Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Her 54


Para akong lumutang sa mga iniisip kung kanino galing ang bulaklak. Kahit iisa lang ang lalaking naiisip ko na may G na pangalan. Ang lakas-lakas talaga ng tibok ng puso ko habang tumataas ang pag-asa ko na siya talaga ang nagpadala nun.

"Congratulations, Style!"

Kahit iyon ang iniisip ko ngayon, kailangan kong ipakita hindi aki apektado sa mga rosas na iyon. Besides, may iba dapat akong isipin ngayon. At nakangiti kong ginunting ang malaking ribbon ng café at clinic ko.

"Welcome to Stylehouse!" masaya kong pagpapakilala sa bagong bukas kong negosyo at trabaho. Nagpalakpakan silang lahat. Pero laking taka ko nasila Vertex, Dom, Reddie at Billion ay pinapahid ang mga luha nila. Lumingon si Ever sa kanila at tinaasan ng kilay. Andito rin pala ang asawa ni Ever at ang gwapo naman niya! Mukhang mabait pa. Pero nawasak pa rin ang puso ko dahil hindi ito si Vertex. Pero support pa rin sa kanila.

"Hindi na libre ang snack ni Style," iyak nila Dom kaya napasapo ako ng noo ko. Nagtawanan sila roon lalo na si Dad na mukhang nagustuhan agad sila Dom dahil sa pagiging joker nila.

Sabay-sabay na kaming pumasok sa café at nagbigay ng free taste ng mga menu doon. Andoon din ang mga pusa ni Stylie na pwede nilang i-pet sa kabilang banda. May mga laruan din doon ng mga pusa at ang ibang hindi mahilig sa pusa ay nasa kabilang banda ng café.

"I'm so proud of you." Lumapit sa akin si Mom at binati ko siya ng yakap. 

"So proud!" dagdag ni Dad na sumunod kay Mom at sumali sa yakapan namin.

"Picture po!" Napaayos kami ng tayo para magpapicture kay Seychelle, ang kapatid ni Sery. May dala siyang DSLR at pinicture-an kami. Hindi kasi makakapunta si Sery dahil may shooting sila at inutusan na lang daw niya si Seychelle na kumuha ng litrato para sa kanya. Since mahilig din naman ng bata si Saturday ay siya ang nagbabantay kay Seychelle sa araw na 'to. Paraan para rin siguro lumayo kay Minute. Halatado ang bawat galaw niya eh.

Pumagitna ako sa kanila saka nila ako inakbayan. Sa isang flash ay nakangiti kami. Pero pagkatapos ng isang flash na iyon ay tumili si Stylie na hila-hila si Styler para sumali sa picture. "SALI KAMEEE GRRR!"

Sa susunod na picture ay nasa tabi ko ang kambal habang yakap-yakap ako. Nakayakap din sila Mom sa kambal kaya nakangiti kami sa picture.

"Sana all happy!" iyak ni Venn mula sa kalayuan kaya natawa kami. Saktong pagtawa namin ay napicture-an din kami ni Seychelle.

Maganda ang kalabasan ng picture. Tiningnan ko ang mga litratong kinuha niya at hinayaan naman niya akong tumingin. Nakasilip siya sa tabi ko habang tinitingnan ang pictures ni Venn na parang isang model habang may hawak-hawak na tasa ng kape.

Isa rin 'tong si Dom na nakahiga sa sofa na parang isang model ng underwear. Kaso may nakapolo siya at nakapants. Medyo napapakunot ang noo ko sa mga posing niya. Hindi naman as in na malaswa, pero ang hot niya pero parang hindi ayon sa mga bata nito.

Napatigil ako sa pagpipindot ng mga pictures nang nakita ko na may stolen pictures ni Styler habang hinahaplos ang ulo ng pusa ni Stylie na si Chicken.

Nang napatingin ako kay Seychelle ay napaatras siya habang nakaangat ang dalawang palad niya. "Ate Style, I can explain."

Tinawanan ko lang siya at tinawag si Styler para makipag-usap kay Seychelle. Parang nastarstruck bigla si Seychelle at hindi na nakapagsalita na nagpataas ng kilay ni Styler.

Hinayaan ko na silang dalawang magtitigan at lumapit na sa mga iba kong kaibigan. Kanina ay nakapagvideocall ako kay Nang Beth at sinabihan kong papadalhan ko siya ng pera biglang regalo niya since magbibirthday na rin siya.

"TARA INOM!" masayang aya ni Venn at napapalakpak pa kaya napunta ang tingin ni Dad sa kanya. Nagtama bigla ang paningin nila kaya napapalakpak ulit si Venn. "ABORT! ABORT!" At umupo sa sofa na parang isang bata.

Ayun, nagkatuwaan kami sa café at nakatanggap ng feedbacks. Masarap daw ang mga menu namin at babalik daw sila sa susunod. Nakakatuwa rin daw ang mga alaga ni Stylie except kay Lamb na isang puting pusa na nasa ibabaw ng cabinet. Nakatanaw sa mga tao roon na parang isang donya.

Masaya kaming lahat sa unang araw dahil siguro libre ang lahat. Nagdadasal na lang ako para sa susunod na araw ay may mga customers na ako.

Ngayon ay umabot ng gabi at nagkukuwentuhan sila Dad at sila Vertex na aliw na aliw sa mga mahahanging kwento niya. Habang nagkukuwento siya at hinihilot ko ang likuran niya na nakaupo.

Inaasar na naman ako kay Minute kaya halos magpakalunod na si Minute sa sofa. Umalis naman kasi agad si Saturday para iuwi si Seychelle sa kanila. In short, tumatakas siya.

Napatigil kaming lahat sa pagtawa nang may pumasok na naman sa café at ang delivery guy na naman! May hawak siyang pink roses kaya pagkalapit ko sa kanya ay nagsigawan sila roon.

"Dra. Style Harris," pagbanggit niya pero mukhang kilala naman niya ako dahil siya rin ang unang nagbigay sa akin nito. As usual, hindi naman niya sinabi kung kanino ito galing kaya tiningnan ko ang card roon. Pinakilala ko na rin ang sarili ko bilang Doctor of Chiropractic since nakuha ko naman ang lisensya ko. Kakaiba talaga sa pakiramdam na matawag na ganun.

Congratulations, Style.
- G

Sino ba talaga 'to? Kanino ba talaga 'to galing? Hindi ko kasi makilala dahil nakatypewriter ang card. Tumataas lalo ang pag-asa ko na siya ito dahil nga sa Letter G. Hindi man siya nakapunta rito, since busy na naman daw siya sabi nila Reddie. Hindi rin nila mabanggit na opening ng Stylehouse dahil hindi rin nila naabutan sa bawat Metromall.

