Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

+2

Raisin

Every story has a different version through different eyes and perspectives.

September 21, 2015

"Raisin!"

Kasunod ng pagkarinig ko sa boses ni Macchiato na isinisigaw ang boses ko ay ang pagkapit ng mabigat niyang kamay sa mga balikat ko.

"Oh bakit, 'di ba may lakad pa kayo ni Latte? Ginagawa mo dito?"

Naroroon nanaman ang ngiti niyang hindi maipaliwanag sa tuwing nababanggit ang pangalan ng kasintahan.

Sana'y ganoon din siya saakin

"Kukunin ko lang phone ko sa'yo! 'Diba pinatago ko? Saka wala naman akong balak na 'di siputin si Latte 'no"

Sana'y ganoon din siya mag-bigay ng atensyon saakin. Sana'y ganoon din siya magpahalaga.

Pero hindi

Dahil sa takot na baka mahalata ang nararamdaman ko sa tono ng pananalita ay kinuha ko na lamang mula sa bag ang bagay na hinihingi niya saakin at inabot ito kaagad sakanya.

"Raisin lutang ka? Phone mo 'to oh"

Bago ko pa man makuha pabalik ay napakealaman niya na ito. At gaya nga ng ikinakatakot ko ay nakita niya ang itinatago ko rito.

"Si Dusk ba 'tong nasa wallpaper mo?"

Nagulo ang utak ko kakaisip ng palusot na paniniwalaan niya. Alam kong hindi niya gugustuhing malaman ang katotohanan sa likod non ngunit sa oras na maghinala siya alam ko ring pipilitin niyang malaman ang tungkol doon.

"Ha? Si Dusk? Alam ko mukha ko nakawallpaper diyan ah? Akin na nga!"

Pakiramdam ko ay naghihinala na siya. Alam kong naghihinala na siya.

"Nagkabalikan nanaman ba kayo ni Dusk?"

At natanggap ko na nga ang pinakaiiwasan kong tanong.

"Oo"

At ang malaking pagkakamali ko ay pinili ko itong harapin

"Ano nanaman ba 'to Raisin"

Iyon ang araw kung saan napilitan akong aminin ang lahat.

September 28, 2015

Macchiato:
Buti nalang kaibigan kita pasas
Loveyou

Raisin:
Yup.
Hahaha
Loveyoutoo

"Anong love you too 'yan?"

Naramdaman ko ang mainit na hininga ni Dusk na tumatama sa leeg ko. Kanina pa pala siyang nagbabasa ng usapan namin ni Macchiato at dahil sa isang salita na iyon ay napilitan siyang mag-react.

"Ikaw naman para namang 'di natin kaibigan si Macchiato pati ba naman 'yon eh"

Sa kabila ng sinabi ko ay hindi pa rin niya inalis ang matalim niyang titig saakin. Kaya para sa ikagagaan ng loob niya ay inayos ko na lamang iyon.

Raisin:
Yup.
Hahaha
Loveyoutoo
Fren

"Happy?"

September 30, 2015

"Ano ba 'yang sasabihin mo ha Raisin? Mag-iisang oras na tayong nakaupo dito oh wala ka pang sinasabi, aba may pupuntahan pa ako ha"

Hindi ko malaman kung bakit hindi ko magawang sabihin kay Macchiato ang tungkol sa pag-aaway na'tin. Gusto kong itanong sakanya kung bakit sa tingin niya ang kailangan mong itago ang relasyon na'tin. Kung bakit napakalaki ng galit mo nang malaman niya ang tungkol saatin.

Pakiramdam ko'y may alam si Macchiato. Sapagkat hindi ganoon ang magiging reaksyon niya nang aminin ko ang tungkol saatin kung wala.

Ngunit natatakot akong magsalita. Pakiramdam ko'y sa bawat galaw ko ay nakamasid ka, na sa bawat salitang bibigkasin ko ngayon ay lalong ikalalala ng galit mo.

Pakiramdam ko tuloy ay hindi ka talaga seryoso saakin, na ang relasyon natin ngayon ay isang malaking eksperimento lamang. Eksperimento kung saan tinitignan mo kung ano nga ba ang pakiramdam na maging kasintahan ang sarili mong kaibigan gaya ng ginawa ng dati mong girlfriend.

Nauto mo nanaman ako.

"Wala pala, puntahan mo na si Latte hinahanap ka na non"

October 1, 2015

Raisin:
Latte
Balikan mo na si Macchiato please.
Kasalanan ko okay
Pero wala naman akong balak agawin sa'yo 'yon promise. May sarili akong boyfriend.

Latte:
Si Dusk ba?

Raisin:
Ano?

Latte:
Si Dusk yung boyfriend mo 'diba?
Nafeel mo na rin ba maagawan?
Hindi pa?
Mararamdaman mo na rin naman eh.

Raisin:
Latte?
Ano?

October 5, 2015

At naramdaman ko na ngang maagawan kagaya ng sinabi ni Latte.

Napakasaya mo siguro nang makita mo ulit ang dati mong girlfriend 'no?

Ang malas ko nga lang dahil kakabreak lang din pala ng dati mong girlfriend at ng boyfriend niya.

Akalain mo 'yon? Parehas na parehas kayo ng girlfriend mo.

Dusk:
I'm sorry.
Mahal ko pa si Stardawn.

Kasi kahit ikaw at ang girlfriend mo ay nagbreak din.

At bakit ako naging malas?

Ako nga pala yung girlfriend mo, well to be precise ex-girlfriend mo.

At ang malas ko ulit dahil nangyari iyon nang dahil kay Latte, sa pagaakalang ako ang puno't dulong dahilan ng paghihiwalay nila pinili niyang gantihan ako gamit ang kahinaan ko.

Kung sana'y pinakinggan nila ako.

Kung sana'y inintindi ninyo ako

End













Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com