Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Capitulum 24

Capitulum 24

In My Mother's Embrace

I stared at the rock ceiling, thinking about what Beelzebub said.

Angel of Death?

"Ali, are you okay?"

Napatingin ako kay Chase na may pag-aalala sa mukha. May hiwa sa kanyang pisngi at dumudugo ito. Siya dapat ang tinatanong ko kung okay lang ba siya.

"Yeah, okay lang ako." Bumangon na ako mula sa pagkakahiga sa lupa.

I looked around the place. Nakahiga sa lupa ang lahat ng taong ginamit ni Beelzebub. Nakita ko rin si Teresa na walang malay.

Tiningnan ko naman sina Beat, Chester at Dominic. Si Beat ay may ilang sugat sa braso. Si Chester naman ay gulagulanit ang damit may iilang galos. Si Dominic naman ay may sugat sa kanyang leeg at braso.

"Kailangang mapagaling ang mga sugat niyo."

Tumayo ako at hinarap sila.

"We need Lay. He's the only one who can heal us." sabi ni Dominic. "But we can wait. Hindi naman masyadong malala."

Tumango na lamang ako sa kanya.

"Si Teresa." Lumakad ako patungo sa walang malay na katawan ni Teresa. "She's probably still asleep--"

Hindi ko na natapos ang aking sasabihin nang makita ko ang kanyang hitsura. May mga pulang ugat sa kanyang mukha at braso. Unti-unti itong kumakalat na parang lason.

"Shit!" Umupo si Beat sa tabi ni Teresa. Hinawakan niya ang pulso nito. "She was poisoned."

Inikuyom ko ang aking mga kamao. "Ano'ng pwede nating gawin para maialis ito sa sistema niya?"

Beat shook his head. Parang nanlamig ang buo kong katawan. It can't be...

"Beelzebub's poison can't be cured."

"Ano'ng gagawin natin?! Hayaan na lang siyang mamatay?! Call Lay! He can heal her!"

Lumapit sa 'kin si Chase at hinawakan ang kamay ko. "Alaizabel, hindi makakaya ni Lay na gamutin si Teresa. A poison that came from Beelzebub is the strongest poison for humans."

Marahas kong hinila ang kamay ko mula sa kanya. Namumuo na ang luha sa 'king mga mata. "Bakit napakadali para sa 'yo na sumuko? Buhay ang pinag-uusapan natin dito, Chase. Hindi ibig sabihin na wala ka ng buhay ay itatapon mo na rin ang buhay ng iba."

Natigilan siya sa 'king sinabi. Pabagsak niyang ibinaba ang kanyang kamay sa kanyang tagiliran.

"Alaizabel," dinig kong sabi ni Dominic na parang may pagbabanta sa kanyang boses.

Hindi ko iyon pinansin. Pinagmasdan ko si Teresa. Hinawakan ko ang kanyang pulso at naramdaman kong unti-unti na itong humihina.

"Lay!"

Mabilis akong napatingala at nakita ko si Lay na bumaba galing sa isang portal. Kasama niya din sina Seth at Lucian.

"Lay, help her!" Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay ni Teresa.

He kneeled beside her and checked her pulse. A blue light suddenly came out from his hand and hovered it on top of her body.

Hindi ko gusto ang naging reaksyon niya. Kagaya nina Chase, ang ekspresyon niya ay nagpapakita na wala na talagang pag-asa. Hindi pwede. Nangako ako kay Aling Trina na ililigtas ko si Teresa. Gagawin ko ang lahat para maging mapayapa ang kaluluwa niya.

"Anak ko?" Napatingala ako at nakita si Aling Trina na nakatayo sa tabi ni Teresa. May mga luhang tumutulo mula sa kanyang mga mata.

Lumuhod siya sa harapan ng kanyang anak at hinawakan ang pisngi nito.

"A-anong nangyari sa kanya?"

Napalunok ako. "Kagagawa po ito ng isang demon." Muli kong ibinaling ang aking tingin kay Teresa. "Huwag po kayong mag-alala. Gagawin namin ang aming makakaya mailigtas lang siya."

"Alaizabel," Tumingin sa 'kin si Lay at umiling.

"Hindi pwede, Lay." Kinagat ko ang ibaba kong labi. "Hindi pwedeng hindi mo siya mapapagaling."

