Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

---

Epilogue

NP: High Hopes by Kodaline

"Macchiato kayo na muna ni Star bahala sa café ha? Bukas pa balik ko kaya bantayan niyo nang mabuti ha, Star wala munang lalandi" halos magkasabay na pagtango ang ginawa ng dalawa pagkatapos marinig ang mga bilin ni Berry, palibhasay parehas silang may ginagawa kaya naman hindi na nila nagawang tumingin at magpaalam kay Berry na kalalabas lamang sa pintuan.

Kung hindi lang dahil sa tugtog ng café malamang ay magmumukhang sementeryo ang lugar sa katahimikan nito. Hindi dahil sa wala pang customer na dumadating kundi dahil sa hindi nakasanayan ng dalawa na sila lamang ang naroroon. Parehas nilang nararamdaman ang kakulangan na walang pagdududa ay siguradong ang presensya ng dating katrabaho ang nawawala.

"Star pakiflip na yung open sign sa may pinto, nakalimutan kong ayusin kanina" walang imik na sinunod ng dalaga ang utos ng binata at pagkatapos ay bumalik na muli sa tinatrabaho niya kanina.

Malaking pagbabago sa café ang naidulot ng pag-alis ni Latte. Gustuhin man nilang malaman ang dahilan ng pag-resign nito, wala rin silang makukuhang sagot sapagkat nanatiling tahimik ang dalaga sa rason niya. Sa huli ay pinili na lamang nilang i-respeto ang desisyon nito at nagkunwaring normal lamang ang lahat pagkatapos ng pag-alis niya.

Kahit pa ganon ay hindi naman mapipigilan ng dalawa na mag-isip ng mga posibleng dahilan na nagdulot sa pag-alis ng dalaga. At siguradong sigurado si Macchiato sa naiisip niyang rason.

Ang huling paguusap nilang dalawa.

Malinaw na malinaw pa kay Macchiato ang pagtatalo nilang dalawa. Ang buong akala niyang mahinahong pag-uusap ay nauwi sa sumbatan na dala ng pagkikimkim ng naipong galit sa loob ng tatlong taon.

Napakatagal ngunit dahil sa sakit nito ay hindi nila magawang ipagpaliban at kalimutan ang bawat detalye. Habang tumatagal at nakikita nila ang isa't isa lalo lamang nagpapatong patong ang nararamdaman nila at ang pag-uusap nila ang nagint sanhi ng pagsabog nito. Hindi ipagkakaila ni Macchiato na nasaktan din siya sa mga salitang sinabi ni Latte, ngunit hindi rin naman niya ipagtatanggop ang sarili at itatago ang katotohanang mas nasaktan niya ang dalaga na marahil na nagdulot sa pagkasuklam sakanya at umabot pa sa puntong hindi niya na ito gugustuhin pang makita kaya bilang unang paraan upang makalayo ay pinili niyang umalis sa trabahong ito.

Ngunit hindi rin maiwasang isipin ni Macchiato na baka may iba pang dahilan, lalo na kung aalalahanin niya ang isa pang nangyari kahapon.

Gulong gulo nanaman ang isipan niya kagaya ng lagi niyang nararanasan pagdating sa mga usapang si Latte ang bida.

I've got high hopes it takes me back to when we started. High hopes when you let it go, go out and start again.

"Sinong nagpapatugtog" tanong ni Macchiato ngunit tanging tipid na 'ewan' lamang ang sinagot ni Star. Magtatanong pa sana siyang ulit nang marinig niya ang pag tunog ng bell sa may pintuan simbolo ng pagpasok ng isang customer.

"Good morni-" tila tumigil ang mundo nang makita ni Macchiato ang taong pumasok dito.

Naroroon ang taong iniisip niya kani-kanina lang.

"Nandito ba si Berry? Isasauli ko lang 'to" inilapag ng dalaga sa counter ang kanyang uniform at kahit sa malayuan ay amoy na amoy parin ni Macchiato ang pabango niya rito.

"Oh my gosh Latte!" bago pa matuloy ang balak niyang kausapin si Latte ay naunahan na siya ni Stardawn kaya naman pinili na lang niyang kunin ang iniwang uniform at ilagay ito sa loob ngunit bago pa man siya makalayo ay narinig niya na ang pagtawag ng katrabaho.

