Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

14 | second game


Malakas pa rin ang kalabog ng puso ko habang bumababa ako galing sa bleachers. Naaamoy ko ang amoy ng pawis niya at nararamdaman ang nakakawindang niyang presensya na nakasunod sa 'kin. He smells sooo good.


Sinalubong ako ni Jin. "Trixie, uhm. May gagawin ka ba?"


"Anong ibig mong sabihin?"


Napakamot siya sa batok niya. "Mamaya? I mean, ngayon. May gagawin ka? Aayain sana kitang... you know..." kitang-kita ko ang pamumula ng pisngi niya as he trailed off. No freakin' way. Is he asking me out for a date?


Sinulyapan ko muna si Asher na nakikipagtawanan sa coach nila sa likod. "Um, ano kasi Jin eh. Um," seeing his hopeful face makes me feel more guilty in what I'm about to do. "Pupunta kasi kami ni Kief sa Starbucks ngayon eh."


"Ah okay," tumango siya at ngumiti. "No problem."


"Sorry, Jin. Next time na lang." Napag-usapan na kasi namin ni Kiefer na ngayon na lang niya ako ililibre ng Starbucks. Marami pa namang next time. Ngumiti si Jin at bumalik na sa mga ka-team mates niya. Marami ngang next time pero di ko pa rin maiwasang ma-guilty dahil tinanggihan ko siya.


Pagkatapos kong magpaalam kay Asher na tinitigan pa ng masama si Kiefer, umalis na kami. Nilakad lang namin ang coffee shop na nasa main road. Pagpasok namin sa loob ng shop, naamoy ko na agad ang pamilyar na halimuyak ng kape.


Tinanong niya kung ano ang gusto ko. Actually, lahat ng nasa coffee section gusto ko. Pero isa lang ang tinuro ko kasi nakakahiya naman. Nagulat ako nung ganun din ang in-order niya para sa kanya at isang slice ng blueberry cheesecake.


"What name should I put?" tanong ng babae sa counter habang hawak ang isang cup at marker.


"Alyssa," sagot ni Kiefer. What the hell? Sinamaan ko siya ng tingin pero ngumisi lang siya.


"Okay." Pinanood kong isulat nung babae 'yung second name ko sa dalawang cups. "Wait there, please," sabi niya pagkatapos magsulat at itinuro ang side ng counter kung saan kami maghihintay.


"Kiefer, why do you like to call me Alyssa?" bulong ko sa kanya habang naghihintay kami.


"It's cute."


"Huh? It's not!" It's just a common name, nothing special. Although, there are girls na nakapagdadala ng name na Alyssa. Hindi nga lang ako kasama dun. Nung bata ako, Alyssa ang ginagamit ko pero dahil lang 'yun sa di ko mabanggit-banggit 'yung Beatrix o kahit 'yung Trixie. That is, nung bata ako.


"It is! Kiefer Ravena's girlfriend's name is Alyssa," nakangiti niyang sabi. May malisya ba 'yun? Feeling ko meron eh kasi nag-iinit ang pisngi ko. Shemay talaga. Bakit ganto ang nararamdaman ko kay Kiefer?


"Well, I'm not Alyssa Valdez and you're not Kiefer Ravena," ewan ko kung paano ko nasabi ng diretso 'yun gayong nagbabadya nang lumabas ang puso ko sa ribcage ko. At ewan ko rin talaga kung bakit ko sinabi 'yun. Walang malisya, walang malisya! Ako lang naglalagay kasi ewan ko. Ewan talaga!


"We'll never be them. We're meant to be..." natigil siya dahil tinawag na ang pangalan ko at binigay na sa 'min ang order namin. Tanginang puso 'yan, ayaw na kumalma sa pagtibok. Tumingin siya sa 'kin. Puso, kalma naman dyan oh?


