Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Him 60

Now Playing: The One by Kodaline

They said, you need to remember the important memories that will make you happy in order to acknowledge what makes life beautiful.

Just the happy thoughts.

But damn, how can I remember what happened to me if each of them is vanishing in my mind and all I know is it was hard to recall. I thought it was the nature in me. I thought that was normal just because I have a lot of things to do. Or maybe, I'm more focused in the present days.

I can't even remember the one of the most beautiful memory with her that time.

But now I can.

"Merry Christmas, Geo!" Masayang nilapag ni Divide ang isang malaking regalo. Lahat ng mga kaklase ko ay nagtawanan at naghiwayan nang makita kung gaano kalaki ang box. Ang pagkakaalam ko ay something small ang nilagay ko para sa gustong kong matanggap sa exchange gift namin.

At since malakas ang trip ni Divide Fernandez, mukhang kabaliktaran pa ang binigay sa akin.

Mas lalo akong napasapo ng noo nang makitang barbeque grill ito. 

Hindi nga kami nagbabarbeque?? 

Napapabuntong-hininga na lang ako habang nagpaplano kung paano ko 'to maiuuwi.

Pagkatapos ng Christmas Party namin ay pikit mata kong binuhat itong kahon. Tinawanan lang ako ng mga nagpapasakit ng ulo kong sila Vertex, Venn, Divide, Reddie, Dom, Side at Ever habang naglalakad pauwi sa mga bahay namin. Hindi na lang ako nagreklamo kahit nagmumura na ako sa isipan ko. Naglakad lang ako pauwi sa bahay at binagsak ang kahon sa garahe. Pumasok na lang ako sa bahay para matulog sa kwarto.

Sumakit ang ulo ko rito kaya itutulog ko na lang ito.

"Geo?" May yumakap sa likuran ko at sigurado akong si Mama 'to. "Merry Christmas," bulong niya kaya napangiti ako kahit inaantok pa ako.

"Aalis muna kami ng Papa mo at babalik bukas mismong Pasko," bulong niya kaya napatango ako. Sanay naman akong umaalis sila pero alam ko namang bumabalik sila lalo na sa mga Holiday na 'to kaya hindi ko magawang magtampo tuwing umaalis sila kasi alam ko naman na para sa akin ang ginagawa nila.

"Sumasakit ba ang ulo mo?" Napansin niyang nakapikit ako nang mariin dahil medyo masakit ang ulo ko. Baka kulang lang 'to sa tulog o sadyang mainit lang kanina.

"Ano, magpapacheck up na tayo?" nag-aalala niyang tanong. Agad akong umiling dahil ayokong pumupunta sa ospital. Simula noong grade 5 ay ayaw kong makakita ng mga injections. Ang sakit nun sa katawan at para akong hindi makagalaw sa dami ng benda ng buong katawan ko. Ayaw ko nang bumalik doon kaya kailangan kong mag-ingat palagi at gagawin ko ang lahat para hindi nako magkasakit.

"Itutulog ko na lang, ma," bulong ko kaya pumayag na lang din siya. Niyakap niya ulit ako mula sa likod hanggang sa nakatulog na naman ako.

Pagkagising ko, okay na ang pakiramdam ko. Tulog lang pala ang kailangan ko para maging okay kaya ito ako ngayon, tinititigan ang kahon at iniisip kung anong gagawin ko rito. "Should I donate you?"

Iniisip ko rin ang mararamdaman ni Divide kung binigay ko ito sa iba pero hindi ko naman kailangan 'to eh. Alam kong trip lang niya ito since hindi ko naman kailangan ng ibang gamit sa ngayon. Palibhasa, mayaman din sila kaya kahit bumili pa 'yun ng Iphone para maipalo kay Venn, magagawa niya 'yun.

Napakamot ako ng batok bago ito binuhat at dinala kung saanman. Para akong kargador nito habang napapatingin sa paligid kung sino ang gustong makatanggap nito. Gusto ko sanang bigyan ang nangangailangan. Baka kailangan nilang may pagkakitaan at pwedeng magsimula sila ng barbeque business.

Kaso walang katao-tao dahil desperas ng Pasko at baka busy sila sa pagluluto ng handa nila.

