Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Capitulum 18

Capitulum 18

Our Little Angel

Wala akong ginawa kundi ang tumawa dahil kay Sean. Habang natagal ay nakikilala ko ang tunay na siya. Napakamasayahin at bibo niyang bata. Isama pa na napakadami niyang alam sa buhay. Imbis na magpahinga ako ay pinakinggan ko na lang ang mga kwento niya. Para kasing stress reliever si Sean. Nawala bigla ang pagod ko nang magkwento siya ng kung ano-ano.

"But seriously, ate, that ill-looking guy is your boyfriend?" Tumalon-talon siya sa couch.

Napangiti ako. "I don't know. He just proclaimed it."

Tumigil siya sa pagtalon. Ngumisi siya sa 'kin. "I knew it. You can't possibly fall for a guy like that."

Well, I'm not sure about that.

"But...it seems like you like him."

Ibinaling ko ang aking tingin sa kanya. "Paano mo naman nasabi?"

Sumimangot siya. "When he kissed you, your face turned red and your eyes sparkled."

Umiling ako, ipinapakitang hindi ako sang-ayon sa sinabi niya. "T-that's...not true,"

"Ganun kasi ang nakikita kong reaksyon kay Mama kapag hinahalikan siya ni Papa. She looked like she didn't like it but when you observe closely, you'll see how much she liked it."

"Ikaw talaga. Ang bata mo pa pero ang dami mo ng alam sa mga ganyan."

"Ipinapaliwanag kasi sa 'kin nina Mama at Papa nang maayos ang mga bagay na hindi ko maintindihan. Kunwari, aksidente akong nakapanood ng love scene sa TV, ipapaliwanag nila sa 'kin na hindi ko pa dapat pinapanood ang mga ganun. At ang mga ganung bagay ay para sa mga adults lang."

Sa sinasabi ni Sean, mukhang napakabuting magulang nina Mr. at Mrs. De Castro.

Bumukas ang pinto. Nagtaka ako na muling bumalik si Chase. Akala ko ba aalis na siya? Napansin ko ang plastic bag na hawak niya.

"Akala ko babalik ka na sa Regnum Animae?"

Inilapag niya ang plastic bag sa lamesa.

"Hindi ka pa kumakain, 'di ba?" Umupo siya sa 'king tabi. "Nakabalik na ako doon. Bumalik lang ako dito pagkatapos." Sinamaan niya ng tingin si Sean. Ganun din ang ginawa ni Sean sa kanya.

Binuksan ko ang plastic bag. Muntik na akong maglaway dahil sa laman nito. May tatlong cup ng ice cream at sa tabi ay tatlong patong-patong na box. May tatlong ding plastic cups na may takip na sa palagay ko ay inumin. Ano kayang laman nito?

Kinuha ko ang box. Ang laman nito ay kanin, fried chicken at spaghetti. Ganun din 'yung ibang box.

"Bakit tatlo?" Ngumisi ako.

Umiwas siya ng tingin. "Alangan namang kumakain tayo, hindi kumakain ang bansot na 'yan. Baka mairita lang ako."

"Alam ko namang 'di masarap 'yang dala mo." Humalukipkip si Sean. Inirapan pa niya si Chase.

"I really hate kids," bulong ni Chase na ako lang ang nakarinig.

Napailing na lang ako.

"Pero kahit naman bigyan mo si Sean, hindi rin niya makakain. He's a soul."

"No, he can eat it," Kinuha niya ang isang cup ng ice cream. "Galing 'yan sa Regnum Animae kaya kaya niyang kainin 'yan."

Inihagis niya ang cup kay Sean. Mabuti na lang nasalo niya ito. "Sa 'yo na 'yan."

Ngumuso si Sean. Matagal niyang tinitigan ang ice cream. Hindi na siya nagsalita at kinain na lang niya ito. Mayamaya ay may tumulong luha mula sa kanyang mga mata.

"Sean, bakit ka umiiyak?"

Pinunasan niya ang kanyang luha. "M-masarap kasi k-kaya napaiyak ako."

Nilapitan ko siya at niyakap. Doon na siya napahagulgol.

"S-sean," Hinagod ko ang kanyang likuran.

"N-naalala ko lang sina Mama at Papa. Madalas nila akong bilhan ng ice cream lalo na kaag malungkot ako. Namimiss ko na sila."

Parang kinikirot ang puso ko habang pinapakalma ko si Sean.

