Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

08 | first game


I don't want to think that it's the end of the world and that Owen and I will have a date this weekend, but the Wolves are behind by a fair amount of points.


Ewan ko kung anong nangyayari pero kanina nung first half, lamang na lamang sila pero ngayong second half, tambak na tambak na sila. 41-66 ang labanan. Sumasakit lang ang ulo ko sa subtraction pero alam ko malaking diperensya 'yun. I sighed. Pagod na ang players. Paulit-ulit na inilalabas-pasok sila ng Coach. Maging si Asher na nag-uumapaw ang energy, may energy gap na ngayon. Di nag-Milo o sadyang magaling lang ang kalaban?


"GO ASHER!"


O baka kailangang mas lakasan pa ni Sophia ang sigaw niya para tuluyan na akong mabingi? Bwiset na bruha 'to. Rinig na rinig ni Asher 'yung sigaw niya, oo. Abot hanggang kaluluwa ko eh.


Habang minamasahe ko 'yung tenga ko, nag-vibrate 'yung phone ko. Unknown number. Binuksan ko ang text message at halos masunog ang mata ko.


"Where do you want to eat this Saturday, dear? I have a list for you. Choose: Starbucks, Wendy's, Chili's, Karate Kid. Etc. You have a suggestion?"


Ugh. Di pa naglalaro si Kiefer. Watch and learn ka 'pag naglaro na si-- wait, asan si Kiefer? Kanina andun lang siya sa bench ha? San siya nagpunta?


"Insan, ilang minutes pa bago magtapos ang game?!" pasigaw kong tanong kay Sophia na hula ko, si Asher ang tinititigan.


"15 minutes na lang!"


Tiningnan ko ang score board. 49-73. In-open ko ang calculator sa phone ko at ini-solve. 24 points. Anyare, Wolves? Kaya niyo pa ba? Kasi ako, hindi na. Punong-puno na ng pag-asa si Anderson eh. Shems!


Kinakabahan na ako ng sobra. Kaunti na lang ang natitirang oras. Mananalo pa ba? 24 points, malaki-laki rin 'yun. Mga walong three-pointers rin ang kakailanganin. Pero teka, kaya 'yun ni Kiefer! Asan ba siya?


Nagkaroon ng substitution ang Wolves. 10 minutes left bago matapos ang game. Eight na three-point shoots within 10 minutes? Kung sa isang minute makaka-dalawa, kaya na 'yun. Huh, naging Math wizard ako bigla.


"Insan, di ba si Jay-seen-tow 'yun?" bulong sa 'kin ni Sophia habang nakaturo siya. Sinundan ko ang direksyon ng tinuturo niya.


Ah! Si Kiefer, maglalaro na!


Tumayo ako para i-cheer siya. "Go Kiefer!"


Ni-reveal ng jersey na suot niya ang mapapayat at namumutla niyang braso, pero kahit na mas nagmukha siyang walking skeleton, bagay sa kanya ang jersey. Bagay rin sa kanya ang smirk na binigay niya sa 'kin nung nahanap niya ako sa dagat ng mga tao. Bagay sa kanya ang game face, bagay sa kanya ang way ng paghawak at pag-dribble niya sa bola ng basketball, at kung paano siya lumusot sa mga kalaban at diretso sa ring. Smooth and graceful, para lang siyang sumasayaw at dumudulas sa pagitan ng players.


Bagay sa kanya ang maglaro ng basketball.


Tumigil siya sa may three-point arc, tumalon at ishinoot ang bola. He made it.


Naghiwayan ang mga tao. I feel so proud! Ni-reply-an ko si Owen.


"Kiefer just shot his first point! Wait, I mean, his first THREE POINTS. >:)"


Nag-text ulit siya. "What? It's just 3 pts."


I replied. "Well, it's 3 pts away from our stupid date and 3 pts nearer to your becoming a janitor lol"


Di na siya nag-reply. Aba't dapat lang, naka-shoot ulit si Kiefer eh! Kinakabahan na siguro 'yun. Dapat lang!


"Ang galing ni Jay-seen-tow!" sigaw ni Sophia.


"His name is Kiefer!" sigaw ko pabalik.


"Ay talaga? Parang si Kiefer Ravena?"


