Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Nagbabalik

07/08/18

Nandito na naman ang pamilyar na sakit, nagbabalik
Ang pamilyar na kirot sa puso ko
Nang ikaw pa rin ang piliin ko at siya pa rin ang pinili mo.
Hanggang kailan? Hanggang kailan ko itatanong ang dalawang salitang ito: "Hanggang kailan?"
Paulit-ulit, parang gulong ang mundo ko pagdating sa'yo
Sala sa init, sala sa lamig ang mayroon tayo.
Mayro'n pero wala naman talaga
Aasa pa ba? Oo, kasi tanga.
Bakit wala akong problema sa pagsasagot sa Matematika?
Bakit ang bilis kong matuto mula sa mga istoryang binabasa?
Pero sa'yo, nawawala ang alam ko
Isa lang ang nasa isip ko, "Ikaw".
At ikaw, isa lang ang nasa isip mo, "Siya".
Siya. Siya at ikaw pa rin.
Siya, sila, at ang ilan pang nag-daan sa'yo.
Ako, pa'no naman ako?
Nasa iisang bansa pero para tayong nasa magkaibang mundo.
Sana nga
Sana nga sa ibang dimensyon kung saan wala ng hahadlang
May isang ikaw na meron ako.
Walang siya, walang sila
Dahil ang mayro'n lang ay tayo.

Nagbalik ako, nagbalik ka
Nagbalik ang mga alaala
Masasakit, masasaya
Pero mas matimbang na mahal pa rin kita.
Panandalian akong tumigil
Panandalian akong umasa na hindi na magbabalik
Sumaglit, nagpahinga
Parang inihanda ko lang pala ang sarili.
Nagbabalik hindi para sumaya,
Kundi para masaktan muli.

kyeriella

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com