ㅤㅤCHAPTER I
CHAPTER I
Her name is Spring.
"Spring!!"
Hinanap agad ng mata ko kung nasaan ang mga kaibigan ko, at nakita ko si Winter na nakangiting kumakaway sakin kaya dali-dali akong naglakad papunta sa table nila.
"Waaaah! Namiss ko kayo, mga bakla!" sabi ko saka sila niyakap isa isa sa ulo. Pinakahuli pa si Winter kasi inipit ko pa mukha niya sa kili kili ko. Puahahaha!
"Aray ko Spring! Bitaaaw!" pagmamakaawa ni Winter pero lalo ko lang diniin mukha niya sa kili kili ko. Okay lang naman yan, mabango naman kili kili ko!
Tawa ng tawa si Artemis at Autumn sa ginagawa ko at feeling ko nasusuffocate na si Winter kasi tahimik na siya kaya tinigil ko na pagipit sa mukha niya at naupo sa tabi niya. Sinamaan niya ako ng tingin pero nagbelat lang ako kaya wala na rin siyang nagawa.
Cute ako eh!
"Kamusta first day ng second sem niyo?" panimula kong tanong habang kumakain kami kaya binatukan nila akong tatlo. "Aray ko naman!" reklamo ko habang nakanguso. Ang sakit kaya!
My brainless head, huhuhu!
"Sabog! Di pa nagsisimula class natin at magkakaklase kaya tayo!" sabay irap pa sakin ni Artemis kaya napairap nalang din ako. Sorry na! Wala akong masabi eh!
Ganito kasi kami lagi. Kumakain muna bago pumasok sa class kasi nakakagutom kaya! Tatlong oras kami lagi sa isang subject (well, depende sa units ng subject) tapos minsan wala pang break break yun! Kahit ihi break wala! Ihian ko sila eh >_>
Nagpatuloy nalang kami sa pag kain habang nag-aasaran at nagbabasagan kaya tawa ako ng tawa. Muntik pa nga ako mabilaukan kakatawa ng magbatuhan ng tinidor si Artemis at Autumn, buti nalang inabutan ako tubig ni Winter kaso syempre dahil tunay siyang kaibigan, tinawanan niya muna ako bago ako abutan ng tubig.
"Die, Spring!" tawang tawang asar ni Autumn kaya sinamaan ko siya ng tingin kaso natawa silang lahat kaya ang ending, natawa na rin ako at ang pinakaending, nabulunan nanaman ako. Sa tubig.
"Oh, nabulunan sa tubig! Bigyan niyo pagkain!"
Uminom nalang ulit ako ng tubig saka umubo bago makitawa sa kanila. Mamamatay na ata 'tong mga 'to kakatawa dahil sa paghihirap ko. Okay lang, ganyan naman yang mga yan eh! Sanay na ako! Masaya sila kasi nahihirapan ako. Sus, basic!
Joke. Hahahahaha!
"Pero uy, alam niyo bang may transferees daw? Ang narinig ko pa mga gwapo daw! Omg lang," malandutay na sabi ni Autumn at may pagpaypay pa sa mukha gamit yung kamay niya. Harotzxc!
"Narinig ko rin! Pitong lalaki tapos ang gagwapo daw #$%^!" maharot rin na sabi ni Artemis at naghampasan na nga silang dalawa dahil sa kalandian nila.
Napailing nalang ako at lihim na natawa kasi kilala ko yung isang trasferee. Pinsan ko kaya yun! Hahahaha. Di ko lang kilala yung friends niya kasi ayaw niya ipakilala, baka daw landiin ko. Ang kapal lang, ha?! Ako?! Lalandi ng lalaki?! Never!
Lalaki rin kaya ako!
Chos.
Natigil lang sa kalandian nila yung dalawa nang tumayo na si Winter at sinabing magsisimula na yung class namin kaya natayo na rin ako.
"Ang init init na, nakasweater ka parin." sita sakin ni Winter habang naglalakad kami papuntang room kaya nginitian ko nalang siya.