"Oo!"


"Bagay kayo, insan! Ikaw naman si Alyssa! KiefLy ang peg!" feeling ko nag-init ang mga pisngi ko sa sinabi niya. Kung ano-ano kasi sinasabi! "Pero di ba, bully 'yun? 'Yun ang chismis sa school namin eh, b-in-ully niya daw 'yung cheerleader na si Chelsea!"


"Hindi siya bully! Kaibigan ko kaya siya!"


"Talaga? Galing mo naman, Chi! Takot mga babae dun, di ba?"


"Bakit? Di naman siya nakakatakot ha?" Whatever, he's not a bully to me. Mas bully pa nga 'tong text nang text sa 'kin.


"Wolves will not make it"


"What's the restaurant, girl?"


"Decide or I'll decide"


"Hurry"


Sheteng malupet. Kiefer, bilisan mo nga!


"Insan, how many minutes left?!"


"Five!"


62-73 ang score. Aha, di na nakausad ang kabilang team!


"Go Wolves!" nakisigaw na rin ako kasabay ng mga tao.


Sunod-sunod na naagaw ng team namin ang bola at sunod-sunod ring naka-shoot. Nakapag-score si Asher, si Jin at 'yung dalawa pang iba hanggang sa bumaba na ang score sa 70-73. Oh yes! 3 points na lang! Kiefer, kaya mo na 'yan!


"Last two minutes!" sigaw sa 'kin ni Sophia; alam na niyang tatanungin ko siya.


Bola ng kalaban. Nakalampas 'yung isa sa isang bantay ng Wolves at nakapag-lay up shot.


70-75.


Tumaas ulit. Seconds na lang ang natitira. Tumawag muna ng timeout ang Wolves.


Di ko man kilala ang karamihan sa members ng Wolves pero malaki ang tiwala ko sa kanila na they got this. Buhay ko ang nakasalalay dito.


Nag-vibrate ulit ang phone ko. Siya na naman. Naiinis na ako!


"They got no chance so decide on the restaurant now."


Galit kong pinagpipindot ang keyboard.


"Uy easy insan, sino ba 'yan?" tanong ni Sophia pero di ko na lang pinansin.


Bumalik na ang players sa court kaya s-in-end ko na ang message ko sa hayop.


"HOW DARE U SAY THEY HAVE NO CHANCE??!!! U HAVE NO CHANCE!!! I WILL NEVER HAVE A BF AS CONCEITED AS U!!! THEY WILL WIN AND U WILL ROT IN HELL, U JEEERRRKKKK!!!!!!!!!!!!"


30 seconds na lang ang natitira at bola ng Wolves. Hawak ng isang member ang bola at pinasa niya ito kay Kiefer na nasa usual place niya—ang three-point arc. Kiefer formed a shooting position kaya agad na dumalo sa kanya ang defender niya. Pero di siya nag-shoot kundi dumiretso siya sa ring. Woo, galing! Tumakbo agad 'yung tagabantay niya at nung tumalon siya para mag-lay up, tumalon din ang kalaban para harangan ang bola. Na-shoot ito at kamay ni Kiefer 'yung natamaan.


Nag-whistle 'yung referee. Defensive foul! Yes! May 2 points na si Kiefer at may chance pang maka-3 'pag na-shoot ang free throw.


At na-shoot niya nga!


"Wow, superb! He's never missed a single shot!" masayang sabi ni Sophia. Agreed.


Tumakbo ulit ang oras at nasa kabilang team na naman ang bola. Pero agad itong nahablot ni Jin. Tumakbo sila papunta sa ring ng Wolves. Sige, laban!


Pinasa ni Jin ito sa isa nilang ka-member at ini-shoot nito agad ang bola. Hala, tumama lang sa ring!


10 seconds.


Wala na talagang oras. Nakikita ko ang mga tao sa paligid ko na nakababa na ang mga balikat. Wala na bang pag-asa?


9 seconds.


There must be some way. They can still win.


8 seconds.


Lumiwanag ang mga mata ko nung nakita kong tumalon si Asher para i-rebound ang bola. And he got it.


"Asher, ang galing mo!" masaya kong sigaw, walang pakialam sa iba kung pinagtitinginan nila ako ngayon kasi nagsalita ako ng mga salitang di pamilyar sa kanila.


