Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

04 | optimism


Tulo-laway na nanonood si Jin at Asher kay Kiefer habang naglalaro siyang mag-isa sa court. Ayaw ko na nga lang tignan eh kasi bawat tingin ko naman ay nasu-shoot niya ang bola. Kaya niyang i-shoot sa kahit saang anggulo, kahit sa labas ng three-point arc. Ang galing niya, bwiset. Tapos sasabihin niya sa 'kin na ayaw niya ng basketball? Liar!


Feeling ko naloko ako.


Umupo na lang ako sa isang bench sa may gilid. Kinuha ko ang phone at headphones ko at nagpatugtog ng rock music. Tinodo ko pa ang volume para wala akong marinig sa paligid ko.


Nakita kong nilapitan ni Jin si Kiefer nung matapos itong maglaro at nagpupunas na ng pawis. Nakangiti si Jin and I'm guessing na pinupuri niya si Kiefer. Si Asher naman lumapit din pero nakasimangot. Naiinis siguro kasi ang galing ni Kiefer pero hindi siya kasali sa team. Bakit nga ba di siya kasali sa team? Baka sakaling nanalo pa sila ng first place kapag kasali siya. Di naman maitatangging magaling siya maglaro eh. Sinungaling nga lang. Bwiset talaga.


Kiefer said something na nagpawala ng ngiti sa mukha ni Jin at mas nakapagpabusangot pa ng mukha ni Asher. He doesn't want to join their team. Affirmative.


Paalis na sana siya nung dumako ang tingin niya sa 'kin. O sa 'kin nga ba? Tumingin ako sa likod pero mga bleachers lang naman ang nakita ko. Naramdaman kong may bumagsak sa tabi ko. It's him, pabagsak siyang umupo. Hingal na hingal siya at kitang-kita ko 'yung beads ng pawis niya na tumutulo galing sa gulo-gulo niyang buhok. He looked so tired, too. Mukhang kanina pa siya naglalaro.


Naging mas malumanay 'yung kanta na nag-play. Sinilip ko ang title — "Your Guardian Angel" ng Red Jumpsuit Apparatus. Mas narinig ko tuloy 'yung malalalim niyang paghinga. Grabe namang hingalin ang isang 'to, parang mawawalan na ng hininga. Sinabayan ko ng kanta 'yung chorus part para di ko siya marinig.


"I will never let you fall, I'll stand up with you forever, I'll be there for you through it all, even if saving you... Ahh!"


Nagulat ko ata siya sa biglaang pagsigaw ko kasi napatingin siya sa 'kin. Lumapit ako sa bag ni Asher at kinuha 'yung bote ng tubig niya. Sorry Asher, wala ka namang sigurong energy gap at di ka madaling mapagod, ano?


Pagbalik ko sa bench, inabot ko 'yung bote kay Kiefer. "Here, drink this!" Buti naman at kinuha niya sa kamay ko 'yung bote dahil kung hindi, ako mismo ang magpapainom sa kanya! The hell, ano ba 'tong nangyayari sa 'kin?!


"Thank you," narinig kong sabi niya.


Nag-init bigla 'yung dugo ko. "Anong thank you ka dyan? May bayad 'yan! Bwiset ka, nakakakonsensya ka! Lalaro-laro kasi, walang dalang tubig! Ano 'yun, tanga lang?"


Kumurap-kurap lang siya. Sabi ko nga, di niya ako naintindihan. Binuksan niya ang bote at ininom 'yung lahat ng laman, straight. Pagkatapos niyang uminom, inabot niya pabalik 'yung bote. Iniwas ko lang 'yung kamay ko. "Anong gagawin ko dyan? Tapon mo 'yan!"


"Sungit!" sigaw niya tapos tumawa siya.


Tinanggal ko ang headphones ko. "What did you say?" Tama ba ang rinig ko?


"You called me sungit last time, mas masungit ka naman!"


"Filipino ka?!" Ay manloloko talaga!


"Uh, yeah, pure Filipino. How about you? You're half American, right?" Why does he look so innocent? Unbelievable!


"Di naman masyadong halata 'no?" inis kong sabi.


"Chill," sabi niya na may pakumpas-kumpas pang nalalaman. Di naman ako napapakalma, mas lalo lang akong nabi-bwiset.


"Huwag mo na ako English-in! Filipino ka, di ba? Pure pa, di ba? Salitain mo naman 'yung wika mo! Napunta ka lang dito kinalimutan mo na 'yung sariling wika mo! Lagot ka kay Jose Rizal, sige ka!" dumadaldal ako 'pag kasama ko siya, nakaka-bwiset kasi!


"Look, I've been here all my life so I only know some of the words. Don't talk to me in pure Tagalog, I can't catch up."


Tumutugtog pa rin 'yung phone ko kaya pinatay ko na. Umupo ako ulit sa tabi niya. "So you're a pure Filipino but can't speak pure Tagalog?" Tumango-tango siya. "Talo pala kita eh. I'm half American but can speak pure Tagalog. Wala ka pala eh."


Sumimangot siya. "Hey, I'm teaching you Math, right? Teach me Tagalog in return." Ano raw? Wow ha.


"What's happening here?" lumapit sa 'min si Asher, kasunod niya si Jin. "Why are you two fighting?"


"We're not fighting," sagot ni Kiefer. Yeah right.


"Really? Because if you're bullying Trixie, I'll beat you up."


Parang nainsulto naman ako sa sinabi ni Asher. "Mukha ba akong na-bully?" sabi ko sabay ikot ng mata.


"I'm not," tipid na dagdag naman ni Kiefer.