"Ganito na lang, pwede mo naman akong maging Mama kunwari habang hindi mo pa siya nakakasama."

"Talaga?"

Tumango ako. "Isipin mo na lang ako ang pangalawa mong Mama. Sa ganun, hindi mo siya gaanong mamimiss."

"Sino ang magiging Papa ko?"

"Uhhh," Napakamot ako sa aking ulo.

"'Wag ako." Poker face na sabi ni Chase.

Sinimangutan naman siya ni Sean. "Sinabi ko bang ikaw ang sasabihin ko? 'Wag kang assuming, Kuya."

Humagalpak ako ng tawa. Mas lalo pa akong natawa nang makita ko na nakasambakol na ang mukha ni Chase.

"Stop laughing at me, Ali."

"Why? It's funny."

Naramdaman kong niyakap ako ni Sean.

"May problema ba, Sean?"

"I changed my mind. Since I pity him, he can be my Papa."

Napangiti ako. "Narinig mo ba 'yon, Chase?"

"Tss. Do what you want, bansot."

Nag-irapan pa silang dalawa. Mukha mang hindi sila magkakasundo, natutuwa pa rin akong panoodin silang dalawa. Ang kulit, eh.

Naisipan na naming kumain. Tuwang-tuwa si Sean kasi nakatikim siya ng pagkain. Mabuti na lang may ganitong pagkain para sa mga kaluluwa. Masaya ako dahil nakikita kong nag-e-enjoy talaga si Sean.

"Paano mo hahanapin ang taong nakabangga sa kanya?"

Sinulyapan ko si Sean na abala sa panonood ng telebisyon. Lumipat kami ni Chase sa bean bag hindi kalayuan sa couch na inuupuan ni Sean para hindi niya marinig ang pinag-uusapan namin.

"Hindi ko pa alam, eh. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula."

"At kung sakaling mahanap mo nga ang nakabangga sa kanya, nakakasigurado ka bang nasa kanya nga ang bangkay ni bansot?"

"He has a name, Chase. Don't call him like that."

May kung ano siyang ibinulong.

"Fine, what will you do if he or she doesn't have Sean's body?"

Napabuntong-hininga ako. "Hindi ako titigil hanggat hindi ko nahahanap ang katawan niya. Gusto kong magkaroon siya ng magandang libing."

Pinagmasdan niya lang si Sean na tumatawa habang nanonood ng telebisyon. Tuwang-tuwa siya sa cartoon na pinapanood niya.

Tumayo si Chase.

"Aalis ka na?"

"Oo. Tumakas lang ako, eh." Ngumisi siya.

"Ang pasaway mo talaga. Bumalik ka na nga. Madami ka bang aayusin."

"Good luck sa misyon mo." Ginulo-gulo niya ang aking buhok. Ibinaling niya ang kanyang tingin kay Sean. "Hoy, bansot, aalis na ako."

Inirapan siya ni Sean. "Pake ko?"

Nag-irapan muna silang dalawa bago tuluyang umalis si Chase.

"Sean, magpapahinga muna ako, ah? Bukas na natin hanapin ang taong nakabangga sa 'yo."

"Sige po, ate."

Iniwan ko na muna si Sean sa salas. Nagtungo ako sa aking kwarto upang magpahinga. Ngunit bago ako tuluyang makatulog, inisip ko muna kung ano ang aking gagawin para mahanap ang nakabangga kay Sean. Walang witness. Mahirap hanapin ang sasakyan na nakabangga sa kanya kung 'di namin alam ang plate number.

Tinapik ko ang aking pisngi. Kailangan ko munang matulog. Siguradong bukas ay magiging isang nakakapagod na namang araw.

***

"Ate, kanina pa tayo palakad-lakad dito pero wala pa rin tayong nahahanap na clue." Ngumuso si Sean.

Nakaupo kami sa gilid ng kalsada sa mismong harap ng pinangyarihan ng pagkabangga ni Sean. Nagbabakasakali ako na bumalik 'yong nakabangga sa kanya pero mukhang imposible 'yon.

"Ano ba'ng klaseng kotse ang nakabangga sa 'yo bukod sa puti 'yon?"

Mas lalong humaba ang nguso niya habang nag-iisip. "Hmmm, ang alam ko ang tatak nito ay parang kabayo na nakatayo?"

"Ferrari, then?" I mumbled.

