Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Hinto

❁ ❁ ❁

Tigilan na natin 'yung kaka-tanong kung "Bakit?", kasi 'di naman tayo mauubusan ng idurugtong sa tanong na 'yan.
Kadalasan, hindi pa tayo makuntento sa sagot na nar'yan at marami pang "Bakit?" ang hindi na kailanman mabibigyan ng kasagutan.

Kaya tama na. Hinto na sa kaiisip kung ano ang ating mga pagkukulang. Kung ano ba ang mga bagay na kay hirap mapunan.

Tama na. Tama na 't maging malaya ka. Bumitaw sa mga napakong pangako 't panandaliang saya. Hinto na.

Malaya ka na mula sa pagkaka-kulong sa pag-ibig na inakala mong daan... Tagapag-ligtas. Ikaw. Ikaw ang iyong tagapag-ligtas.

Ang kailangan mo lang ay huminto at palayain ang iyong sarili.

Harapin ang bukas nang mag-isa. Walang masama sa mag-isa, hangga't malaya ka.
Huminto at maging malaya ka na.

❁ ❁ ❁

mahalagang paalala:
ang lahat ng inyong mababasa ay mga orihinal na komposisyon ko lamang at ang sinumang magtangkang kopyahin o ipakalat ang mga ito bilang pag-angkin na sila ang sumulat ay mananagot sa batas. maraming salamat po.


© kyeriella 2018
all rights reserved

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com