Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

06 | practice


"Bakit hindi mo sinabi sa 'kin?!" nailayo ko sa tenga ko 'yung phone dahil ang sakit sa tenga ng sigaw ni Sophia.


"Kapag ba sinabi ko sa 'yo, mababago mo ang nakita ko?" di ko maiwasang mahaluan ng bitterness ang boses ko.


"Ano ba, Chichi! Tito is a businessman! Natural lang sa kanya na may makausap na mga babae! Maybe you're just overreacting!"


"You don't know what I saw, okay?" huli kong sinabi bago binaba 'yung phone. Di ko kayang magalit sa pinsan ko. Di dapat ako magalit sa pinsan ko...


But I'm not overreacting. Oo, natural lang kay Dad na may kasosyo siyang babae... pero hindi natural na nagyayakapan na sila.


Tumayo ako sa inuupuan kong kama at nagpatalon-talon para maalis sa isipan ko 'yung panget na pangyayaring nakita ko.


Dad hugged a woman; a woman that's not my mother. Tell me, Sophia, am I overreacting?


Nung napagod ako kakatalon, napasalampak ako sa sahig. Niyakap ko ang mga tuhod ko. I want to shout but I can't. Nasa bahay ako nila Asher, I should restrict myself. I also want to cry but no tears are falling. I don't get it. Kapag malungkot ang isang tao, umiiyak siya. Why am I not crying?


May kumatok sa pinto. "Ate Trixie, tawag ka ni Kuya Asher. Nasa sala siya, puntahan mo na lang," it was Asher's little sister, Ashley. Sa katunayan, andito ako sa room niya pero kailangan niya pang kumatok. Napakawalang-hiya ko naman. Binuksan na niya ang pinto. "Ate Trixie? Nagagalit na si Kuya Asher, ang tagal mo raw." Demanding talaga.


"Okay sige, puntahan ko na si Asher."


Asher. Ang ganda ng pangalan na 'yun, bagay na bagay sa best friend ko. It means happiness. Asher is a happy person.


Sophia. I nicknamed her 'Happy' because she's always happy. Sophia is a happy person.


Jin. He's the most optimistic guy I know. Sad people can't be optimistic as he is. Jin is a happy person.


I'm surrounded by happy people... but why can't I be happy like them?


Nagpaikot-ikot ako sa bahay nila Asher hanggang sa makarating ako sa sala. Matagal-tagal rin, pero at least nahanap ko. Dun sa mansyon ni Dad, buong araw kong hinanap 'yung kitchen pero di ko pa rin nakita. Di ko alam tuloy kung sino ang sisihin ko, ang kapalpakan ko ba sa directions o ang pagkalaking-laking bahay ni Dad. Maybe it was the house. I hated there.


"Oh, mukha kang pinagsakluban ng langit at lupa." Ang ganda naman ng salubong sa 'kin ni Asher.


Tumayo siya at pinatong ang isa niyang kamay sa ulo ko. "Okay, Beatrix Alyssa L. Lakewood, dahil ito ang una mong pagkakataon na makadalaw dito, kailangan mong alamin ang mga batas sa loob ng tahanang ito," sabi ni Asher. Batas? Sa bagay, wala nga pala palagi ang nanay at tatay niya sa bahay dahil sa work kaya siguro hari-harian ang peg niya. "Rule number one. Ako ang nasusunod dito."


"Okay," I have no problem with that anyway. Basta makalayo lang ako sa bahay ni Dad.


"Huwag na huwag kang papasok sa kwarto ko," pagpatuloy niya.


"Number two na 'yun?"


"Hindi, number one pa rin. Rule number one ay ako ang nasusunod dito at huwag kang papasok sa kwarto ko."


Obvious namang dalawang rules 'yun pero oh well, siya ang nasusunod. Medyo naku-curious rin ako kung ano ang nasa loob ng kwarto niya pero baka naman puros [censored] magazines lang kaya ayaw niya ako papasukin. "Okay. Saan ba ang kwarto mo?"


"Katabi ng Master's bedroom. Kulay black ang pinto at may nakalagay na sign sa labas na DON'T [censored] ENTER OR YOU'LL BE [censored] DEAD."