Hindi naman ganung kabigat ang kahon pero nakakapagod rin ang posisyon ko. Kaya nang makarating sa 7eleven malapit sa schools ay nilagay ko muna ito sa gilid. Nagpaalam naman ako sa guard kaya pumayag siya. Bago ako dumeretso sa mga snacks kasi nagutom ako sa pagbubuhat ay may nakita akong babae na umiiyak.

She had puffy eyes and she really looked a marshmallow. She's cute but she's sad. Biglang sumama ang pakiramdam ko nang makita siyang malungkot kaya pagpunta ko sa snack section at nagmamadaling mamili ng makakain na pwede kong ibigay sa kanya. I saw a marshmallow that reminds me of her kaya 'yun ang binili ko pati chocolate drink kasi 'yun ang una kong nakuha sa pagmamadali.

Kumuha na rin ako ng tubig ko dahil napagod ako sa pagbuhat kaya pagkarating ko sa harapan niya ay parang nagblangko bigla ako. Walang salitang bumubuo sa utak ko nang nailapag ko ang chocolate drink sa harapan niya.

Unti-unting napaangat ang tingin niya hanggang sa nagtama ang paningin namin. Nang makita siyang malapitan ay napatulala ako kung gaano siya kaganda.

"F-for you.." nauutal kong sabi. Nakahinga ako nang maluwag nang tinanggap niya ito.

"Thanks," pagpapasalamat niya at napatingin naman sa akin na nagpabilis ng tibok ng puso ko.

Nanuyo bigla ang lalamunan ko kaya napaubo ako saglit bago inabot din sa kanya ang marshmallow. "Comfort food." Tinanggap niya rin 'yun at napangiti.

"Thank you."

Para akong nakuryente sa ngiti at hindi ako nakalunok dahil bigla akong natameme. "You can sit there." Tinuro niya ang upuan.

"Is it okay?" Kahit nahihiya, sumunod na lang din ako kahit wala akong dalang kuwento para mapag-usapan. Baka kasi mabored siya sa akin. Tumango naman siya eh. Sana makapagsalita ako.

"Anong ginagawa mo rito?" Nagsalita siya na nagpakaba sa akin. Para akong tinatanong ng recitation at hindi ako makapagsalita kahit siya lang ang kasama ko.

"Donating.. that.." mahinang sagot ko. Nahihiya pa rin ako. Kalalaki kong tao, nahihiya ako.

"Ano 'yun?" tanong niya.

"Barbeque grill."

Kanina naman sure akong ipapamigay ko ang grill na 'yun pero nang nakita kong nagningning ang mga mata niya ay parang nagdalawang-isip ako bigla. "Bakit mo ibibigay? Ayaw mo ba n'yan??" Agad akong napatingin sa tubig ko dahil parang gusto ko lang marinig ang boses niya.

Nakakakalma ang boses niya.

"My yaya and I really like to barbeque pork and chicken. Meron kaming barbeque grill sa bahay at nag-eenjoy kami sa pagluto at pagkain," pagkukuwento niya. Ang daldal niya. Siya ang madaldal na gusto ko lang pakinggan.

"Was it.. fun?" Hindi ko alam kung ano na pumapasok sa utak ko. Marami naman akong naiisip na salita pero ang ikli lang ng sinasabi ko.

"Super fun!" Her smile made me feel something weird kaya napalingon ako sa regalo ni Divide.

"My friend.. gave that.. uhm, exchange gift," putol-putol kong sabi kaya napatango siya. Palihim akong napakagat ng labi dahil ang cute niya. 

"Promise, super saya magtuhog ng pork sa stick. Tapos masarap pa! Have you tried eating barbeque?" sunod-sunod niyang sabi kaya napaisip na ako na magpaturo magpadaldal kay Side.

"Once.." Kaso mabuti na lang naibalik ko ang tanong niya kaya sumagot ako. Naalala ko lang ang birthday ni Vertex.

"Iuwi mo na lang 'yun para may bonding kayo ng fam mo," mabagal niyang sabi na parang may iniingatan siya kaya napatingin ako sa mesa.

"They're busy."

"Oh." Napakamot sa batok niya. "Okay lang sa'yo na busy sila?" Napansin kong mabagal ang pagtanong niya na parang maingat siya. Gustuhin ko mang mapangiti pero tinago ko na lang ito sa pagkagat ng loob ng pisngi ko.

"They're doing it for me."

Napatango siya at natahimik. Nag-aalala tuloy ako. "What are you doing here?" tanong ko dahil ngayon ko lang siya nakita.

