052
Music.
Last day ng Musika La Navidad at kahit sa closing program ay pinaghandaan pa rin! Makulay ang mga performance ng bawat kalahok sa mga sayaw at presentation sa gitna ng mga mensahe ng bumuo ng program na ito.
Pero kahit nakakamangha ang pinapanood ko ngayon ay hindi ko maiwasang mapatingin sa tabi kong si Rock na hindi na naman ako pinpansin. Hindi tuloy ako nakakafocus sa pinapanood ko.
Super awkward talaga!
Buti na lang nagchat si Banky kaya nagkausap kami saglit.
3:10PM
Banky:
Chinat ko 'yung Martin na sinasabi mo
FAFI SANA
KASO SNOBBER
AMP
HINDI AKO NIREREPLY-AN KAYA EKIS EKIS
Music:
HAHAHAHAHAHAHAHHA
Ayus yan bhie
Banky:
Next crush na amp
Yoko na yoko na
Dignidad ko natatapakan hmmp!
PERO MUSTA DYAN
LAST DAY NA BA?
Music:
Ola siz
Hindi ako pinapansin ni Rock!
MygHast
Banky:
LUH NUGINAGAWAMU
ANONG GINAWA MO
BA'T GANUN
Music:
May nakakausap kasi ako dito!
Kakilala ko taga Southernville na lalaki
Syempre medyo close kami dahil barkada ng pinsan ko
Tapos kapag nahuhuli niya akong kasama ko 'yung kaibigan ko, masama ang tingin!
Banky:
HOY HAHAHAHAHHAHA OMG
IS DIS
OMG
HAHAHAHAHA
KELEG
Music:
Ha ano?
Banky:
LUH
DI MO NAHAHALATA?
AY EWAN KO SAYO SIZ
MASYADO KA PANG BATA PARA DYAN
GOOD LUCK HAHAHAHA
Music:
HOY ANO
HOY
BANKY
HOY!
Hindi na ako nireply-an ni Banky hanggang sa finlood ko na siya. Hindi na talaga siya nagrereply kaya napabuntong hininga ako. Habang inaalala ang mga nangyari kahapon at mga sinasabi niya ngayon, isa lang ang pumapasok sa isipan ko.
Nagseselos siya?
Napalundag ako sa inuupuan ko dahil nagsigawan ang mga tao roon. Muntikan na ring mabitawan ang phone ko kaya niyakap ko ito bago pa mahulog. Tinignan ko roon sa stage at laking gulat ko kung bakit may malaking box doon.
Narinig ko ang mahinang tawa ng katabi ko kaya napatingin ako kay Rock. Nahuli ko siyang nakatingin siya sa akin. Siguro natawa sa reaksyon ko pero bumalik ang poker face niya at tumingin sa harapan.
Lumapit ako sa tenga niya at bumulong, "Anong meron?"
Napatingin siya sa akin kaya nagkalapit ang mukha namin. Kahit nanlalaki ang mga mata niya ay lumapit din siya sa tenga ko para sumagot. "Resorts World Manila, " bulong pa niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.
Tumawa siya saglit at muling bumulong, "On the spot presentation. Bubunot 'yung MC ng pangalan tapos kakanta sa harapan." Napatango ako kaya napalayo na ang mukha niya sa akin.
Syempre, kampante ako! Ang dami-dami namin tapos ako agad mabuhunot? Napakaimposible 'yun.
May binanggit na sa speaker at nakahinga ako nang maluwag na ibang school ang tinawag. Kaso mukhang walang tumatayo dahil may nagsisigawan na umuwi na raw sila kaya kinabahan na naman ako.
Of course! Marami pang ibang school. Pinapanood ko lang ang MC na bumunot da box pero natigilan siya nang may sumigaw.
"DNA! DNA! DNA!" Kung kanina ay isa lang ang sumisigaw, biglang parami nang parami ang sumisigaw. Lumilingon ako kung sino ang unang sumigaw pero halata namang si Roll ang nagpupush sa iba na isigaw din ang school namin. "DNA! DNA! DNA!"
Kitang kita na nakatayo na si Roll sa kinauupuan niya at ineencourage niya ang iba na sumigaw kaya napatakip ako ng mukha ko.
"You want from DNA?" tanong ng MC kaya para akong tinakasan ng kaluluwa ko.
Napatingin ako kay Rock dahil napatingin din siya sa akin. Hindi ko maintindihan ang mga mata niya kasi hindi na ako makaisip nang mabuti.
