Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Him 39

Chapter Theme: Huling Sandali by December Avenue

6:37 PM

Side:

Tara walwal

Dom:

LUH

SINO NANAKET SA'YO

Venn:

Alam mo bang nakakasama ang alak sa katawan??????

Tara g

Saan ba

Dom:

Langya Grams

Venn:

Luh baket

As if pabigat ako sa inuman

Hindi ako 'yung umiiyak habang lasing

Reddie:

G!!!!

Divide:

Rent tayo KTV room. AOJDSDNWAM.

Venn:

Hay salamat bayad ni Divide

Divide:

Huh?

Geh.

Side:

Now na

As in now na

Saturday:

You okay, Side?

Side:

Yepp

Gusto ko lang magkaraoke HAHAHHAHAA

Dom:

Jusq

TARA NA

---

6:40 PM

Geometry:

laiii

Style:

Hmmm?

Geometry:

mag-iinuman kami

pwede?

hehehe

Style:

My gosh

Good luck sa kanila

HAHAHHAAHHAHA

Geometry:

actually hindi ako magpapakalasing

inaalala ko 'yung iba

walang maghahatid pauwi

Style:

Ohhhh

Sigeeee, update me oki

Geometry:

yes po

gusto mo sumama?

Style:

Nooope

May

Uhm

Dinner with mother's side

Pero gusto ko :((

Pero kailangan ako rito

Geometry:

okay ka lang d'yan?

kung hahabol ka, chat me

or kung ayaw mo d'yan, pwede kitang kunin

Style:

Enjoy ka d'yaaaan

Mukhang okay lang ako dito

Mabait din naman sila Lola

Update kita ditoooo

Style sent a sticker.

Geometry:

Geometry sent a sticker.

--- 

Pagkarating ko sa KTV room ay nalanghap ko ang amoy ng alak. Napakunot ako ng noo. Hindi talaga ako maglalasing ngayon. Bahala sila, mas gusto ko lang silang panoorin na malasing.

Bago ako tuluyang makapasok ay binilang ko sila kung kumpleto na ba kami. "Eight." Ahh. Oo nga pala, ako ang ika-siyam.

Binati nila ako habang naglalakad palapit kay Reddie dahil may bakanteng upuan. Sa wakas, nakaupo na rin ulit.

"Saan si Style?" bungad ni Divide.

Kumuha ako ng tubig para uminom. "Dinner," sagot ko pagkatapos uminom.


"Dinner?" pag-uulit ni Saturday sa harapan ko kaya nalipat ang tingin ko sa kanya. "Sila Minute may dinner rin," mahinang sabi niya kaya agad kong kinuha ang phone ko at nakitang sunod-sunod ang mga chats ni Style.

---


Style:

Argghh

Masyado silang formal hmmp

Naalala ko tuloy 'yung Party dati na parang hindi natin kilala ang isa't isa HAHAHAHA

Dinner ka na ha

HUWAG KANG IINOM NANG MARAMI

Hingi ka rin kay Reddie ng kanin para lagpasan ka ng baso or para mabusog ka

HAHAHAHAHAHAHA

OH SHIT

BAKIT ANDITO 'YUNG MGA ROGERS

PUTA

AKALA KO BA KAMI KAMI LANG?!?!?

PUCHA GEO

HINDI AKO MAKAALIS

Geometry:

lai

calm down

Style:

Ah, I'm okay na

Tahimik lang ako sa upuan ko

Bahala silang magkwentuhan doon

Geometry:

ayaw mo talaga umalis d'yan?

Style:

Nah, okay lang

Friends naman kami ni Minute

May aayusin lang kami, Geo

Teka lang ah

Geometry:

go

update me there okay?

Style:

Yes poooo

Geometry:

Geometry sent a sticker.

---


"Tawag doon, sana all," sabi ni Venn nang mahuli niya akong kachat si Style. Tinago ko na ang phone ko at nagsimula na silang uminom habang kumakanta ng Banyo Queen si Dom sa videoke.

"May aasikasuhin lang sila sa pamilya nila." Tiningnan ko kay Saturday na naghihintay ng salita ko. Napatingin din si Divide sa akin habang nagbubukas ng bote ng alak.

"Anong plano niyo para pigilan ang engagement nila Style at Minute?" pagbubukas niya kaya napapikit ako nang mariin.

