Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Capitulum 2

Capitulum 2

You Can't Change Everything

"You're one of us. You're a Spiritus Raptor" 

Binawi ko ang aking kamay mula sa mahigpit niyang pagkakahawak at napansin kong nawala na ang marka sa likod ng aking palad pero mahapdi ang bahaging iyon na para bang may tumusok doon. Tumingin ako sa itim niyang mga mata at walang emosyong makikita doon. Ano bang mga sinasabi niya? Baliw na ba siya? Ano ba talaga siya? Ang daming tanong na pumapasok sa aking isip pero kahit isang sagot ay wala akong makuha.

"Hindi ako isa sa inyo! Tsaka ano ka ba? Bakit mo ba ako sinusundan? Ano ba talagang kailangan mo sa akin?"

Lumapit siya sa akin pero umatras ako. Nanginginig ang aking kamay at itinago ko ito sa aking likuran. Puno ng takot ang puso ko ngayon pero hindi ko alam kung bakit hindi ako makatakbo palayo sa kanya. Para bang napakarami niyang gustong sabihin sa akin pero hindi niya magawang sabihin.

"Nasabi ko na sayo hindi ba. Isa ka sa amin at wala kang magagawa para mabago iyon. Tanggapin mo na ang katotohanan" nakangising sabi niya na siya namang nagbigay ng kilabot sa akin. Itinuro niya ang kanyang kamay sa itaas, sa may lumang building na nasa likudan ko at sinundan ko ng tingin iyon. Sa may bintana ay may nakita akong isang babae na may mahaba at itim na buhok. May bakal na nakapulupot sa kanyang leeg na nakakonekta sa kadena. May dugong tumutulo sa kanyang mga mata at  nakatingin siya sa amin. 

Ipinikit ko ng mariin ang aking mga mata at umiwas ng tingin. Kaya ayaw kong pumupunta sa bahagi ng eskwelahan na ito. Napakadaming bagay na ayaw kong makita pero nakakalat sila. Ang ingay, may umiiyak, may tumatawa, may naghihinagpis, hindi ko kayang makinig sa mga ingay na iyon pero hindi nila ako tantanan.

"Nakikita mo ang mga bagay na hindi nakikita ng mga tao. Nakakakita ka ng mga kaluluwang hindi matahimik at mga kaluluwang nagiging halimaw kapag masyado na silang nagtatagal sa mundong ito. Isa ka sa amin, Alaizabel Gray. And you can't change your fate" inilahad niya ang kanyang kamay at lumabas ang kanyang espada. Nakapatong ito sa kanyang palad ngayon at kumikinang ito dahil sa sinag ng araw. Unti-unting nagbago ang kulay ng espada niya at naging kulay pula ito. "You are made just like us. We are made to seize the spirits and demons in this dimension and take them to the other side"

"Hindi talaga kita maintindihan. Paanong naging isa ako sa inyo? Tao ako. Hindi ako katulad mo!" Patuloy pa rin sa panginginig ang aking mga kamay at pinagpapawisan na din ako dahil sa sobrang kaba. Isa ako sa kanila? Gusto kong matawa dahil sa mga sinasabi niya, gusto kong tawanan ang mga kahibangan niya, pero bakit parang sinasabi ng sarili ko na totoo ang lahat ng mga sinasabi niya?

Ngumisi siya at umiling. Muli siyang tumuro sa may building kaya napatiningin ako. Humarap ako sa lumang building at napaatras ako dahil sa daming espirito na nasa loob nito. May kung anong nakapalibot sa buong building at may mga espirito na hinahampas ang mga nakaharang na para bang gusto nilang lumabas pero hindi ito nasisira kahit ilang beses nilang ihampas ang mga kamay nila.

"Ilabas niyo ako dito! Parang awa niyo na!"

"Kailangan kong makita ang pamilya ko! Gusto ko silang makita!"

"Maghihiganti ako! Babalikan ko ang taong gumawa sa akin nito!"

Bumibilis ang aking paghinga at hindi ko mapakalma ang aking sarili. Nahihilo na ako dahil sa mga nalalaman ko at mga nakikita ko. Naisip ko, kakaiba ba talaga ako? Isa ba talaga ako sa katulad niya? Saan ako nanggaling? Bakit ako ganito?

"You can see them don't you? There's a barrier in the building and it prevents them to do the things they want to do"

"Pero...hindi ba mga kaluluwa sila? Hindi sila nakakahawak ng bagay o tao dahil nga kaluluwa na sila" sabi ko sa kanya habang nakatingin sa mga kaluluwa sa may building.

