Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Capitulum 4

Capitulum 4

Kingdom of Soul

“HINDI PA AKO PATAY! HINDI PWEDE! IBALIK NIYO AKO! AYOKO! IBALIK NIYO AKO! PARANG AWA NIYO NA!” napaluhod ako sa sahig habang nakahawak sa aking ulo. Patuloy sa pagtulo ang aking luha. Hindi ako pwedeng mamatay. Ayoko pa. Ang dami ko pang pwedeng gawin. Gusto ko pang makasama si Papa. Gusto ko pang makasama si Feline. Gusto ko pang mamuhay ng masaya sa mundo. Ayokong mapunta sa ibang mundo kasama sila. Sana noon pa lang pinagsabihan ko na si Papa. Sana noon pa lang naging mabuti din ako sa kanya. Sana noon pa lang inintindi ko na ‘yung nararamdaman niya. Sana mas nagbonding pa kami ni Feline. Sana madalas ko pa siyang inililibre.

“Alaizabel! Stop that! If you continue having regrets right now, you’ll end up being a demon!” 

Sigaw ng sigaw ng kung ano-ano sina Chase at Lexus pero hindi ko sila pinapansin. Patuloy lamang ako sa pag-iisip ng mga bagay na sana ginawa ko na noon pa lang kung alam ko lang na mamamatay ako ng ganito kaaga. Hindi ko matanggap. Bakit ako? Bakit patay na kaagad ako? Ni hindi ko pa natutupad ang mga pangarap ko. Ayoko ng ganito. Gusto kong mabuhay. Gusto kong gawin lahat ng gusto ko. Gusto kong mamuhay ng masaya gaya ng hinahangad ko.

Naramdaman kong hinawakan ni Chase ang aking balikat pero patuloy lamang ako sa pag-iyak.

“Gumising ka Alaiazabel! Hindi ka pwedeng maging demon! Wake up! F_cking wake up!”

Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Naramdaman ko na lamang na binalot ng lamig ang buo kong katawan. Gumalaw ng kanya ang aking katawan at wala akong ginawa para pigilan ito. Wala na akong pakealam kung anong mangyari sa akin basta gagawin ko ang mga gusto kong gawin. Naramdaman kong nakatayo na ako at tumingin ako kay Chase. Ngumisi ako sa kanya at nakita ko ang gulat sa kanyang mukha. Napaharap ako sa may salamin na nakadikit sa may dingding at nakita ang aking sarili. Nababalutan ng puting aura ang aking katawan at may nakatatak na pulang rosas sa aking pisngi. Ang aking mga mata ay kulay dilaw na parang sa mga pusa. Nakalugay ang itim at mahaba kong buhok at may suot akong puting dress na hanggang sa itaas ng aking tuhod. Sobrang putla ng aking balat at napansin kong humaba ang aking mga kuko. May bakal na nakalagay sa aking leeg at may kadenang nakakonekta dito. 

“The Alteration is too early, Chase! Look what you’ve done! She became a demon! Anong gagawin natin ngayon? We can’t kill her! She’s a special Spiritus Raptor. Paano na lang kung makarating ‘to sa nakakataas? Tayong dalawa ang mananagot!”

Tumingin ako sa kanilang dalawa at nanatili akong nakangisi. Hindi ko alam kung bakit ganito ang aking pakiramdam. Parang may mali pero may pakiramdam din akong tama ang nangyayari sa akin ngayon. Pakiramdam ko kaya ko ng gawin lahat ng gusto ko. Lumakad ako papalapit kay Papa na nakatitig na lamang ngayon sa aming litrato ni Mama pero namumukto ang kanyang mga mata. Kumirot ang aking dibdib at napahawak ako dito ngunit hindi ko naramdaman ang pagtibok ng aking puso. 

Naiyukom ko ang aking kamao at umupo sa tabi ni Papa. Niyakap ko siya kahit na hindi niya ako nakikita pero kahit na ganun ay ramdam ko ang katawan niya sa katawan ko. Masaya na ako sa ganito. Sana makita ko na siyang ngumiti ulit. Kahit wala na ako, sana magawa pa rin niyang maging masaya. Sana magsimula siya ng panibagong buhay na wala ako.

