. Hindi ko na naiisip iyong mga bagay na ayokong isipin.
Then came the much dreaded BAR exam.
Ayoko sana talaga na magcheck-in kasama iyong mga schoolmates ko, but I figured that I should just push through for the whole month. Mas okay kasi talaga kung nasa same hotel ako. Nandito iyong HQ ng both Brent at Q. Mas madali sa akin maka-kuha ng mga notes.
Saka parang naririnig ko sa utak ko iyong boses ni Atty. Serrano na sinasabihan ako na i-prioritize ko iyong BAR ko above anything else.
"Good afternoon po!" bati sa akin ng buddy ko nung pagbuksan ko siya ng pinto. Nag-early check-in ako sa hotel kasi umiiwas lang ako na may maka-sabay ako na sis. Medyo malungkot lang kasi naalala ko nung first year pa lang ako, nung ako pa iyong naka-duty for BAROPS, napag-usapan namin ni Alisha na kami iyong roommates.
After talaga nitong BAR, kakausapin ko ulit siya. Ayoko na magkaka-friendship over kami dahil dito. I refuse.
"Thank you," I told her nung iabot niya sa akin iyong dinner. Kumunot iyong noo ko nung may isa pang paperbag doon tapos pagsilip ko ay may mga chocolates saka mga nuts. "From Q 'to?" I asked her.
Umiling siya. "No, pinapabigay po ni Atty. Serrano. Pinasama niya sa BAR kit niyo."
"Ah... Okay, thank you," I told her tapos ay iniwan niya na ako sa room ko.
Inilagay ko lang iyong mga pagkain saka iyong chocolates sa lamesa. I debated kung itetext ko ba si Atty. Serrano, but I decided against it. Siya na rin nagsabi sa akin na magfocus ako sa exam ko.
'Food for the brain. Ace the exam, BAR bet!'
Natawa na napa-iling na lang ako nung nabasa ko iyong note niya. Seryoso talaga siya sa BAR bet. Kaya naman nagbabasa lang ako buong stay ko sa hotel room. Tumatayo lang ako sa kinauupuan ko kapag pumupunta sa room ko iyong buddy ko para magdala nung mga materials na request ko.
"Di ata sa 'kin 'to," I said nung makita ko iyong materials galing sa fraternity ni Lui. Tinanggal ko iyon mula sa may stack ng paper at inabot sa buddy ko. "Baka sa iba 'to. Nahalo lang sa akin."
Bumalik na ulit ako sa room ko at nagpatuloy sa pagrereview. I woke up at 2AM. Kinakabahan ako na hindi maintindihan. Pagod na pagod na ako, but at the same time, I was really looking forward to finishing this whole BAR ordeal.
Gusto kong magtravel.
Magrelax.
Magmove on.
I haven't had the time to process everything that happened to me. Gusto ko muna lumayo habang naghihintay ng resulta. Excited na ako doon. Sana payagan ako nila Mama na mawala ng isang buwan. Balak kong magstay sa Japan ng isang buwan. 'Di talaga ako nagsasawa doon.
Agad akong tumayo nung may kumatok sa pintuan ko. Nagthank you lang ako sa buddy ko after ko abutin iyong mga dala niya. Pumasok na ulit ako sa loob. I sat down and took a sip of the coffee that she brought me.
Napa-kunot na naman iyong noo ko nung may makita akong LMT na wala naman sa listahan nung ni-request ko. I set it aside tapos ay nagfocus ako na basahin iyong mga nasa listahan ko. Ang dami kasing materials na available lalo na kapag parte ka ng sorority or fraternity. I can just request for any material and they'll provide it for me.
Mas lalo tuloy nakaka-guilty na hindi kami on good terms ngayon. Sana maayos na kami after nitong BAR season.
Totoo pala iyong sinabi ni Atty. Serrano na kaya kong basahin lahat nung LMT sa ilang oras lang. On edge na ako sa kaba. Ni hindi ko na makain iyong breakfast na dinala for me.
A few minutes before ako lumabas nung room, I decided na basahin na lang din iyong LMT mula sa Alpha Phi. Sayang naman kasi kung naka-tunganga lang ako. Most of the things here, nabasa ko naman na sa iba. May mga ibang info lang na nadagdag, so I just focused on those.
"Good luck po," sabi sa akin ng buddy ko.
I smiled at her. "Thank you. Dinner tayo soon kapag tapos nitong BAR," I said and she nodded and wished me luck one more time.