"Nagpapahinga," natatawa niyang sagot. Nagtaka ako at magtatanong pa sana pero binuksan na niya ang marshmallow at inalok ako. Una, ayaw ko kasi para sa kanya 'yun pero mas lalo niyang nilapit sa akin kaya napangiti siya. Dahil sa ngiti niya ay sinubo ko na ito.

"Birthday ko kasi bukas." Nabilaukan ako sa sinabi niya. Halos nailuwa ko ang nasa bibig ko sa sobrang gulat.

"Birthday mo bukas.." ulit ko kaya napatango siya.

"Wala rin naman akong kasama kaya okay lang. Sanay na ako."

Bigla akong nalungkot. Ang bait-bait niya tapos wala siyang kasama sa birthday niya? Hindi niya deserve 'yun.

Handa na akong makinig sa kanya kaso tinuro na niya ang kahon sa likuran ko. Halatang iniiwasan niyang pag-usapan ang sarili niya. "Keep that. Pwede tayong magbarbeque soon."

Really? Bigla akong naexcite. Napatitig ako sa kanya para tandaan ang mukha niya. Sana talaga makita ko siya ulit.

"Galing kasi akong Florewoods and parang gusto ko lang magpahinga saglit kaya mag-isa akong pumunta rito," pagkukuwento niya kaya naipatong ko ang mga siko ko sa lamesa para makinig sa kanya. Ang cute niya talagang magsalita.

"Atsaka brokenhearted ako," natatawa niyang sabi kaya naramdam ako ng galit. Ang kapal naman ng mukhang 'yun! Ang ganda-ganda niya kaya tapos sasaktan lang siya? "Pero okay lang kasi once you like someone parang tatanggapin mo ang lahat. Magustuhan ka man o hindi. Pero masakit pa rin. Sino ba naman ang magkakagusto sa akin 'di ba?"

I hate it. I hate that she looked down on herself. Gusto ko sanang magsalita pero mas pumangibabaw sa akin manahimik dahil bigla akong nawawalan ng focus sa mga salita ko at nawawala na lang bigla. Hindi pa kasi ako nakakausap ng babae bukod kay Mama at Ever.

Iniba niya agad ang topic na nagpabagsak ng mukha ko. Bakit nagpapanggap siyang masaya kahit hindi siya okay ngayon?

Nabanggit niyang may slam book kaya napaayos ako nang inuupuan at masaya niyang inalok sa akin 'yun. Tinanggap ko 'yun kahit hindi ako mahilig sa mga ganito. Gusto ko lang siyang maging masaya.

"I don't have any favorite movies," sabi ko nang nasa favorites na ako. Wala akong maisip eh. "You know Marvel Movies?"

Marvel Movies.

Tinatak ko 'yun sa isipan ko at sana hindi ko makalimutan. Pinanood ko siyang kinuwento ang bawat movies doon kaya unti-unting napapaangat ang gilid ng labi ko habang nagkukuwento siya. Kaso bigla itong bumaba dahil nagtama ang paningin namin. Shit, para akong nabaril! Bakit ganito?

"You love those movies," sabi ko matapos siyang pakinggan. Mukhang mahihiligan ko 'yun. "I hope you'll love it too," she whispered softly making my heart melt.

I should watch those.

Inuulit ko ang mga binanggit niyang movies sa utak ko hanggang sa mabanggit ang isang pamilyar na pangalan.

"Thor..?" hindi ko sure na pagbanggit kaya napatango siya nang maraming beses. 

"You watched it na?" Hindi ko alam pero parang nakita ko na saanman. Pero nagblangko ang utak ko nang sinilip niya ang mukha ko. "The long haired hottie with a hammer? He's the god of thunder and he's worthy enough to lift his hammer." May parang winagayway siya. Pero may salita na tumatak sa isipan ko.

"Worthy." That can be the word that can describe her.

May parang umapaw sa puso ko nang malaman kong magiging comfort food na niya ang marshmallow at chocolate na binigay ko. Kaya mas lalo kong tinatak sa utak ko ang Marvel Movies na sinuggest niya.

Pagkatapos kong sinulat ang letter ko para sa kanya ay binalik ko ito sa kanya. Sana mabasa niya agad. Kaso bigla akong kinabahan kaya nagtanong ako kung gusto pa niyang kumain. Ayaw na raw niya kaya nagpaalam ako saglit dahil nakalimutan kong kumuha ng snack. Kukuha rin sana ako ng ibang snack para magtagal kami roon kasi pagsilip ko sa lamesa ay wala na siya.