Pero bigla akong nabingi nang hawakan ni Rock ang kamay ko. Napatingin ako sa labis na gulat. Ngumiti lang siya sa akin na magpapatunaw ng puso ko sa oras na 'to.
"Kaya mo 'yan. Sing your heart out," sabi niya at natauhan na lang na tinawag na ang buong pangalan ko.
Lutang ako habang naglalakad palapit sa stage. Wala akong marinig pero puro I can do it ang naririnig ko sa isipan ko.
"Oo. Kaya ko 'to, kaya ko 'to," paulit-ulit kong sinasabi habang naglalakad papunta sa operator.
"Okay, hindi ko kaya." Tatalikod na sana ako para maglakad palayo pero naalala ko naman ang mukha ni Rock.
Natatakot ako na baka asarin niya ako kapag hindi ako kumanta kaya pagkasabi ko ng kakantahin ko ay binigyan na ako ng mic. Naglakad na ako at pumwesto sa gitna ng stage.
Pucha, wala akong makita.
Ang dilim ng venue dahil nakatutok sa akin ang spotlight.
Nagsimula nang tumugtog ang kanta ko at sa unang linya ko ay nilabas ko agad ang puso ko.
"I will leave my heart at the door
I won't say a word
They've all been said before you know."
"Hi! Hindi ka sasali sa amin?" tanong ng isang bata. Ayokong umalis sa kinauupuan ko dahil ayokong maglaro.
"Kapatid ka ni Simon 'di ba?" tanong pa niya at hindi nawawala ang ngiti niya. Hindi ako sumagot at nagtago na lang sa hawak kong teddy bear.
"Bluemoon! It's time to blow your cake! Naghihintay na si Morning doon." Lumapit na si Tita Moonlight at napangiti siya nang makita ako. "Hi Music! Tara, let's sing happy birthday para eat na tayo cake." Umiling pa rin ako at inalok ni Tita Moonlight ang kamay niya.
"We'll go na, mommy!" masayang sabi ng bata at muling tumingin sa akin. Inalok niya ang kamay niya. "Tara! May ice cream din doon! Kain tayo!" Napatango ako at kinuha ang kamay niya.
"Ooooh! Ayan na mahuhulog na ang ice cream!" natatawang sabi ni Bluemoon habang hinahabol ko ang natutunaw kong ice cream.
"Bawal ako ng ice cream kasi pinapakanta pa ako sa birthday ng pinsan ko!" natatawang pagsesermon ko sa kanya pero pilit hinahabol ang ice cream na nasa cone na.
"Kainis 'yung teacher niyo ng Math. Pinaglihi talaga sa sama ng loob. Hayaan mo na 'yun," pagpapagaan niya ng loob ko at napatango ako. "Oh 'di ba? Ice cream lang, magiging okay na rin?" tanong niya habang nakangiti sa akin. Napatango ako ng maraming beses.
"Marami pa tayong pagdadaanan. Highschool pa lang tayo kaso magcocollege na ako. Kaya kapag nagcollege na ako, tatakutin kita kung gaano kahirap," biro niya kaya pinalo ko ang braso niya.
"Ice cream pa tayo d'yan!" Umupo si Morning sa tabi namin na may dala pang isang gallon ng ice cream kaya sabay kaming napasigaw ni Bluemoon. Siya ay napasigaw sa saya samantala ako ay napasigaw sa galit.
"'Yung boses ko!" sigaw ko pero tinawanan lang nila ako.
"Hi Bluemoon, pwedeㅡ"
"Sorry Muse. Busy ako." Naiwan lang ako sa gitna ng hallway nang nilagpasan niya lang ako.
"Ganun mo ba kagusto si Bluemoon?" tanong ni Dairy habang kumakain ng pancake niya.
"Oo," sagot ko at nagsilabasan ang mga luhang pinipigilan ko.
"All I ask is if this is my last night with you
Hold me like I'm more than just a friend."
Wala akong makita sa baba. Liwanag lang ang nakikita ko at kinakanta ko ang buong puso ko.
"Give me a memory I can use
Take me by the hand while we do
what lovers do."
Hindi ko nakikita ang mga reaksyon ng mga tao pero nakikita ko at iniisip ko ang mga panahong kasama ko si Bluemoon. Kung paano nagsimula at kung paano naglaho bigla sa isang iglap.
"It matters how this ends
'Cause what if I never love again?"
Ramdam na ramdam ko ang panginginig ng mga kamay ko pero patuloy pa rin ako sa pagkanta at ramdam ko rin na anytime ay maiiyak na ako sa pagkanta.