"Macchiato kunin mo muna order ng customer bago ka lumayas"

Isang malalim na buntong hininga ang kanyang pinakawalan kasabay ng paglalakad na tila ba labag sa kanyang loob. Dinampot ang maliit na notepad at asul na ballpen, pagkatapos ay hinarap ang taong hindi niya gugustuhing harapin sa mga oras na 'to.

High hopes when it all comes to an end, but the world keeps spinning around.

"One latte macchiato please"

At sa huling pagkakataon ay nasulyapan niya ang matamis na ngiting nakasabit sa mga labi ng dalaga. Ngiting nagpaparating na siya'y tunay na masaya at kuntento na sa mga desisyong pinili niya.

Hindi na niya tinanong ang pangalan ng dalaga gaya ng lagi niyang ginagawa sa ibang customer, sa halip ay agad niyang inihanda ang order nito. Naging senyas na rin ito upang lumayo si Latte sa counter at naupo sa bar stool sa may hanay ng mesa sa bandang harap ng bintana kung saan siya hinihintay ng kaibigan.

Sa kalagitnaan ng pagtatrabaho ay hindi mapigilan ni Macchiato na sulyapan ang dalaga, mula sa isnag beses na pagtinging saglit hanggang sa dumalas na nang dumalas at ngayo'y hindi niya na maalis ang titig mula dito.

Kung 'di lang dahil sa biglaang paglingon ay hindi na niya mapapansin ang ginagawang hindi pa rin matapos tapos.

Alam ni Macchiato na ito na ang posibleng huling pagkikita nila, huling sulyap, huling natitirang tyansa upang ayusin ang lahat.

At ang nasa isip ni Macchiato ay ang pinakaperpektong paraan upang sulitin ang bawat huling bagay na ito.

☕☕☕

"At bakit wala kang balak na sabihin sa'kin?" inexpect na ni Latte ang ganitong klase ng tanong ang manggagaling kay Star. Kung tutuusin ay mas malala pa nga ang inaasahan niya kaysa dito.

'Akala ko ba bestfriend mo ako?' 'Taksil ka!' 'Hindi ba ako mapagkakatiwalaan?' 'Mangiiwan!'

Kaya naman nagulat pa rin siya nang munti dahil sa mas kalmado ang naging dating ni Star kaysa sa normal nitong pag-akto.

"Baka kasi sumama ka, hindi ka kasya sa bagahe" biro ni Latte

"Sabagay" tugon nito na di rin nagtagal ay nasundan nanaman ng reklamo "Bakit kasi ayaw mo ako isama!" imbis na sagutin ay tinawanan lamang ito ni Latte, ani nga niya'y ang mga ganitong klase na tanong ni Star ay mga tanong na hindi nangangailangan ng sagot

Isa pa'y napakacute tignan ni Star kapag naiinis siya sa mga pang-aasar ni Latte, wala naman sigurong masama kung susulitin niya munang makita ang pagiging cute nito bago siya umalis hindi ba?

"Latte, paano na si Macchiato?"

At dumating na ang pinakaiiwasan niyang tanong.

Magsisinungaling siya kung sasabihing hindi niya na rin naisip ang tanong na ito. Ngunit bakit nga ba niya ito iniisip at pinoproblema kung kahapon lamang ay desidido na siyang kalimutan ito. 

Kung tutuusi'y dapat ay noon pa niya napagpasiyahang gawin ang bagay na iyon. 

Pero gago si Macchiato eh, nagpaparamdam nang nagpaparamdam eh alam naman niyang natural na marupok si Latte.

"Oo nga, pano na ako?" narinig niya ang pag-usog ng upuan sa tabi niya, pagkatapos ay nakita na lamang niyang nakalapag ang kanyang inumin sa mismong harapan niya. 

"Oops ayoko maging third wheel gotta go" bago pa niya mahila si Star pabalik ay nakalayo na ito, dahilan para maiwan silang magkasama ni Macchiato.