7 seconds.


He landed on his feet, holding the ball with his two hands, and I don't know if he'll do the shot. Or if he can make it.


6 seconds.


But he definitely must do something now!


"Go Asher!" buwis-lalamunan na sigaw ni Sophia. "Kaya mo 'yan!"


Lumingon-lingon siya sa kaniyang kaliwa't kanan. Hihingi siya ng tulong?


5 seconds.


He made a long pass. My eyes followed the ball as it ended on Kiefer's hands.


4 seconds.


Tumalon siya, at gaya ng lagi niyang ginagawa, he shot the ball with his perfect shooting form.


3, 2, 1.


And the ball was shot perfectly. Pasok na pasok, ringless kumbaga.


The score was 73-75, the other team being on the lead. Pero tiningnan ko ang pwesto kung saan nag-shoot si Kiefer at kung paano tumaas ng tatlong puntos ang score ng Wolves sa scoreboard. Mula sa 73, naging 74 ito, 75, and then 76.


May pumutok na isang can ng confetti na sinundan pa ng ilang paputok hanggang sa mapuno ang buong court ng maliliit at makukulay na papel.


The Wolves won.


Phew. I'm safe.


"Yehey! Nanalo ang Wolves! Tara, insan! I-congratulate natin sila!" sabi ni Sophia at hinila na niya ako pababa.


Pagdating namin sa baba, marami-rami na ring andun na binabati ang mga panalo.


Naramdaman kong may umakbay sa 'kin. Tiningala ko ito at nakita ko si Jin. "Hey, congrats!" sabi ko sa kanya.


"Xie xie! Nanood ka kasi!" sabi niya sabay wink. Pa-cute masyado.


"Hindi, magaling kasi kayo."


"Salamat, Trixie," huli niyang sinabi bago siya dinumog ng mga babae at nawala na ng tuluyan sa paningin ko. Hm, bilis ah.


"Insan, di ko makita si Asher," sabi ni Sophia.


"Hanapin mo at pakisabi 'congrats'. May hahanapin lang din ako."


"Okay, kita tayo sa labas!"


Hinanap ko si Kiefer. Nawawala na naman. Where is he?


I decided to look for him in the players' locker room. Dahan-dahan ko itong binuksan kasi baka may tao sa loob, pero wala naman. Pumasok ako. Halo-halong amoy ng pabango, shampoo, pawis at putok ang lumulutang sa ere. Ayoko na nga lang din tingnan ang paligid kasi ang daming nakakalat na you-know-what. Ganito ba talaga ang mga lalaki? Ang gulo ng buhay.


"Kiefer," I called out.


"Miss Lakewood," mahina niyang tugon.


Tumigil ako sa paglalakad at sinundan ko ang boses niya. Nakita ko siya sa isang bench sa tapat ng lockers, nakayuko habang hawak-hawak ang halos paubos ng bote ng tubig. Di pa rin siya nagpapalit ng damit.


"Kiefer..." tinawag ko uli siya kasi di ko sure kung anong sasabihin ko.


He lifted his head, looked for me for a second and when he found me, he smiled. Of all the smiles I've seen this day, his was the brightest.


Tinabihan ko siya. Tiningnan ko siya at tiningnan niya ako. He looked so happy. Di ko alam kung anong expression ang ipapakita ko at siguro mukha akong tanga kasi naka-poker face lang ako. Pero deep inside, masaya din ako. Parang sa sobrang saya niya lang, kinuha niya na rin ang kasiyahan ko. I really don't know what to do, kung ngingiti ba ako o ano. I was rendered speechless by his smile.


"Picture tayo?" parang bata niyang tanong.


"Okay," sa wakas may nasabi na rin ako bukod sa pangalan niya.


"Okay, but not here. Too cruddy."


"Saan?" puro one-word lang ang nasasabi ko. What's happening to me?


"Let's have a walk outside. I need some air."


"Okay," sagot ko.


Lumabas kami at naglakad-lakad. Ewan ko kung napapansin niyang pinagtitinginan kami ng mga tao but he seemed not to care, so I also didn't.


His effect to me is way too strong...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com