"Uyyyy, sino kaya 'yaaaan?" asar nila pero nakangiti lang ako at inaamoy ang mababangong bulaklak.

Akala ko, 'yun na ang huling pagpadala sa akin ng bulaklak pero simula nun ay sunod-sunod na ang pagpapadala sa akin ng iba't ibang klase ng bulaklak galing kay G. Iba't-ibang araw ay iba't ibang bulaklak.

Bakit ba siya nagpapadala? Pwede naman siyang magpakita sa akin! Eh 'di sana nayakap ko pa siya. Namimiss ko na rin siya eh. Gusto ko siyang kausapin at kamustahin. Gusto kong mag-explain pero wala eh. Tuwing nagpapadala siya ng mga bulaklak ay namimiss ko lang siya lalo.

Ilang araw na talagang ganito. Paminsan, gusto ko na lang siyang puntahan kung saanman siya ngayon pero nahihiya pa rin ako. Kailangan ko pa ring magbantay sa clinic ko kahit wala pa akong pasyente. Humihingi ako ng sign. Sign, kung hindi ko pa siya nakita ngayong week ay hindi siya ang nagbigay ng mga bulaklak. Ibababa ko na ang pag-asa ko na may pag-asa pa kami.

Nagtanong din ako kay Ever na may-ari ng flowershop pero hindi raw sa kanya galing ang mga bulaklak.

Imposible naman kasi eh. Bakit hindi pa kami nagkikita? Hirap na hirap kaming magkita kahit palagi ko namang nakikita ang barkada niya? Nakakapanghina tuloy ng loob. Ayaw ba niya talaga ako makita?

Panibagong araw at nang marinig kong tumunog ang entrance ng café ay lumingon agad ako, ineexpect na ang delivery guy 'yun pero isang pamilyar na lalaki ang pumasok doon.

Napatayo ako mula sa pagkakasandal ko sa counter kasi nakikipag-usap ako kay Margie na cashier ko. Nanliliit ang mga mata ko sa ngisi niya. Naalala ko naman siya pero hindi ko mabanggit ang pangalan niya.

"Pwede pong umorder ng lakas ng loob?" biro pa niya kaya napabuga ako ng tawa.

"Regino!" bati ko at binuka niya ang mga bisig niya.

"Wala man lang yakap?" tanong pa niya kaya dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Bigla ba naman niya akong kinulong sa mga bisig niya na para ba akong bihag.

"Kumusta ka na?" sigaw niya at pinapat ang likuran ko.

"Okay lang!" masiglang sagot ko at pinat din ang likuran niya. Nang naghiwalay kami ay nakangiti siya. Inaamin ko namang gwapo naman si Regino na classmate ko dati pero ibang usapan na ngayon na mukha na siyang bigtime! Pormang pangmayaman at mas lalong lumaki ang katawan niya. Mukhang nagg-gym ito ah.

Nag-order siya ng snack niya at pumwesto kami sa table malapit sa mga pusa kaya ang itim na pusa na si Duckling ay lumapit sa akin para magpakarga.

Parang dati lang, nagkuwentuhan kami at nabanggit ko na may clinic ako sa itaas kaya naaliw siya. Kinuwento ko kung gaano katagal akong nag-aral sa degree na 'yun at nakuha rin ang lisensya ko at nakapagtayo ng clinic. Nabanggit niya na ieendorse niya ako sa mga katrabaho niya kaya napatango ako.

Nagtatrabaho siya sa isang entertainment sa Central at nang malaman na umuwi ako ay nagbalak na raw talaga siyang magkipagkita sa akin kaso hindi raw ako active sa social medias.

Hindi rin siya nagtagal at nagpaalam na siya. Sinabi rin niya na masarap ang pagkain. "Kulang na lang bilhin ko na rin 'yung oras ng may-ari," biro pa niya kaya inirapan ko siya. Tinawanan niya na lang ako bago sumakay sa sasakyan niyang Mercedes.

Naging busy na rin sila Ever at hindi na nakakadalaw sa akin. Buti si Gino ay halos tuwing hapon napapadalaw sa akin. Mabuti na lang bumibili rin siya ng pagkain niya kaya kahit papaano ay may customer din ako rito.

Naeenjoy ko na ang kasama siya at hindi ko napansin na kada araw ay siya na ang hinihintay ko tuwing hapon.

"Ang ganda ng design mo," pagpupuri niya habang sinusuri ang clinic ko.

"Talaga?" Tumango siya nang maraming beses at umupo sa higaan doon. "Ang tigas naman nito," reklamo pa niya at halos paluin ko siya ng artificial spine na hawak ko.

"Ito, mas matigas. Try natin sa ulo mo," biro ko pero napailing siya.

"Alam mo pa kung ano pa ang matigas?" Nagtaas-baba pa ang kilay niya kaya binato ko na siya ng walang laman na garapon na nagpatawa sa kanya nang napakalakas.

Nang hinatid ko na siya sa labas ay nagpapiggyback ride siya. "Gago ka talaga!" reklamo ko at tinapon siya sa kotse niya.

"Gaan ko lang kaya!" sigaw niya.

"Mas magaan pa isang sako ng bigas kaysa sa'yo!" sigaw ko kaya napahawak siya sa dibdib niya na parang nasaktan sa sinabi ko.

"Aray, Style! MASAKET!"

Okay lang naman si Gino. Hindi naman siya boring kausap at kasama. Nag-aaya pa siyang magdinner paminsan kaya lang sa ngayon ay nireject ko ulit dahil kinabukasan ay aalis kami nila Mom.

Napansin ko ring dalawang linggo na ang nakalipas at naexpire na rin ang sign na hinihingi ko. Pero hindi ko pa rin siya nakita. Tatangapin ko, kung ayaw na talaga niya, eh 'di ayaw na niya talaga. Hindi ko nasiya iisipin pa.

Papunta kami ngayon nila Mom sa Central para makausap ang client namin sa isang restaurant. Medyo hindi na maganda ang pakiramdam ko dahil gusto ko sanang magpahinga pero nagulat na lang ako na ngayon ang meeting para sa introduction nila.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa biyahe.

Nagising na lang ako ay nasa Central na kami. Naglalakad na kami papasok sa isang restaurant. Habang naglalakad ay napapaisip ako sa sign na hinihingi ko. Talagang hindi ko na siya makikita? As in?

Nakakailang buntong hininga ako habang nakatitig sa mga kuko ko. Bored na ako ngayon habang naghihintay ng client namin. Andito na rin naman ang mga staff nila at mukhang sila na lang ang hinihintay. Sino ba kasi sila? Bakit kailangan ay kasama pa ako?