Katahimikan. Walang nagsasalita sa pagitan nilang dalawa. Siguro'y nahihiya? Siguro'y nawawalan ng lakas ng loob? Siguro ri'y hindi nila mahanap ang tamang salitang sasabihin sa isa't isa. Mabigat ang hangin na pumapaligid sakanilang dalawa kabaligtaran ng komportableng simoy ng lugar. Habang tumatagal ay lumilipas ang oras na nasasayang dahil sa katahimikan nilang dalawa.

"I guess babalik na ako sa counter" pagbasag ni Macchiato sa napaka-awkward na katahimikan. Imbis na tumugon ay tahimik na sumipsip si Latte sa kanyang kape, hindi nag-abalang gumawa o magsalita bilang sagot kay Macchiato.

Naniniwala siyang hanggat walang usapang magsisimula sa pagitan nila ay mapapadali ang lahat.

Ngunit doon siya nagkakamali.

Sa oras ng pagtayo ni Macchiato ay saka lang niya napansin ang isang  sticky note na nakadikit sa baso niya. Sa gitna nito ay malinis na nakasulat ang isang kataga na halatang isinulat ng bibata base pa lamang sa handwriting.

Now the tables have turned.

Parang noon lamang ay siya ang nakatayo sa likod ng counter na iyon habang si Macchiato ay nakaupo sa isa sa mga upuan, nagsasayang ng oras sa pamamagitan ng paunti-unting pagsulyap sakanya habang nagtatrabaho.  Oo inaamin niyan nainis siya nang makita niya ang binata sa unang pagkakataon pagkatapos ng matagal na panahon ngunit hindi rin niya maipagkakaila na labis siyang ginanahan lalo na't alam niyang ang tanging pakay ng binata sa pagpunta ay ang makita siya.

Ngunit ngayon ay nabaliktad na. Sino nga ba ang maloloko ni Latte sa pagsasabing kaya lamang siya pumunta rito ay upang isauli ang dating uniform na hindi naman na niya kailangang isauli kung sa katotohanan ay kaya lamang siya naririto ay upang sulyapan ang binata.

Napakagulo hindi ba?

Ngunit kahit gaano pa man kagulo ay kailanma'y hindi pipigilan ni Latte ang kanyang sarili na sundin kung ano ang magpapasaya sakanya. 

At sa mga oras na ito, ang mga alaala ni Macchiato ang dahilan ng kanyang kaligayahan.

"Star pwede ba akong humiran ng marker?" bulong ni Latte sa kaibigan niya. Agad ding  ibinigay ni Star ang hinihiram ng kaibigan at bumalik sa pagtatrabaho.

Marahang tinanggal ni Latte sa pagkakadikit ang sticky note. Binasang muli ang mga katagang naririto ang hinayaang gumuhit ang isang matamis na ngiti sa kanyang mga labi.

Babe,
     Hindi ko nasabi ang gusto kong sabihin sa'yo kagabi at sayang naman kung hindi ko kukuhin ang chance para gamitin ang pagkakataong ito hindi ba? So for the last time, would you forgive me, give me the last chance I don't deserve and:

🔲 Fix everything between us while starting over.

🔲 Move on and be happy about each other.

Gamit ang hiniram na marker ay minarkahan ni Latte ang isa sa mga nakaguhit na kahon. Ibinulsa ang marker na wala na siyang balak ibalik kay Star, dinala ang baso ng kape at naglakad patungo sa counter.

"Excuse me pero mali ang spelling ng pangalan ko. It should be l-a-double t-e not b-a-b-e and—" huminto siyang saglit at ibinalik ang piraso ng papel kay Macchiato "the coffee tastes nice" dagdag niya habang nakangiti at naglakad paalis sa café.

Naiwang nakatayo si Macchiato, nakataas nang bahagya ang kamay habang nasa palad niya ay ang papel na inabot ni Latte. Nang marinig niya ang pag-kalansing ng bell ay saka lang siya bumalik sa normal at dali-daling binuklat ang nakatuping sticky note.

Napangiti na lang rin siya habang tinitignan ang naging tugon ng dalaga bago ito ibulsa at sumulyap kay Star na may masayang ngiti rin sa kanyang labi.

Sa wakas ay nakuha na rin niya ang sagot na matagal niya nang hinanap.

The end


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com