Prologue
Maybe I dream too much. Marami na akong pinapangarap simula pagkabata. Isa na roon ay ang maging doctor. Bukod sa gustong makipagsalamuha at tulungan ang ibang tao, gusto kong mapag-aralan ang mga tungkol sa medisina. Naging pangarap ko rin ang maging teacher. Gusto ko ring magturo ng mga bata. Puwede rin naman ako maging engineer. Kailangan ko lang mapamahal sa mga numero. Mayroon ding iba, kaso hindi ko na maalala dahil sa sobrang dami.
["Sinasabi ko talaga sa inyo. Kung pumalpak itong unang misyon natin, sa banyo kayong lahat matutulog,"] pagbabanta ni Orion mula sa suot naming earpiece. Kinailangan ko pa ngang takpan ang mga tainga ko para ipaulit ang sinabi niya. Ang lakas lang kasi ng tugtog sa bar at hindi ko masyadong naintindihan ang pinagsasabi ng iba.
Ang dami kong gusto sa buhay.
Gusto ko ring magkaroon ng trabahong matino.
May pangarap ako. May paninindigan ako. Kaso hindi ko inaakala na aabot ako sa punto ng buhay ko na kailangan kong gawin ito.
"Ano ulit 'yon?" pag-uulit ko.
Akala ko sasagutin ako ni Orion kaso narinig ko ang boses ni Clark, ["Nakikita ko na ang target, 3 o'clock ni Bloom."]
Napatingin agad ako sa relong nasa pulso ko. "7 o'clock pa lang!" sigaw ko. Yes! Nakakabasa na talaga ako ng orasan! Bigla kong narinig ang mura ni Ori kaya napakunot ang buong mukha ko. Hindi ko na talaga sila naiintinidhan! Ang ingay ng paligid!
["On your right, Bloom,"] sabi ni Boss kaya agad akong tumingin sa kanan ko. Agad kong hinanap ang lalaking may tattoo sa mukha na kasama ang napakapamilyar na lalaki dahil lalapitan na siya ni Lawron.
["Go, Batas!"] cheer ni Heroic kaya napalingon ako kung saan siya nakaupo kaso mukhang umalis na naman siya sa puwestong naiplano para sa kaniya.
"Saan ka, Roic?" tanong ko.
["Lechuneng Bayani! Asan na ba siya?!"] sigaw ni Ori. Naaninag ko siyang may bitbit na tray na puno ng drinks. Ilang buwan siyang nagtrabaho rito sa bar para sa plano namin kaya hindi puwedeng masira ang dapat mangyari ngayong gabi. Naghirap man kami sa magiging pagpaplano kaso hindi naman ipagkakaila na sinakripisyo pa ni Ori ang oras niya para magtrabaho rito sa Nodawn Shots.
["Shhhh, calm down, my babies,"] nagsalita si Roic na hindi naman alam kung saan lupalop nagpunta kaya nagpanic ako. Kung napasa na kasi sa akin ang chip, sa kaniya ko ibibigay kaso asan na ulit iyon?!
["At kailan pa nagkaroon ng kape sa bar?!"] tanong ni Boss na kasalukuyang nakikita ang bawat galaw namin.
["Babalik na ako sa pwesto ko. Let me enjoy my espresso."] Napairap ako. Kahit ba naman sa bar, magkakape siya?
Sasabihin ko sanang nagmumukha na siyang kape sa pagkakape niya kaso narinig ko na naman si Boss, ["Bloom, eyes on Lawron."]
Automatic naman akong humarap kay Lawron na kasalukuyang nasa tabi ng target namin sa harapan ng bartender. He's known as Jon, the great hacker at Nodawn City and he was about to meet his client to propose his microchip for their innovation. They were about to produce some new devices that we need to steal. Iyon ang misyon namin. And we need to do it neatly and quietly (kahit sobrang ingay sa club). And I know him kasi nakilala ko siya sa Nodawn University. Kaya kailangan ko ring magtago. Kung hindi... makikilala niya ako.
["Lawron."]
["I... can't..."]
Nabahala ako kay Lawron. Masyadong malalaki ang bakante sa kanila dahil nagsasayawan ang mga tao sa gitna ng dancefloor. Kung gumalaw siya ay makikilala siya since siya lang ang tao roon.
["Forsythe,"] Boss called.
["On it."] Forsythe got the message.
Nakita ko siyang naglakad papuntang counter kasama ang mga nabingwit niyang babae. They were too manyㅡenough to fill the spaces that needed to fill.
Nakita kong pag-alis ni Lawron sa puwesto niya ay nabangga niya si Jon. Dahil sa sobrang daming tao roon, hindi napansing napayuko si Lawron para kunin ang chip na bitbit nito. Saktong dumaan na si Heroic at sinasadyang banggain ang mga babae kaya medyo nagkagulo roon. May mga babae pang napasandal kay Jon.
"Sorry po!" sigaw ni Roic nang natapunan ng kape ang isang babae.
"The hell! Why are you drinking coffee in a club?! Are you nuts!?" maarteng sigaw ng babaeng parang bra na lang ata ang suot. Halos pumalibot na ang mga nakikichismis, saktong umangat na ang ulo ni Lawron kaya hindi agad napansin ni Jon na may gumalaw sa gamit niya.
"Bakit ba? Ayaw ko malasing eh!" pakikipaglaban ni Roic. Magaling talaga 'tong gumawa ng eksena.
["Nakuha na ni Batas,"] Boss said. Mukhang nakita na niyang nakuha na ang chip kaya lumapit na si Orion kay Lawron. Nagkasagi ang mga balikat nila at doon ko napansin na nilagay na niya sa loob ng drink ang microchip.
