Ikaw Lang
01/03/2020
Lumalabong mga mata dahil sa mga luhang walang-tigil sa pagpatak
Ang tahimik na paghikbi ng pusong paulit-ulit na winawasak
"Hanggang kailan?" ang tanong
Hanggang kailan magtatanong?
'Di ko lubos maisip na muli akong magsusulat ng isang mapait na liham para sa'yo
Mapanakit ngunit nananabik ang nararamdaman kong pagkagusto
Sa'yo lang ako nakaramdam nang ganito
Ngunit bakit pakiramdam ko ay napakalaki ng nagawa kong kasalanan
Para pagkaitan
Ng mga napapanood at nababasa kong konsepto ng pagmamahal?
Ano ang dahilan?
Alam mo ba na pwede na kitang maturing na kahinaan?
Kahinaan ko ang kalungkutan sa'yong mga mata
Ang mga sugat na iniwan ng kahapon sa likod ng 'yong mga ngiti at pagtawa
'Di kita iiwan, pero kung pagsasabihan mo ako nang harapan
Na ikaw ay talikuran at kalimutan
Maglalakad ako palayo
Maglalakad ako palayo pero bago 'yon ay iiwan ko muna ang sarili ko sa'yo
Sa alaala mo
Dahil magmula no'ng pumasok ka sa buhay ko ay naging parte ka na nito
Patawad kung hindi ko magagawang tigilan kang mahalin
Hanggang sa dulo ay ikaw pa rin
Ikaw lang
Kahit hindi mo ako saluhin.
kyeriella
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com