Chapter 47
Chapter 47
Dana's Point of View
"What do you want, Cyriel?!" i said to him.
He didn't respond, instead, he kept on staring at me.
"What?!" i angrily asked him, "pupunta punta ka dito tapos wala ka namang sasabihin!"
He took a deep breath, "i'm sorry. Hindi ko alam kung san ako magsisimula.. Ang dami kong gustong sabihin," then he laughed a little.
"I'll give you a clue. Start with what the hell are you doing here?!"
He stared at me. I noticed the dark circles around his eyes, "i love you," he said then he smiled and took a deep breath.
I just looked at him. Bewildered. What the hell?!
"I love you, Dana. I love you," then he smiled again, "sorry if i'm being weird. Ang tagal ko na kasing gustong sabihin sa'yo yan eh. I love you. Halos isang taon kong tiniis na wag sabihin yan. I love you, Dana. I love you."
Hindi ako makapagsalita. Ano'ng nangyayari?!!
"What's your problem, Cyriel?! 12 days na lang bago ka ikasal then you'll come here telling me that you love me? What the hell is wrong with you?!"
He looked at the floor. Then he looked at me and gave me a weak smile, "alam ko. Kaya nga sinasabi ko hanggang kaya ko pa.. hanggang pwede pa.."
Lumapit ako sa kanya at sinampal ko siya, "Sht naman, Cyriel! Ano bang gusto mong gawin ko?! Magsaya kasi sinasabi mo sa'kin yan? Nahihirapan na ako! Don't you have a heart? Please spare me from all these bullshit!"
He came near me and hugged me, "five minutes lang, Dana. Five minutes lang."
Hinayaan ko lang siyang yakapin ako.
"Mahal na mahal kita, Dana.. Kung kaya ko lang ibalik ang panahon, hindi ko na gagawin yun.. I made the wrong choice.. nung iniwan kita.. isang taon lang naman.. isang taon lang akong nawala.. nagtiwala ako sa kung ano'ng meron tayo.. i thought that one year is not enough to destroy whatever we had.. akala ko kahit umalis ako, pagbalik ko, ako pa din.. pero mali ako.. kasi si Andy na.."
Tahimik lang akong nakikinig sa mga sinasabi niya. He was crying. And i don't have the slightest idea what to do..
"Sana, Dana, ako pa din.. Sana tayo pa din.."
"Sana kaya ko din magpaka selfish gaya ni Andy.. Pero ano pa ba ang silbi kahit magpaka selfish ako? Hindi ka na naman sa'kin para ipagdamot kita," then he laughed.
I felt my eyes shed a tear. Ayokong umiyak. He shouldn't see me crying..
He then looked at me. Pinunasan niya yung luha ko then kneeled.
Nabigla ako kung bakit siya lumuhod, "what are you doing?!"
"Hindi kita kayang bitiwan, Dana. Pero may mahal ka nang iba.. Please lang, pakawalan mo na ako.. Itaboy mo na ako.. Hindi ko na kaya.. Iwanan mo na ko.. Please say it, Dana.. Sabihin mong ayaw mo na sa'kin.. sabihin mo na masaya ka na kay Andy.. sabihin mong hindi mo na ako kailangan.. Kasi pag hindi mo ginawa, patuloy lang akong aasa.."
Natahimik lang ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Kaya ko bang sabihin yun? Kaya ko ba siyang itaboy? Kaya ko ba siyang ibigay sa iba? Kaya ko bang sabihin na hindi ko siya mahal?
"Please, Dana.. ayaw na kitang pahirapan.. just tell me to stop.. papabayaan ko na kayo ni Andy kahit masakit.."
"Don't stop," i said.
Nagulat din ako sa sinabi ko. Hindi ko alam kung bakit ko yun nasabi..
He looked at me, "what did you say?"
"I said don't stop."
He stood up and went near me, "why? Why shouldn't i stop, Dana?"
"Don't stop loving me, Cyriel.. Please fight for me.." i said.
He hugged me, "i will, Dana. I will."
------------------
Andy's Point of View
"Katext mo si Sara?"
"Oo, bakit?" Sagot ni Dave.
"Pakitanong naman kung kasama niya si Dana, oh. Please, pare. Ilang araw ko ng kino contact, hindi sumasagot eh," pakiusap ko kay Dave.