Parang sumikip ang dibdib ko sa biglaan niyang pag-alis. Hindi man lang siya nagpaalam.

I haven't even asked what her name is.

Napabuntong-hininga ako binalik ang mga kinuha ko. Niligpit ko ang kalat namin at muling napaharap sa kahon. Napabuntong-hininga na naman ulit ako dahil iuuwi ko na naman 'to.

Bigla ko na lang kinalimutan ang mga dapat kong aalalahin dahil Pasko ay dumeretso kami sa ibang lugar kasama ng magulang ko. Hanggang sa nagbagong taon at nagpasukan. Pag-aaral ang inatupag ko dahil sa sunod-sunod ang quizzes.

As usual, nagdaldal naman sila habang nagsusulat ako ng notes hanggang sa may binuksang topic si Divide, "Tara, gym tayo para maganda ang katawan natin bago magcollege!"

Pumayag ang iba kaya pumayag na rin ako. Nagpaalam ako kay Mama at pumayag agad siya. Kaya pagka-weekends ay nagsimula kaming maggym. Naghire pa si Divide ng personal Gym Instructor namin.

Sa unang session namin ay sumakit agad ang katawan ko pero sa mga susunod na araw ay nasanay na kami. Lalo na't si Vertex ay kinakareer ang magkaabs.

Si Ever ay nasa treadmill. Ang iba ay nagparehas ng mga trip samantala si Dom ay nakahiga lang sa mat at walang ginagawa.

"Masyadong kinareer ni Geo oh! Mag-iisang buwan pa lang tayo!" sabi ni Reddie habang tinuturo ang katawan ko. 'Yun din ang napansin ni Mama kagabi at pinisil-pisil pa ang braso ko. Hindi ako sumagot at nagpunas ng pawis ko.

Gusto ko sanang magtanong kung saang gym ba kami kasi malayo sa Sorwell pero napatingin ako sa sign doon. Florewoods.

"Florewoods.." bulong ko sa sarili ko at may pinilit na inaalala. Kaso tinawag na ako ng iba para sa cool down kaya hindi ko na inintindi 'yun.

Months later parang may kulang sa akin. Pakiramdam ko, may kulang talaga sa akin. Ilang buwan na akong ganito kaya napailing ako at nagYouTube. Habang nagsscroll ng mga random videos ay may pumako sa paningin ko.

Marvel.

Kusa kong pinindot 'yun hanggang sa mga movies na nila ang pinapanood ko. Nahook agad ako sa mga kwento at characters kaya halos lahat ng movies pinapanood ko na.

Kaso habang nags-sleepover kina Vertex ay nanonood ako ng Captain America. Hindi naman sila interesado kaya hinayaan lang nila akong manood hanggang sa antukin ako. Lahat kami ay nasa sahig samantala si Ever ay nasa kama ni Vertex. Pinaubaya namin ang kama dahil mas ginusto nilang sa baba matulog para yakap-yakap nila ang isa't-isa. Kaysa sa akin na nasa gilid at ayaw magpahawak sa kanila.

"Ayan kasi, movie-movie pa," pagsesermon ni Side sa akin nang ako ang huling nagising pagsapit ng umaga. Humikab na lang ako habang nilalabanan ang antok ko.

"Kailan ka ba nahilig sa pagpapanood?" tanong niya kaya napakunot bigla ang noo ko. Bigla akong napatulala para aalahanin kung anong meron sa Marvels. Napailing na lang ako at bumaba sa bahay nila Vertex oara mag-almusal. Kaso aksidenteng natapon ang gatas ni Venn sa akin.

"Ito na kasi ang isuot mo!" Pagkatapos kong maligo ay binibigay sa akin ni Vertex ang damit niyang neon red na sobrang masakit sa mata. 

"No."

No choice ako, sinuot ko na lang.

"Si Geo ang stop sa stoplight," biro ni Venn kaya binigyan ko siya ng isang thumbs up habang blangko ang mukha.

Papunta raw kami sa South Park dahil may busking event daw doon. Ayaw ko ngang sumama pero no choice talaga ako. Tapos naming maglakad-lakad ay napatigil kami para panoorin ang isang babae na sumasampa sa maliit na entablado.