"...just us," pagpatuloy niya tapos ngumiti siya at dinala na ang order namin sa isang table. Ako naman naiwan dito, tulalado. Ayan. This is what I get sa pag-asa. Gumawa kasi ng konklusyon agad, di pa naman tapos magsalita ang tao. We're meant to be just us! 'Yun ang ibig niyang sabihin, Trixie! Assumera kasi.


"Alyssa, come here!" pagputol niya sa pagkausap ko sa sarili ko. Nalolosyang na 'ko.


Lumapit na nga 'ko doon at pinagtuunan na lang ng pansin ang kape sa harapan ko. Feeling ko napahiya ako nang todo. Ang assumera ko kasi. Well, di mo naman talaga maiiwasang mag-assume 'pag may gusto ka sa isang tao. Wait, am I saying na may gusto ako kay Kiefer? No, no, no!


"You're blushing again," he said then chuckled. "Pansin ko, ang hilig mong mag-blush ngayon."


"H-ha?" feeling ko nga nagba-blush ako. Kung makatawa naman siya, kala niya di niya 'to kasalanan!


"Wala," he grinned. Kahit ano atang gawin ng isang 'to ngayon, umiinit ang pisngi ko. Di na lang ako sumagot kasi kung ano pang masabi ko, sa halip, ininom ko na lang ang kape ko.


"Alyssa, are you still staying in Asher's house?"


"Yes. Why?"


"Does Asher know why you're staying there?"


"No. Why?"


"It's because of your father, isn't it?"


I sighed. "Yes. Why?"


"Maybe you should talk to him, your father. You can't stay in Asher's house forever."


"I know that."


Ang panget naman ng topic namin. Nag-isip na lang ako ng ibang pwedeng ma-topic para ma-divert na rin ang atensyon niya. "Kiefer, may alam ka pa bang ibang OPM songs? Bukod sa Harana, of course."


"OPM?"


"Yeah, Original Pinoy Music."


"Oh. Um, yeah! While I'm searching for Tagalog songs to sing for you, I found many."


"O-oh, o-okay." Taena naman, Kiefer.


"I liked Forevermore by Side A. I've been listening to it for a while and I've memorized some of the lyrics. You want me to sing it for you?" he smiled.


Tigilan mo na nga ang kaka-for you mo, Kiefer! Huminga ako nang malalim. "S-sige."


"Aw, I wish I brought my guitar." Nag-monstra na lang siya na parang may hawak siyang guitar at nag-strum ng imaginary strings. He started singing. "You were just a dream that I once knew, I never thought I would be right for you, I just can't compare you with anything in this world, you're all I need to be with forevermore..."


Ang lamig talaga ng boses niya. Para kang hinehele at dinadala sa langit.


Di ko namalayang nakapikit ako nung kumakanta siya, maging nung natapos siyang kumanta. Dahan-dahan kong dinilat ang mga mata ko. Nadatnan ko ang nakangiti niyang mukha sa 'kin. "I heard Asher singing this song to a girl."


"Anong sabi mo?!" malakas kong sigaw kaya napatingin sa 'min ang ilang mga customers sa loob. I ignored their stares pero nahiya naman ako sa inasal ko. Hininaan ko ang boses ko into a whisper. "Who's the girl, Kiefer?"


"Um, she's from a private school. She's boyish with dark blonde hair--"


"Sophia?! Pinsan ko 'yun eh!" di ko makapaniwalang sabi. He nodded. "Kailan niya kinanta? Paano niya kinanta? May gitara ba siya? Is he serenading to her?"


"Nah, he's just singing to her while they're sitting beside each other. Pagkatapos nung practice namin isang araw."


"I can't believe it. Nagkakamabutihan ba 'yung dalawa?" Napapansin ko nga na madalas tumitingin si Sophia kay Asher tuwing kasama ko siya, at lagi niya siyang chini-cheer tuwing may laro o practice sila Asher. Pero wala naman akong naririnig sa kanila kaya binalewala ko lang 'yun. May something pala sila?


"What's that?"