Simula kasi nung nagkaharap kami sa bar, hindi na niya ako kinakausap. Lahat ng call ko, nirereject niya. Yung mga texts ko, hindi niya nirereplyan. Pag pupuntahan ko naman sa bahay nila, laging wala sabi ng maids nila. Alam ko naman na galit siya sa'kin eh.. Pero ang sakit lang kasi na isipin na kahit anong reach out at pagpapaliwanag ang gawin ko, walang nangyayari..
"No offense, Andy, pero hindi mo ba naisip na bigyan ng space si Dana? Alam mo naman na ilang araw pa lang na alam ni Dana yung tungkol sa nangyari dati eh.. Bigyan mo muna siya ng time para mag isip. Baka masakal na yun sa'yo pag palagi mong kinukulit," sabi ni Dave.
"Alam ko naman eh. Pero ayoko siyang bigyan ng space kasi.. natatakot ako. Natatakot ako, Dave. Natatakot ako na pag binigyan ko siya ng space, pumunta siya kay Cyriel.."
Yung magkasama nga kami, may puwang na si Cyriel sa puso niya, pano pa kaya pag lumayo ako? Alam ko naman eh, ang selfish ko! Masisisi niyo ba ako? Minsan na akong nawalan ng minamahal.. Ayoko ng maulit pa. Hindi ko na kakayanin..
"Okay, pare. I understand. Hay. Kaya ayoko ng nag aaway sa babae eh, damay pati kaibigan. Tignan mo, hati ang barkada ngayon," sabi ni Dave.
"Sorry. Hindi ko naman gusto yun eh.."
Binato ako ng unan ni Dave, "hindi naman kita sinisisi eh. Tss. Labo ng buhay. Tara, ice hockey tayo. Nakaka stress kayong tatlo nila Dana eh."
---------------
Kim's Point of View
"Boyfie!!" I called.
Hmm. Nandito ako sa bahay nila Clarence. Wala lang, just checking up on him. Mamaya niloloko na pala niya ako behind my back!!
Umakyat ako sa hagdan papunta sa second floor. Wala namang tao sa first floor maliban sa maids. Hmm, wala yung parents nila? Mabuti naman!! Their mom is scaring the hell out of me!! I mean, fine, they don't think that i'm good enough for their daughter because of that Ariza bitch Domingo!! But what the heck, can't they at least pretend that they like me even a bit?! Hello? I am Kimberly Miranda, the sole heiress of Miranda Architectural Firm. Does that ring a bell? Tss!
I walked through the hallway. As i was standing in front of Clarence's room, almost ready to open the door, i heard a conversation. I peeped and i saw Cyriel and Clarence talking seriously. Hmm. That triggered my curiousity. I mean, never kong nakitang nag usap ng matino yung dalawang yun, laging naggagaguhan or nag aasaran and now? They are seriously talking for Christ's sake!!
"Ano ngayon ang plano mo?" Boyfie asked him.
Cyriel took a sip of his rhum, "ewan. Kaya nga kita kinausap eh. I need your opinion about this."
Natahimik silang dalawa.
"Ang hirap lusutan niyan, Cyriel. You two are married. Legally."
Huh? What are they talking about? Eh di ba sa October 19 pa yung wedding nila ni Skinny Bitch??
"Alam ko. Do you think you could pull some strings? I'll resort to blackmailing kung kinakailangan. Please help me, Clarence. I badly need your help," Cyriel almost pleaded.
Fudge!! What the heck is going on?? I'm lost!!
"What if--"
Cyriel cutted him, "I don't need what ifs, Clarence."
"Tss. Nyeta naman, Cyriel. Ang hirap naman kasi ng pinasok mo! Sino bang nagsabi na pakasalan mo yung payatot na yan? Yan tuloy, ako ang napeperwisyo!"
Nagulat ako sa narinig ko kaya napapasok ako sa kwarto ni Boyfie! Uh-oh, i'm dead! (._.)
"What the-- Kim?!" Boyfie shouted.
"Hi, boyfie," i said and smiled a little. I'm busted. =___=
Nakatingin sila sa aking dalawa. Tss. Magkapatid nga sila, no wonder.
"Sorry, alright? Hindi ko naman sinasadya eh.." then nakatingin pa din sila sa akin, "fine.. I intentionally listened to your conversation.. I'm sorry."