Okay, sa akin na pupunta ang chip kaya kailangang matapos na si Roic sa eksena niya kasi pagsalubong niya sa akin ay ibibigay ko sa kaniya ang natanggap ko.
"Aray! My hair!" sigaw ni Roic nang hinablot ng babae ang buhok nito. Nanlaki ang mga mata ko dahil wala iyon sa plano. Walang inaksayang oras si Orion at naglakad na palapit sa akin para ibigay ang drink.
["Shit,"] mura ni Boss dahil nakita naming napatayo si Jon at kinapa-kapa ang bulsa niya. Napansin niyang wala na sa kaniya ang chip kaya nataranta ako.
["Na kay Bloom na ang chip. Roic! Ano na?"]
["Teka lang, Boss! Aray! Buhok ko! Aray!"]
Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko at napahigpit sa hawak kong baso. Hindi ako makaiwas ng tingin kay Jon sa labis na takot lalo na't nagtama ang mga paningin namin. He looked so furious. Parang anytime, makakapanakit siya pero mas lalong nagkagulo ang plano nang hinila palayo si Roic ng babae habang hila-hila ang buhok nito.
Bakas na sa mga mata ko ang takot kaya naningkit ang mga mata ni Jon nang muli akong tiningnan.
["Bloom, umalis ka na diyan at kunin mo ang chip. Ngayon na,"] mabilis na sabi ni Boss kaya hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Umiwas ako ng tingin at napaisip. Kasalukuyang nakatitig na sa akin si Jon na mukhang nakilala na ako. He's a smart guy and he might assumed that a relay just happened but on the other side, nakilala niya ako ngayon. Nagpanggap na lang akong sumasayaw sa gitna ng dance floor.
Hindi ko na maipasok ang daliri ko sa shotglass dahil sa sobrang liit. Dahil sa kaba, ininom ko na nga ang hawak kong alak. Kaso hindi ko nilunok agad kaya nababad ang dila ko sa pait ng alak. Mas pinili kong inipit ang chip sa ngalangala at sa dila ko habang nilunok ang alak.
Kasalukuyang naglalakad na palapit sa akin si Jon kaya naririnig ko na ang pagdidiin ni Boss na umalis na ako sa kinatatayuan ko. Masyado na akong kinakabahan pero nakaya ko pang umalis sa puwesto ko at hanapin kung sino man ang makakasalubong ko sa kanila.
["Bloom. Saan ka?!?"] tanong ni Danger sa earpiece. Kaso hindi ako makapagsalita dahil nasa loob pa ng bibig ko ang chip.
Naramdaman kong may humawak sa balikat ko. Agad kong naitago ang chip sa ilalim ng dila ko.
"Bloom? Ikaw ba 'yan?"
"Jon?" At limitado pa ang pagsasalita ko dahil baka lumabas sa akin ang chip. My gosh! Guys! Help me!
"It's you!" Kahit nagpapanic ang mga mata niya parang nagnamadali pa rin siya. "I really really need your help."
Oh no.
"Sorry. I can't." Nagnginginig ang dila ko. Parang anytime, lalabas na talaga ang chip sa bibig ko.
Kailangan kong makaisip ng palusot! "Hinahanap ko boyfriend ko."
["Forsythe, help her,"] nagmamadaling tawag ni Clark.
Hindi na ako makalunok sa sobrang takot dahil baka malunok ko rin ang chip.
"Butㅡ"
Nakita kong naglalakad na palapit sa akin si Forsythe kaya sumigaw ako, "Babe!"
Shit! Hindi ko nabanggit ang pangalan niya dahil kapag binanggit ko siya, lalabas talaga ang tinatago ko sa loob ng bibig ko.
Kinunutan niya ako ng noo pero pikit-mata kong hinawakan ang batok niya at hinila para bigyan siya ng halik.
["Holy Molly!"] sabay-sabay na sigaw mula sa suot naming earpiece.
Hindi ko talaga inaakala na darating ang oras na ito. Ako, si Bloom Jinx Marcues na hahalikan si Forsythe Mendez na pinaglihi sa pinakamalaking bato sa buong mundo. Baka nga buhay na siya noong panahon pa ng bato. O baka sadyang bato na talaga siya. Hindi naman kami ganoong nagpapansinan!
I've never kissed anyone before. At hindi ko na alam kung anong gagawin ko nang lumayo ako para tingnan ang mukha niyang gulat na gulat sa ginawa ko.
I kissed him for the second time. But this time, I did my best to open his mouth with my tongue. He got my signal. Binukas niya ang bibig niya at nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman ang init niya sa loob. Gusto kong maiyak sa sobrang kahihiyan at hindi ko na alam kung ano pa ang itatago ko sa kaniya nito. Hindi naman kami close, 'noh!
He held my neck to deepen the kiss. That particular moment, I gave him the chip using my tongue. Dahil nga, bukas na bukas ang mga mata ko, nakikita ko ang reaksyon niya habang hinahalikan ako. Nakapikit siya at napangisi nang malamang chip ang binigay ko sa kaniya. Unti-unti niyang binuksan ang mga mata niya at naabutan akong dilat na dilat.
"Gumdrop," he annouced while looking at my lips.
He smirked before turning his back on me.
What the hell! I kissed him! We freakin' kissed!
["Got it,"] I heard him again through my earpiece.
Para akong naligaw sa kinatatayuan ko. Naligaw kasi ako sa nangyari kanina!
["Nakakadiri kayo,"] sabi pa ng iba at mula sa kinatatayuan ko, nakita kong napapailing sila sa mga puwesto nila.
Noon, may pangarap ako sa buhay. Gusto kong magpayaman, magkaroon ng matinong trabaho, pamilya at mabuhay nang mapayapa.
I never expect to be someone I didn't expect to be.
And I also didn't wish to be like this just to have what we want.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com