Biglang nay ideya na pumasok sa aking isipan.

"Right! Pwede tayong magtanong kung sino sa lugar na 'to ang nagmamay-ari ng isang puting Ferrari. Mas mapapadali tayo sa paghahanap dahil hindi karamihan ang may kotseng ganon," Napangiti ako. For a moment, I feel hopeless. Pero naisip kong dadating din ang pagkakataon na masosolusyonan lahat ng bagay basta 'wag mawalan ng pag-asa.

"Kanino tayo magtatanong?"

Kinuha ko ang aking cell phone. Hindi ako nagdalawang-isip na tawagan si Feline. Dahil madaming connections ang Dad niya, maaari niya akong matulungan dito.

"Hello?"

"Feline!"

"Oh? Alaizabel? Napatawag ka?"

"Uh, listen, kailangan ko ng tulong mo," She answered with a chuckle. "Pwede mo bang i-request kay Tito na maghanap ng mga taong may Ferrari na kotse sa lugar na 'to?"

"Hm, I guess this is about your mission, huh?" Hindi muna ako sumagot. "Well then, ako na ang bahala. Tatawagan kaagad kita kapag nakahanap na si Dad. Or better, magpunta ka dito sa bahay dahil siguradong dito ipapadala ni Dad ang documents kung sakaling meron man."

I sighed in relief. "Thank you, Feline. I really love you."

She laughed. "Sabi ko na nga ba natotomboy ka na sa kagandahan ko, eh."

Natawa na din ako. "Gaga."

"I love you too, Alaizabel. Ypu know that kahit 'di ko sabihin. I'll hung up now. Tatawagan ko lang si Dad."

After saying goodbye, she hung up.

"What now?" He looked at me with his adorable wide orbs.

I ruffled his hair. "Just sit back and relax. I'll definitely give you justice."

Nagtungo kami patungo sa bahay ni Feline matapos ko siyang tawagan. Hindi na ako nag-aksaya ng oras pa. Sakto namang pagdating namin doon ay hawak na ni Feline ang mga impormasyon.

"Wow! Nasa 'yo na kaagad?"

She flipped her hair. "Of course! Nipressure ko si Dad na dapat makuha na niya kaagad ang information within an hour at dahil ako ang prinsesa niya, sinunod niya ang gusto ko." Ngumisi siya.

"I finally realized that being a brat can be handy sometimes."

Nginusuan niya ako. "But here, take this."

Kinuha ko mula sa kanyang kamay ang isang folder. Umupo ako sa couch katabi niya.

"By the way, this is Sean. Siya ang tinutulungan ko ngayon."

"Oh! Hi!" masiglang bati ni Feline. I almost forgot she has a third-eye now.

"H-hi." Naiilang namang ngumiti sa kanya si Sean.

"So, what happened to him?"

Knowing that she won't stop asking me if I don't tell her the whole story, I was left with no choice. Sinabi ko sa kanya ang lahat. Well, she's my bestfriend kaya sanay na din naman akong sabihin sa kanya ang mga nangyayari. Siya lang din naman ang pinakanakakaintindi ng sitwasyon ko.

"Okay, let's get down to business."

Binuklat ko ang folder. Una kong tiningnan ay amg bilang ng tao na may puting Ferrari sa lugar na 'to. I was surprised that I saw three. Ang iba ay puro iba na ang kulay.

"Ano bang model ng Ferrari ang hinahanap mo?"

"I don't actually know," Tumingin ako kay Sean. "How about you, Sean? Ano pang ibang detalye ang natatandaan mo tungkol sa kotse?" The plate number was out of the list though.

"Ang alam ko may sticker sa hood ng kotse. Isang itim na gagampa tapos sa tiyan nito ay may nakalagy na krus."

Inisa-isa ko ang mga papel. Medyo madami ding files ang nakalagay dito dahil maging ibang kulay ng Ferrari ay kasama.

Nang makarating ako sa kalagitnaan ay npatigil ako.

"This is it!"

Sabay silang dumungaw sa papel. Malinaw na malinaw ang litrato. Ito nga 'yong kotse na hinahanap namin!

"Sean! Mahahanap na natin--"

Natigilan ako nang makita ko ang kakaibang aura na pumapalibot kay Sean. Para siyang galit. Ang kadena sa kanyang paa ay unti-unting umiikli. Hinawakan ko ang kanyang kamay. Lines of light suddenly came out from my palm and collide with his like an electricty passing through a conductor.