After saying sorry, tumingin ako sa kanila. Umiiling si Clarence while si Cyriel, uminom ulit ng rhum niya. I entered Boyfie's room and sat on the couch.
"What did you hear?" Rence asked me. Nakakatakot si Boyfie pag seryoso!! Note to self: wag na wag mo siyang gagalitin, Kim!!
"Uhm, about sa marriage thingy?"
Pagkatapos kong sabihin yun, tinignan ko si Cyriel for a little confirmation kung tama nga ba yung narinig ko pero hindi siya nagsasalita.
"Cyriel, can i ask you a question?"
He just nodded.
"Did i hear it right? You and Ynna are married? I mean, as far as we know, sa 19 pa ang wedding di ba?" I asked him. Ew. Saying that they are getting married creeps me bigtime!!
He nodded again.
"But why?! How?!" I asked him. OMG!! Pano nangyari yun?!!
"Wag ka ngang sumigaw," sabi ni Boyfie. Sorry naman!! Nakakagulat kaya!!
"Pero kasi--"
"What's done is done, Kim. It'll be better kung tutulungan mo na lang kami ni Rence na mag isip," Cyriel said.
"Tss. As if naman may maitutulong yan.." Clarence whispered. Ang kapal lang talaga!! Ganun ba ako kabobo?!!
Hindi ko na lang siya pinansin. Mamaya sabihin niya guilty ako kaya ako defensive!!
"Cyriel, why are you doing this? I thought you already gave Dana up. What's with doing this all of a sudden?" I asked him. Tama naman yung tanong ko di ba? All these time, he chose to love Dana from afar, to love her discreetly. To sacrifice for her, and now, he's getting through all the trouble for this??
Ngumiti lang siya.
"Kasi natauhan na yang gago na yan. Tss," biglang singit ni Clarence. Epal talaga yung boyfriend ko na yun!! Ayun na eh!! Sasagot na si Cyriel eh!! Kainis!!
"Epal ka talaga," bulong ko.
"Tss. Sinasagot na nga yung tanong mo eh," tapos inirapan ako, "na realize niya kasi na mas masarap maging selfish."
"Ano'ng masarap maging selfish?!! Napaka bad influence mo talaga kay Cyriel!!"
Nag smirk ang boyfriend ko, "ano mas gusto mo? Maging selfless? Ipamigay yung mga taong mahal mo? Yung mga bagay na gusto mo? We will live only once, Kimberly Miranda. Better live without any regrets. Yan lang ang narealize ng little bro ko. Tsaka ayos na sila ni Dana kaya gustung gusto niyang makawala kay Ynna. Baliw talaga. Papakasal pakasal tapos ngayon hahanap ng butas para makalusot. Tss."
Ang lalim na yun ah!! Pero may point naman si boyfie.. We only have one lives, so we better make the most out of it. Kaya naman pipikutin ko na siya bago pa ako maunahan ng sluts diya sa gilid! Wahaha!!
"So, ano'ng plano niyo, Mario and Luigi?"
"Mario and Luigi? Pauso mo talaga," sabi ni Boyfie. Ang cute kaya nung Super Mario!! (._.)
"Bakit? Cute kaya!! Si Cyriel si Mario, ikaw si Luigi. Tutulungan mo si Mario para makuha si Princess dun sa monster. At si Andy yung monster. Hahaha! Ako yung mushroon pero si Luigi lang yung papalakihin ko," tapos nagwink ako kay Boyfie, "wag mong sasabihin kay Andy na siya yung monster. Baka batukan ako nun!!"
Pagkasabi ko nun, umiling iling na lang si Clarence. Tss. Kill joy! Palibasa matanda na siya eh! Hahaha!
"Ang weird niyong dalawa," sabi ni Cyriel. Aba!! Sino ang weird sa aming tatlo??
Nagsalita naman si boyfie, "dahil narinig mo na yung plano namin, kasama ka na dito. Wag kang mag iingay."
Tinaas ko yung kamay ko, "roger that!! Yes! Dati, neutral ako, pero ngayon, certified Team Cyriel na ako! Hahaha!"
"Tss. Lukring talaga. Anyways, balik na nga tayo sa pinag uusapan natin, Cyriel."
Naupo na ulit ng maayos si Cyriel. This will be a long night of planning. Ayos!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com