"Mom, restroom lang po," paalam ko at naibaba niya ang phone niya.

"Sama ako sa'yo." Napatango ako at nagpaalam siya kay Dad bago kami napatayo at lumabas sa exclusive room ng restaurant.

After magretouch sa loob ng restroom ay narinig ko si Mom sa isang cubicle. "Style, una ka na sa table natin baka andoon na ang mga client natin," sabi niya sabay pagbukas ng pintuan.

"Sabay na lang tayo," aya ko pero nilabas niya ang powder niya.

"Magreretouch pa ako." Napatango na lang ako at naunang pumunta sa table namin.

Habang pinapakinggan ang tunog ng heels ko ay sumilip ako sa pintuan kung may mga tao na roon at bigla akong napatigil sa pagpasok dahil tumunog ang phone ko sa purse na hawak ko.

Napakunot ang noo ko nang tumatawag ang teacher ni Stylie kaya agad ko itong sinagot.

"Good morning, Dra. Harris. This is Mrs. Palasyo Cordela. Stylie's adviser," bati ni Mrs. Cordela mula sa kabilang linya.

"Good morning, Ma'am. What happened?" Hindi na ako nakapasok sa room namin at napahakbang paatras para hindi ako humarang sa doorway.

"Mataas po ang lagnat ni Stylie. Nasa clinic po siya ng school ngayon."

"Oh my.." Napahawak ako sa noo ko at napatingin sa kisame. "Okay po, I'll send her home. Please tell her to wait for me," I said.

"Okay, I'll tell her."

"Thank you," paalam ko at pinatay na ang tawag. Saktong kadadaan pa lang ni Mom kaya lumapit ako sa kanya. "I need to go to Stylie. She's sick," nagmamadali kong sabi kaya nataranta na rin siya.

"What? How.. wait. Uuwi ka na? Hindi ka pa ba nakakapasok sa loob? Hindi mo pa kilala ang clients natin!" sunod-sunod niyang sabi. Umiling na lang ako. "Okay, give her medicines. Call me if you're there na para itext ko sa'yo ang mga gamot na kailangan niyang itake." Napatango na ako sa sinabi niya at hindi na nakapagpaalam kay Dad. Tumakbo ako palabas ng restaurant at nagpahatid sa driver namin papuntang school nila Stylie. Mahaba man ang biyahe pero mabuti na lang ay hindi ganoong katraffic kaya umabot ng kalahating oras ang katagal ng biyahe.

Natataranta na ako pero binibilisan ko na lang ang lakad ko sa loob ng school nila. Pagkarating ko sa school clinic nila ay andoon si Stylie, balot na balot ng kumot at may bimpo sa noo niya. Nasa tabi niya si Styler na binabantayan siya.

"Nanlalamig po siya, Ate," Styler told me. Napaupo ako sa tabi ni Stylie. Nanginginig ang mga kamay niya at ang taas nga ng lagnat niya.

"Do you want to go to the hospital?" I asked her. Umiling siya nang maraming beses.

"I don't want... ate... I want to go home.." nanghihina niyang sabi kaya napatango ako. Ayaw na ayaw niya talagang magpaospital.

"Let's go home, okay? I'll take care of you," I whispered.

Gumawa na ako ng excuse letter para sa mga susunod na klase ni Stylie at inuwi na namin siya sa tulong ng adviser niya. Pinapasok ko na si Styler dahil may klase pa siya kaya sumunod na lang siya.

Pag-uwi namin ay tinawagan ko si Mom at sinabi kung ano ang kalagayan ni Stylie na nakahiga sa kama niya. Sinabihan niya ako kung ano ang gagawin at kung anong gamot na bibilhin kaya nag-utos ako sa mga katulong na bumili ng mga sinabing gamot.

Ako nagpalit ng damit ni Stylie dahil masakit daw ang katawan niya. Masyado siyang nanlalamig kaya bago ko siya sinuotan ng jacket ay pinunasan ko muna siya ng basang bimpo. Kahit makapal na ang mga damit niya ay nanlalamig pa siya kay kumuha pa ako ng isang comforter para ikumot sa kanya. Nilalamig pa rin siya kaya sa huli, tumabi ako sa kanya at niyakap siya sa mga kumot niya.

"You'll get sick, ate.." bulong niya pero umiling ako.

"Malakas ako, anuba. Just rest. Magluluto ako mamaya ng soup at iinom ka ng gamot," sabi ko kaya pinatulog ko na siya.

Nang dumating na ang mga pinamili ko ay nagluto ako ng soup para makain niya muna bago uminom ng gamot. Pinakain ko siya at pinainom bago siya natulog ulit.

Dahil may oras pa naman, nagset ako ng alarm para sa susunod na oras na iinom siya ng gamot kaya nakaidlip ako sa kama ni Styler.

Nagising na lang ako sa mahinahong boses ni Mom habang kausap si Stylie.

"Ate's soup is tasty.." mahinang sabi ni Stylie.

Napatango si Mom habang pinupunasan ni Mom ang bimpo ang noo niya. "How are you feeling?"

"Still sleepy.." sagot niya kaya napabangon na ako kaya nalipat sa akin ang atensyon nila.

"I need to check the Stylehouse," sabi ko habang ginugusot ang mata ko.

"Okay. Ako na bahala kay Stylie," sabi niya kaya nagbihis muna ako ng isang simpleng black sweatpants at black hoodie. Tinanggal ko na lang din ang make-up ko since madali lang ako roon. Medyo gabi na at titingnan ko lang ang mga pusa roon kahit may care taker sila na nagchecheck sa kanila.

"Ate Lai, marshmallow," sabi ni Styler kaya napatigil ako sa paglalakad sa sala. Nakaupo siya sa sahig habang nagsusulat ng notes niya.

"And chocolate drink?" I added. Napatango naman siya kaya napatango na rin ako.

Nagmaneho ako sa Stylehouse at nakita kong andoon si Maryrose na pinapakain ang mga pusa. Mukha namang bahay ang café at nasanay na rin ang mga pusa rito. Palagi namang bumibisita rito si Stylie para alagaan din ang mga pusa niya.

Safe naman ang street na 'to dahil may malapit na police station dito at maraming nakakabit na CCTV dito kaya takot ang mga masasamang loob na magbasag ulo rito.

Pagkatapos ko ring icheck ang clinic ko ay kinuha ko ang isang libro ko para mabasa ko sa bahay. Saktong pagbaba ko ay nagulat ako nang andoon na naman ang delivery guy na may dalang bulaklak. Pero, hindi parehas dati na malalaki. Medyo may kaliitan ito at may note pa rin. Kaso walang ibang nakalagay kung hindi,

- G lang.