Tiningnan ko si Teresa na ngayo'y nakabukas na ang mga mata.

"She has to choose," ani Lay. "The poison Beel had given her was a poison that can destroy minds. I can take it away from her brain but she will forget everything. Including her mom."

Teresa gasped. Sa palagay ko'y narinig niya ang sinabi ni Lay. Si Aling Trina naman ay tahimik na lamang na napahagulhol sa gilid.

"But if she chooses to die, then she will retain her memories."

"Iligtas niyo siya." ani Aling Trina.

"M-ma?" Ibinaling ni Teresa ang tingin sa kanyang ina.

"Teresa, anak ko." Mas lalong napahagulhol si Aling Trina. "'Wag kang mag-alala, ililigtas ka nila. 'Wag kang susuko."

Ngumiti si Teresa ngunit kita kong nanghihina na siya. Dahan-dahan niyang iniiling ang kanyang ulo. "Ayaw kitang makalimutan, Ma." May tumulong luha sa kanyang mga mata. "Ang alaala na lang nating dalawa 'yung kinakapitan ko para mabuhay. Para gumising at ipagpatuloy ang araw-araw. Kapag nakalimutan kita, ano pa'ng silbi ng buhay ko?"

"P-pero madami pa akong pangarap para sa 'yo, anak. 'Wag mong sayangin ang buhay mo."

Ipinikit nang mariin ni Teresa ang kanyang mga mata. Rumagasa ang luha mula dito. "Ma, simula nung nawala ka, nawalan na rin akong pag-asa." Ngumiti siya. "I'm sorry, Ma. Ayoko na." Tumingin siya kay Lay. "Makakasama ko ba si Mama kung sakaling mamatay ako?"

Ngumiti si Lay. Lumabas ang dimple sa kaliwa niyang pisngi. "Oo."

"Ma, gusto na kitang makasama." Tuluyan nang napahagulhol si Teresa. "Ayoko na dito. Gusto na kitang mayakap. Mahalikan. Maramdaman. Hindi ko na kaya."

Hindi ko mapigilang mapaiyak habang pinapanood silang dalawa.

Naalala ko si Mama. Noong mga panahong iniwan niya kami, pakiramdam ko nawala sa 'kin lahat. Ginusto kong mawala na lang din. Ginusto kong sundan siya kung nasaan man siya.

Pakiramdam ko'y may napakalaking piraso sa 'kin ang nawala.

Naiinggit ako kay Teresa. Oo, alam ko, hindi ko dapat nararamdaman 'to. Dapat nagpapasalamat na lang ako sa kung anomang meron ako. Pero gusto ko rin makita si Mama. Gusto kong mayakap siya ulit at sabihin man lang sa kanya na mahal na mahal ko siya na hindi ko man lang nagawa bago siya nawala.

"Sa wakas, makakasama rin kita, Ma." Ngumiti si Teresa at unti-unti nang pumipikit ang kanyang mga mata.

Hinawakan ni Aling Trina ang kamay ni Teresa at sa pagkakataong ito, hindi na tumagos ang kaluluwa niya.

Humiwalay na ang kaluluwa ni Teresa sa kanyang katawan. Kaagad niyang niyakap ang kanyang ina.

Kinagat ko ang ibaba kong labi upang pigilan ang aking paghikbi.

Naramdaman ko na lang na may telang pumatong sa ulo ko. Tumingala ako at nakita kong inalis ni Chase ang coat niya at ipinatong sa 'kin.

"Don't hold it."

Dahil sa tatlong letrang 'yon, tuluyan na akong napaiyak at napahagulhol. Rumagasa sa 'king isip ang mga alaala namin ni Mama.

Nagkaaaway kami ni Mama. Ako rin naman ang may kasalanan. Nagreklamo ako kasi lagi na lang niya akong inuutusan.

Sinigawan niya ako. Hindi ako sanay na napapagalitan kaya naman mabilis akong naiyak. Buong araw niya akong hindi kinausap.

Gabi na at nakahiga na ko sa kama pero tahimik pa rin akong umiiyak.

Naramdaman ko ang paglubog ng kama. Tumabi siya sa 'kin.