Ayaw ko talagang pag-usapan 'yun lalo na't wala pa akong maisip na plano na walang masasaktan. Ayaw ko ring masaktan si Style sa pamilya niya dahil mahalaga sila sa kanya at pipilitin niyang ayusin talaga 'yun na hindi madidismaya ang mga magulang niya. Hindi niya rin magawang magpatakwil dahil sa kambal. Mahal niya ang mga kapatid niya at gagawin talaga niya ang lahat para buo pa rin ang pamilya nila habang lumalaki ang kambal.

Hindi muna ako sumagot dahil may nabuong galit at inis sa dibdib ko. Kumuha ako ng bote ng alak para uminom. Mukhang kinain ko na naman ang salita ko na hindi ako iinom.

"Mahirap mag-isip," sabi ko at nalipat sa akin ang atensyon ng iba.

"Ayaw kong may masaktan at masira kung may gawin ako. Kasi hindi rin makaatras si Minute dahil mas lalo siyang pinahigpitan nang sinubukan niyang umatras. Kung kakausapin ko naman ang parents ni Style, baka maipit siya at mas lalo siyang higpitan. Hindi naman din pwedeng lumayas si Style sa puder ng pamilya niya kahit ganun ang trato sa kanya dahil sa kambal. Ayaw maranasan ng mga kapatid niya ang naranasan niya." Titig na titig ako sa hawak kong bote habang naglalabas ng naiisip ko. Ang hirap lang talaga mag-isip. Ang hirap kumilos. Masyadong sarado ang bawat paraan.

"Kung si Style ang umatras?" tanong ni Divide kaya napaangat ang tingin ko sa kanya.

"Si Minute nga na lalaki, pumilit umatras dati ay mas lalong pinaghigpitan. Si Style pa kaya na babae? Masyadong makapangyarihan ang mga magulang ni Style. Hindi madaling umatras sa mga salita ng mga magulang nila." Si Saturday na ang nagsalita at dineretsong ininom ang isang boteng alak. Kumuha siya ng bago para inumin na naman. Kitang-kita sa kanya na nahihirapan din siya sa sitwasyon ni Minute.

"Ang hirap naman ng sitwasyon niyo," komento ni Reddie at nilapag ang dala niyang isang kalderong kanin. "Maghapunan na rin kayo para may maisuka kayo mamaya." Natawa ang iba pero pinatuloy ko ang pag-inom ko.

Sinubukan kong alisin ang bumabagabag sa utak ko. Mabuti na lang nagchat ulit si Style kaya medyo kumalma ako.

---

Style:

Style sent a photo.

Miss youuu



Geometry:

miss u too :((

Geometry sent a video.

may concert si Side.

Style:

Mygosh!

She's Gone talaga kinakanta niya?

HAHAHAHHAHAHA taas?

Geometry:

biritero

u good there?

Style:

The kids are here kaya limitado sila sa mga pinagsasabi nila kaya I'm still safe.

Nakikipagkuwentuhan si Minute kay Styler pero ayaw ni Styler kasi ikaw ang gustong makausap

Ano bang gayuma ang ginamit mo sa kapatid ko?

Geometry:

boto lang talaga siya sakin

Style:

Hmmm

Kahit hindi naman boto 'yung iba sa'yo, ikaw pa rin naman pipiliin ko

Geometry:

ha

Style:

LAH KINIKILIG HHHAHAHAHHAHAH

Wait lang po haaaa

Kakausapin lang ako ng lola ko

Brb!!

Geometry:

pagbalik mo, lasing na ako

HAHAHAHA

ok

---

"Oy, tara magpiga tayo ng mga puso't utak dito," aya ni Dom at bumalik ang iba sa upuan para kumuha ng baso. Kahit busy pa si Side na magreserve ng mga kanta habang nag-iinuman kami ay nagsimula nang magsalita si Reddie.

"Ano ang mga tipo niyo sa isang tao ngayon? Nag-iiba ang perspektibo natin pero ngayon ay ano ang meron sa tao na gusto niyo?"

Biglang napa-ohhh ang iba.

Tinitingnan ko lang ang sinend na picture ni Style. Nagmirror selfie siya habang may suot na black wrap dress. Sinave ko 'yun at nilagay sa story ng messenger ko.

