Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

19 | operation


"Hey Beatrix, aren't you going to audition?" tanong sa 'kin ng isa kong classmate na si Diane.


"No," straight-forward kong sagot.


"Come on, hon. It's Disney. Don't miss this chance." Tatanong-tanong tapos 'pag sumagot, di tatanggapin. Dewaw.


"What chance? The chance that I'll fail? Come on, Diane, I have no chance--"


"She's right, Diane, she has no chance," sabi ng isang babae sa likuran ko. Nilingon ko ito at wow lang. Di ko siya knows. Epal ng babaitang 'to, kala mo naman kilala ko siya. Hu u po, 'te?


"Oh, you're so right there, girl," pag-agree ng isang kasamahan niya. Bale, apat silang mga babaeng mapapanget. I'll just call them Impakta Uno, Impakta Dos, Impakta Tres at Impakta Quatro. Biruin mo nga naman, meron pala talagang ganto in real life.


Nakita kong napayuko si Diane. Ah, so kinakatakutan ang mga babaeng 'to. 'Yung leader siguro nila 'yung tinatawag nilang Queen Bubuyog.


"You, what's your name?" turo sa 'kin ni Impakta Uno aka Queen Bubuyog.


"Trixie," sagot ko. Hindi na 'ko nag-bother na tanungin 'yung kanya kasi mas gusto ko 'yung Impakta.


"Trixie, Trixie. I don't see why you want to audition for Disney but if I were you, I wouldn't embarrass myself." Nag-agree sa kanya si Impakta Dos, Tres at Quatro. "You see, I'm going to audition," mayabang niya pang sabi.


"And she's totally gonna win," say ni Impakta Tres.


"Yeah, no doubt," sabi naman ni Impakta Quatro. Ano, may masabi lang?


"Uh-huh. I mean, not to brag, but I've been taking acting lessons from the same school the biggest stars were once enrolled," taas-noong sabi ni Impakta Uno. Ah talaga, so bakit nasa public school siya? Lahat ng pera nila winawaldas sa acting school na 'yun, ganun? Gusto ko sanang sabihin na 'oy, afford din naman 'yun 'no! Anak kaya 'to ni Terrence Lakewood, oy! Kaso, di na kailangan pa kasi natural na 'yung talent ko sa pag-act!' kaya lang, ayoko namang i-dawit 'yung apelyido dahil lang sa pagyayabang ko. At naniniwala ako sa kasabihan na hindi dapat ipagyabang ang estado mo sa buhay kasi kahit ano pa 'yan, tao ka pa rin. Kaya nga ako nagpa-enroll sa public kahit na kayang-kaya akong pag-aralin ng tatay ko kahit sa pinaka-prestihiyosong paaralan.


"So, Trixie? Speechless? Are you convinced now that you should just stay where you are and not audition anymore?"


"Actually, I'm thinking how stupid you are," sabi ko sa wakas, may kasama pang acting na pa-innocent para kabog. Napanganga naman siya. "Do you always interrupt conversations without using your brain, if ever you have?" Nganga pa more. "For your information, Lady Gaga, me and Diane were talking about me NOT joining the audition, so why go open your humungous mouth and try to make me not join? Are you not confident of the skills you got from your school where the biggest stars were once enrolled? Or you're just plain stupid? Well, whatever your answer is, I don't care. Nice talking with you," mahaba kong sabi sabay sweet smile tapos walk out. Lahat sila na-shookt. Bwiset, sarap nilang ipalapa sa great white shark! Ang bobobo!


Pagliko ko sa corridor, natigilan ako nang makita ko si Ma'am Kyla, ang aming English teacher, na nakasandal sa wall katabi ng room namin. She looked at me intently. "You're not going to join, Beatrix? That's unfortunate. I really liked how you played Juliet."


Napayuko ako. I wanted to, I'm just not in the mood. Alam kong ongoing ngayon ang auditions, mga 1 week rin siguro ang itatagal. But with how my mind is so chaotic right now, I can't possibly make it up in such a short time. Baka hindi rin ako maka-acting nang maayos.


I heard Ma'am Kyla sigh. "Think about it, dear. Opportunities like this don't come easy."


"I can't, I'm sorry. My friend's in the hospital."


"Is that friend Kiefer? I visited him last night and I happened to tell him about this audition and he excitedly recommended you--"


"How is he?!" alam kong ang bastos ng ginawa ko, pero di ko mapigilan ang sarili kong sumegwey. Okay na si Kiefer?!


"I told you he's very excited--"


"I must visit him then!"


"Wait, Beatrix," bumuntong-hininga ulit si Ma'am, "just think about it, okay?"


"I will, Ma'am. Thank you."


Pinuntahan ko si Asher at Jin sa gym. Busy pa sila mag-practice kaya umupo muna ako sa mga bleachers. Oh my gosh! Okay na si Kiefer! Pwede ko na ulit siya mapanood dito! He'll win a lot of games again! I can hardly wait! Onting tiis na lang, makakapaglaro na ulit siya ng basketball!