Hinaplos niya ang aking buhok at hinalikan ang aking ulo. Ang kumot na nasa aking paanan ay ikinumot niya sa 'kin. Mas lalo akong napaiyak ngunit hindi ko ipinahalata. Mas pinili kong magtulog-tulogan na lang.

Doon ko naramdaman na kahit na ilang beses pa akong pagalitan ni Mama, hindi ibig sabihin no'n ay hindi na niya ako mahal. Mahal na mahal niya ako.

Humawak ako sa aking dibdib. "M-mama..."

Naglalakad kami sa loob ng grocery store para mamili ng stocks sa bahay.

Tulak-tulak ko ang cart at si Mama naman ay naghahanap ng mabibili.

Narinig kong bigla na lang siyang umutot.

Nagkatinginan kaming dalawa at sabay na natawa.

"Ang dugyot, Ma!" biro ko sa kanya pero tinawanan niya lang ako.

'Yung mga ngiti at tawa ni Mama namimiss ko na. Kung alam ko lang na mawawala siya sa 'min kaagad sana lahat ng oras na pwede kong ibigay sa kanya nagawa ko na.

Inikuyom ko ang aking kamao, mas humigpit ang hawak ko sa aking dibdib. Sa sobrang sakit gusto ko na lang itong alisin.

"Pa, ano'ng nangyari? Bakit ka umiiyak?"

Biglang humagulhol si Papa at niyakap ako. "Wala na si Mama, anak."

Parang tumigil ang mundo ko. Kaagad na tumulo ang luha sa aking mga mata.

"B-bakit? A-anong nangyari?"

Paulit-ulit kong tinanong kay Papa 'yon. Hindi ako makapaniwala. Gusto ko na lang isipin na panaginip ang lahat. Gusto kong sampalin ang sarili ko. Gusto kong magwala. Gusto kong sumigaw. Ano'ng nangyari sa Mama ko? Bakit...bakit kinuha siya kaagad?

"Alaizabel, you have to calm down."

Narinig ko ang boses ni Chase pero sobrang hina nito. Parang may malakas na ugong sa aking tainga. Hindi ko alam kung ano'ng nangyayari pero sobrang sakit. Sobrang sakit na para bang pinipira-piraso ang aking katawan.

"Si Mama..." Panimula ko dahil ako ang magbibigay ng speech bago ilibing si Mama. "Si Mama 'yung klase ng ina na...kahit gusto pa niyang kumain, ibibigay niya pa rin sa anak niya 'yung pagkain. Siya 'yung tipong kahit nahihirapan na, gagawin pa rin ang lahat para sa pamilya niya. Siya 'yung taong hindi nagrereklamo kahit na pagod na pagod na siya. Siya 'yung klase ng ina na kakayod para lang maibigay lahat ng kailangan ko." Tuluyan na akong napaiyak. "Ma...bakit...bakit ka umalis kaagad? Madami pa akong pangarap para sa 'ting tatlo. Ang...daya...ang daya daya mo."

Madami pa akong gustong sabihin ngunit pinapababa na ako sa platform dahil hindi ko na kaya pang magsalita. Sa sobrang sakit, hindi ko na alam ang gagawin.

"Alaizabel, get a grip!"

"Lay, help her!"

"I can't! The light around her is burning me!"

Para akong lumulutang. Hindi ko na alam kung ano'ng nangyayari sa paligid ko. May mga naririnig akong boses pero hindi ko maintindihan ang mga sinasabi nila.

I opened my eyes and saw a blinding light. It was coming from me.

Lumulutang ang aking isipan. Wala akong ibang makita kundi ang nakakasilaw na liwanag.

"Alaizabel..."

Hinid ko alam kung bakit biglang tumulo ang luha sa aking mga mata nang marinig ang boses na tumawag sa pangalan ko.

"Alaizabel..."

Papalapit nang papalapit sa 'kin ang boses hanggang sa maramdaman kong may humawak sa 'king pisngi.

Hindi ko siya makita. Natatabunan siya ng nakakasilaw na liwanag. Wala akong nagawa kundi ang pumikit at damhin ang malambot niyang kamay sa aking pisngi.

"Alaizabel..." Pagtawag niya sa 'kin sa pangatlong pagkakataon.

"Mama?"

"Angel of Death..."