"Souls can't do anything but when they turned into demon, they can be destructive. Lahat ng kaluluwang naiwan sa mundong ito ay mga kaluluwang may hinanakit, may pagdudusa, may pinagsisihan at may gustong balikan at paghigantihan katulad ng mga kaluluwang nakikita mo sa loob ng building na 'yan. Once they got out, magiging demon sila and worst, they can be any kinds of demon. Kapag sobra ang galit at hinanakit ng isang kaluluwa, mas magiging malakas na demon siya"

"Bakit sila nandyan? Kayo ba ang nagkulong sa kanila dyan?"

"Yes, for the meantime, dyan muna sila. May nakatakdang panahon para pasukin sila dyan at dalhin sila sa Regnum Animae"

"R-Regnum Animae?" pakiramdam ko ay sasabog na ang aking utak dahil sa mga impormasyong nakukuha ko mula sa kanya. Pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit parang unti-unti ng tinatanggap ng utak ko at ng puso ko na totoo nga ang lahat ng nangyayaring ito.

"It is the Kingdom of Soul. It is the place I live in and the place where you belong" 

Humarap ako sa kanya at napansin kong wala na ang espada sa kanyang mga kamay . Ibinuka niya ang kanyang bibig na para bang may sasabihin siya pero may kung anong tumunog mula sa kanyang bulsa.

May inilabas siyang isang bilog na bagay na singlaki ng bola ng table tennis. Kulay itim ito at sobrang kinis. Nang makuha niya ito ay ibinuka niya ang kanyang palad kung saan nakapatong ang itim at kulay bilog na bagay.

Nabiak sa gitna ang bilog na bagay at may lumabas na ilaw mula dito. Nagkaroon ng isang parisukat na parang screen at may lumabas na video dito. Napanganga na lang ako dahil sa pagkamangha.

"Bumalik ka na dito. Hinahanap ka na ni Lexus. May ipagagawa daw siya sayo" nakangising sabi ng lalake.

Napabuntong hininga naman siya at dahan-dahang tumango. "Alright. I'll be there" nawala na ang lalake at sumarado ang bilog na bagay na hawak niya. "I need to go" lumakad siya ng ilang hakbang palayo sa akin pero maya-maya ay tumigil siya. Muli siyang humarap sa akin at ngumisi. "Now that I think about it, I haven't introduce myself yet" ipinamulsa niya ang kanyang kamay at muling ngumisi. "I'm Chase Faust. Don't forget my name" at sa isang iglap ay nawala siya. Kagaya nung una kaming nagkita, nag-iwan siya ng red dust sa hangin.

***

"Ano bang nangyayari sayong babae ka? Nashushunga ka na ba?" binatukan niya ako at sinamaan ko naman siya ng tingin. Napabuntong hininga na lang ako at kinuha sa kanya ang aking bag. Pauwi na kami ngayon dahil inutusan pala siya ni Mr. Mercado na puntahan ako sa clinic at pinayagan na din kami ng ibang professors namin na umuwi na tutal masama naman daw ang pakiramdam ko kahit hindi naman talaga.

"Kapag naman sinabi ko sayo hindi ka maniniwala eh! Hindi ako nababaliw, okay? Madami lang talagang weird na bagay ang nangyayari sa akin na kahit kailan ay hindi mo paniniwalaan. Kailan pa ba ako nagloko sayo ha?" 

Matagal niya akong tinitigan at napabuntong hininga na lang din. "Okay. Maniniwala na ako sa mga sasabihin mo kapag nakita ko iyon gamit ang sarili kong mga mata. Paano kita mapapaniwalaan kung wala naman akong nakikita? Ang sabi mo may lalake kanina sa may balcony. Ang sabi mo din kaya ka lumabas ay para puntahan ang lalakeng iyon. At ang pinaka hindi kapani-paniwala sa lahat ay nakakita ka ng multo? Bakit ngayon ko lang nalaman ito?"

Hindi agad akong nakapagsalita. Hindi ko talaga sinasabi sa kanya ang mga nakikita ko. Hindi naman ako madalas nakakakita eh, parang biglang lumakas ang pakiramdam ko simula nung hawakan ni Chase ang kamay ko kanina. 