Pagkapasok ko sa kotse ay nilagay ko ito sa tabi ko. Sa kanya ba talaga galing 'to? "Arghhh!" Ang sakit-sakit na ng ulo ko sa kaiisip at napahilamos ako ng mukha ko gamit ang mga kamay ko. Parang biglang lumakas ang loob ko at kinuha ang phone sa bulsa ko.

Inopen ko ang Instagram ko at dumeretso akong nagsend sa kanya ng mensahe sa DM.

---

hstyle

Hey.

---

"PUTANGINA!!" tili ko dahil wrong move!! Mali! Dapat hindi ako nagpadala sa nararamdman ko! Kahit sigurado akong siya ang nagbigay ay mali pa rin na bigla-bigla akong magmessage sa kanya sa IG!! Nakakahiya!

Nagmaneho na lang ako habang nagdadasal na sana sobrang busy na siya ngayon to the point na hindi niya mapapansin ang message ko!

Muntikan ko nang makalimutan ang marshmallow ni Styler kaya susubukan ko sana siyang tawagan kung may kailangan pa ba sila pero walang signal. Imposible, nasa town proper na ako dapat may signal na. Malakas na ang signal dito dati pero bakit ngayon, wala? Kanina ay meron pa naman ah? Nakita ko pang nasend ang message ko! May problema ba sa telecom ngayon?

Nagpark ako sa 7eleven habang nagchecheck ng signal pero yumuko na lang ako at pumasok sa loob. Para akong dinapuan ng kakaibang hangin simula pagtapak ko sa loob. It really felt something. Parang may natunaw na lang sa puso ko nang maaninag ang image namin sa isang lamesa at nanonood ng Thor Ragnarok at Endgame. Napapangiti na lang ako at napayuko. Kahit ang mga memorya na lang na 'yun ang nagpapasaya sa akin parang 'yun din ang dahilan kung may nararamdaman din akong kirot.

Nakayuko akong pumunta sa snack section ng store at kumuha ng marshmallow. Pagpunta ko sa beverage section ay napatitig ako sa mga canned beer. Gusto ko na lang tuloy uminom kaso kailangan kong magbukas ng clinic dahil may pasyente na akong kailangang icheck-up bago sa sessions. Siguro natagalan pa ako sa pagtitig sa mga inumin doon bago kumuha ng mga box ng chocolate drink.

Napapaisip tuloy ako sa sign na hinihingi ko. Totoo ba ang signs na pinagsasabi nila? Parang naghintay lang ako sa wala.

Pagkapila ko sa cashier ay napabuntong-hininga ako. Saktong paglanghap ko ng hangin ay isang panlalaking pabango ang nasinghot ko at biglang iyon na ang pumalibot sa mga baga ko.

Nang bumagal ang paghinga ko ay unti-unting inangat ang paningin ko sa lalaking nakapila.

My lips parted when I saw him. After all these years..

He's wearing a black dress shirt, his three buttons were unbuttoned. His sleeves were rolled up to his elbows. He's wearing a silver watch and some few silver bracelets. He looks so clean with his hairstyle. It was brushed up and his forehead had a different impact on his style. He lost some weight but his body got more mature than the last time I saw him.

I really want to cry right now. He's really infront of me, seriously looking at his phone before raising it on his side. He looked like Thor with his position but I was just staring at him. His face got matured but I can still tell that he's him. He's really him! Inches away from me!

"Are you waiting for the Mjolnir to fly towards you?"

My voice almost broke as he stood still after hearing what I asked him.

I can see his chest, breathing slowly while continued to stare the counter. I bit my lower lip to stop me from bursting a sob. My heart really went wild when he slowly moved his head to face me.

It's him..

Hindi ko alam kung ngingitian ko ba siya o iiwas ako ng tingin. Nakipagtitigan lang ako sa kanya habang bumabalik ang lahat ng alaala namin noong magkasama pa kami.

I can feel my tears piling up so I immediately looked away but he continued staring at me.

"A-Ako na lang ang magbabayad ng sa kanya.." I don't know what to say. He didn't move or even say a word! Kahit nanginginig ang mga kamay ko ay nagbayad na ako ng mga bibilhin ko habang hindi pa rin niya inaalis ang tingin niya sa akin.

"Huwag mo na lang bayaran..." sabi ko pero nang sinalubong ko ulit ang mata niya ay doon na siya natauhanan at napaiwas ng tingin. Kinuha na niya ang binili niyang alak at naunang lumabas. Kahit nasaktan ako sa inasta niya ay sumunod na rin ako sa labas hanggang sa tawagin ko siya.

"Geometry."

Napatigil siya sa paglalakad at nakatalikod siya sa akin ngayon. Parang nagdadalawang-isip pa siyang lingunin ako. Nanginginig ang mga kamay ko at nanlalamig ang buong katawan ko. Gusto ko talagang maiyak dahil matapos ang ilang taon ay nakita ko na ulit siya.

Nakita kong napabuntong-hininga siya at nilingon ako. When I saw his eyes, I saw nothing. He was hard to read all of a sudden.

"Style," he said in a monotone voice that made me weak. His voice.. became a sharp pang inside my chest.

"Hi." Hindi ko alam kung tama ba 'tong pinaggagawa ko pero I really want to talk to him. Like as in, now. Pakiramdam ko, mawawala na naman siya.

"Hi.." His voice was airy and it was hard to catch up. Hindi ko na alam kung ano ang sasabihin ko kaya napayakap na lang ako sa sarili ko habang napapatingin sa paligid.

"Thank you pala sa mga flowers na pinadala mo," I said in a soft voice pero naguluhan ako nang kumunot ang noo niya at naguluhan din sa sinasabi ko.

I blinked continuously. Bigla na lang nag-init ang mukha ko sa hiya at napaiwas na naman ng tingin. Naalala ko na naman ang panahon na kami pa. Kung gaano kami kalapit noon. "I need to go. Drive safely," nagmamadali kong sabi at hinayaan siyang nakakunot pa ang noo sa pagpapasalamat ko sa kanya.

Hindi ko na talaga alam ang sasabihin ko! Masyado akong kinakabahan tuwing nakikita ang mukha niya. Para akong kitikiti na hindi mapakale. Basta ang alam ko ay pagkarating ko sa bahay ay pulang-pula ang mukha ko. Nasa bingit ako ng emosyon ko pero bigla na lang ito naglaho nang makita si Mom na nasa dining table.