"Gusto ko.. 'yung hindi ako naiinis tuwing nakikita siya," sagot ni Side habang naglalakad palapit sa amin. Napabuga ako ng tawa dahil hanggang ngayon, ganyan pa rin ang nararamdaman niya. "Pero, gusto ko 'yung totoo sa sarili niya. 'Yung maalaga siya sa mga taong malalapit sa kanya at kahit may natatagap siyang mga nega ay hindi siya nagpapadala," seryoso niyang dagdag na nagpaasar sa kanya. Sinundot pa siya ni Ever sa beywang kaya tumawa siya nang napakalakas.

"Sus. Kunwari hindi namin kilala." Napatingin siya sa akin si Side dahil sa reaksyon ko. Bigla siyang kinulit ng iba kung sino raw ba 'yun kaya napasigaw siya para tumahimik sila.

"Gusto ko 'yung matapang," panimula ni Divide nang huminahon na ang iba sa pangungulit kay Side. "'Yung kahit gaano na kahirap ang mundo ay lumalaban pa rin siya at nananatiling positibo. 'Yung pinapakita sa akin ang kagandahan ng mundo sa mga ngiti niya," nakangiti niyang sabi kaya napaubo si Vertex.

"Kung sinabi mo lang ang pangalan niya, edi sana maiintindihan namin." Napailing na lang si Divide habang nakangiti sa pagbara sa kanya ni Vertex.

"Uhm, gusto ko 'yung tipong nakikita ko pa lang siya, kumakalma na ako at palagi siyang nasa tabi ko," sabi naman ni Reddie habang may ngiti sa labi. Hawak-hawak ang baunan niya na may kanin. Mukhang masaya siyang sinabi 'yun kaya napapaisip ako kung tama ba ang iniisip ko kung sino ang tinutukoy niya.

Napatingin silang lahat kay Saturday na seryosong umiinom. Kinuha ni Divide ang iniinom ni Saturday kaya napakunot ang noo ni Saturday at napahiyaw dahil sa gulat.

"Uy, kalma gurl. Baka malasing ka talaga," pag-aawat ni Ever kaya mahinang natawa si Saturday. Seryoso ko siyang tinitignan at tama nga ako sa mga mata niya ay may bumabagabag sa kanya.

Iba ang mga mata niya nang napatingin sa amin. "Sat, tipo mo," pag-uulit ni Divide at dahan-dahang binigay ang baso kaya huminahon si Saturday. Mahina siyang natawa habang iniikot ang baso niya sa lamesa.

"Tipo ko?" panimula niya at unang nahagip ng tingin niya ang tingin ko sa kanya. Pasimple siyang umiwas ng tingin para tignan ang iba at napatingin sa baso niya.

"Simple lang, 'yung nagpapasaya sa akin."

Parang may bumagsak sa dibdib ko nang makitang ganyan ang aura ni Saturday. Lasing na ba siya?

Mapatingin kaming lahat kay Dom na parang iniiwasan ang tanong. Siniko siya ni Ever kaya napaangat bigla ang tingin niya. "Ha?"

"Halabyu," pagpapatuloy ni Venn kaya napakunot ang mukha namin sa pandidiri. "HOY HAVEY 'YON!" sigaw pa niya.

Hinihintay namin ang sasabihin ni Dom kaya napayuko siya at nilaro ang fried chicken feet. "Uhm, tipo ko? Ewan ko," sabi niya kaya nagreklamo si Ever.

Inakbayan siya ni Ever. "How about Ate Gettie?"

Oh shoot.

Biglang hindi na maipinta ang mukha ni Dom dahil sa pagkabanggit ng pangalan na 'yun. Akala ko magwawalk-out siya pero umangat ang mukha niya sa amin na may ngiti.

"How about someone na sumasakay sa mga trip ko?" Agad kaming napalapit kay Dom para sundutin ang beywang niya.

"Sumasabay sa mga food trip ba ang ibig mong sabihin?" tanong ni Vertex habang nakakulong ang leeg ni Dom sa bisig niya.

"Ikaw, Ever? Ano ang tipo mo?" tanong ni Dom bilang pang-asar kay Ever pero napailing lang siya dahil ayaw niyang pag-usapan kaya lumipat ang tanong kay Vertex.

"Eh ikaw, Mario? Ano ba ang tipo mo?" tanong niya kaya napabitaw siya bigla kay Dom. Napaiwas din bigla ng tingin si Ever at pasimpleng kumukuha sa fried chicken wings.