"Hah, scary," wala sa loob kong sabi habang iniisip ko kung nasaan ang Master's bedroom. Wala pa naman akong nakikitang Master's bedroom.


"Scary talaga kaya 'wag mo na tangkaing silipin."


"Yeah, yeah." Wait, nasaan ba ang room ni Ashley? Malapit ba 'yung room ni Ashley sa Master's bedroom? "Teka, nasa--"


"Rule number two!" ay bastos. "Huwag mong husgaan ang choice of food ko. Choice ko 'yun!" Tumingin siya sa wall clock nila. 6:30 PM. So, anong meron?


To answer my question, may nag-doorbell at pinagbuksan ito ni Ashley. Bumungad sa 'min si Jin na may dala-dalang grocery. Tinulungan siya ni Asher na dalhin ang mga 'to sa kusina and while doing so, tiningnan ako ni Asher na may halong pagbabanta. Tinaasan ko naman siya ng kilay.


Sinundan ko sila patungong kitchen. Napansin ako ni Jin at nginitian niya ako. "Hi Trixie!"


"Saan ka galing? Bakit may dala-dala kang grocery? Ikaw bumili niyan?" tinuro ko ang grocery bags.


"Hinatid ako ni Papa. Kami ang namili niyan, pinapabili kasi ako nitong si Asher."


"Oy binabayaran kita!" defensive na sabi nung tukmol.


"Wala naman akong sinasabi ha?"


"Huwag kang sumagot! May kasalanan ka pa sa 'kin!"


"Oo na, late na ako ng 30 minutes!"


"At tingin mo maganda 'yun? Siguraduhin mo lang na masarap ang lulutuin mo ha kundi malalagot ka sa 'kin!"


"Okay, ako na ang OP. Ano bang nangyayari?" singit ko kasi nakakahiya naman sa kanila. Pati ba naman dito, nalo-lost ako.


"Chef ko si Jin, hence my second rule," sagot ni Asher.


Awkward na ngumiti si Jin. "Kailangan eh, para sa future ko."


"Kahit na wala?" sinapak ni Jin si Asher dahil sa sinabi niya.


"Teka, di ko ma-gets. Chef ka, Jin?" tanong ko.


"Pinaalis ko 'yung dating chef namin dahil tinangka niyang lagyan ng food poison ang pagkain namin. Palibhasa kasi, insecure sa kagwapuhan ko. Kaya kinuha ko 'tong si Jin--"


"Kasi mas magaling ako magluto kaysa sa chef nila dati at may tiwala siya sa 'kin na di ko sila lalasunin--" pag-singit ni Jin.


"Kasi may tiwala ako sa kanya na di siya mai-insecure sa kagwapuhan ko. Di ba, bro?" siniko-siko pa ni Asher si Jin.


"Oo di ako mai-insecure kasi mas gwapo naman ako," natatawang sabi ni Jin.


"In your dreams!"


"'Yun ang totoo, bro!"


"Sige nga, tanungin natin si Trixie."


"O sige ba. Trixie!"


Hinawakan ako ni Asher sa magkabilang balikat ko. "Trixie, sinong mas gwapo—'yung totoo—sinong mas gwapo sa 'ming dalawa ni Jin Chiong-go?" sinapak ulit ni Jin si Asher pero natawa lang si Asher. "Don't lie, Trixie. Ako ang best friend mo."


"Oy walang ganyanan!"


"Ako ang best friend mo, Trixie! Kakalabas pa lang natin sa sinapupunan ng mga magulang natin, mag-best friends na tayo!"


"Oh ano naman?" tinutulak na ni Jin si Asher. Actually, nagtutulakan na sila. Parang sila naman dalawa ang mag-best friends.


"Walang gwapo sa inyo," straightforward kong sabi. Natigilan silang dalawa.


"Grabe ka naman, best friend!" si Asher ang unang nagsalita.


"Okay sige. Gwapo ka na. Anong password ng Wi-Fi?"


Natawa si Jin at hinampas niya ang balikat ni Asher. Natawa na rin si Asher pagkatapos. "At least, nasabihan ng gwapo," sabi niya tapos kinuha niya ang phone niya at may t-in-ype na kung ano. Maya-maya, nag-vibrate ang phone ko.


