Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 19

Chapter 19

I have no idea that Saturn's way of courting is something so simple yet it will tug your every heartstring. At exactly 6 AM, he's already waiting for me in the living room so we can go to school together. He stops skipping classes and even gets high marks in our tests. At lunch, he will make sure that I get to eat my favorites. After school, he won't take me anywhere unless he gets permission from my brothers.

"This subject sucks." aniya habang binabasa ang libro tungkol sa history. "Too many dates and events to memorize."

Kinuha ko ang aking notes at iniabot ko sa kanya. Usually, kapag may exams na padating, gumagawa ako ng pointers para mas madaling magsaulo kaysa magpapalipat-lipat pa ng pages sa libro.

"Here," Kinuha niya ito mula sa'king kamay. "Nandiyan na lahat ng mga pwedeng kasama sa exam."

He purses his lips while looking at my notes. Nagtaas ako ng kilay. Mukhang nag-aalangan pa siyang tumanggap ng tulong.

I narrow my eyes at him. "Your problem, my problem. Together, remember?"

"Yes, together."

Napangiti na lang ako sa sagot niya. Hindi ko na siya inabala dahil mukhang seryoso siya sa pagrereview.

Hindi ko alam kung ano'ng pumasok sa isip niya at bigla siyang ginanahan mag-aral. Not that it's a bad thing. I'm actually glad that he's making an effort to study.

Humalumbaba ako sa lamesa at pinagmasdan siya. Masinsin niyang sinasaulo ang mga notes ko. Bahagyang gumagalaw ang kanyang labi habang ibinubulong ito.

Mayamaya ay bigla siyang tumigil. Humarap siya sa'kin.

"Mom..." He suddenly said. "She... was so happy that I got a perfect score in one of our subjects. It's genuine happiness and I want to see it again."

Hinawakan ko ang kanyang kamay na nakapatong sa lamesa. "Yes, she was really proud."

"And I want to prove to you that I'll be someone you will be proud of too."

Iniiling ko ang aking ulo habang nakangiti ngunit damang-dama ko ang mabilis na pagtibok ng aking puso sa kanyang sinabi.

"Girl, I give up. Turuan mo ako." Inilapag ni Xander ang kanyang libro sa'king lamesa.

Tumingala ako sa kanya. "5 minutes na lang dadating na si Sir."

Ngumuso siya. "No! What I mean is, i-tutor mo ako! Bobo ka man sa Math, magaling ka naman sa the rest ng mga subjects."

Hinila ko ang necktie niya. "Makabobo naman 'to!"

"Why don't we have a group study?" suggestion ni Wesley.

"That's a great idea!" bulalas ni Shellie. "Kaninong bahay?"

Hindi ko alam kung bakit sabay-sabay kaming napatingin kay Saturn na nakatuon ang atensyon sa mga notes na nakapatong sa lamesa niya. Nang maramdaman niyang nakatingin kaming lahat sa kanya ay napatingala siya.

"What?" Iniikot niya sa kanyang mga daliri ang hawak niyang ballpen.

"Let's have a group study at your house." Lumapit si Jonas sa kanya at umakbay. "Can we?"

Umirap sa kawalan si Saturn. "Bakit sa'min?"

Nagkatinginan kaming lahat. Alam kong curious din sila sa hitsura ng bahay ni Saturn. I've been in his condo but it's different from home. But the fact that they haven't mention Saturn's condo means they don't know anything about it.

"Bakit hindi?" sabi ni Wesley.

Saturn sigh. "Alright. Ipanalangin niyo na lang na wala roon ang parents ko."

Sabay-sabay kaming napangiti nang pumayag siya.

Nagsibalik na sila sa kani-kanilang upuan nang dumating na ang aming teacher. Buong araw kaming nag-exam sa iba't-ibang klase. Pakiramdam ko'y naubos na ang brain cells ko sa sobrang hirap. Mabuti na lang nakapagreview ako sa bahay.

"Gosh! Ang haggard ko na!" sigaw ni Xander nang matapos kami sa huling exam.

Napatawa na lang kami sa kanyang sinabi.

Para kaming nabunutan ng tinik nang matapos ang first day ng exam. May second at third day pa. Mabuti na lang naisip ni Wesley na maggroup study kami.

Kaagad akong nilapitan ni Saturn. Inilahad niya ang kanyang kamay.

Kunot-noo akong napatingin dito. "What?"

Napansin ko ang pamumula ng kanyang tainga nang tumingala ako sa kanya.

"Your bag. I'll bring it for you."

Matagal akong tumitig sa kanya hanggang sa napatawa na ako nang tuluyan. "Hindi mo naman ako kailangang ipagdala ng bag."

Pinitik niya ang aking noo. "I just thought that girls like it when their suitor do it for them."