May specs siyang suot kaya hindi ko masyadong makita ang mukha niya.

Kumanta siya bigla at inaamin kong nakakabighani ang boses niya. Sumali na ang buong banda sa likuran niya kaya bumulong ako kay Side na tumatalon-talon at nakikisabay sa lakas ng tugtog. "Title?"

"Red ni Taylor Swift!" sigaw ni Side at pinatuloy ang pagsabay sa tugtog kaya napatingin na lang ako sa babaeng kumakanta. Sila Ever ay sumasabay sa tugtog samantala, nakatayo lang ako at naiirita sa suot kong damit.

Bumilis na rin ang panahon at maraming nangyari sa kanila samantala sa akin ay wala. Nauna na akong magtake ng College Entrance Exam sa Academy of South Orwell. Ako ang pinauna nilang mag-exam para sabihan sila kung gaano kahirap ang mga test.

Magsisimula na ang exam nang may pumasok pa na isang babae. "Sorry po.." mahinahong sabi niya kaya pinaupo na siya sa bakanteng upuan sa tabi ko. Hindi ko na siya tiningnan dahil pinapakalma ko ang utak ko na parang kinakabanahan sa test.

"Excuse me.. may extra ballpen ka pa?"

Napatingin ako sa tabi ko at mahina siyang nagtanong sa akin. Napatitig ako sa mukha niya kaya nang napakurap siya nang ilang beses ay doon ko naalala na hihiram pala siya ng ballpen kaya kumuha ako ng extra ballpen sa bulsa ng bag ko.

"Thank you! Good luck," nakangiti niyang sabi kaya napatango ako. Ibabalik ko sana ang tingin ko sa test na kalalapag pa lang sa armchair ko nang napasulyap ulit sa babae kung gaano kagaan ng mood niya. Napakalma ng aura niya kaya nang nagsimula siyang mag-answer ay hindi ko mapigilang mapasulyap sa mukha niya habang ang mga buhok ay humaharang sa mukha niya.

Bakit parang may dapat akong aalahanin?

Ah oo, test papers.

Natapos ko rin agad ang entrance exam kaya ako ang unang lumabas ng room. Saktong paglabas ko ay may narinig akong upuan at nakita ko ang babar na tapos na ring mag-answer.

"Uy, salamat pala sa ballpen! Dinasalan ko 'yan na magiging swerte pagbalik sa'yo," nakangiti niyang sabi paglabas namin ng room kaya medyo naningkit ang mga mata ko habang may inaalala sa mga ngiti niya. Madaldal din siya.

"Thanks," sabi ko kaya napatango siya habang nakangiti.

"Thank you ulit!" paalam niya at maglalakad sana palayo sa akin pero pinigilan ko siya. 

"Uhm, hey."

Napalingon siya sa akin at doon na ang may nagtulak na kailangan kong magpakilala. "I'm Geometry." Inalok ko ang kamay ko at nagdadasal ako na sana tanggapin niya. Tinanggap nga niya na nagpangiti sa akin pabalik.

"Cool name, Geometry," nakangiti niyang sabi.

"What's your name?"

"Saturday." She smiled sweetly.

Nakakatawa lang na ang Mama pala niya ay barkada nila Papa dati. Kaya madali kaming nagkasundo at ng mga ibang sakit sa ulo.

Nakilala ko si Saturday. Ibang-iba siya. Parang may kapangyarihan siya na magpakalma sa isang tao. Parang kapag nakikita mo pa lang siya ay makukumpleto na ang araw mo.

Hanggang sa nahulog na nga ako pero ang gusto ko lang ay maging masaya siya. May nagtutulak talaga sa akin na kailangang maging masaya lang si Saturday. Nakita ko man siyang nagiging malungkot, may pilit akong inaalala kung bakit gusto ko pa siyang pasayahin.

Kaso biglang nagbago ang lahat.

"Sino 'yun?" seryosong tanong ko sa kanya habang nilalayo ang mga libro niya mula sa kanya. Nakita kong may babaeng kumakausap sa kanya sa lockers at malakas ang aura nito. Hindi ko nagustuhan ang pagharap niya kay Saturday kanina kaya kailangan kong malaman ang pangalan niya.

"Style Harris."

And that was her name.

---

"Kamusta, Geo?" bati ng isang Side Rivera na isang sikat na singer ngayon. Nasa office ko siya ngayon at katatapos pa lang ang Mall show niya dito sa Metromall. Pinanood ko siya mula rito sa office ko. Nakakaproud ang mga narating niya ngayon.