Tiningnan ko ang message. It's from an unknown number. Your name is the password, I read. Binuksan ko ang Wi-Fi at t-in-ry ko ang pangalan ko. Nag-connect nga. Wow.


"Trixie, lulutuan kita. Gusto mo ba ng Chicken Ala King? Sabihan mo rin ako ng gwapo!" napatingin ako kay Jin sa sinabi niya.


"'Wag ka ngang ganyan, bro! Ang desperado mo! Di ka nga kasi gwapo!" sabi ni Asher at tumawa siya nang pagkalakas-lakas.


"Gwapo ka, Jin," sabi ko at nagdire-diretso na sa sala. Magkatabi lang naman ang kitchen at sala kaya walang problema. Narinig ko pa silang nag-aasaran sa likod pero di ko na lang pinansin.


Umupo ako sa sofa at in-open ang Facebook ko. Ang daming unread messages, notifications at friend requests. Pumunta ako sa messenger ko at tiningnan lang ang messages mula sa mga importanteng tao.


Trisha Lakewood

Active 4 hours ago

Baby girl, how are you? Ate misses you na. Skype tayo.


Nag-reply ako ng K lang teh. Miss you too. Pakumusta ako kay Mama at kila Kuya. Skype tayo pag active ka na.


Nag-scroll scroll lang ako pero wala naman na akong pake sa ibang nag-message. Binuksan ko ang message requests ko.


Terrence Lakewood

Owen Anderson

Kiefer Jacinto


In-X ko 'yung unang dalawa tapos tinitigan ko 'yung pangalan ng pangatlo.


Kiefer Jacinto


In-accept ko 'yung message request niya.


Kiefer: I want to be your friend.

Please accept. :)


Ang tagal na nitong message na 'to, first day of classes pa lang. Oh well, in-accept ko nga siya as a friend.


Nag-ting 'yung messenger ko.


Kiefer Jacinto

Active now

Salamat sa accept :)


Nag-isip ako ng ire-reply pero naunahan niya ako.


Kiefer: Pasensya na.


Huh? Bakit?


Kiefer: I can't join the team.


Ah okay.


Why not? I replied.


Kiefer: They won't let me.

You: Who?

Kiefer: Besides, I'm not really playing anymore.


So naglalaro nga siya?


You: Do you like basketball?


Nagta-type siya ng message tapos biglang nawala. Nagta-type ulit pero nawawala. Ay nako. No words to say, Kiefer?


You: No tutorials after school tomorrow. Let's practice.


Kulang ka lang ata sa practice, Kiefer Jacinto. Papasalihin kita sa team, tandaan mo 'yan.


"Trixie, kainan na!" tawag sa 'kin ni Asher kaya in-off ko na ang phone ko at sinundan siya papuntang dining room.


–×–


After school the next day, dahil wala kaming tutoring session ngayon ni Kiefer, sinundan ko siya pauwi. May times na muntikan na niya akong makita pero agad akong nagtatago sa kung saan at minsan, sa likod ng ibang tao. Buti na lang maraming tao dito.


Lumiko siya sa isang tahimik na eskinita kaya naghintay muna ako na makalayo siya ng onti bago ako sumunod. Mukhang di naman niya ako napapansin kaya kalmado na akong naglakad.


Malayo-layo na rin ang nalalakad namin. Iba't ibang buildings and sceneries na ang nakikita ko, at di ko na alam kung nasa Florida pa ba ako or what. Tinitigan ko na lang ang likod ni Kiefer. Hindi naman siguro siya nawawala.


"So, where do you want to go?"


Parang nag-skip ng beat ang puso ko nung marinig ko ang boses niya. Is he referring to me?


"Yeah, you, Miss Lakewood," tumigil siya sa paglalakad at humarap sa 'kin.


"A-ah-- heheheh, alam mo pala na sumusunod ako sa 'yo."


Lumakad siya palapit sa 'kin. "Where do you want to go?" pag-ulit niya.