"Isa lang." Napatigil sa pagkagat ng pakpak si Ever at dahan-dahang napatingin kay Vertex na seryosong nakatingin sa kanya. "Seryoso."

Napalunok si Ever at kumuha ng beer habang inaasar si Vertex ng katabi niyang si Side.

"Ayieee! Si Ever, seryoso!" asar din ni Divide kaso hindi pa rin nag-iiba ang ekspresyon ni Vertex habang nakatingin kay Ever.

Wala pang sampung segundo ay napabuga siya ng tawa. "Ah, seryoso pala siya?"

Katahimikan ang bumalot sa amin lalo na't nawala na ang tugtog sa room. Para kaming nabibingi sa sobrang katahimikan.

Tumayo agad si Side para pumili pa ng kanta kasi masyado nang awkward sa loob.

"Ako, gusto ko 'yung maalaga, simple lang manamit, sakto lang ang height, marunong kumanta, sumayaw, magtugtog ng gitara, sobrang bait, masipag, matalino, dalagang Filipina, mala-Maria Clara ang dating, maganda 'yung mga mata, marunong magluto, alam maglinis ng bahay, alam magmasahe, maalahanin, maganda, family-oriented, goal-oriented, soft, hindi nagmumura, madasalin, talented, nakangiti habang naghuhugas ng pinggan, walang arte sa katawan, hindi maarte, walang arte sa pagkain, sweet, clingy, huggable, niluluto ang mga paborito kong pagkain tulad ng pork steak, mahilig sa cartoons, hindi magastos, may pangarap at maganda," sunod-sunod na sabi ni Venn kaya napatingin kaming lahat sa kanya.

"Nakakatuwa naman ang type mo, Venn," sabi ni Dom habang hawak-hawak ang dibdib niya. Masayang tumango si Venn habang kumakain ng mani.

"Sana kapag makahanap ka na, hindi ka na tatakbo palayo," natatawang sabi ni Side kaya nawala ang ngiti ni Venn.

"Tapos kabaliktaran pala ang mapunta sa kanya." Tumawa kami sa sinabi ni Reddie.

Kumatok nang ilang beses si Venn sa mesa. "KNOCK ON WOOD!" mariin niyang sigaw na mas lalong napalakas sa tawa namin.

Napatingin na silang lahat sa akin at hawak-hawak ko pa rin ang phone ko habang nakatingin sa wallpaper kong si Style.

"Ikaw, Geo?"

Napangiti ako.

"Si Style."

Para silang nabitter sa sinabi ko kaya mahina na lang akong natawa. Nalipat na ang usapan namin sa mga gawain namin pagkatapos magcollege. Medyo napahaba pa ang usapan hanggang sa bumalik sa pagkakanta si Side ng She's Gone at pilit abutin ang mga nota sa pagdikit ng sentido sa sahig.

Tawa kami nang tawa habang pinapanood si Side na pinapatawa kami sa pagpiyok niya at halata namang lasing na 'to nang slight.

Sumayaw din sila Venn, Reddie at Dom ng KPOP songs tulad ng Nobody at Gangnam Style. Inaasar pa nila ako sa title ng kanta kaya napapailing ako sa kanila.

Ayokong kumanta kaya si Divide ang pinakanta nila ng Pusong Bato.

"DI MO ALAM DAHIL SA'YO! AKO'Y DI MAKAKAIN!" Hindi pala sila kumakanta, sumisigaw pala sila.

Vinivideohan ko lang sila habang sumisigaw sila sa loob ng room. Para silang mga wasak at halos umiyak sa kanta.

Napatigil ako sa pagvivideo dahil nahagip ng tingin ko si Saturday na mag-isang umiinom. Pagtago ko ng phone ko ay kinuha ko ang basong iniinom niya kaya halos matapos ang laman nito.

"Tama na."

"Ano ba?!" sigaw niya kaya napatigil ako para titigan ang mukha niya. Ibang-iba na siya sa Saturday kanina. May bahid ng galit ang mga mata niya kaya napapakunot ako ng noo.

"Tama na. Nakarami ka na ng inom," sabi ko pa kaya napabuga siya ng isang matigas na tawa bago napayuko sa harapan ko. Napahinga ako nang malalim dahil sa inasta niya. Ano ba talaga ang problema niya?

"Uy! Kanta ko 'yan!" sigaw ni Side nang pinatugtog na ang Huling Sandali ng December Avenue.