"Ayaw ko kasing takutin ka. Kahit nga ako ay natatakot. Alam ko namang pareho tayong duwag pagdating sa mga ganung bagay" 

Pareho kaming matatakutin ni Feline. Hindi nga kami nanonood ng mga horror movies kapag kaming dalawa lang eh. Hindi talaga namin kaya. Kaya pinili kong hindi na lang sabihin sa kanya dahil alam kong matatakot talaga siya.

"Nakakakita ka talaga ng multo?!" namutla siya bigla kaya agad kong hinawakan ang kamay niya. "Sabihin mo nga, wala naman tayong kasamang iba dito na hindi ko nakikita hindi ba?"

Napangisi na lang ako sa aking sarili. Seryoso akong tumingin sa kanya. "Oo Feline. Sa katunayan nga, katabi mo siya ngayon"

Mas lalo siyang namutla at umirit ng sobrang lakas. Lahat tuloy ng taong nakatigil malapit sa amin at mga taong naglalakad ay napatingin sa aming dalawa. Napatawa na lang ako sa naging reaksyon niya. Ganti ko 'to dahil tinawanan niya ako nung nagkwento ako sa kanya.

Hinampas niya ako ng sobrang lakas sa braso na feeling ko matatagtag na ito. "Ano ba! Hindi nakakatuwa 'yun ah! Pero seryoso? Meron talaga?" maluha-luha na siya kaya mas lalo akong natawa. Hindi ako mahahabag sa itsura niya ngayon kasi nakakatawa naman talaga.

Muli niya akong hinampas kaya tumigil na ako sa pagtawa. Binelatan ko siya bago ako nagsalita. "Gumanti lang ako sayo. Tinawanan mo din kasi ako noon eh" inirapan ko siya at nagsimula na kaming maglakad. "Wala naman talaga akong nakita sa tabi mo pero totoo ang sinasabi kong nakakita ako ng multo"

"Ibig sabihin, multo din 'yung lalakeng sinasabi mo?"

"Hindi siya multo. May sinabi siya sa akin eh. Ano nga ba iyon? Spiritus Raptor? At ang sabi pa niya, kaya daw nakikita ko siya at mga nilalang na hindi nakikita ng tao ay dahil isa daw ako sa kanya"

Nanlaki ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. "Anong ibig niyang sabihin? Alam mo ako yata ang mababaliw eh! Ayoko ng pag-usapan pa 'yan. Ang gusto ko lang ngayon ay ang makauwi at makapagpahinga"

Nagkibit-balikat na lang ako at naglakad na kami hanggang sa makarating na kami sa kanyang bahay. Mamaya na lang ako uuwi para i-check si Papa. Minsan kasi hindi na kumakain 'yun eh. Mabuti na lang may natira pa akong pera mula sa insurance ni Mama. Nung muntik na itong maubos ay kumuha na agad ako ng malaking halaga para makatulong sa aking sarili. Kumukuha din ako ng mga typing jobs o kaya naman nagpapart-time sa mga computer shops para makakuha ng pera.

Pagkapasok namin sa loob ay dumiretso siya sa kwarto at ako naman ay dumiretso sa may kusina para maghanda ng pwedeng kainin. Nagbuklat ako sa mga cabinet at kumuha ng dalawang ramen. Nagsimula na akong ihanda ito para sa aming dalawa. 

"Sigurado ka bang dito siya dumiretso?" napatigil ako sa pagkuha ng kaldero ng makarinig ako ng boses.

"Yes, sigurado ako" napakunot ang aking noo ng marinig ko ang mga nagsasalita sa may labas ng pinto. May pinto kasi dito sa may kusina papalabas ng bahay. Kumbaga, ito ang back door. Dahan-dahan akong lumapit sa may pinto at inilapat ang aking tenga sa may pinto. "Do you know how tired I am right now? I fought five demons already! Ang sabi mo kailangan mo ako tapos nalaman kong sumunod ka pala sa akin dito" narinig ko ang pagkairita sa kanyang boses at ang nakakapagtaka, pamilyar ang malaki at malalim na boses na iyon.