Finally, he seemed to calm down.

"You okay?" I asked him gently.

Dahan-dahan siyang tumango. "Sorry, I...I was angry at him for a bit. If he have face his sin, I won't be like this. I would have been peaceful by now."

Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa kanyang kamay. "It's natural to be angry at him. Pero isipin mo na wala ding mangyayari kung magagalit ka. Lahat tayo ay dapat nagpapatawad. Kapag nahanap na natin ang katawan mo, sigurado akong maiibigay sa kanya ang tamang parusa para sa kanya pero sana kapag nangyari 'yon, kahit nakakulong na siya, magagawa mo pa rin siyang patawarin."

Matagal siyang hindi nagsalita. "Okay. Basta mahanap lang nina Mama at Papa ang katawan ko. Okay na ako. Gusto ko lang makita sila bago ako umalis. Wala na akong hihilingin pa pagkatapos nun."

Nakakabilib na ang isang batang katulad ni Sean ay makakapag-isip ng ganitpng bagay. He's mature for his age. I bet if he's still alive, he'll do good in school.

Kinuha ko ang papel na naglalaman ng impormasyon.

Owner: Ian Reyes
Address: Water Tower, St. Michael Street

Water Tower, huh? Isa 'yong malaking condo unit na para lang sa mayayaman. Hindi affordable para sa mga average na tao lalo na ang mahirap ang tumira sa ganoong klaseng lugar.

"Should I come with you?" tanong ni Feline.

"Huwag na. Tatawagan na lang kita kapag naayos na ang lahat."

"Pero paano kung delikadong tao ang Ian Reyes na 'yon? Kung nasa kanya nga ang katawan ni Sean, posibleng may gawin siyang masama sa 'yo kapag nalaman niya ang ipinunta mo doon."

"Feline, I can do this. Trust me." Mariin akong tumingin sa kanyang mga mata.

Sa huli, napabuntong-hininga na lang siya. "Hindi talaga ako manalo sa 'yo." Matamlay siyang ngumiti sa 'kin.

"Don't worry about me, Feline. If shit's gonna go down, I'm the cause of it."

Tumawa siya. "Kailan ka pa naging troublemaker, aber?"

Kinindatan ko lang siya. And off we go. I have no time to waste. If that Ian Reyes has Sean's body, I'll gonna slash his balls in half.

Nang makarating kami sa Water Tower ay halos malula ako sa sobrang taas nito. Ang exterior ng building ay gawa sa kulay asul na glass. Halos lahat ng makita ko ay sumisimbolo da tubig.

Pagpasok namin sa loob ay bumungad sa 'min ang napakalaking aquarium sa dingding.

"Wow," bulong ko.

Bago pa ako tuluyang mamangha sa nasa paligid ko. Nagtungo na ako sa elevator. Hindi ko na kailangang magtanong sa receptionist dahil nakalagay naman sa info ang room number ni Ian Reyes.

"Room number 2506." Pinindot ko ang button '25'. Mabuti kaming dalawa lang ni Sean ang sakay ng elevator kaya nakarating kami kaagad.

Lahat talaga ng gamit sa lugar na ito ay nagsusumigaw ng yaman. Bawat makasalubong ko ding mga nakatira dito ay mukha talagang may kaya sa buhay.

Nakarating na kami sa tapat ng room ni Ian Reyes. Teka, ano nga palang sasabihin ko kung sakaling pagbuksan niya ako ng pinto? Tinuktok ko ang aking ulo. Sumugod ako dito na hindi man lang nag-iisip ng pwedeng gawin.

Dumako ang tingin ko sa babaeng nagtutulak ng cart na mukhang mga panglinis ang laman. Bigka akong nakaisip ng magandang ideya. Sinundan ko siya hanggang sa dulo ng palapag na ito. Nang nasa storage room na siya at binigyan ko siya ng malakas na chop sa batok. Sinambot ko siya bao pa tumama sa sahig ang katawan niya. Kumuha ako ng pamalit na damit at itinulak ko palabas ang cart nang maisuot ko ng mabilisan ang uniform na nakuha ko.

Nagpakawala muna ako ng malalim na hinga bago ko pinindot ang doorbell.

"Goodluck, Mama." Niyakap ako ni Sean.

Napangiti ako at niyakapnko siya pabalik. Naghiwalay lang kaming dalawa nang bumukas ang pinto.