"Geo, pwede ba tayong mag-usap?" walang emosyong tanong ni Saturday kaya kinabahan ako. Naibaba ko ang hawak kong baso nang tumayo siya para maglakad palabas. Napasulyap pa sa akin si Divide sa nakita niya at sumenyas na sundan ko si Saturday.

Siya lang ang nakakita ng nangyari dahil ang iba ay sinusuportahan si Side na buong pusong kumakanta sa videoke.

Lumabas kami sa KTV room namin at hinayaang bukas ang pintuan kaya rinig pa rin namin ang pagkanta ni Side sa loob. Bago pa kami makalayo ay napalingon na si Saturday sa akin na puno ng galit ang mga mata.

"Ano 'yun?"

Napakunot ako ng noo.

"Ang ano?" pang-uulit ko kaya tumawa siya. 'Yung tawang hindi makapaniwala at napansin kong may namumuong luha sa mga mata niya.

Tumigil siya sa pagtawa at lakas loob na tumingin sa akin. "Geo.." her eyes were dark, piercing on me. Parang gusto niya akong suntukin sa tingin niya.

"Ano 'yun?" pag-uulit niya kaya napakunot na naman ako ng noo. Ang kaninang kabang naiipon ko ay mas lalong lumala. Hindi na ako makaisip nang maayos dahil sa mga tingin niya.

"'Yung mga tingin mo sa akin dati? 'Yung mga ngiti, 'yung mga hatid-sundo, 'yung pakikinig sa mga kuwento ko dati? 'Yung mga yakap? 'Yung date? Ano 'yun?" Umaapaw na ang galit at sakit sa mga mata niya. At mas lalo akong nanlumo nang pumatak ang mga namuong luha sa mga mata niya.

"Saturday.." hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Fuck, ano ba 'to? Bakit ang hirap na namang magsalita? Bigla na namang bumalik ang mga alaala kong siya pa ang gusto ko dati.

"Tangina!" She cried out loud while holding her chest. Her every sob is stabbing my heart. "Tangina naman, Geometry.. tangina," paulit-ulit niyang sabi na nagpayuko sa akin.

Bumalik na naman ang mga alaalang magkasama kami. Bumalik ang panahong napapangiti ako sa tuwing naiisip at nakikita siya.

No, this is wrong.

Naisip ko bigla si Style kaya muli kong hinarap si Saturday at pinipilit siyang pinapakalma sa paghawak ng mga braso niya pero tinataboy niya ang bawat hawak ko. "Come on, you're drunk."

Sa huling beses na tinaboy niya ang mga kamay ko ay napakalakas nito na halos mapahakbang ako paatras. Ininda ang sakit ng mga kamay ko sa pag-iwas niya.

"Mas mabuting sasabihin ko 'to sa'yo na lasing ako dahil hindi ko 'to nasasabi tuwing may malay ako." May halong diin ang bawat salita niya at paulit-ulit na pinapalo ang dibdib niya.

"Huwag mong saktㅡ" hindi ko na naman nahawakan ang mga pulso niya dahil tinulak niya ako palayo.

"Ang hirap, Geo eh. Ang hirap makalimot! Kahit maliit na detalye ng nangyari sa akin ay hindi ko makalimutan. Alam mo kung gaano kaputang ina nun?" sigaw niya at sunod-sunod na ang mga luhang tumutulo sa kanya. I really hate to see her cry. Now I'm hating myself because I'm the reason why she's crying right now.

"Andoon na ako eh. Malapit na akong mahulog kaso shit.. bumalik na naman siya." Umiyak siya nang napakalakas habang tinatakpan niya ang mga mata niya. Malalakas ang mga hikbi niya kaya balak ko sana siyang yakapin para kumalma siya pero mas lalo siyang nagagalit kung hinahawakan ko siya.

"Ang hirap, hindi ko siya magawang kalimutan. Marinig ko lang ang boses niya, malanghap ko lang ang amoy niya, marinig ko lang ang pangalan niya, makita ko lang siya.. bumalik na naman. Lahat ng memoryang tinago ko ay malinaw na nagpapaalala sa akin," iyak niya at napapayuko dahil sa kahihikbi.

"Tanginang Hyperthymesia.." bulong niya. Tatanungin ko sana siya pero hinarap niya ulit ako na puno ng luha ang mukha.