Thank you, God! I know You'll make everything better.


"Trixie!" tawag sa 'kin ni Asher.


"Tapos na kayo?"


"Yep! May gagawin ka ba? Hinihintay mo kami 'no? You look excited."


"I am! Tara sa ospital, let's visit Kiefer."


"Ah, successful 'yung operation niya?" Asher smiled, but mine faded.


"Operation? Na-operahan siya?"


"Yeah, nung birthday niya."


"T-talaga?" I didn't know. Sinabi ba ni Ate Karen? Di ba ako nakikinig? No, I was listening carefully so baka di ko lang narinig.


"Oo, sinabi sa 'kin ni Jin at-- oh no," natigilan si Asher.


"At? Ituloy mo! You were saying something!"


Sinapo niya ang noo niya. "Di ko dapat sinabi sa 'yo. Taenang 'yan!"


Uminit ang dugo ko. Ang lakas ng loob niyang sabihan ako na hindi ako nagsasabi sa kanya but all this time ang dami niyang itinatago sa 'kin! Silang dalawa ni Jin! I can't believe this!


"Hey, what's happening here?" Speak of the devil.


I smiled a fake smile. "Oh nothing. Nag-uusap lang kami dito ni Asher tungkol sa mga bagay na di namin dapat pag-usapan kasi it looks like na itinatago niyo ito sa 'kin so oops, sorry! Narinig ko na! Don't worry, I'll just pretend that I heard nothing."


Nanlalaki ang matang nilingon ni Jin si Asher. "What did you tell her?" he asked.


"Something he shouldn't have told me," singit ko bago pa makasalita ang nanigas nang si Asher. "Sorry, I can't help to butt in. Di na siya makasagot eh."


Tiningnan ako ni Jin. "Trixie, I can explain--"


"Gasgas na ang mga linyahang ganyan!" tumayo na ako sa pagkakaupo ko at sumigaw nang pagkalakas-lakas kahit pa na pinagtitinginan na kami ngayon ni Coach Andrew at ng mga teammates nila. "So, ano? I-e-explain mo bakit tinago niyo sa 'kin ang mga bagay na kailangan kong malaman? Hindi mo na kailangang i-explain! I know why! Wala naman talaga kayong pake sa nararamdaman ko!" Marahas kong pinunasan ang mga luhang tumakas sa mga mata ko then I shot them one last look and ran away, ignoring their calls of my name.


Nakakatawa naman talaga! The last time I ran while crying, I got almost hit by a truck! And now I'm doing it all over again! Great, you're so great Trixie! This time, I wish matamaan na talaga ako at tuluyan nang mawala ang existence ko sa mundong ito!


Nakaramdam ako na may humawak nang mahigpit sa braso ko na nagpatigil sa 'kin sa pagtakbo. Pilit kong tinanggal ang pagkakahawak nito pero sobrang higpit. Ugh! Kakagitin ko na sana siya pero binitiwan niya ako kaya natumba ako sa sahig.


"Trixie, just stop! I'm sorry, okay?!"


Tumingala ako para makita kung sino ang sumigaw. I stood up. "Oh great! Gustung-gusto kong makita ka ngayon!" nanggagalaiti kong sabi.


"Trixie, di ko na kayang hayaan ka ulit na magpakamatay!" I was taken aback sa sigaw ni Asher. "I'm sorry but you are so weak! Why can't you face your problems?! Ang duwag duwag mo! Ano, tatakbo ka na lang? 'Pag itutuloy mo ang pagtakbo mo tingin mo ikaw lang ang maapektuhan? Look where you got us, Trixie! We're in the middle of the road! At kahit anong oras, pwedeng may dumaan na sasakyan at sagasaan tayo!"


Nilibot ko ang tingin ko sa paligid. Blurry na ang paningin ko dahil sa mga luhang tumutulo pero alam kong nasa kalsada nga kami. I faced Asher. "May sinabi ba akong sundan mo ako? Wala naman, di ba? If ever we're hit now, di ko kasalanan na nadamay ka! You got yourself into this!"


"I know that! Yes, I did it on purpose at kasalanan ko nga na masagasaan ako! This is my choice! I chose to be beside you! Wala akong pagsisisihan kung mabundol man ako dito at mabawasan ang mundong ito ng ubod ng pogi at talentadong nilalang, pero di ko mapapatawad ang sarili ko kung mababawasan ito ng maganda pero sobrang problemadong babae gaya mo! Pagsisihan ko nang sobra kung di kita matulungan. I was wrong before, you don't need to figure this out by yourself. You're not alone. Trixie, I know this is hard for you but you don't have to make it harder. I told you, we're always here for you," nginitian ako ni Asher kahit nag-tila waterfalls na rin ang mga mata niya at may tinuro siya sa likod. Si Jin, hinahabol ang hininga niya, looking at us with a worried expression. "We love you, Trixie. Kiefer loves you too... that's why he told Jin not to tell me and you that he got an operation in his heart..."