"Ayos lang," simpleng sagot ko at tumayo siya sa tabi ko habang nakatingin sa dami ng tao.

"Ikaw, kamusta?" tanong ko pabalik kaya napatango siya.

"Ayos lang," gaya-gaya ng sagot kaya pabiro akong napairap at mahinang natawa.

"CEO na CEO na ang dating ni Geometry Metro. Parang dati lang, iniiyakan niya ang ex niya," natatawa niyang sabi. Masasaktan sana ako sa sinabi niya kaso may alas din ako.

"Singer na singer ang dating ni Side Rivera ah. Parang hindi nakipagbreak ang isang model ah," asar ko pabalik kaya napikon siya bigla.

"Sakit nun ah. Kailangan ba talagang saktan ako nang todo?" pagdadrama niya kaya napakibit balikat ako. Tamang ganti lang. Naglakad na ako papunta sa upuan ko kaya sumunod siya sa akin.

"Search mo, Staris." Hindi ko alam kung inaasar ba niya ako o ano at binanggit niya ang kumpanya nila noon.

"Yoko. Alis ka na," pagtataboy ko. Kusa lang siyang pumunta rito. Palibhasa, ginamit kasikatan niya kaya easy lang mga koneksyon niya.

"Eh 'di alis na lang. Baka pasalamatan mo pa ako," pagdadrama niya pero umalis na rin. Nagpaalam pa siya na may pupuntahan pang studio kaya tinanguan ko siya.

Nakatitig ako sa desktop ng pc ko at nagdadalawang-isip sa sinabi niya. Ano bang meron sa kumpanya nila? Ang pagkakaaalam ko, nagsara na ito kaya wala na siya rito.

Dahil curious na rin ako, sinearch ko ang Staris at nanlaki ang mga mata ko nang makita ang pangalan niya bilang CEO sa bagong building nila sa Manila.

Style Harris.

Hindi ko mapigilang mapangiti dahil parang nawala na lang lahat ang lahat ng sakit na naipon ko nang makita ulit ang picture niya sa isang site. Gumanda siya lalo.

Back to business na sila at napapangiti ako sa mga magagandang feedback nila matapos silang mabankrupt noon. May parte pa ring sinisi ko ang sarili ko kaya nakipaglaban pa ako sa konsesnya ko.

Nag-iisip ako ng mga pwede kong segwey pero ang layo naman ng Manila! Pwede naman dito na lang sa Central! Eh 'di sana malapit lang kami! Bakit kasi malayo!

Halos buong limang buwan at nag-iisip ako ng paraan para magkita kami ulit. Hindi ko na tuloy ang naisip ko dahil naiisip ko rin pala si Papa. Alam kong madidismaya siya.

Dahil may ipon naman ako, nagpatayo ako ng bahay sa bagong Villa sa South Orwell. Masyado akong mabilis magplano at nang nalaman ko talaga na andito na siya sa Pilipinas ay hindi ko na siya papakawalan. Unti-unti na akong nagpaplano para sa kanya.

Kaso nang lakas loob akong dumalo sa meeting namin ay ang mga magulang niya ang pumunta kaya sobra akong nadismaya. Nagresign na pala siya at hindi ko man lang alam?? Nabalutan ako ng galit sa buong mundo. Kung kailan, handa na ako. Kung kailan, may kinatatayuan na ako. Bakit hindi sumang-ayon ang tadhana?!?

Umuwi ako sa South Orwell at balak ko talagang magpakalasing. Sobra akong nadismaya at nasaktan sa mga nalaman ko. Parang naglaho na lang ang plano ko at mukhang mamomoblema ako sa bahay nito. Mas lalo lang akong nainis nang wala pang signal kasi may ipapasa ang assistant ko na isang file.

Kung kailan pa, nakapag-ipon ako ng galit sa mundo, saka ko siya makikita ulit?

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman dahil halo-halo ito. Para akong nawawala. Hindi ko man lang siyang makausap. Binati niya ako sa labas ng 7eleven at pinipigilan ko ang sarili ko nayakapin siya.

Pero putangina. "Thank you pala sa mga flowers na pinadala mo."

Ano?

Para akong nalunod sa nalaman ko. Sinong nagpapadala sa kanya ng bulaklak? Imbis na kalimutan siya at buong linggo ko siyang iniisip hanggang tuluyan na akong nabalutan ng selos.