Huminga muna ako ng malalim. Nakakakaba kaya 'pag nalaman ng sinusundan mo na sinusundan mo siya. Pero nakabawi naman ako agad. "Basketball court."


"Bakit?"


"Wala lang."


Di na siya sumagot at nagsimulang lumakad ulit. Sinundan ko na lang siya, hanggang sa makarating kami sa isang covered court na mas maliit kaysa sa dating court kung saan nakita namin siyang naglalaro mag-isa.


"Laro tayo, Kiefer," sabi ko. Mukhang ine-expect naman niya na sasabihin ko 'yun kaya wala siyang reaksyon.


"Walang bola."


Nakakita ako ng isang grupo ng bata, siguro mga 7-year-olds, at may dala-dala silang bola ng basketball. Nilapitan ko sila. Madali lang naman silang pakiusapan. 20 bucks lang naman.


"You're good," he commented nung makabalik ako. Nakaupo siya ngayon sa bleachers.


"Basic," proud kong sagot. Idiniribble-dribble ko 'yung bola. "So tara? Let's play?"


"Why did you suddenly want to play?"


"I told you, let's practice," sabi ko at tinapon ang bola sa ring. Sa ring lang talaga tumama at hindi na-shoot. Tumingin ako kay Kiefer. "Teach me how to shoot, senpai."


Tumayo siya sa tabi ko at umupo nang pa-squat. "Don't call me that."


"But you're good in playing basketball. Don't you know that?"


Di ko masyadong naaninag 'yung ekspresyon niya dahil tumayo siya at kinuha 'yung bola, but I'm pretty sure na nakita ko ang magkabilang dulo ng kanyang labi na nakataas.


Pumunta siya sa may free throw area at nag-shoot. Pasok. Tapos pumunta uli siya sa tabi ko. "1-on-1 tayo? I'll go first."


"Sure!"


Naglaro kami for a while bago siya nagpahinga. Naka-score ako ng isa. Ewan ko kung pinagbigyan niya lang ako o ano. Naka-lima siya. Nung makapahinga siya, naglaro ulit kami. This time, naka-four points naman ako at siya anim. Pagkatapos niyang ma-shoot ang ikaanim niyang tira, he called for a timeout again. Kulang lang talaga siguro siya sa practice kaya madali siyang mapagod.


"How many years have you stopped playing?" tanong ko habang umiinom siya ng tubig. He reminds me of Mitsui, the three-point prodigy in Slam Dunk. Mitsui injured his knee during his first year in high school, causing him to stop playing for 2 years. Pagbalik niya, magaling siya, oo, pero ang bilis mapagod. One time pa nga, sobra siyang na-dehydrate kaya nag-collapse siya in the middle of a game. Pero sobrang galing niya maglaro, just like this guy.


"I don't know."


"You should practice everyday so you'll get used to it and not get tired easily."


"And why would I do that?" tumayo uli siya at nagsimulang mag-dribble ulit.


Tumayo na rin ako at nag-1-on-1 uli kami. Then nagpahinga siya. Naglaro ulit. Then nagpahinga. Naglaro. Nagpahinga.


We went on like that until the skies start to get dark. Nakaupo kami noon sa magkabilang dulo ng bench—siya nagpupunas ng pawis at ako naman umiinom ng tubig—when he said the words that made my heart flutter inside.


Muntik pa nga akong mabilaukan nung sinabi niyang, "I'll join the team."


"E-eh?" Di ko kasi alam kung tama 'yung rinig ko, o kung totoo ba 'yung sinasabi niya at hindi niya ako niloloko.


Humarap siya sa 'kin at tipid na ngumiti. "I said, I'll join the team... for you."


Madilim na pero feeling ko, nagkulay ang buong paligid dahil sa sinabi niya.


He'll join the team, for me.


That's just... beautiful.


***


Just so you know, di po ako 'yung naglagay ng [censored]. Wattpad po 'yun. Banal daw po kasi sila. HAHAHAHA. Btw, 'yung unang [censored], nyorn 'yun, if you know what I mean. *wink wink* Tapos 'yung pangalawa at pangatlo, PACKING po 'yun, PACKING TAPE CHAR.

- Lyan

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com