Dumiretso ako sa coaster na provided ng school. I looked around. Nakita ko na magkakatabi sina Alisha at mga sis namin. I just gave them a small smile and mouthed good luck bago ako naupo doon sa bakanteng pwesto sa unahan ng coaster.
On the whole way to the venue, naka-pikit lang iyong mga mata ko at panay ang paghinga ko nang malalim. Kinakabahan na talaga ako. Sabi sa akin, parang exam lang 'to sa school... which didn't really comfort me kasi kabado din naman ako lagi sa mga exam namin.
But this was different.
This exam would determine kung magiging abogado na ba ako in a few months—kung madadagdagan ba ng Atty iyong pangalan ko.
"Good luck, everyone. Just do your best and make your family and Brent proud," sabi sa amin nung BAROPS adviser.
I got inside and just followed all the necessary procedure. Pumunta ako doon sa may assigned room ko. Nanlalamig iyong mga kamay ko sa sobrang kaba. I needed to calm down kasi baka maapektuhan iyong pagsusulat ko tapos 'di maintindihan ng examiner iyong sagot ko.
I looked around. Grabe... Iba talaga iyong toll ng BAR exam. May isang babae akong nakita na grabe iyong pamumugto ng mga mata. Siguro dahil sa stress?
"Kaya ko 'to," I said to myself as I took my seat.
Tahimik lang sa room. Ramdam na ramdam ko iyong kaba ng lahat ng tao sa paligid ko. Gusto ko na lang din simulan 'to para matapos na.
"Okay," I said as I received the questionnaire for Poli. "One take, Italia Reign."
I began the exam with a sign of the cross. Tapos ay nagsimula na akong magsagot. Hindi ko alam kung swerte lang ba talaga ako dahil karamihan sa mga tanong na nandon, na-encounter ko na kahit 'di ko matandaan kung saan dahil sa dami ng binasa ko. I began answering. I reminded myself sa way ng pagsasagot na sinabi sa akin ni Atty. Serrano. He said before that I tend to beat around the bush. Kaya naman dito, diretso lang ako magsagot. I also used the legal terms kapag alam ko kung ano iyon.
I finished with 30 minutes remaining on the clock. Nauna na akong lumabas after ko i-triple check iyong mga sagot ko. Doon agad ako pumunta sa sinabi ni Atty. Serrano na magandang tambayan kasi tahimik. I was minding my own business, eating my sandwich, nang maka-rinig ako ng mga nag-uusap sa likuran ko.
Tatayo na sana ako dahil gusto ko lang ng katahimikan habang nagrereview ako for Merc.
"Yago naman... At least tell me kung may nagawa ba ako na hindi mo nagustuhan..."
Natigilan ako dahil sa tono nung boses nung babae.
"Four years, Yago. Four years na tayo... tapos bigla mo akong iiwan? Ni hindi mo sasabihin sa akin kung ano iyong problema natin? Ni hindi mo man lang ako binigyan ng chance para ayusin kung may nagawa man ako na mali?"
Gusto kong tumayo at umalis, pero hindi ko magawa.
"Can we please just focus on the exam, Rory? Can you do that?"
Napaawang iyong labi ko. Narinig ko na umalis iyong lalaki. Nawalan ako ng gana na kainin iyong sandwich ko kaya nilagay ko na lang iyon sa lunch bag ko. I reached for the pack of tissue. Inabot ko iyon sa may babae.
"Didn't mean to pry," sabi ko sa kanya kasi baka akala niya nag-enjoy ako na makinig sa kanila. Oh... siya pala iyong babae na nakita ko kanina na mugto iyong mga mata.
Shit.
I felt bad for her...
Kinuha ko rin iyong unopened bottled water mula sa lunch bag ko at inabot sa kanya. She said thanks in between her sobbing. I sat down. She sat beside me.
"Someone told me this, pero baka maka-tulong din sa 'yo," I began after minutes passed and she was still crying. "Heartbreak is temporary; title is forever."
Her hands were shaking. She was shaking. Naka-upo lang ako sa tabi niya, pero ramdam na ramdam ko iyong bigat ng dinadala niya.
"That didn't help," narinig kong sabi niya. "I'll always choose him over any titles."
I looked at her as she continued to cry. She looked so helpless. Ganyan siguro iyong nakikita ni Lui kapag naka-tingin siya sa akin noon... and at that point, while looking at her while she's crying, shaking, and having a hard time breathing, I promised to never allow myself to be like her.
**
This story is already at Chapter 23 patreon.com/beeyotch. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can also join the patreon facebook group. You can email [email protected] for assistance :) Thank you!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com