"U-uhh, Sir. Ian Reyes? Room service po." Tiningnan ko kunwari ang papel na hawak ko na nakuha sa babaeng empleyado kanina.

Tumango siya. Hindi ko inaasahan na ganito ang hitsura niya. Nakasuot siya ng salamin. Maayos ang kanyang buhok. Ang kanyang damit ay mukhang mamahalin. Mukhang kagagaling lang niya sa trabaho o papunta pa lang siya?

Binuksan niya ng maluwag ang pintuan. Itinulak ko papasok sa loob ang cart. Kaagad kong inilibot ang aking tingin sa paligid.

Wala namang kakaiba dito sa unit niya. Maayos anh lahat mg gamit. Ang tamging kalat lang ay ilang bote ng alak at balat ng pagkain.

"Miss, I'll be going now. Can you lock the door for me?"

"Okay, Sir."

Ayos. Makakapaghanap ako ng walang sagabal.

Hinintay ko muna siyang makaalis. Binitawan ko ang walis at nagtungo sa kanyang kwarto. Maingat kong hinalughog ang bawat sulok. Maging ang walk-in closet at banyo. Ngunit wala akong nakitang katawan o kung ano sa kwarto niya.

Tumigil ako sa salas.

Kung dito niya itinatago ang ang katawan ni Sean, imposibleng hindi iyon mangamoy. Pero nandito ba talaga ang katawan ni Sean? Paano kung itinapon na niya ito sa kung saan?

Lahat ng posibleng pagtaguan ng bangkay ay tiningnan ko na pero wala.

Humalumbaba ako sa counter.

"Your body is not here."

Umupo sa 'king tabi si Sean. "Yeah."

"Ah, nauuhaw ako. Iinom muna ako ng tubig. Napagod ako sa paghahanap." Ngumiti ako sa kanya. Pilit kobg itinatago ang aking pagkadismaya.

Nagtungo ako sa refrigerator. Napakalaki naman nito. Siguro madami 'tong laman na pagkain.

Binuksan ko ang refrigerator at--

"AAAAAAAAHHH!!!"

Napaupo ako sa sahig. Itinakip ko ang aking kamay sa aking bibig. Nasa loob nito ang katawan ni Sean. Nakaupo ang posisyon ng bangkay at binabalutan ng yelo ang buo niyang katawan. Nagmistulang freezer ang buong refrigerator dahil sa lakas nito.

"O-oh God," bulong ko.

"I knew it,"

Nanlamig ang buo kong katawan nang makaramdam ako ng malamig na bagay sa aking likuran. Ramdam ko din ang mainit niyang hininga sa 'king leeg.

"Sneaky bitch," bulong niya. "I knew from the start that you're not an employee here. Hindi ako nagpaparoom service. Alam ng lahat 'yon dito. At hindi pwedeng dahilan na bago ka pa lang dahil bago simulan ng newbie ang trabaho niya dito, binibriefing muna siya at kasama doon ang tungkol sa hindi ako nagpaparoom service."

"S-sir, hindi ko po talaga alam." I swallowed. Beads of sweat run down my face. My heart was pounding hard in my rib cage.

"Stop lying!" sigaw niya at mas lalo niyang idinikit ang bagay sa aking likuran na sa aking palagay ay baril. "Ano'ng kailangan mo?! Hinahanap mo ba ang bangkay na 'yan?!"

Wala na akong dahilan pa para magmaangmaangan.

Dahan-dahan ako humarap sa kanya pero nanatiling nakatutok sa 'kin ang baril.

"Oo, hinahanap ko nga," Tinitigan ko siya. "Bakit mo itinago ang bangkay ni Sean dito?! Bakit hindi ka umamin sa kasalanan mo?!"

Tumawa siya. Biglang nawalan ng pokus ang kanyang mga mata. Para siyang nababaliw. Isinuklay niya ang isa niyang kamay sa kanyang buhok.

"Ano ako, tanga?! Why would I do that?! Ayokong makulong! Masisira ang reputasyon ko! Lalo na nang malaman kong isang de Castro ang batang 'yan. I know that his parents will definitely sue me," Muli siyang tumawa. "But I guess, maganda na ding namatay siya. Unti-unti na kasing nasisira ang business ng katunggali ko. Serves them right! And now, you'll die. I bet he's lonely there. Would you like to join him?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com