Hindi ko inakala na mararamdaman ko ganito kung gaano kasakit ang kanta at sa pagkanta ko. Nawala rin ang kaba ko pagbigkas ko ng unang linya.
Nakailang linya na ako at palakas nang palakas ang pagkanta ko. Para akong umiiyak sa lagay ko pero patuloy pa rin ang pagkanta. Parang ang bagal-bagal ng oras kung kumakanta ako. At ang bilis ng mga naalala ko.
"Take me by the hand while
we do what lovers do
It matters how this ends
'Cause what if I never love again?"
Unti-unting naglaho ang tugtog pero tahimik pa rin ang mga audince dahil sa tindig ko ay hindi pa rin tapos ang pagtanghal ko.
"All I ask is.."
Ngayon, habang tahimik ang lahat ay tanging boses ko lang ang naririnig sa buong venue. Walang tugtog, walang ingay. Tanging boses ko lang at parang kinakantahan ko sila ng isang helele
"If this is my last night with you.."
Sa sobrang linaw ng boses ko ay maririnig din ang bawat sakit sa bawat bigkas kong salita.
"Hold me like I'm more than just a friend.."
Mahina at malumanay ang pagkakanta ko. Para akong nagmamakaawa sa harapan ng maraming tao sa pag-ibig na hindi naman ibabalik sa akin.
"Give me a memory I can use.."
Kaunting linya pa. Ayokong umiyak sa maraming tao.
"Take me by the hand while we do what lovers do.."
Tanggap ko naman eh. Tanggap ko naman na hindi ako magugustuhan ni Bluemoon pero ang hirap maglet-go.
"It matters how this ends.."
At sa huling paghinga ay nakatitig lang ako sa kawalan. Walang maramdamang sakit, taka at pagmamahal.
'"Cause what if I never love again?"
"Who hurt you?" natatawang tanong ni Side paglabas ko ng kwarto. Tapos na ang seminar at never akong nakagather ng ganitong courage at pagmamahal sa pagkanta pagkatapos kong kumanta.
"Kasi sasapakin ko," dagdag pa niya kaya natawa ako. Binaba ko saglit ang bag ko at napayakap sa kanya. Naramdaman kong napayakap din siya pabalik bago kami humiwalay.
"See you soon," bulong ko.
"Alam mo bang ang daming umiyak kaninang pagkanta mo?" tanong niya kaya nanlaki ang mga mata ko.
Tumawa siya at pinat ang tuktok ng ulo ko. "It's nice to see you again, Music Seagull. See you soon."
"Hoy Side Rivera, magiging singer ka ha?" Pinanliitan ko pa siya ng mata at sumenyas na i'm watching you kaya tumango siya nang maraming beses. Nagpaalam na kami sa isa't isa at dumeretso na ako sa van namin.
"Sir, bakit namamaga mata mo?" Bumungad pagpasok ko sa van ay ang namamagang mata ni Sir Makaewan. Nakatingin lang siya sa itaas at nakaekis ang mga bisig niya. Parang ayaw niyang ipakita na umiyak siya.
"Umiyak siya kaninang pagkanta mo," sabi ni Rock na nakaupo na sa likuran.
Napalingon agad si Sir dahil parang nilaglag siya ni Rock. "Natouch lang ako," pagdadahilan niya kaya napatango ako nang maraming beses.
Umupo na ako sa tabi ni Rock.
"Relate siya," bulong ni Rock kaya muling napalingon si Sir sa amin.
Buong biyahe ay nakikipaglaban ako sa antok ko. Kaya ang pinapakinggan ko ay mga kanta ng Paramore.
"Para kang hamster na inaantok," sabi ni Rock sa tabi ko at nakapatong ang mga bisig sa nakapatong na bag sa hita niya.
"Atleast cute," sabi ko habang hinihikab.
Tinap niya ang bag niya na pwede kong higaan kaya pinatong ko rin ang bag ko na nagpaaray sa kanya. Hindi ko na siya pinansin at dumapa na lang. Ginawa kong unan ang mga bisig ko at saglit siyang tinignan.
"Makakatulog ako agad kapag nilalaro ang buhok ko," bulong ko kaya napaiwas siya ng tingin.
"Just sleep." Inirapan ko siya at napapikit na lang. Sungit naman ng batong 'to.
Maya-maya ay naramdaman ko ang daliri niya na sinusuklay ang buhok ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com