Mukhang di pa rin nakumbinsi dun si Asher. Ayos 'to ha, ako na nga mismo nagsabi!


Jin cleared his throat kaya nabaling sa kanya lahat ng attention. He laughed awkwardly. "Um, Kiefer. Have you thought about what I've told you yet?"


"Yeah, and the answer is... No," naka-poker face na tugon ng katabi ko.


"That's cool! We don't want losers to be in our team anyway!" sabi ni Asher. Parang tama ata ang hinala ko na gusto nilang pasalihin sa team 'tong tukmol na 'to.


"Uy ano ba Asher," pabulong na sigaw ni Jin kay Asher tapos tumingin ulit siya sa gawi namin. "Maybe think about it again?"


"Tama na nga, Jin! Kung ayaw niya, ayaw niya! Huwag pilitin ang ayaw!"


Tumingin sa 'kin si Kiefer. "What did he say?"


"He says you're a jerk," I replied.


"That seems short for what he said."


"I summarized it."


"Okay, whatever you say," pagsuko nung tukmol. Tumayo na siya tapos humarap sa 'kin. "Monday, after school. We'll start our first lesson, okay?" mahina niya lang na sabi kasi nag-aaway pa 'yung dalawa.


"Whatever." Wala naman talaga akong pake. Siya lang naman 'yung nag-ayos nun.


"Hey, where are you going?!" sigaw ni Asher.


"Home," huling sinabi ni Kiefer bago siya nag-exit sa court.


"Pabebe masyado! Siya na nga 'tong sinusuyo, umaayaw pa!" sigaw uli ni Asher pagkaalis ni Kiefer.


Hinangin 'yung bote na binigay ko kay Kiefer kanina. Pinulot ito ni Jin. "Di ba sa 'yo 'to, Rivera?"


"Hala, sinong uminom niyan?!"


Tiningnan ako ni Jin kaya umiling ako. "Siguro si Kiefer."


"Walang hiya talaga 'yun! Anong iinumin ko ngayon?!"


"Bumili ka na lang," natatawang sabi ni Jin tapos umupo siya sa kaninang inuupuan ni Kiefer. Kinuha ni Asher 'yung bote at sinipa ito, tapos kinuha niya uli 'yung bola. Binato-bato niya ito sa ring. Di naman nasu-shoot kaya gumagawa lang siya ng ingay.


"Ganyan ba talaga ang best friend mo?" tiningnan ko si Jin at sabi na nga ba, nakangiti na naman siya. Di ko nga malaman kung ano talaga ang kulay ng mata niya kasi lagi na lang siya nakangiti. Di ba siya napapagod?


"Mas matagal kayong magkasama dito. Siguro naman kilala mo na siya."


"Grabe naman 'yung magkasama. Iba 'yung dating eh," tumawa siya. "Nagkakilala lang naman kami dahil magka-team kami tapos parehas pa kaming Filipino."


Di na ako nagsalita. Di naman kasi ako magaling sa conversations.


"Nga pala, magkaibigan kayo ni Kiefer? Ngayon ko lang nakita 'yung makipag-usap sa babae eh. Tapos di ba nakipag-away pa siya kay Anderson para makatabi mo lang?" Nagkibit-balikat lang ako. Di naman kami friends ni Kiefer. No way. "Tulungan mo naman kaming i-convince siyang sumali sa team namin oh? Nakita mo naman siyang maglaro, di ba?" pagpatuloy niya.


Ako, iko-convince si Kiefer?


"Papahirapan mo pa si Trixie! Ayaw nga ng tao eh!" Di ko namalayang nakalapit na pala sa 'min si Asher. "Wooh! Napagod ako ha! Pengeng tubig, Jin!" Alam na nga niya na wala siyang tubig nagpakapagod pa.


"Sa bag ko," sabi ni Jin kaya dali-daling tumungo si Asher sa bag niya. "Tsaka malay mo lang naman pumayag si Kiefer 'pag si Trixie na ang mangumbinsi. Iba pa rin ang charms ng mga babae.  Alam mo ba nung first day, nakipag-away pa 'yun para lang makatabi 'tong best friend mo?"


Nabuga ni Asher 'yung iniinom niya. Ew. "May gusto siya kay Trixie?!"


"Ha?!" sigaw ko. Pinagsasabi nun?


"Who knows? Let's just give it a try," sabi ni Jin. Ang optimistic niyang tao. Kung nakakahawa 'yun, sana mahawa ako.


"Gagamitin mo pa si Trixie."


"Di naman sa ginagamit. Hihingi lang ng tulong eh. Kung ayaw talaga, huwag nang pilitin." Ang persistent din niya, di madaling sumuko. Sana ako din.


"Basta, Trix, huwag mo na pahirapan sarili mo. Tanungin mo lang tapos kung ayaw talaga, edi wag na," sabi ni Asher. They really want Kiefer to join their team, huh? Tapos 'yung tukmol naman alam na magaling siya kaya nagpapa-hard-to-get. Tukmol talaga.


"Kapag sasali sa 'min si Kiefer magcha-champion na kami. Three years ko nang inaasam-asam 'yun. Sana this year mag-champ na," kumikinang ang matang sabi ni Jin. Pero syempre joke lang kasi di ko nga makita ang mata niya. Di ko man makita ang mga 'to, damang-dama ko naman na gusto talaga niyang manalo. Kung kukumbinsihin ko si Kiefer, baka sakaling mangyari 'yun. Sana... I want them to win.


Nakakahawa nga siguro ang optimism.


"Okay, I'll try to convince Kiefer."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com