"Well, I'm not one of those girls." I smirked.

"Right. Tomboy ka nga pala." Tumawa siya.

Sinipa ko ang legs niya pero hindi man lang siya natinag. "Hindi ako tomboy!"

Tinawanan niya akong muli. Inakbayan niya ako at dinala na palabas ng room kung saan naghihintay na ang buong barkada.

"Ano? Naglandian muna?" Inirapan kami ni Xander.

Kinurot ko naman siya sa tagiliran. "Huwag kang bitter diyan, Xander. Nandiyan naman si Alliya."

Nagbeautiful eyes sa kanya si Alliya samantalang si Xander ay umakto na parang nasusuka.

Natapos ang kulitan nang makarating kami sa parking lot. Sumabay sina Xander at Alliya sa'min samantalang magkakasabay naman sina Jonas, Shellie at Wesley.

Maingay ang naging biyahe namin dahil kina Xander at Alliya. Si Alliya ay nagpapacute kay Xander samantalang si Xander naman ay diring-diri.

Pagkadating namin sa isang sikat na subdivision ay kaagad naming napansin ang malaking bahay pagkapasok dito.

Bumukas ang itim na gate. Sumalubong naman sa amin ang mga rose hedges sa tabi ng kalsada na ang dulo ay ang mismong bahay. May malaking fountain sa gitna nito.

Ipinarada ni Saturn ang kanyang kotse. May lumapit sa'ming lalake na nakasuot ng puting polo. Ibinigay ni Saturn ang kanyang susi rito.

Nang makababa kami ay pinaandar ng lalake ang sasakyan patungo sa garage.

"Sosyal, bes! May chauffeur!" bulong sa'kin ni Xander.

Sumunod na dumating si Jonas na dala ang kotse niya. Pagkababa nilang tatlo ay gano'n din ang ginawa ng isa pang lalake na mukhang nagtatrabaho rin para sa mga Riff.

Sumunod kami kay Saturn sa pag-akyat sa hagdan patungo sa main door.

Nanggaling na ako rito noon pero ngayon ko lang napagmasdan ang kabuuan ng hardin nila. Ngayon naman, magkakaroon na ako ng pagkakataon na makita ang loob.

Pumasok kami sa loob. Sa gitna ay may hagdanan na nababalutan ng red carpet. Sa itaas ay may nakasabit na magarang chandelier.

Nakadikit sa gilid ng dingding ang mga family pictures nila at ilang mga litrato na sa palagay ko'y kamag-anak nila.

"Saturn?"

Napatingin kaming lahat sa nagsalita.

Oh, Tita Sheena is here so it means...

"Hon, Saturn brought his friends."

Hindi ko mapigilang mapangiti nang makita ang saya sa mukha ni Tita Sheena ngunit nawala ito kaagad nang mapatingin ako kay Tito Seraphino. He still has the same cold look. He's looking at us one by one like he's examining us — probably thinking if we are a good influence to his son or not.

"We'll gonna have a group study, Mom." sabi ni Saturn na hindi man lang tumitingin sa kanyang ama.

Mas lalong lumawak ang ngiti ni Tita Sheena. "Should I prepare snacks? In your room?"

Tita Sheena is a ball of sunshine.

Ngumiti si  Saturn. "That would be great. Thanks, Mom."

Hindi ko alam kung bakit natigilan si Tita Sheena nang ngumiti si Saturn sa kanya.

"Let's go." sabi niya sa'min.

Sumunod kami sa kanya paakyat ng hagdan. Kumanan kami at naglakad hanggang sa dulo ng hallway.

Pipihitin na sana ni Saturn ang pinto nang may magsalita sa'ming likudan.

Hindi namin napansin na sinundan pala kami ni Tito Seraphino. Nasa likod niya si Tita Sheena na mukhang kinakabahan.

"Keep the door open, Saturn." Tito Seraphino said coldly. His eyes travel down to Saturn's curled hands.

Itinaas ni Saturn ang kanyang kilay. "I haven't opened it yet." He reaches out and opens the door.

Papasok na sana siya nang muling magsalita si Tito Seraphino.

"You will keep the door open." He repeats slowly, his teeth gritting like he's pissed.

Humarap sa kanya si Saturn. Pinantayan niya ang malamig na titig ng kanyang ama.

"Why do I always have no choice to you, huh? We know what we are doing. What are you expecting? We'll gonna have an orgy?"

Mabilis na lumapat ang palad ni Tito Seraphino sa pisngi ni Saturn. Walang nakagalaw at makapagsalita sa'min dahil sa gulat sa nangyari.

Nakatagilid ang ulo ni Saturn sa lakas ng sampal sa kanya ng kanyang ama. Dinilaan niya ang gilid ng kanyang labi na may kaunting dugo. Marahil ay nakagat niya nang sampalin siya nito.