"But I told Asher, anyway," sabi ni Jin. Lumapit siya sa 'min at lumuhod sa gilid ko. "Sabi ko kay Asher 'wag na 'wag sabihin sa 'yo pero sa tingin ko, mas maganda na rin 'to. You deserve to know." Tumingin sa malayo si Jin. "Kiefer quitted the team. His reason is his heart, literally. Pansin mo, madali siyang mapagod?" I nodded. "I think he has a heart disease and I understand why he can't tell us. His heart is just too big, figuratively," Jin awkwardly smiled. Then, humagulgol siya ng iyak. I hugged him, I hugged the both of them.


Man, what am I doing?


"No, he's just scared. Katulad ko," I said in between tears.


"Then w-we need to help him. We have to go to the hospital," sabi ni Jin.


"Pupunta talaga tayo doon. Look, may paparating na sasakyan," sabi ni Asher, pointing at, yeah, a car.


Agad-agad na tumayo si Jin at hinila kaming dalawa ni Asher sa sidewalk. "Pwede naman tayong pumunta doon na buo pa ang katawan natin! Come on, he's waiting for us."


"I love you too, guys. And I'm sorry," sabi ko habang naglalakad kami. I'm breaking and I shouldn't. I shouldn't. I have to be strong. Asher's right. What am I doing? Dapat magpakatatag ako. I'm not the only one who's breaking here. All of us were. Kaya dapat magpakatatag kami para sa isa't isa.


Katahimikan. Then Asher spoke.


"Saklap naman nun, Chiong! She said I love you... in a friend way," tumawa nang nakakaloko si Asher.


"Dapat pala hinayaan ko na lang ikaw mabangga."


"Joke lang, bro! Grabe ka naman! Parehas lang naman natin mahal si Trixie, ha? Kaso iba ata 'yung level ng sa 'yo?"


"Ugh! Dyan ka nga!" tinulak ni Jin si Asher kaya na-out balance ito at nahulog sa sidewalk. Mabilis siyang tumayo at kumapit sa braso ko.


"Argh! Chiong-go ka!"


"Pakyu!"


"Pakyu more!"


"Pakyu most!" sabay nilang sigaw. Ugh.


"I take it back! I hate you both!" sigaw ko na nagpatahimik sa kanila. Buti naman--


"Trixie naman..."


"Trixie, sorry! Di ko naman talaga sinasadya!"


"We're sorry!"


"Ikaw kasi may kasalanan eh!"


"Wow, ako pa? Ikaw nga nang-aasar dyan! Nakaka-bwiset kaya!"


"Asar-talo ka naman! Sukat nanunulak! Woah, bro, kawawa naman ang mga girls na may crush sa 'kin 'pag naaksidente ako!"


"Wala akong pake kahit iyakan ka pa nila sa kabaong mo!"


"Oy, sumusobra ka na!"


"Ikaw ang sumusobra! Sobrang panget mo!"


"Sobrang bantot mo!"


"Sobrang bading--"


"Weh, Trixie ka lang eh!"


"Sophia ka naman!"


"SHUT UP!" buong-kaluluwa kong sigaw para tuluyan na silang manahimik. Oh my gulay, nakaka-imbyernaaaaaaa!


–×–


Nakarating na kami sa hospital, sa wakas, at nasa tapat kami ng room ni Kiefer. Pumasok kami and there, we saw him reading. I felt relieved. He's... better.


"Hi guys! Did you miss me?"


"Wow, gusto mo ng sapak? Translation: Wow, you want a punch? Hard in the face?" tanong ko. Nagkatinginan si Asher at Jin.


"I-is that a y-yes?"


"Ah, so gusto mo talaga?"


"N-no?"


"Tae ka, miss na miss na miss na miss na miss kitaaaa!" huminga ako nang malalim pagkatapos kong sabihin ang statement na 'yun.


But they just laughed at me. Great.


Kiefer smiled after laughing and wiping away his tears, because he laughed too hard. Hmp. "Well, Alyssa... I missed you too... so much."


At nag-tubig na naman ang mga mata ko. Tumakbo ako sa bed niya at niyakap siya nang mahigpit na mahigpit. Naramdaman kong nababasa ang balikat ko. Is he... seriously...?


Bumitaw ako sa pagkakayakap ko. Dali-dali naman niyang tinakpan ang mukha niya.


"I-- I... I--I'm sorry... I just missed you..."


"Aw, umiiyak ka?"


Pinunasan niya ang luha niya at tumawa siya nang mahina. "I thought I'm never gonna see you again."


"Ssh, I'm here."


Natigilan siya for a while tapos ngumiti siya.


And I don't what he meant by that smile.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com