"Um, I mean. Are they, you know...?" I trailed off kasi di ko ma-translate 'yung 'nagkakamabutihan' sa English.


"I dunno, you're the one who's close with Asher. Ask him."


"I will!" Tumawa ako. "Di pa rin ako makapaniwala! Sa tingin ko may something eh."


Tumawa rin siya pero nag-stop rin agad. Seryoso niyang kinain ang cake niya. "How 'bout you and Jin?"


"E-eh? Anong ibig mong sabihin?"


"Do you have... something?"


Sa tingin ko nagba-blush uli ako. "W-w-wala," ang tindi ng pag-stammer ko.


He laughed. "Never mind that. Hey, have you tried eating this?" sabi niya sabay turo sa cake niya gamit ang kutsara niya.


"H-hindi p-pa," hindi pa rin matigil ang stammering ko. Bakit naman niya iisipin na may something kami ni Jin? Oh come on, Kiefer.


"You should try it. You haven't ever lived if you haven't tasted this." Humiwa siya ng isang part nung cake. Okay, the cake looks delicious. Pero para sa 'kin na hindi mahilig, it makes me wanna puke.


"Ayoko. Ayoko ng matatamis. I want something cool, spicy, anything that tastes like coffee. I don't like sweet stuffs."


"But still, you should try this," akmang susubuan niya na 'ko pero marahan kong hinawi ang kamay niya.


"No, I might vomit," iniisip ko pa lang kung ano kayang lasa nung blueberry cheesecake, nasusuka na 'ko.


He shrugged at siya na lang ang sumubo nung cake. "Your loss," he said habang ngumunguya.


"Kiefer, galingan mo bukas ha."


"Yes, of course," sabi niya habang inuubos ang cake niya. "Basta you'll cheer for me."


"Syempre."


"Sabi mo 'yan ha?"


"Oo, oo. Ubusin mo na nga 'yan!"


"Okay po!" sabi niya with a wide grin. Nako, 'wag mo nga 'ko ngitian ng ganyan! Nahahawa ako!


–×–


I've been to Araneta Coliseum many times before. At dahil 'yun para panoorin ang finals between San Miguel Beermen at Alaska Aces. Panig ang pamilya ko sa Alaska kaya sa dalawang finals na nanood kami, umuwi kaming bigo.


But anyway, this wasn't about my favorite team in PBA. What I'm trying to say is, nafi-feel ko ang Araneta sa atmosphere dito. Ang malawak na court, mga teams na akala mo bigtime na pero ang totoo midschool pa lang, ang ingay ng mga tao, at ang kakaibang excitement na nararamdaman ko. Second game pa lang 'to ng Wolves pero ibang-iba na sa unang laro nila. Malaki ang lamang nila sa kalaban at malapit na matapos ang game.


Hindi magkamayaw si Sophia sa tabi ko. Sigaw siya nang sigaw ng pangalan ni Asher. Kung dati wala lang 'to sa 'kin, ngayon big deal na. Hah. May something nga.


Gaya ng dati, kasama si Asher sa starting five. Pati na rin si Jin. Ang bago lang ngayon ay kasama rin si Kiefer, at hindi ko mapabagal ang tibok ng puso ko tuwing nasa court siya. Like I can do anything about it anyway. Ang galing niya talaga mag-basketball. Naririnig ko nga may nagchi-cheer na rin para sa kanya eh. And that's good.


Something about him's not right, though. Madalas siyang humihingi ng time-out. Sa bagay, kakagaling niya lang sa hospital kaya madali pa siyang mapagod.


Humiyaw ang side ng Wolves nung naka-shoot si Jin. Natuon ang atensyon ko sa kanya. Inaya niya akong "lumabas" kanina bago mag-start ang game at pumayag na 'ko para makabawi naman ako sa kanya. Gusto niya ba talaga ako? I sighed. Eto na naman ako sa pagiging assuming ko. Akala mo naman magaling ako sa Math kung lagyan ko na ng box ang final answer ko. Di rin naman ako magaling sa Science kung makapaglagay na ako ng conclusion sa wala namang proof na hypothesis ko.


