Chapter 23 - Opened
Iesen's POV:
"Dali na kasi Sen wag kana pumasok" Hila hila ni Sapphire ang damit ko
"Ano ba Sapphire ginugusot mo yung pinlantsa mong damit oh" Ang kulit kasi.
Ayaw niya kong pumasok. Gusto niya mamasyal lang kami buong araw. Ang kulit kulit niya ngayon.
"Wag ka na nga lang kasi pumasok! Dito ka nalang sige na please?" Pacute niya sa harap ko.
Gustuhin ko man pero bawal maa-AWOL ako nito sa trabaho.
"Sapphire. Isa. Sabing bawal"
Bigla siyang tumakbo palabas ng bahay. Oh saan pupunta yun?
Tumakbo rin ako palabas. Kaso hindi naman nakabukas yung gate. Ha?
Nagulat ako ng may sumaboy saking tubig.
Pagkalingon ko si Sapphire, may hawak na host ng tubig.
"Hahahahaha" tumawa siya tsaka binasa ulit ako "Basa ka na Dad! Di ka na makakapasok"
"Sapphire ang kulit! Bukas. Bukas maglileave ako. Wag na ngayon"
Ngumuso siya tsaka binalik sa lagayan yung host ng tubig.
Pumasok na siya sa loob kaya sinundan ko siya. Umupo lang siya sa sofa.
Dumiretso na kong taas para magpalit ng damit. Hindi naman ako pwedeng pumasok ng trabaho na mukang basang sisiw.
Pagkababa ko nandun pa rin siya nakaupo at nakasimangot. Oo na kahit nakasimangot maganda pa rin.
"Sapphire aalis na ko" Hindi man lang siya sumagot kaya tumabi ako sa kanya at yumakap "Promise bukas talaga aalis tayo" Hinalikan ko ang ulo niya
"Gusto ko ngayon"
"Mommy wag na makulit. Bukas babawi ako" narinig kong nagbuntong hininga siya
"Bukas ah! Sige na. Kiss mo nalang ako"
Mabilis ko siyang hinalikan sa labi
"Ang bilis naman! Hindi ko nga naramdaman eh!" Reklamo niya
Kaya hinalikan ko siya uli. Yung matagal.
"Isa pa" request niya ng bumitaw ako.
Natawa ako bago ko gawin yung gusto niya.
Tatlong oras pa lang ako dito sa trabaho ko pero gustong gusto ko ng umuwi.
Nagpasa na ko ng leave. Isang linggo na ang hiningi ko para sulit.
Namimiss ko na si Sapphire.
Ano na kayang ginagawa nyon ngayon?
Sa totoo lang kanina pa ko kinakabahan. Parang may kung anong mangyayaring di ko maintindihan.
Takte kanina pa ko di mapakali. Siguro naman hindi pa ako mamatay diba?
Hindi pa ko pwede mamatay! Hindi pa ko nagkakaanak! Ayokong mamatay ng Birhen! Okay ang bakla.
Ayoko pa mamatay, di ko pa napapakasalan si Sapphire.
Napangiti ako. Akalain mo, yung babae sa imagination na matagal ko ng hinahanap, hindi ko pala talaga mahahanap. Kasi ako dapat mismo yung gumawa sa kanya.
Sinong mag-aakala na ang babaeng mahal na mahal ko ngayon ay hindi normal ang pinanggalingan?
Sinong mag-aakala na si Sapphire sa libro galing?
Hindi lang basta simpleng magic yun, isa yung mahika.
Saan kaya nakuha ni Tita Sorce ang librong yun? Siya lang kaya may gawa non? Baka naman may kapangyarihan ang babaeng yun!
Okay. Mungagago na ko. Kahit saan man gawa ang librong yun. Gusto kong magpasalamat dahil ngayon, may Sapphire ako.
Speaking of Sapphire, hindi kaya siya yung dahilan ng pagkabalisa ko?
Wala naman sigurong mangyayaring masama sa kanya. Sana nga.
Shit iba talaga pakiramdam ko.
Sorcery's POV:
Hindi ko alam kung paano mako-contact si Iesen.
Kanina, halos tatlong oras kong binasa ang Magic Book rules.
Nakita ko na ang sagot sa tanong ni Iesen.
Nakita ko ang bagay tungkol sa pagkakasara ng libro sa maling panahon.
Alam ko na ang paraan para muling mabukas ang libro ni Sapphire.
Alam ko na paano siya mababalik sa mundo ng libro.
Sapphire's POV:
Tiningnan ko yung orasan. Okay ala-una palang. Hayst.
Ang boring.
Kanina dumaan dito si James, yung neighbor naming baklush.
Antagal din naming nag-usap. Ang sarap kasi kausap ng baklang yun. Hindi ko nga alam na mag-aalas dose na kanina kung hindi pa niya sinabi na kailangan na kumain ng aso niya. Hahahaha yung aso naalala niya, pero yung sarili niya hindi.
Tinry kausapin si Van kanina kaso lang busy. Sa isang jewelry shop pala nagtatrabaho yun. And actually pagmamay-ari niya yun.
Naiisipan ko ring lumabas ng bahay at pumunta sa bahay ni Mama, kaso lang alam kong magagalit si Sen kapag umalis ako.
Dapat pala nagpabili man lang ako ng aso o pusa na pwedeng alagaan dito. Pwede ring talking bird para may kausap ako.
Naisipan ko nalang matulog. Tumayo na ko sa sofa at umakyat papuntang kwarto namin ni Iesen.
Sumalampak na ko sa kama. Nakatitig lang ako sa puting kisame. Hanggang sa nangawit ako kaya umikot. Humarap ako sa kanan, sa kaliwa at dumapa rin pero di talaga ako makatulog. Ano ba naman to!
Bumalik ang tinggin ko sa kisame. Okay aantayin ko nalang mahulog ang butiki.
Ilang minuto ako sa ganung pwesto, pero pati ata butiki ayaw akong pansinin. Aba! Wala man lang lumitaw kahit isa!
Napabangon ako ng may maalala ako.
Yung libro na may pangalan ko!
Mabilis akong tumayo at lumapit sa aparador ni Iesen para kunin yun sa pinaka-ilalim.
Medyo mahirap kasi ang bigat pero carry naman.
Sa wakas nakuha ko na yung libro!
Bakit kaya may pangalan ko to?
Bubuklatin ko sana ng may nahulog. Ahh ballpen. Mukang antigo rin.
Okay ito na bubuksan ko na.
Naalala ko na kung ano tong librong to! Ito yung pinag-aawayan namin ni Iesen nung pagbalik ko! Yung sinasabi niyang pinanggalingan ko. Pfft okay. Sabi niya hindi daw to mabukas.
Nagulat ako ng subukan kong iangat ang cover page eh nabubukas naman pala.
Tinuloy ko ng buksan ang libro.
Isang matinding liwanag ang bumungad sakin.
Napapikit ako.
Naramdaman kong onting-onting may humihigop sa akin.
To be continued.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com