"I just want to see her! I wanna know if she's really one of us. I need to see it in my own two eyes" narinig ko naman ang hindi pamilyar na boses. Hindi muna ako nagtanong kung sino sila at nanatili lamang akong nakikinig. "Nakakapagtaka naman na nandito siya sa lugar ng mga tao. Kung isa siya atin, ibig sabihin lang nun ay ang mga magulang niya ay dating nasa Regnum Animae. Ang isa pang nakakapagtaka, bakit walang record tungkol sa kanya? Kahit na mapadpad pa siya dito, malalaman ng society na dapat nasa Regnum Animae siya"

"That's what i'm thinking about. She doesn't know anything. She used to live like an adamite even she's not"

Nanatili pa ring nakadikit ang aking tenga sa may pintuan para marinig sila pero nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto. Napasigaw na lang ako ng maramdaman kong mahuhulog ako pero bago pa ako mag-hello sa lupa ay may sumalo na sa akin. Ipinulupot niya ang kanyang kamay sa aking bewang at dahan-dahan niya akong itinayo. Napatingin ako sa kanya at napansing siya na naman pala.

"I-Ikaw na naman?" kunot-noong tanong ko sa kanya. Tumingin naman ako sa lalakeng katabi niya. Blonde ang buhok nito at sobrang puti niya. Hindi siya gaanong katangkadan pero napakagwapo din niya.

"Siya ba 'yung sinasabi mo?" tanong nung kasama ni Chase. Tumango lang siya bilang sagot dito. "Ah. So ikaw pala si Alaizabel. I'm Lexus Maxwell" inilahad niya ang kanyang kamay at nag-aalangan naman kong tinanggap ito. Tumingin ako sa may isa pang pintuan. Baka dumating na si Feline. Pero naisip ko, mas maganda kung dumating na nga siya para maniwala na talaga siya sa akin!

"B-Bakit kayo nandito?"

"Gusto lang daw niyang kumpirmahin kung totoong kapareho ka nga namin" walang ganang sabi ni Chase. Tinabig niya ako papunta sa tabi at walang imik na pumasok sa loob. Pipigilan ko pa sana siya pero hindi ko na ginawa. Ipinagdadasal ko ngayong sana bumaba na dito sa Feline. Sumunod na pumasok si Lexus at umupo sila sa may stool. Sumunod naman ako sa kanilang dalawa at naupo na din.

"Nalaman ko dito kay Chase na katulad ka namin kaya nagpunta ako dito para makita ko" nakangiting sabi niya. Mukha siyang anghel at sa itsura pa lang ay mukha na siyang mabait. Hinawakan niya ang braso ko at katulad ng nangyari kanina ay nagkaroon na naman ito ng tatak, bungo na may nakatusok na krus at espada. Nakita ko ang pagkatuwa sa kanyang mga mata. "Wow. Totoo nga"

"Should we report this to Pontifex Mortis?" tanong ni Chase.

"Wag muna ngayon. Tsaka na lang kapag natanggap na niya kung sino siya at kapag nalaman niya na ang tunay niyang kapangyarihan. Base sa nararamdaman ko, iba ang kapangyarihang meron siya kumpara sa atin"

Humarap sa akin si Chase. "Bukod sa mga demon at sa pagkakakilala mo sa amin, wala na bang ibang kakaibang nangyayari sayo?" tanong niya.

"W-Wala naman" 

"Well then, it means, hindi pa lumalabas ang kapangyarihan mo. Antayin na lang nating mangyari 'yun dahil kusa naman iyong nalabas"

Kapangyarihan? Meron akong kapangyarihan? Gusto kong mamangha dahil sa aking naririnig pero kakabit nito ay kaba. Anong mangyayari kapag may kapangyarihan nga ako? Saan ko naman iyon gagamitin?

"Alaizabel anong---" napatingin kaming lahat sa may pinto at nakita namin si Feline na nakatayo doon. Tumayo ako at lumapit sa kanya. Pabalik-balik ang tingin niya sa akin, kay Chase, at kay Lexus. Teka---

"Nakikita mo na sila?"

Dahan-dahan siyang tumango. "O-Oo. S-Sino ba sila?"

Itinuro ko si Chase. "Siya 'yung lalakeng sinasabi ko sayo at siya..." itinuro ko naman si Lexus. "...ay ang bago niyang kasama"

Hindi nakapagsalita si Feline at para bang napako siya sa kanyang kinatatayuan. Lumapit ako sa kanya at hinawakan siya sa kanyang balikat.

"Okay ka lang?" tanong ko sa kanya.

Lumapit siya sa akin at bumulong. "Tangina. Hindi ako okay! Anong nilalang sila? Saan sila galing? Bakit ang gagwapo nila?! Alien ba sila?!" 

Napanganga na lang ako dahil sa mga sinabi niya. Mukhang tuwang-tuwa pa siya dahil ang gagwapo nina Chase at Lexus! "Hindi ko alam kung saan sila galing, okay?" napairap na lang ako sa kawalan.

