Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

047

 
 
  Music.

Ang ganda rito! Ang ganda ng venue! Talagang pinaghandaan nila ang workshop kaya gusto ko nalang maiyak sa sobrang bongga! Ang daming mga estudyanteng nagkakantahan sa mga gilid at kanta ng Ben&Ben na Fall ang pinapatugtog ngayon kaya lumulundag ang puso ko ngayon. Ganito ang epekto ng musika sa akin. Ganito epekto ng pangarap ko.

"Sht. Ang ganda." Napatingin ako kay Rock na nakatingin sa decorations ng Musika La Navidad.

"Buti sumama ako," sabi ko na lang. Ang lawak kasi huhuhu tapos may stage pa doon.

"Same." Kanina pa kasi namamangha si Rock sa nakikita namin. At doon ko naalala sila Sir Makaewan.

"Uy, saan sila Sir?" tanong ko kay Rock.

"Andoon daw sa kalagitnaan. Puntahan natin." Nagsimula kaming makipagsiksikan dito. Grabe, ang daming tao kasi nagkakalat pa.

Halos paulit-ulit na akong nababangga at paulit-ulit akong nagsosorry. Napahawak na lang ako sa damit ni Rock. Napatigil siya sa paglalakad at napatingin ako.

"Sorry naman. Ang dami kasing tao," sabi ko at mukha akong malulunod sa dagat ng mga tao dito.

Hindi siya nagsalita at hinawakan ang kamay ko. Syempre nagulat ako sa ginawa niya. At mas lalo akong nagulat tapos hinook niya ang bisig ko sa bisig niya kaya napalapit ako sa kanya lalo. "Halika na. Nakikita ko na ang ulo si Sir Makaewan."

Ako naman ang hindi nakapagsalita dahil naamoy ko ang pabango ni Rock. Like sht, hindi matapang at hindi kulang! Saktong sakto at amoy lalaki talaga siya! Myghaaad, I'm so sorry Dad pero mas mabango si Rock kaysa sa'yo.

Amoy mayaman! Huhuhu!

"Andyan na pala kayo!" Nilapitan kami ni Sir na nakasuot ng Tshirt ng DNA na parehas sa amin. Napatingin siya sa mga bisig namin ni Rock kaya inalis ko agad ang pagkasabit ko sa kanya.

"Kayo ah." Nakangisi pa si Sir kaya napatakip ako ng mukha. Sabi ko na nga ba!! "Sige, kukuha muna ako ng name tags natin doon. Dito muna kayo." Tumango kami ni Rock kay Sir at umupo kami sa upuan doon.

"'Di ba, bespren tayo ngayon?" tanong ni Rock sa tabi ko kaya napatango ako.

Hindi ako nakahinga nang maayos dahil sinandal niya ang ulo niya sa balikat ko. "Tulog muna ako saglit. Inaantok pa ako," sabi niya at napatingin ako sa posisyon niya. Nakacrossed arms siya at nagmumukha talaga siyang lalaki sa paningin ko. Pinat ko ang ulo niya para hindi awkward at shet, parang lalabas na puso ko sa pinaggagawa ng bato na 'to.

"Ito na 'yung name tagㅡwow."

Gusto ko na umuwi huhuhuhu. Napagkakamalan tuloy kami ni Rock na magjowa.

"Aminin niyo nga. May nangyari sa inyo?" Naging seryoso si Sir kaya napailing ako agad.

"Sir, magbespren kami ngayon."

Pinanliitan niya kami ng mata kaya gusto kong mapabuntong hininga.

"Ito oh. Suotin niyo na lang maya-maya."

Pagsilip ko kay Rock sa tabi ko ay naamoy ko ang buhok niya at ang bango! Huhuhuhuhu. Dad, I'm so sorry huhuhuhu. Mas mabango talaga si Rock kaysa sa'yo.

  - - -

Creepy man sabihin pero nagsimula ang program at ang masasabi ko lang dito ay wow dahil pinaghandaan nila talaga ito at puno ng palamuti sa paligid kasama ang mga confetti at ito ako, masyadong naadik sa amoy ni Rock.

Syempre medyo nahihiya na ako kaya medyo lumalayo ako at napapatingin sa baba. Program muna ngayon tapos maya maya ay seminar na. Grabe, hindi ako aantukin nito dahil kahit mga EMCEES ay napakalively at lahat dito ay nagpaparticipate.

Pero lutang ako kaya nagtaka ako kung bakit nagwala ang mga estudyante dito at napatingin sa akin si Rock. Napatingin din ako sa kanya. Lumapit ang mukha ko para bumulong kasi ang ingaaaay ingay talaga.

"Anong meron? Bakit?" Dapat na lang nakinig ako hays.

"Merong on the spot intermission kada school ngayon. Isang presentor kada school." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. LANGYA
NAMAN! DALAWA LANG KAMING TAGA-DNA! Nagpapanic ako sa loob ng utak ko samantalang nakatitig lang sa akin si Rock, mukhang naghihintay ng sasabihin ko. Ano pa ba masasabi ko?? Nagpapanic ang mga braincells ko!

"Let's give our hands to Trowen Academy of the East!" Malakas na hiyawan kaya masyado na akong napressure. Kahit hindi pa namin alam kung sino ang magpepresent sa amin kinakabahan ako.