"Woo! We're gonna win this game!" sigaw ni Sophia na parang dinerekta niya talaga sa tenga ko. Sakit, bes.


56-78 ang score.


Brain loading...


Oh yes. 22 na ang lamang ng team namin. Kinalculator ko pa 'yun.


Kiefer was subbed back in. Parang nang-aasar na lang 'yung si Coach Andrew, ang coach ng Wolves, sa ginawa niyang 'yun kasi halos wala na rin namang magagawa ang kabilang koponan na Hawks. Tapos pinasok niya pa si Kiefer.


Di na nag-effort 'yung Hawks. Sure win naman na talaga ang Wolves eh. Tumunog ang buzzer beater nang 20 plus ang lamang ng team namin.


Agad akong bumaba para i-congratulate sila. Pangalawang panalo na nila 'to. Sigurado akong katatakutan na sila ng ibang teams!


Pagbaba ko, nakita ko ang nakatalikod na figure ng best friend ko. Alam ko agad na siya 'yun kasi may nakalagay sa jersey niya na RIVERA 10. Hm, hindi niya ako sinalubong ha. Nilapitan ko 'yung nagkukumpulang tao sa may bench ng Wolves. Okay lang ba na makiusyoso?


Hinawakan ko ang likod ni Asher. Nanlalaki ang mata niya nung lumingon siya sa 'kin. "Hey, congrats!" bati ko.


"T-trixie..." nanginginig niyang sabi. What's wrong?


"Move, move!" sigaw ni Coach Andrew habang hinahawi ang mga tao. Nasagi niya pa nga ang braso ko.


"Aray," bulong ko sa sarili ko. Hawak-hawak ko ang natamaan niyang braso ko.


"Hey, Coach. A little careful please? You hurt my best friend," hinigit ako ni Asher palapit sa kanya.


Humarap sa 'min si Coach. "Sorry," simple niyang sabi at nagpatuloy na sa pagpapaalis ng mga tao.


"Let's go, Trixie," bulong ni Asher sa tenga ko. Pero may something na nagsasabi sa 'kin na mag-stay. I'm a bit curious kung bakit nagkakanda-ugaga ang mga tao dito. "Tara na, Trix," medyo malakas na sabi ni Asher.


"Ano bang nangyayari, Ash?"


"Hindi mo na kailangang malaman," sabi niya at hinila niya na ako palayo.


May sumalubong sa 'min na mga nakaputing lalaki. Nagmamadali sila at may dala silang first aid kits at stretcher. Kumalas ako sa pagkakahawak ni Asher. I don't like this.


Sinundan ko ang mga nakaputing lalaki. Dinaluhan nila ang isang lalaking nakahiga sa sahig. He's pale and lifeless.


"Kiefer..." nanghihina ang mga tuhod ko.


"Shit naman Jin! Why didn't you stop her?!"


"Wow, ako pa ha! Why did you let her go, Asher?!"


Pinanood kong i-angat ng mga nurses ang walang malay na si Kiefer papunta sa isang ambulance. Agad nilang nilagyan si Kiefer ng nebulizer at sinarado na nila ang pinto. Ang narinig ko na lang ay ang wang-wang ng ambulansya nang ito'y umalis.


***


Kapag may ***, chapter end na po 'yun :)

Hi!

Sinusulit ko po ang net habang meron pa. Ganun talaga, pahalagahan mo ang mga bagay hangga't nasa 'yo pa. Hindi 'yung 'pag wala na sa 'yo, doon mo lang mare-realize ang halaga nito. Katulad ng laptop namin, naiwan sa probinsya lol. T-in-ake for granted kasi. XD Sorry po, nakainom ako loljk.

Btw, naiwan 'yung lappy kaya di ako maka-edit ng chappies. XD I'll edit this... soon~

Edit: EDITED NA THIS. :D

- Lyan

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com