"Ang gwapo nila Alaizabel! Pwede nating jowain ang mga 'yan!" binatukan ko naman siya at ngumuso lamang siya sa akin. Humarap ako sa kanilang dalawa na nanonood lang sa amin.

"Paanong nakikita na niya kayo?" tanong ko sa kanila.

"Nasa sa amin naman kung gusto naming magpakita o hinde. Pwede naming alisin ang invisible barrier sa aming katawan para makita kami ng mga tao" pagpapaliwanag ni Chase. 

"Kung ganun, bakit hindi nakikita ng mga tao ang mga kaluluwa at demon?" lumapit na kaming dalawa ni Feline sa may table at umupo na din sa may stool. Napakadami kong katanungan sa kanila.

"Pinipili lang ng mga tao ang gusto nilang makita. Sino bang may gusto na makakita ng kaluluwa at demon? Wala naman hindi ba? Ang mga tao, kung ano lang ang nakikita nila, 'yun lang ang paniniwalaan nila. Hindi nila alam, sa mga nakikita nila, may isang malaking bagay na nakatago sa likod nito"

Tumango-tango na lamang ako dahil sa sinabi niya. May itatanong pa sana ako pero tumayo na silang dalawa.

"Kailangan na naming umalis dahil madami pa kaming gagawin" paalam ni Lexus. "Kung may mga katanungan ka pa, tsaka mo na lang itanong, we will definitely come back" nakangiting sabi niya.

"If you want to know who you really are, accept what you are. Accept that you're a Spiritus Raptor like us" malamig na sabi ni Chase. Malalim at malaki na nga ang boses niya, ang lamig lamig pa.

Hindi ko na nagawa pang makapagsalita dahil naglaho na lang sila bigla. Nag-iwan na naman ng red dust si Chase sa hangin pero ang kay Lexus ay kulay. Kumikinang ito hanggang sa nawala na. Napatingin naman ako kay Feline na nakatitig kung saan nakatayo sina Lexus at Chase kanina.

"Ano? Naniniwala ka na sa akin?"

Dahan-dahan siyang humarap sa akin na may nanlalaking mga mata. "SH_T!" sigaw niya at napaupo siya sa sahig habang hawak ang kanyang ulo. Tumingala siya sa akin at kita ko pa din ang pagkagulat sa kanyang mukha. "Sampalin mo nga ako Alaizabel. Baka kasi nanaginip lang ako eh" 

Umupo ako sa tapat niya at sinampal siya ng sobrang lakas. Napahawak siya sa kanyang pisngi at masamang tumingin sa akin. "What? Sabi mo sampalin kita? Masunurin lang ako" inosenteng sabi ko sa kanya kahit gusto ko ng matawa.

"Sobrang lakas naman nun no!" bulyaw niya sa akin.

Napatawa na lang ako ng tuluyan. "Wala ka namang sinabi kung malakas o hindi eh"

Hindi na siya nakipagtalo pa at tumayo na kaming dalawa. Ipinagpatuloy ko na ang paghahanda ng ramen at nung natapos ako ay agad kong inilapag ito sa may lamesa. Umupo na kaming dalawa na magkatapatan.

"Umalis sila ng hindi ko man lang nalalaman ang pangalan nila at ni hindi man lang ako nakapagpakilala!" sabi niya habang punong-puno ng noodles ang bibig niya.

Kinuha ko 'yung tissue, binilog ito at ibinato ko sa kanya. "Ang baboy mo! Lunukin mo nga muna 'yang nasa bibig mo!" bulyaw ko sa kanya. "Si Chase 'yung matangkad at 'yung isa naman ay si Lexus. Si Chase 'yung lalakeng ikinekwento ko sayong nagligtas sa akin nung gabi"

Tumango-tango naman siya. "Infairness, ang gwapo nga niya ah! Pati 'yung kasama niya" sabi niya.

Napabuntong hininga na lang ako. "Wag na nga muna natin silang pag-usapan. Pakiramdam ko tumatanda ako ng ilang taon kapag naiisip sila eh" nagkibit-balikat na lamang siya at ipinagpatuloy ang pagkain. 

Spiritus Raptor, Pontifex Mortis, Regnum Animae, Demons. What a wonderful life I have now. Please insert the sarcasm.

***

Note: Si Lexus sa side! Salamat sa mga nagbabasa!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com