Wala ako masabi eh. Hehehehe!
Pagdating sa room eh nakita kong may bagong mukha. I mean, hindi siya transferee pero bagong mukha siya sa section namin kasi nasa ibang section siya last sem. Nakaupo siya sa sulok habang nakatingin lang sa bintana. Mag-isa lang siyang nalipat? Alam ko name niya eh kaso di ko masabi kasi nakalimutan ko. Hahaha!
Pagkaupo namin eh saktong pagdating ng prof namin tapos may kasama siyang pitong itlog kaya nagtilian yung mga kaklase ko. Mostly girls. Except sakin, Winter, saka si ate girl sa sulok. Napatingin pa sakin si Poseidon saka nagsmirk kaya ngumiwi ako. Ang creepy ha!
"Calm down, children. These are the transferees and I believe you can introduce yourselves in front of them?" sabi ni prof kaya tumango na yung pitong itlog.
"Good afternoon! My name is Poseidon Lux, 19 years old." nakangising sabi ng pinsan kong poknat kaya nagtilian nanaman yung mga girls.
Naramdaman kong siniko ako ni Winter kaya napalingon ako sa kanya. "Lux? Kapatid mo?"
Napakagat labi ako nang may maisip na kalokohan. Umiling ako, "Sorry, Winter, Autumn and Artemis." naiiyak ko kunwaring sabi dahil nakikinig din pala yung dalawa samin. "Di ko nasabi sa inyo pero kasal na ako... si Poseidon ang asawa ko,"
"HALA HINDI NGA?!"
Natawa ako ng malakas nang makita ko reaksyon nilang tatlo. Si Autumn at Artemis nakanga-nga habang si Winter nanlalaki lang mga mata habang nakatingin sakin. Omg, need ko picturan 'to!
"Hoy! Burahin mo yan!" sita ni Winter saka ako sinamaan ng tingin kaya nagbelat lang ako saka tinago phone ko sa bulsa ng pants ko.
"Kayong apat dyan sa likod, anong pinagkakaabalahan niyo?" sita ng prof namin kaya natahimik na kami habang pasimpleng nagtutulakan. "Continue," sabi niya dun sa anim pang di nakakapagpakilala.
Yung may malaking mata at ilong na ang nagpakilala ngayon. "Hello, I'm Achilles Hills."
Pfft. Achilles Hills? HAHAHAHAHAHA! Ang gara naman ng pangalan neto!
"Hi everyone, my name is Zeus Williams!" tapos nagflying kiss siya kaya nagtilian lalo yung mga babae.
"Hades Mars." bagot na sabi nung lalaking sobrang puti tapos nakapoker face lang siya.
Ah, okay? Ang cute niya! Mukhang pusa! Hahaha.
"Good afternoon everyone. My name is Perseus Jack." sabay ngiti niya kaya lumabas yung dimples niya.
Hala! Ang gwapo!!
"Hello!! I'm Hercules Spade!" masayang bati nung isa kaya napatango ako.
Okay. May magiging close na ako sa kanila. Siya yun! I choose him! Puahahahaha!
And lastly, "My name is Apollo Leaf. Please take good care of me." sabay ngiti niya na parang nahihiya tapos namumula pa pisngi niya kaya napanganga ako.
Ang cute. Ang cute! ANG CUTE! TT______TT
"Huy, laway mo tumutulo." bulong sakin ni Winter habang sinisiko ako kaya nabalik ako sa katinuan. Napahawak ako sa gilid ng bibig ko pero di naman basa eh! Epal 'to si Winter! "Hahahaha! Ayie. Crush mo si Apollo?"
"Ay wow. Maka-Apollo, close kayo?" pang-aasar ko pero sinamaan niya ako ng tingin bago isnaban kaya natawa ako. Pikon talaga!
Pinaupo na ng prof namin yung pitong itlog sa kung saan man nila gusto maupo tapos nagstart na siya ng lectures niya. Habang nakikinig, syempre di naman talaga ako completely nakikinig HAHAHAHA! Nakikipagdaldalan ako kila Winter nang mapalingon ako saglit at mahagip ng tingin ko si ate girl na lonely.