"Hindi mo nakilala ang client natin kanina," sabi niya kaya pagkalapag ko ng mga pinamili ko ay napahawak ako sa batok ko at pinipigilan ang emosyon ko. Masyado akong naguguluhan at bakit ba palagi nila akong pinipilit sa client na pinagsasabi nila kahit wala na ako sa Staris? Nahalata ni Mom ang kilos ko kaya huminahon ako. Sa sobrang kaba na nararamdaman ko ay muntikan nang tumaas ang boses ko.

"Sino po ba 'yun?" tanong ko nang huminahon na ako. Binaba niya ang hawak niyang tasa at seryoso akong tiningnan.

"Ang may-ari ng Metromall," diretso niyang sagot kaya parang may sumabog sa puso ko. Hindi na ulit ako nakapagsalita sa labis na pagkagulat. Ang hirap ipasok sa isipan ko ang nalalaman ko.

Hindi ako nakapagpaalam kay Mom dahil parang nagshutdown ang buong utak ko pagkabagsak ko sa kama ko. Nang nagrestart ulit ito ay doon ko lang naisip ang lahat ng nangyari ngayon.

Dapat magkikita kami ni Geo kanina sa meeting. Siya ang client namin na sinasabi ni Dad kaya kailangan kong sumama sa meeting nila. Kaya pala hirap na hirap akong paalisin ni Mom kanina dahil nasa loob na pala si Geo kanina. Bakit hindi ko alam? Bakit ganito? Napatakip ako ng mga mata at pinipilit ipakalma ang sarili ko. Nakita ko rin siya kanina at halos mahimatay ako sa halo-halong nararamdaman. Para akong mababaliw kanina.

Parang natauhan na lang ulit ako nang may tumunog sa phone ko. Kinuha ko ito at kahit nanlilit ang mga mata ko habang sinisilip ang lockscreen ko, bigla itong nanlaki nang makita ang reply ni Geo.

---

hstyle

Hey

geometro

'yung mga bulaklak

hindi sa akin galing 'yun.


---

Hindi ako nakareply dahil sa gulo. Kung hindi sa kanya galing ang mga bulaklak, kanino?

"Sa akin."

Seryoso akong nakatingin kay Regino na parang hindi big deal ang pag-amin niya. "Ano?" pag-uulit ko at naibaba ang hawak kong massage gun. Nasa clinic kami ngayon at tinawag ko siya kasi kailangan ko ng kausap matapos ang gabing nalaman ko pero isa rin 'tong magpapasakit ng ulo ko. Ilang araw nang sumasakit ang ulo ko tapos dadagdag pa siya.

"Sa akin galing ang mga bulaklak," taas-noo niyang sabi kaya napasabunot ako ng buhok ko. Kung sinabi niya agad eh 'di sana hindi ako napahiya kay Geo!

"Tangina mooo!" sigaw ko at halos ibato sa kanya ang hawak kong massage gun. Buong akala ko talaga ay si Geo ang nagpapadala! Putangina talaga!

"Bakit G ang nakalagay?!" pasigaw kong tanong.

"G! As in Gino!" Napasapo ako ng noo at napapikit nang mariin. Para akong masisiraan ng ulo.

"Do you like me?" diretso kong tanong kaya bigla siyang napabuga nang napakalakas na tawa na babalot sa buong clinic. Kinunotan ko siya ng noo. Mas nauna na ata siyang nasiraan ng bait.

Pero bigla siyang napatigil sa pagtawa at napabuntong hininga.

"Sige, aamin na ako," seryoso niyang sabi habang nakatingin sa kawalan. "I'm so pathetic." Mukhang seryoso na siya sa pagsasalita kaya makikinig ako.

"May nililigawan ako. Si Zarine," panimula niya. "Pero nirereject niya ang mga pinapadala kong bulaklak kaya binabalik sa akin. Pero naalala kong umuwi ka na pala kaya sa'yo ko pinapadala pero may card na," dagdag niya na nagpanganga sa akin.

"Gago ka! Pinaglaruan mo ako!" sigaw ko.

"Style! Sincere ako sa mga binibigay ko sa'yo! Gusto lang kitang iwelcome dahil ikaw ang kaibigan ko noong elementary! Sana naman maintindihan mo ako na mahal ang mga bulaklak na binili ko! Imbis na itapon kasi bagong bili pa naman, ibibigay ko na lang sa'yo!" sigaw niya pabalik. Naiintindihan ko naman eh.

"PINAGLARUAN MO PA RIN AKO," diin ko kaya napayuko siya.

"Sorry na nga!" At siya pa ang may ganang magalit!

Napahimalos ako ng mukha. Gusto ko talagang malunod sa hiya at hindi pa magpakita ulit. Umabot na sa isang linggo ang nararamdaman ko. Ang bilis pa rin ng puso ko tuwing inaalala 'yun!

"Alam mo, iinom mo na lang 'yan. Saturday naman bukas eh," sabi pa niya kaya pinanliitan ko siya ng mga mata.

"Hindi ako umiinom!" sigaw ko pero tinaasan niya ako ng kilay.

No choice ako. Nag-bar kami at umiinom ng matatapang na alak na hinihingi namin sa bartender. Wala kasing hiya itong kasama ko! Isang napakalaking tukso!

Tahimik lang kaming umiinom habang hinahayaan ang malalakas na tugtog ang nagtatambol sa mga laman loob namin. Seryoso rin naman siyang umiinom dahil pinagtaboy siya ni Zarine kanina kaya pumayag na akong uminom.

Dahil sa tapang ng alak ay bigla ko na lang naalala ang bawat memorya ko na kasama siya. Kaya nararamdaman kong nag-iinit ang buong mukha ko kasabay ang pagpatak ng mga luha ko.

"Mahal ko naman siya, Regino eh..." bulong ko kaya napatango siya.

"Sige, ilabas mo 'yan," sabi niya bago uminom kaya napasandal ang ulo ko sa bisig ko.

Nagsisimula nang mag-init ang dibdib ko at parang nag-iiba na ang bawat inom ko ng alak pero naiiwan pa rin ang pait sa lalamunan ko.

"May dahilan naman ako eh... pero bakit hirap na hirap akong harapin siya?" iyak ko at napatango na naman siya. For participation siguro. Gago 'to eh.

"Ayos lang 'yan."

"Gago! Makinig ka lang!" sigaw ko pero kumunot ang mukha niya. Sa pulang mukha niya at halatang lasing na rin siya. Ilang oras na kami andito at halos maghahating gabi na.

"Gago ka rin ba? Ako ba 'yang ex mo para makinig sa mga sasabihin mo?!?!" galit niyang sigaw kaya napakunot ako ng noo. "Tawagin mo nga 'yang ex mo tapos sabihin mo ang dapat mong sabihin! Huwag sa akin dahil baka mahalikan kita," nandidiri niyang sabi kaya binatukan ko siya. Gago talaga, lasing na 'to.