"Bakit ganun, Geo? Pagkatapos ang mga pinaramdam mo sa akin dati, pati na rin ang mga ginawa mo para sa akin.. bakit parang ang dali sa'yo?" tanong pa niya kaya biglang nawala ang kabang naiipon ko at napalitan ng sakit.

"Madali?" mahina kong tanong kaya napatigil siya sa paghikbi para tingnan ako. "Sa tingin mo, madali lang ang ginawa ko noon?" mahinahon kong tanong kaya hindi na siya nakaiyak para makinig sa akin.

Napabuga muna ako ng isang mapait na tawa habang binabalikan kung gaano kasakit ang nararamdaman ko.

"I liked you, Saturday." I emphasized the word liked. Ayokong mapamali siya ng rinig dahil iniisip ko pa rin si Style.

"Nakakatawa lang kasi marinig na sinabi mong madali lang ang pinaggagawa ko kahit ilang beses kong iniyak ang puso ko dahil hindi ko alam ang gagawin ko para sa'yo." Para akong patay na nagsasalita. Hindi ko alam kung ano na ang lumalabas mula sa akin.

"Alam mo ba kung ano 'yung pinakaputa sa lahat?" tanong ko at nakawala ng isang mapait na tawa. "Kailangan kong pigilan ang babaeng sumisira ng relasyon ng babaeng gusto ko para lang maging masaya siya," sagot ko sa sarili kong tanong. "Hindi ko alam kung magiging masaya ka ba sa akin dahil masyado akong nakuntento kung gaano ka kasaya kay Minute. Kasi kung dati ay naiinis ka pa rin sa kanya pero sa huli, nakakawala ka ng isang ngiting hindi mo pa pinapakita tuwing magkasama tayo. Tanggap ko naman, Sat eh. Pero kinailangan ko pang pigilan ang taong sumisira sa relasyon niyo dahil ayokong nakikita kang nasasaktan at umiiyak."

Seryoso lang siyang nakatingin sa akin kaya napakagat ako ng ibabang labi at napatingin sa itaas. Wala na akong maintindihan. Masyado na akong naguguluhan ngayon.

"Hindi mo ako maintindihan.." bulong niya pero napailing ako. Wala talaga akong maintindihan kasi lasing siya at medyo nakainom ako.

"Sa susunod natin 'to pag-usapan. Ihahatid na kita pauwi. Masyado ka nang lasing," sabi ko at hinawakan ang pulso niya. Hinila ko siya pero nagpumiglas siya kaya napatingin ako sa kanya.

"Hindi mo ako naiintindihan.." umiyak na naman siya kaya napasapo ako ng noo.

"Lasing ka na. Tama na."

"Hindi mo ako naiintindihan.." Napailing siya nang paulit-ulit. Napabuntong-hininga ako at hinila pabalik sa room namin kaso pumiglas na naman siya.

Ang gulo na. Ang gulong-gulo na ng utak ko. Lalong gumugulo ang utak ko.

"Tama na, please?" pagmamakaawa ko.

"Hindi mo naiintindihan," pag-uulit niya kaya tumango ako.

"Oo, Saturday. Wala akong maintindihan kaya sa susunod na tayo mag-usap tungkol dito." Kinailangan kong linawin ang bawat salita ko dahil masyado na siyang lasing. Mas lalo kaming hindi nagkakaintindihan.

"Halika na. Tama na, please." Hinawakan ko ulit ang pulso niya kaya napalakas na ang pagtanggal ng kamay ko sa pulso niya kaya napabuntong-hininga ako habang nakatalikod sa kanya. Nakailang hiningang malalim pa ako para ipakalma ang sarili ko.

"Geo.." umiiyak na naman siya sa likuran ko kaya dahan-dahan akong napalingon sa kanya. "Hindi mo talaga nakukuha ang mga sinasabi ko?" tanong niya pero hindi ko siya sinagot. Nakatingin lang ako sa kanya kaya nakawala siya ng tawa sa gitna ng mga hikbi niya.

Masyado nang namamaga ang mga mata niya sa kaiiyak. Gusto ko na siya patahanin dahil umiiral ang emosyon niya sa oras na 'to.

Nakawala ulit siya ng tawa bago ginalaw ang mga kamay niya bilang pagdidiin sa mga sasabihin niya.

"Geo.. before he came back.." She kept sobbing while composing herself. She was staring at my eyes. She really wants to stamp her words inside my mind.

"I was yours."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com