Tinitigan ko lang siyang tahimik na nagte-take down notes.
Ano nga ulit name niya?
• • •
7:30 PM na at uwian na namin. Nagpaalam na ako dun sa tatlo kasi pare-parehas sila ng way habang ako naiiba. Habang naglalakad papuntang sakayan, nagulat ako ng may umakbay sakin.
"Hi insaaaaaaaaaan," parang monggoloid na ngumiti sa harap ko si Poseidon kaya napangiwi ako. "Pakilala mo naman kami dun sa mga friends mo hehehehehehe,"
"AHH!!! SABOG!!!" sigaw ko saka sinubukang tumakbo at nagulat ako ng may magtawanan. Paglingon ko, kasama pa pala netong poknat kong pinsan yung anim na itlog!
OMG.
NAKAKAHIYAAA!!
"Magkadugo talaga kayo no?" natatawang asar nung nagflying kiss kanina. Si Zeus? Zeus ba 'to? Tama ba? "Oo, tama ka. Ako si Zeus." sabi niya pa.
Ha???
Naririnig niya ako?
O.M.G.
Hindi kaya vampires sila tapos nababasa nila kung ano nasa utak ko?! Diba ganon?! Laging may transferee sa school niyo tapos classmate mo tapos malalaman mong vampires pala sila!!
UWAAAAAAAAAAH!
"Sabog ba yang pinsan mo, Poseidon?" kunot noong tanong ni Hades habang natatawa yung iba.
Yan din tanong ko eh. Sabog ba ako?
"Oo, sabog 'to." natatawa rin si Poseidon tapos naglakad ulit habang naka-akbay siya sakin kaya napalakad din ako. Saan nila ako dadalhin?! HINDI PWEDE! "Hoy, Spring! Ano ba! Hindi kami bampira! Ampotek."
"Ha?" parang tangang sagot ko. "Eh... paano niyo nalaman mga iniisip ko...?"
"Pft," pagpipigil tawa nila don sa likod kaya nakunot noo ko.
Anong meron???
"Spring, bawal shabu sa school ha, wag mong araw-arawin. Paano naming di malalaman eh nagsasalita ka kaya mag-isa kanina?!"
"Ay talaga?" manghang tanong ko kaya nainis na ata sakin si Poseidon, huminto sa paglalakad tapos niheadlock ako eh! "Aray ko! Hoy, Poseidon! Bitaw!!" hinampas hampas ko pa braso niya kaso mas malakas siya sakin.
Syempre, baboy ata 'tong pinsan ko!
"Spring name mo?" biglang tanong ni Apollo kaya napalingon kaming dalawa ni Poseidon sa kanya. Napakunot naman noo niya, nagtaka siguro sa titig namin ni Poseidon. "A-ahh, bakit ganyan kayo makatingin." sabi niya saka iniwas yung tingin samin kaya natawa kami.
Hehehehehe. Ang cute niya talaga!
Biglang nanlaki ang mata ni Apollo habang nakatitig sakin pati yung lima pa. Namula pa pisngi niya tapos umiwas ulit ng tingin! Tapos naramdaman ko ring lumuwag pagkaka-akbay sakin ni Poseidon kaya dali-daling nanlaki mga mata ko nang may marealize ako.
Jusko??? Nasabi ko nanaman ba yun ng malakas?
Uwaaaaaaaaaah!
"Ah hehe sige guys ha una na ako umuwi hehe ingat kayo sa paguwi bye!" parang nagrarap na sabi ko saka dali daling tumakbo at sumakay sa jeep bago pa nila ako maabutan ulit.
Spring Lux, isa kang malaking kahihiyan!
• • •
Note: Di ko kabisado names nila HAHAHAHAHAHA at binabalik ko ang mga emoticons/expressions (??) sa pagtatype lol bringing back the jeje era HAHAHAHA
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com