Uminom pa ako ng ilang baso hanggang sa nagsimulang umikot ang paningin ko at nararamdaman kong maisusuka ko ang mga pinagkainan ko kanina. Pero biglang umurong kaya napaayos ako ng upo.

"Para mawala ang sakit.. tawagan mo.. kausapin mo... kahit masakit... mawawala rin.." sabi ni Regino habang dinadamdam ang sakit na nadarama niya kaya parang kusang kinuha ng kamay ko ang phone ko sa suot kong black slacks. Naibaba ko agad ang phone ko para hawakan ang mga pisngi ko. Ang hirap tumingin sa liwanag ngayon. Nandodoble na ang paningin ko pero pindot lang ako nang pindot nang hinarap ko ulit ang phone ko para hanapin ang number ni Geo.

I remember kasi na tiningnan ko ang calling card niya sa wallet ni Dad at parehas pa rin ang number niya.

Napahawak muna ako sa ulo ko habang inaayos ang utak ko. Parang hindi na rin ako makaisip nang maayos kaya pinindot ko na ang dial button ay nilagay ko ito sa tenga ko.

Siguro, medyo tinamaan na ako ng alak na ininom namin at patuloy na 'tong plano ko kahit sumasara na ang mga mata ko.

Nang tumigil ang pagring ay napabangon ako kahit nakapikit pa rin ang mga mata ko. Pucha, inaantok na tuloy ako.

Walang nagsalita sa aming dalawa hanggang sa lumakas na ang tugtog sa bar.

"What do you want?" Bigla akong napahagulgol nang marinig ulit ang boses niya. Itong boses niya.. ito lang ang nagpapasaya sa akin noon. Siya ang nagpapasaya sa akin dati..

"Geo..." Humikbi ako. "I miss you.. I miss you so so much.." Nawala na lang ang hiya ko dahil nasimulan ko namang sabihin ang nararamdaman ko.

"Where are you?" Ang lamig ng boses niya na nagpahagulgol sa akin lalo. Parang dati lang sweet siya sa akin! Bakit ngayon ganito na siya? Kung sabagay, iniwan ko siya.

"Huy gago, saan ulit tayo?" tanong ko kay Regino at pinagsasampal ang pisngi niya.

"Basta Bar," tinatamad niyang sagot kaya sinampal ko ulit siya pero wala siyang reaksyon dahil halos makatulog na. Ilang bote na rin kasi naorder eh!

"Basta bar. Ewan ko ba 'to sa gagong 'to. Kelalaking tao, ang daling malasing.." sabi ko kay Geo sa kabilang linya.

"What?" sabi pa niya. "Sinong kasama mo?"

"Si Regino. Remember him? 'Yung ano... 'yung pinagselosan mo dati!" Napahawak ako ng bibig dahil sa pinagsasabi ko. Bigla ko na lang naalala ang mga date namin kaya napahikbi na lang ako.

"Geo.. I'm so sorry.. ang sakit pa rin, Geo.." Maitago ko ang mukha ko sa mga palad ko habang iniiyak ang sakit sa oras na 'to.

"Puta."

"Ha?" tanong ko dahil hindi ko masyadong narinig ang sinabi niya.

"You're drunk. Asan kayo?"

"Ha?" Mas lalong lumakas ang tugtog kaya naitakpan ko ang kabilang tenga ko.

"Asang bar kayo?"

"Ano?!?" sigaw ko pabalik kaya napabangon na si Regino.

"Whatever." Bigla niyang binaba ang tawag kaya bumagsak ang mukha ko.

"Ano raw sabi?" tanong ni Regino at malungkot ko siyang tiningnan.

"Whatever daw..." Hindi makapaniwala kong sagot kaya napanguso na lang siya.

"Awww, hindi ka na talaga niya mahal," asar niya kaya napaiyak na lang ako. Hindi na ako uminom ng alak. Tangina! Ang sakit nun!

Humingi na lang ako ng tubig at 'yun ang ininom ko hanggang sa medyo nahimasmasan ako nang kaunti. Masyado akong sinaktan ni Regino kaya gagantihan ko siya. Tinawagan ko si Zarine at sinabing lasing na lasing si Regino sa bar. Kailangan niyang magpakuha kaya walang magawa si Zarine na kunin dito si Regino na halos maknockout na. Sinubukan kong tumayo kahit pageywang-geywang ako sa paglalakad papuntang restroom. Parang umikot na lang bigla ang tiyan ko nang makakita ng inidoro. Mabuti na lang nakatali ang buhok ko kaya malinis naman ang pagsusuka ko at nagflush.

Napapapikit ako nang mariin para ifocus ang sarili ko sa mga nangyayari ngayon. Nang maalala kong natawagan ko si Geo at napahimalos na lang ako ng mukha. Naitanggal ko ang make-up ko at kitang-kita ang namamaga kong mata pati na rin ang pamumula ng mukha.

Ilang beses pa akong naghimalos hanggang sa nagpunas ako ng mukha gamit ang tissue at nagsimulang maglagay ng kilay, blush at lipstick. Inayos ko ang suot kong black fitted shirt ko na nakatuck-in sa black slacks ko. Pati na rin ang suot kong loop earrings and gray heels.

Kahit ayaw ko pang lumabas kasi medyo natatauhan ako na nasa isang bar ako ay inubos ko ang dala kong tubig sa binili kong bottled water at tinapon sa basurahan.

Pinakalma ko na rin ang sarili ko kahit amoy alak ako. Kumuha ako ng mint sa bag ko at pinanood ko ang sarili ko na ninguya ito sa salamin.

Kahit nahihilo pa rin ako at mabigat ang loob ko ay lumabas na ako sa restroom pero laking gulat ko nang may humarang sa akin na isang matangkad na lalaki. May suot siyang itim na jacket sa ibabaw ng black shirt niya. At sa sapatos niya ay parang galing pa siya sa office.

Hindi siya nagsalita at hinayaan ko siyang hilain ako palabas. Sinubukan kong hanapin si Regino pero nakita ko na siyang kasama si Zarine habang dinadala sa sasakyan.

"Ano ba.." Mahigpit ang pagkahawak ni Geo sa pulso ko pero hindi pa rin siya tumitigil sa paglalakad.

Narinig ko naman ang boses niya, naaamoy ko naman siya, nakakausap ko naman siya, nakikita ko naman siya, hinahawakan naman niya ako pero bakit ang sakit? Bakit ang sakit sakit?