Sino ba naman kasi ang hindi magagalit na kainuman niya 'yung Regino?! Tapos tinawagan pa niya ako kung gaano niya ako namiss. Tangina, malapit na akong bumigay. Kaso parang pumangibabaw ang pride ko at pinaglaban ko ang sarili ko. Hindi ko na hahayaang masaktan ulit ako kaya nilabas ko ang sakit na kinimkim ko nang ilang taon.

Wala na akong maalala na mga sasabihin ko at naalala ko lang bigla ang sinabi ni Saturday noong nag-iinuman kami dahil nasasaktan siya kay Minute.

"I fell out of love for him, Geo.. I waited too long.. ang hirap."

"I fell out of love, Style."

Napabuga ako ng hininga nang wala na akong maisip para magtayo ng mga dingding para huwag na siyang papasukin sa buhay ko. Parang masyado na kaming nasaktan dati. Tama na 'yun. Kailangan nang tapusin ang lahat. Para mawala na rin ang sakit. Tutal wala na akong maalala na mga plano ko dahil sa sakit na nararamdaman ko.

Pero nang siya na ang nagsalita ng hinanakit niya matapos ang ilang taon.... wala na. Nakain ko ang mga salita kong sumusuporta sa harang na ginawa ko. Mas lalo lang akong bumigay nang niyakap niya ako.

Putangina, wala siyang matandaan sa huli kong sinabi dahil nakatulog siya.

"Ayan kasi!" Pinalo ni Saturday ang braso ko. Kinuwento ko sa kanya ang nangyari sa amin ni Style at ilang araw ay hindi na kami nagpapansinan. "Gaya-gaya kasi ng line! Hindi ka tuloy pinapansin!" panenermon niya kaya tinanggap ko na mali ko talaga 'yun dahil sa pagsalba ng pride ko.

Nalaman ni Papa ang plano kong pagkuha ng Staris sa isa naming building. Nadala lang kasi ako ng konsensya nang pagkabagsak nila dati pero diniin niya na ginawa ko 'yun dahil kay Style.

Totoo naman din. Kaya tinanggap ko na pinaalis niya ako sa Metromall dahil nalaman niyang balak kong bumili ng singsing.

Walang may alam na pinaalis ako sa Metromall. Hindi ko sinabihan sila Reddie dahil gusto kong kumilos nang sarili ko lang. Wala akong sasakyan, o pera. Nakaipon naman ako ng pera na sweldo ko sa pagiging CEO pero pinutol din 'yun ni Papa since konektado pa rin ang pera na 'yun sa pera nila.

Mahirap maghanap ng trabaho. Kahit bigla akong nagbblangko at nawawalan ng focus ay sinubukan kong magtrabaho. Mag-ipon na naman ako para mabili ko ang singsing kasi kung pinakita ko kay Papa na mahal ko pa rin si Style. Kasi kapag akin na ulit si Style ay mababawi ko ang posisyon kaya dobleng panalo 'yun para sa aming dalawa.

Kaso habang nagtatrabaho nang hating gabi ay may oras na sumasakit nang sobra ang ulo ko. Parang may pumipiga rito kapag iniisip ko siya bilang inspirasyon ay kailangan ko pa ring lumaban.

Nagkatrabaho rin ako sa café ni Style. Balak ko lang talagang makita si Style kaso walang tao roon kaya parang tinamaan ako ng antok kaya hindi ko inaakalang ito ang magiging paraan para mapabilis ang plano ko.

Hindi ko alam kung nagmamadali ba ako o ano pero napakabagal ng dalawang buwan para sa akin. Pakiramdam ko isang taon akong nagtatrabaho roon at kay Style ako umuuwi tuwing umaga para makita rin siya.

Umagang-umaga at nasa labas na ako ng Stylehouse. Wala pa siya dahil maaga ako nang 30 minutes kaya napasandal ang noo ko sa dingding doon habang pinipigilan ang pagsuka ko. Para akong nasusuka pero walang lumalabas. Umiikot ang tiyan ko kahit maayos naman akong kumakain.

Nang malaman ni Style ang lahat, sinubukan kong huwag madulas na singsing ang pinag-iipunan ko. Kaso napansin niyang madalas na sumasakit ang ulo ko.