"Seph! Stop it!" Hinawakan ni Tita Sheena ang braso nito.

Marahas na hinila ni Tito Seraphino ang kanyang braso mula kay Tita Sheena. Tiningnan niya ito na para bang isang sagabal sa buhay niya. Sumikip ang aking dibdib. How heartless can he be?

Nangilid ang luha sa mga mata ni Tita Sheena.

Idinuro ni Tito Seraphino ang kanyang hintuturo sa dibdib ni Saturn. "Next time I hear you speak such vulgar words, I will slap the living daylights out of you." Lumakad siya palayo at pumasok sa isang kwarto. Pabagsak nitong isinara ang pinto.

Nilapitan ni Tita Sheena si Saturn. "I'm sorry, baby. I'm sorry." Tuluyan na itong naiyak.

Umiling si Saturn at niyakap ang kanyang ina. Kitang-kita ko ang galit sa mga mata niya. Nilapitan ko siya at hinagod ang likod niya para kumalma.

"Tita Sheena, bakit hindi niyo kami samahan sa loob?" Ngumiti ako sa kanya.

Tita Sheena smiled. "Thank you, Chloe."

Humiwalay sila sa isa't-isa. Umalis muna si Tita Sheena upang magpadala ng pagkain kaya nauna na kaming pumasok sa loob ng kwarto ni Saturn.

Kagaya ng kwarto niya sa condo, puro itim at puti lang ang makikitang kulay sa loob.

Hindi nagtagal ay sumama sa'min si Tita Sheena. In that instant, isinantabi na namin ang nangyari. It turns out, Tita Rian graduated as Magna Cum Laude in Business Management so she taught us everything we have to know.

The subjects that we taught was really complicated became a piece of cake when she explained everything to us.

"Tita, bakit hindi namana ni Saturn 'yang talino niyo?" sabi ni Jonas.

Hinagisan ni Saturn ito ng isang piraso ng junk food.

Napatawa si Tita Sheena. Ginulo-gulo niya ang buhok ni Saturn. "Matalino itong si Saturn. Nauuna lang ang pagbubulakbol."

Saturn rolls his eyes and continue eating his chips.

"To be honest, Saturn and Seraphino were very alike."

Naubo si Saturn. Hinampas-hampas niya ang kanyang dibdib. I hand him a glass of water.

"We used to be in the same class during high school together with your mother, Chloe."

Nanlaki ang aking mga mata. "Matagal niyo na po palang kilala si Mommy?"

Ngumiti si Tita Sheena. "Yes. Your dad just came in the picture during our second year in college but I've known your mother since we were in high school."

Ang alam ko lang ay sabay na naggraduate sina Mommy at Daddy. Hindi ko alam na magkabatch pala sina ng mga magulang ni Saturn.

"Seraphino used to cut class. For some reason, ako palagi ang nakakawitness noon." She smile like she was remembering those sweet days. "He fought with other students a lot. He was his parents' ever-present headache. He was our school's delinquent."

Lahat kami ay napanganga sa kanyang sinabi. Biglang sumulpot sa'king isipan ang batang version ni Tito Seraphino na mukhang gangster. I shudder. That's... bothersome.

"Mom, stop. I'm not interested in your love story with Dad." Saturn makes a disgusted face.

Kinurot ni Tita Sheena ang tagiliran ni Saturn. "Ito naman. Share ko lang."

Natawa kami sa naging sagot niya kay Saturn.

Lumipas ang ilan pang oras hanggang sa nagkayayaan na silang umuwi. Dumako ang tingin ko sa pisngi ni Saturn na bahagya pang namumula dahil sa sampal sa kanya ni Tito kanina.

Lumapit ako kay Tita Sheena. "Tita, pwede pong magstay ako saglit?"

Hinawakan niya ang aking kamay. "Oo naman. Welcome na welcome ka rito. Do you want me to call your brothers for you in case hindi ka nila payagan?"

My heart melts by her concern. "Ok lang po. Ako na lang po ang magpapaalam sa kanila."

"I'll do it." sabi ni Saturn mula sa'king likod. "Shellie is waiting for you outside. You should tell them that you'll stay."

Just like what he told me, I go outside to bid them goodbye. Inulan muna ako ng sandamakmak na pang-aasar bago sila umalis.

Naramdaman kong may kamay na pumatong sa'king ulo.

"I already called them."

Nagtaas ako ng kilay. "And?"

He smirks. "They have different answers."

Hindi na ako nagulat sa kanyang sinagot.

"Who will you obey then?"

Inakbayan niya ako. "We'll take our time then I'll take you home before 7 pm with a box of donuts in our hands."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com