Napatigil siya sa paglalakad nang marinig niya ang hikbi ko. Unti-unti siyang napalingon sa akin at doon niya napansin na napakahigpit ang hawak niya sa pulso ko. Nang lumuwag ito ay napaupo ako bigla sa sahig dahil nanghina na lang ang buong katawan ko.

Pinipigilan ko ang sarili ko sa paghikbi dahil gusto kong ipakita sa kanya na malakas ako. Pero mas lalo lang akong napapaiyak kapag napapatingin ako sa kanya.

Tanginang alak.

Narinig ko ang buntong hininga niya at napatingin sa paligid. Napamulsa pa siya at parang wala siyang pake na nakaupo ako sa gitna ng parking lot. Ang sakit lang talaga. Deserve ko rin 'to dahil iniwan ko siya na walang paalam.

"Kaya mo pa ba magdrive?" Ang lamig-lamig ng boses niya. Napapunas na lang ako ng luha at huminga nang malalim. Parang naubos na lang ang luha ko kaya napaupo siya sa harapan ko para tingnan ang kalagayan ko.

"Or ihahatid kita?" tanong pa niya kaya sinalubong ko ang tingin niya.

"Mag-usap tayo."

"Lasing ka," pagbabato niya kaya napabuntong-hininga ako.

"It's better this way." I think it's better this way. Baka makalimutan ko na lang itong nangyari paggising ko.

I saw his expression while staring at me. He's playing his tongue inside his mouth and pushing it inside his cheek.

"Where's your car?" tanong niya.

"Nakisakay lang po ako kay Regino," I answered politely making him frown. His eyes went dark too. Kahit madilim din dito.

"Stand up." Tumayo na siya at inalok ang kamay niya. Bigla kong naalala ang dati kaya pinipigilan ko na naman ang emosyon ko nang mahawakan ulit ang kamay niya.

The moment I held his hand, I swear to every molecule around us that I will never let him go. But he's the one who let me go.

"Sa kotse ka muna." Sinundan ko siya papunta sa kotse niya. Napanguso ako nang makita na hindi na si Cap ang kotse niya.

Pumasok na lang ako at siya na ang nagsara nito. Akala ko dadaan siya kabila pero bumalik siya sa bar.

Bigla akong inantok kaya sinubukan kong matulog. Ang bigat na talaga ng mga mata ko pero napadilat na naman ako nang pumasok na siya at may nilagay na bote ng alak sa harapan.

"You'll drink?" tanong ko at nagsimula na siyang magmaneho.

"Unfair naman kung mag-uusap tayo na ikaw lang ang lasing," seryoso niyang sabi.

"Magdadrive ka!"

Hindi na siya nagsalita kaya napahawak ako sa noo ko. Pero imbis na mainis sa kanya ay kumalma ako habang pinapanood siyang magmaneho. He really changed.

Hindi ko namalayan na tumigil kami sa Boulevard kaya agad akong lumabas para salubungin ang hangin doon. Para akong binubuong puzzle habang nakatayo rito. Parang nabubuo ako sa oras na 'to lalo na't kasama ko siya.

"Go on. Talk," sabi niya pagbaba niya ng sasakyan at nagsimulang inumin ang binili niyang alak. Sumandal siya sa sasakyan habang seryosong nakatingin sa bay.

Huminga ako nang malalim at tumabi sa kanya. Hindi naman siya lumayo dahil seryoso siyang umiinom ng binili niya.

"You first," sabi ko kaya napatango siya. Hindi pa siya nagsalita at uminom pa. Huminga siya nang malalim at nakipagtitigan sa bay.

Ilang minutong ganun dahil umiinom pa rin siya na parang hinihintay niya na umepekto ang alak sa kanya. Nang mapansin kong nangalahati na ang iniinom niya at napatingin na siya sa akin.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?" tanong niya at matigas na napabuga ng tawa nang napatingin sa kawalan. "Tatanggapin ko naman, Style eh. Maiintindihan ko naman. Hihintayin kita. Bakit hindi mo sinabi sa akin?"

Tahimik akong nakikinig sa kanya.

"Tangina, pitong taon, Style. Pitong taon," pagdidiin niya. "Umalis ka lang bigla-bigla. Parang madali lang sa'yo. Parang pinaglaruan mo lang ako hanggang sa nagulat na lang ako na nagtransfer ka na ng school. Wala ka na pala sa South Orwell. Hindi ka nagpaalam, Style."

Dahil sa mga salita niya at may naipong sakit at galit sa puso ko.

"Handa ko nang ibigay sa'yo ang lahat. Pero bakit ganun na lang bigla?" Tumawa siya bago uminom sa hawak niya. "Oo, nagalit ako. Nagagalit ako na ganun lang ang nangyari sa atin. Sige, aaminin ko na rin. Nagalit ako sa'yo." Sinalubong niya ang titig ko sa kanya.

"You know that I loved you, right?"

Napapikit ako at napayuko. That was it. Atlast, he said it.

"Every day. Every second. Every hour... I was waiting for you. Kahit itong galit na bumubuo sa puso ko ay nawawala na lang dahil umaasa pa rin ako na babalikan mo ako pero wala pa rin. Iintindihin naman kita. Hihintayin kita. Mahal na mahal kita eh.." pahina nang pahina ang boses niya. Hindi na tuloy ako makatingin sa kanya. Ang sarap-sarap pakinggan ang mga salita na 'yun pero bakit ngayon pa niya nasabi na ganito ang sitwasyon namin.

"I fell out of love, Style."

Napatigil ako sa paghinga at naramdamang nadurog ang puso ko.

"I don't feel the same feeling I felt for you long time ago."

Napatango ako. Kasalanan ko rin naman ang lahat eh.

"I hope you'll understand me. What I felt when you left us was pain. Para akong namamatay noon dahil gustong-gusto kitang makita. Ikaw ang nagbibigay sa akin ng lakas pero nawala ka pa." He chuckled hardly and sarcasticly before drinking.

"Hanggang sa naubos na ang pagmamahal na naiipon kong hindi ko maibigay sa'yo. Hindi ko na alam kung ano ang ihaharap ko sa'yo. Parang nagsisisi rin ako na andito ako ngayon sa tabi mo."

Pinipigilan ko ang hikbi ko. Ang sakit-sakit ng mga salita niya.

"You shouldn't have called me. You shouldn't have called me that New Year Eve. If I knew it will hurt like this, we shouldn't.."

Napaangat na ang tingin ko sa kanya dahil hindi niya tinuloy ang sasabihin niyo.

"We shouldn't what?" I asked in a monotone voice. 

He wasn't looking at me.