Pero nang maramdaman ko ulit siya, parang naging maayos na ang kalagayan ko at bihira na lang akong makaramdam ng sakit. Parang siya na ang gamot ko dahil tuwing nakikita ko siya ay grabeng saya at pagmamahal pa rin ang nararamdaman ko.

"Gago, hindi ako nakaluhod kaninang concert," nagpapanic kong sabi kay Vertex mula sa kabilang linya. "Hoy gago, hindi ka nakapagpropose??" tanong niya.

Dapat talaga magp-propose ako pagtugtog ng Love Story kaso bigla akong kinabahan kaya halos hindi ako makaisip nang maayos. Nabibingi ako sa matinis na tinig sa utak ko tinititigan ko na lang siya dahil nawawala na lang ang sakit na nararamdaman ko noong oras na 'yun.

Kaso mukhang nagalit pa ata sa akin. Kaya sa Boulevard na ako nagpropose dahil masyadong marami kaming alaala rito. Mabuti nakapagdala sila Vertex at Venn ng speaker para sa background music. Home to You ang kantang pinatugtog ko dahil siya lang talaga ang naalala ko.

"I told you that I'll always come home to you, right?"

She always been my home since then. I never knew that our love will grow and will continue growing. The past made us stronger.

"I love you," I whispered to my wife sleeping on my chest.

I really do.

Bago ang lahat, nagpacheck up ako sa nararamdaman ko. Nakampante naman ako sa resulta at hindi ko nakakalimutang uminom ng gamot pero bakit ang sumasakit pa rin ang ulo ko? Ibang klase na ang sakit kaya sa kalagitnaan ng meeting ay napatigil ako sa pagsasalita sa harapan ng mga clients namin at napahawak sa ulo ko. Hindi na rin ako makapagsalita dahil sobrang sakit na ng ulo ko. Wala na akong ibang naisip kaya tinulungan nila akong lumabas sa conference room at pinalitan ako ng assistant ko.

"You should rest first, Sir," Paulo said.

Kinuha ko ang phone ko para tingnan kung may text na ba si Style dahil uuwi ako ngayon pero text galing sa Central Medical ang natanggap ko tungkol sa condition ko.

Pinilit kong umuwi dahil baka magulat si Style sa malalaman niya. Si Doc Rena ay nagtext sa akin na mauuna sa bahay namin kaya kinabahan ako. Kahit sobrang sakit ng ulo ko ay sinubukan kong umuwi para mahabol siya. Kinakabahan ako sa magiging reaksyon ni Style.

Akala ko wala nang problema pero dahil sa text ni Doc ay nagkagulo na ang mundo ko at nagsilabasan na ang lahat ng sakit sa katawan ko. Wala na akong oras at pinipilit kong ifocus ang mga paningin ko sa pagpasok sa gate namin. Lumalabo ang paningin ko at sa sobrang sakit ng ulo ko at muntikan akong matumba dahil nawawalan ako ng balanse.

Bigla akong nanlumo nang makita ang mga kaibigan namin na nasa sala namin. Seryoso sila at tahimik. Una kong hinanap ang asawa ko. Nang napalingon siya sa akin ay biglang may pumiga sa puso ko dahil sa tingin niya. Para akong nawawala sa oras na 'to pero napansin ko ang mga balloons na nasa baba. May mga decorations doon at nanlumo ako nang makita ang nakasukat sa dingding. HELLO PAPA.

"Hi Papa Geo."

Buntis siya?

Kahit sumasakit ang ulo ko ay sinubukan kong lumapit sa kaniya para yakapin siya nang napakahigpit dahil masaya ako sa balita pero napapatigil ako nang sumobra ang sakit ng ulo ko.

Sinubukan kong lumaban pero biglang dumilim ang paningin ko kasabay ang panghina ng buong katawan ko.

That was it. 'Yun ang mga umiikot sa ibabaw ng isip ko. Nang maramdaman kong gumagalaw ang hinihigaan ko ay sinusubukan kong buksan ang mga mata ko para harapin ang asawa ko.

"Geo.. please..." I heard her sobs while she's holding my hand. I don't feel nothing at all but when I tried to find her, I see her in a blurry vision, crying and begging.

"I love you. Please.."

That was the last thing I heard as I stared at her weakly. When I saw her face once again, my eyes began to close slowly.

I can't believe that she's the last thing on my mind.

And I am forever grateful for being with her in every phases in life until the end.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com