Napasinghap ako. Kasabay no'n ang pagmulat ng aking mga mata. Nakita ko si Chase sa 'king harapan. Hawak niya ang aking balikat. Mukhang alalang-alala siya.

"Ali, are you okay?" Inexamine niya ang buo kong mukha.

"A-anong nangyari?"

Umiling siya. "Hindi rin namin alam. Ayaw mong tumigil sa pag-iyak hanggang sa naglabas ka ng nakakasilaw na liwanag. Lahat kami ay hindi makalapit sa 'yo dahil nakakapaso ito."

Umiwas ako ng tingin sa kanya. Unti-unti nang bumabalik sa 'king isipan ang mga nangyari.

"Angel of Death." bulong ko.

"Huh?"

Tumingin ako kay Chase. "Beel said I'm the Angel of Death."

Nagtataka niya akong tiningnan. Parang wala siyang ideya sa 'king mga sinabi.

Tiningnan niya sina Lay ngunit may pagtataka rin sa kanilang mukha.

"You have to take a rest."

Hindi na siya hinintay pang magsalita ni Chase. Binuhat siya nito. Aalma pa sana siya ngunit tiningnan siya ni Chase na para bang sinasabi na wala na siyang magagawa.

"Paano sina Teresa?" Tiningnan niya ang mag-ina na masayang nagkekwentuhan. Hindi niya maiwasang mapangiti. Sa wakas ay magkakasama na rin silang dalawa.

"Beat and Chester will guide them to the Regnum Animae. May mga procedures pa silang kailangang pagdaanan para makapasok."

"Pero makakapasok naman sila, 'di ba?"

He smiled at me and kissed the top of my head. "Yes, don't worry."

Nakahinga ako nang maluwag. Inihilig ko ang aking ulo sa kanyang dibdib. Ngayon ko pa lang nararamdaman ang pagod dahil sa misyon na ito pero masaya ako dahil napakaganda ng kinalabasan. May isa na naman akong kaluluwa na natulungan.

Nagising ako sa malakas na pagpatak ng ulan sa bubong. Bumangon ako at tiningnan ang aking paligid. Akala ko'y nasa Regnum Animae ako ngunit napagtanto kong nandito ako sa aking kwarto sa mundo ng mga tao.

Pinagmasdan ko ang aking mga kamay.

Patuloy na pumapasok sa aking isipan ang boses ng babaeng tumatawag sa 'kin.

Somehow...her voice reminded me of my mother.

Ipinilig ko ang aking ulo. Kung aalalahanin ko man si Mama, dapat 'yung masasayang alaala na lang ang isipin ko. Hindi dapat ako nag-iisip ng negatibong bagay.

Pero...

Nasa Regnum Animae kaya si Mama?

Nanlaki ang aking mga mata. Marahan kong tinampal ang aking noo.

Bakit ba hindi ko kaagad iyon naisip?!

Maaaring nasa Regnum Animae si Mama!

Dali-dali akong tumakbo palabas ng kwarto. Naabutan ko sina Chase, Dominic, Beat, Chester at Lay sa salas. Pare-pareho silang umiinom ng kape.

"Alaizabel," Tumayo si Chase nang makita ako. "Maayos na ba ang pakiramdam mo?"

Hindi ko pinansin ang kanyang sinabi. "Makikita ko ba si Mama sa Regnum Animae?"

Nabalot sila ng katahimikan. Sa pagkakataong 'to, hindi ko alam kung bakit biglang nakakabingi ang tunog ng ulan na bumabagsak sa bubong ng aming bahay.

"Answer me." I whispered.

Lumapit sa 'kin si Chase at niyakap ako. "I'm sorry, Ali. You can't."

Ang pag-asa na kanina'y nagpabuhay sa 'king puso ay kaagad na naglaho.

"Bakit?"

"They put the souls of Spiritus Raptors' dead loved ones in a special place. It's the law. Ginawa nila 'yon para hindi tayo madistract sa mga misyon natin."

Hindi ko nagawang makapagsalita. Buong akala ko'y makikita kong muli si Mama. Kahit saglit lang. Kahit mayakap ko man lang siya.

"I'm really sorry, Alaizabel."

Ipinulupot ko ang aking mga kamay sa kanya at mahigpit na niyakap siya. Ibinaon ko ang aking mukha sa kanyang dibdib at doon ay muli akong umiyak.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com