"Sinasabi mo bang sana hindi na lang tayo nagkakilala?" mahina kong tanong. I really want to tell him everything but my tears kept coming first. Hindi na ako makapagsalita sa sobrang sakit na nararamdaman ko.

When he met my gaze, I forced myself to calm before facing him. "Sa tingin mo, madali lang 'to sa akin?" panimula ko.

"Alam mo ba kung gaano ako nasira dahil nasira ko ang pamilya ko dahil lang gusto kong sumaya? Hindi kita sinsisi, Geo, kasi ikaw ang pinakamagandang nangyari sa akin. Alam mo ba kung kanino ko sinisi ang lahat?" tanong ko at tinuro ang dibdib ko. "Sarili ko."

"Ginagawa ko ang lahat para maging anak ng magulang ko. Ginawa ko ang lahat para maging girlfriend mo kahit ang baba ng tingin ko sa sarili ko sa isang katulad mo. You deserve the best. Hindi ko inaakala na ganito ang mangyayari." Ako ngayon ang tumawa nang mapait bago napatingin sa langit.

"I love you, Geo.. I really.. really love you." Huminga ako nang malalim at napangiti. "Ang hirap magpaalam dahil ayaw kitang pakawalan. Hindi ko rin magawang ipaliwanag lahat sa'yo dahil hiyang-hiya ako sa sarili ko. Hiyang-hiya ako sa kahihiyang binigay ko sa pamilya ko. Hiyang-hiya akong harapin ka na sira at walang-wala. Ngayon, naiintindihan mo ako?" mabagal kong tanong pero hindi siya sumagot.

"Hindi ko kayang manirahan sa malayo at andito ka na naghihintay. Natatakot ako na baka maghintay ka sa wala. Natatakot ako na baka hindi kita mabalikan. Naiintindihan mo ba ako?" tanong ko ulit pero nakatitig lang siya sa akin at binabahiran ng sakit ang mga tingin niya sa akin.

"Ang hirap-hirap magpaalam, Geo kasi mahal na mahal kita. Ayaw kitang pakawalan at para akong pinapatay dahil sirang-sira ako. Ngayon, naiintindihan mo ba ang mga sinasabi ko?" Unti-unti akong lumapit sa kanya.

"Oo. Naiintindihan kita. Naiintindihan ko ang galit na nararamdaman mo. Naiintindihan ko ang dahilan kung bakit hindi mo na ako mahal. Naiintindihan ko kung gaano kasakit kasi nararamdaman ko. Naiintindihan ko kung..." Napakagat ako ng labi ko dahil napaluhod ako kasabay ang paglakas ng hagulgol ko. "Geo, naiintindihan kita! Palagi kitang iniintindi kaya sa huli, sarili ko pa rin ang sinisisi ko sa nangyari!" iyak ko.

"Nakakasawang umintindi kasi sa huli, sarili ko pa rin ang may kasalanan!" sigaw ko at paulit-ulit sinusuntok ang puso ko. Agad siyang napaluhod para hawakan ang magkabilang puslo ko at patigilin sa ginagawa ko.

"Where were you...?" I asked weakly. "Noong pagkatapos umamin si Saturday? Nasaan ka?" Naalala ko noong panahon na kailangan ko siya pagkatapos ang engagement namin.

"Kailangan kita noon, Geo.." Umiyak ako sa harapan niya at kahit nanlalabo ang mga paningin ko ay nakita kong tumutulo ang luha niya. "Lumayas ako dahil pinagbuhatan ako ng kamay ni Dad dahil pinili kita. Halos hindi ako nakatulog sa katatawag sa'yo dahil kailangan kita. Pero ilang linggo kang hindi nagparamdam???" pagpapaalala ko. "Mahigit dalawang linggo, Geo.. dalawang linggo.." pagdidiin ko.

"At sa muli nating pagkikita? Ano ang una kong ginawa?" tanong ko. Doon ko naalala kung gaano ko siya inuna kaysa sa sarili ko. "Hindi ba cinomfort kita?" pagpapaalala ko habang nakatitig sa mga mata niya.

Nabasag nang tuluyan ang puso ko nang napayuko siya.

"Tinanong mo ba ako kung anong nangyari sa akin?" Napalunok ako nang makita siyang napahikbi sa harapan ko.

"Sa tingin mo, sa pitong taon, hindi kita naiisip?" tanong ko. "Gusto mo bang malaman ang totoo?" mahinang tanong ko sa kanya.

"Ikaw ang dahilan kung bakit ganito ang nangyari sa akin.." biglang may malaking tinik na natanggal sa dibdib ko. After all these years, parang gumaan na lang ang pakiramdam ko pagkatapos sabihin 'yun.

"Pero alam mo ba kung bakit hindi ko magawang magalit sa'yo?" tanong ko pa at hindi na niya magawang tumingin sa akin. "Mahal na mahal na mahal na mahal kita. Hindi ko maipaliwang kung gaano kita kamahal kaya ko sinasalo ang lahat. Huwag mo nang sisihin ang sarili mo dahil maayos na ang lahat." Huminga ako at tumayo na. Inalok ko ang kamay ko para makatayo siya.

"Naiintindihan ko kung bakit naubusan na ang nararamdaman mo sa akin. Maiintindihan ko." Hindi niya tinanggap ang kamay ko at kusa siyang tumayo kaya napakibit-balikat ako.

"Kahit wala ka nang nararamdaman sa akin, pwede bang maging makasarili ako ngayon?" tanong ko kaya napaangat ang tingin niya sa akin. "Sa ayaw at sa gusto mo.." dinugtong ko ang sasabihin ko sa kanya ng isang yakap. Binalot ko ang mga bisig ko sa beywang niya at naramdaman kong natigilan siya roon.

Hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya at doon ko na ulit naramdaman ang hinahanap-hanap ko.

"I'm sorry, Geometry," panimula ko. Nakakaramdam na ako ng antok pero kailangan kong sabihin sa kanya lahat.

"But believe me, the reason why I did those things and the reason what I am right now is you. I love you so... so... so much." I found home in him and I know that this home will never be home again after I let him go.

"All the good things, all the bad things, all the things that became better.. it's you. It will always be you. Thank you."

Nang nakahinga ako nang maluwag ay naramdaman ko pagyakap niya pabalik.

"If this is goodbye, I hope you'll be more successful and you'll meet someone who will love you more."

Nakapikit na ako at ramdam ko na ang antok ko. Pero bago pa ako tuluyang nakatulog ay may narinig ako mula sa kanya.

"Do you still remember the words I said to you earlier?" He let out a soft chuckle before hugging me tighter. "Don't worry. I'll end up eating my words again."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com