Nagsimula na kumanta 'yung babae taga-TAE at kinanta niya ang kanta ni Dua Lipa kaya nagpaparty ang mga estudyanteng nakapalibot sa akin except si Rock na nakatitig pa rin.

"Gusto mo baㅡ"

"Ayokong kumanta." Agad kong nasabi kaya napasapo ako ng noo ko. Nakita kong kumunot ang noo niya.

"Hindi ba't si Mom Selena ay sikat na singer dati?" Binigyan ko siya ng isang masamang tingin. Nag-Mom sa Mom ko eh!

"'Yun na nga," sabi ko na lang dahil doon din ako napepressure. Magaling kumanta sila Mom, Dad at Kuya pero wala akong confidence para humarap sa mga tao ngayon. Lalo na on the spot!

Hindi na ako nakapagsalita at napabuntong hininga. Saan ba makakakuha ng confidence? Baka kasi mahimatay ako pagtapak ko ng stage.

Natapos na ang taga-Trowen Academy at nasunod na ang mga ibang academy at puro upbeats ang kinakanta nila.

Hindi kasi ako 'yung bumibirit kung kumakanta. Mas nababagay lang daw ang boses ko sa mga malumanay.

"I know you lie! Your lips
are moving!"

Habang nagpaparty ang mga tao rito ay nakatingin lang ako sa sahig nag-iisip kung saan ko ba mahahanap ang lakas ng loob ko.

"Ako na lang." Nagsalita si Rock sa tabi ko kaya napatango ako. Nakakawala ng lakas ng loob. No, Muse, think positive. Ngayon lang 'to.

Ang ibang mga nagpresent ay sumayaw. Pero ang iba ay kumanta at ang gaganda ng mga boses nila.

"Presenting, from Academy of South Orwell!" Napatakip ako ng tenga dahil ang lalakas ng tilian ng mag babae sa likuran ko. Napatingin ako sa stage kung sino ba ang tinitilian nila at ayun nga naman pala. 'Yung Roll na kumatok kagabi. Mukhang maangas pa siya habang papunta sa gitna ng stage. Habang naghihintay ng tugtog ay may parang hinahanap siya sa audience.

"Ikaw ata hinahanap," asar ni Rock kaya napairap ako.

"RockNRoll ship ko." Nagrock and roll sign pa ako kaya siya naman ang napairap.

Bumalik ang tingin ko sa stage at walang hiya namang nakatingin ang mokong sa akin. "Hi Miss Hakdog, this is for you." Napatakip agad ako ng mukha dahil doon. Kasabay ang pagsimula ng tugtog ng What Makes You Beautiful ng 1D.

Lalong nagtilian ang mga babae dito. Hays. Buti na lang hakdog sinabi ko kagabi.

"You're insecure. Don't
know what for."

Nagsimula na siyang kumanta at ang mga nasa paligid ko ay nakikikanta.

"You're turning heads when
you walk through the door."

Hindi man ako nakatingin stage ay masasabi kong nag-eenjoy 'yung mokong sa pagkakanta. Maganda rin ang boses niya.

"Don't need make-up
to cover up
Being the way that
you are is enough."

Hindi na napigilan at sumasabay na ako sa
kanta. 1D eh! Nawala na ang inipon kong pagpipigil. Gusto ko talagang sumabay sa mga tao dito kahit 'yung mokong 'yung kumakanta.

"Everyone else in the
room can see it
Everyone else but you."

Napahinga ako nang malalim bago kumanta ng chorus.

"Baby, you light up my
world like nobody else
The way that you flip your
hair gets me overwhelmed."

Naglipsync na lang ako dahil baka sabihin nung kumakanta na nag-eenjoy ako sa performance niya. Lumaki pa ang atay niya.

"But when you smile at the
ground it ain't hard to tell."

Napatingin ako kay Rock at nakatingin siya sa
kalayuan. Mahina lang siyang kumakanta kaya hindi ko siya marinig. Sumasabay din ang katawan niya sa tugtog kaya bigla ba naman akong nagwapuhan sa mga galaw niya.

"You don't know, oh oh
You don't know you're beautiful."

Bigla siyang napatingin sa akin kasi naramdaman niyang nakatitig ako sa kanya kaya nanlaki ang mga mata ko.

"If only you saw
what I can see."

Patuloy pa rin siya sa paglilipsync habang nakatingin sa mga mata ko.

"You'll understand why I
want you so desperately.
Right now I'm looking at you
and I can't believe."

Sa mga titig niya sa akin ay pagkatapos kantahin ang part na 'yun, parang tumakas ang kaluluwa ko nang ngumiti siya sa akin. Agad akong umiwas dahil ang weird nun!

"You don't know, oh oh.
You don't know you're
beautiful, oh oh
That's what makes
you beautiful."

Hindi na ako nakinig sa kanta dahil masyado na akong nablangko matapos ang kanina. Nakatingin lang ako sa kalayuan. Pilit pinapakalma 'yung puso kong nagwawala kasabay ang ingay dito sa venue.

Nabibingi rin ako siguro sadami ng tao at hindi ko namalayan na tinawag na pala ang DNA at naglalakad na papunta sa stage si Rock. Kaunti lang ang pumalakpak ng school namin kaya medyo napailing ako sa pagkadismaya. Pero nang makita nila si Rock na paakyat na ng stage ay nagsitilian sila. Sus, gwapo lang hanap nila.

Nakapagmake-face tuloy ako wala sa oras.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com