Muli akong tumayo at hinarap sina Chase at Lexus. Gusto ko silang patayin at gutay-gutayin ang kanilang katawan dahil sa ginawa nila sa akin pero hindi ko alam kung bakit parang may pumipigil sa akin na gawin iyon. Nakatingin lamang silang dalawa sa akin na para bang hinihintay ang susunod kong gagawin. 

"The shield is still all over her body. Thanks to that, he can't see her" narinig kong sabi ni Lexus.

“Tito! G-Gumalaw ang daliri ni Alaizabel!” napalingon ako at nakitang nakabukas ang pinto. Pumasok doon si Feline habang may luha sa kanyang mga mata.

Napatayo si Papa at inilapag ang picture frame sa may kama. “G-Gumalaw siya?” muling nagtubig ang mata ni Papa hanggang sa bumuhos ang kanyang luha.

“Oo, Tito. Wag kang mawalan ng pag-asa. Magigising din si Alaizabel. Wag niyong isipin na wala na siya dahil alam kong babalik siya” umiiyak ding sabi ni Feline.

May kung ano na namang kumirot sa aking dibdib habang pinapanood ang dalawang taong pinakaimportante sa aking buhay na umiiyak para sa akin. Anong ibig sabihin nilang gumalaw ako? Hindi ba at kaluluwa na ako? Ano ba talagang nangyayari?

“What the f_ck is happening? This is so imposibble. Alazaibel Gray, just who the hell are you?” napatingin ako kay Chase na takang-taka na nakatingin sa akin. “A spirit can’t be a demon if she’s in a coma. Her spirit will just wander in different places and if her body can make it, the spirit will automatically go back to its own body and if not, she will be sent to Regnum Animae. But your case is different”

Napakunot lang ang noo ko sa sinabi niya dahil hindi ko na naman siya naiintindihan. Magtatanong sana ako sa kanya ng biglang kumirot naman ang aking ulo pero nagtagal ito. Napahawak ako sa aking ulo at napasigaw na lang ako sa sakit. Naramdaman kong unti-unting humihigpit ang bakal sa aking leeg hanggang sa halos hindi na ako makahinga.

“Anong nangyayari sa kanya?” narinig kong tanong ni Lexus.

“I don’t know! This is driving me nuts! Ngayon lang ako nakaencounter ng ganito” narinig ko namang sagot ni Chase.

Muli akong napaluhod sa sahig dahil sa sobrang sakit at iba’t-ibang imahe ang pumasok sa aking isipan simula ng aking pagkabata hanggang sa napatigil sa imahe na sinaksak ako ni Chase. Para itong video na nagpe-play sa aking utak. Nakita kong pagkatapos akong saksakin ni Chase ay natumba ako sa sahig. Pinatay ni Chase ang halimaw gamit ang isang tira lamang. Dinaluhan naman ng kararating lang na si Lexus si Papa na nakahiga sa sahig at naliligo sa sarili niyang dugo. Lumuhod si Lexus sa tabi ni Papa at ginamot ang sugat nito sa likod.

Si Chase naman ay nilapitan ang aking katawan at binuhat ito. Pagkatapos noon ay isang imahe na naman ang dumating. Buhat pa rin ako ni Chase ngunit nasa pintuan kami ng ospital. Ibinaba niya ako sa may emergency room at dinaluhan na ako ng doktor at mga nurse. Sunod ko namang nakita ay ang nakahiga kong katawan sa may hospital bed. Kung ano-anong apparatus ang nakakabit sa akin at wala akong malay. Patuloy pa rin sa pagdagsa ang mga imahe hanggang sa mabalik na ako sa realidad.

Kung gusto talaga akong patayin ni Chase, bakit dinala pa niya ako sa ospital?

Unti-unti kong inimulat ang aking mata at dahan-dahan akong tumayo. Tumingin ako sa may salamin at nakita kong nagbalik na ako sa dating ako. Nawala na ang kulay dilaw kong mata na parang pusa pati na din ang pulang rosas na nakatatak sa aking pisngi. 

Kaming tatlo na lang nina Chase at Lexus ang natira dito sa may kwarto dahil sa tingin ko ay umalis na sina Papa at Feline para puntahan ang aking katawan sa may ospital.

Humarap ako sa dalawa at hindi ko alam kung bakit gulat na gulat silang nakatingin sa akin. Para silang nakakita ng multo---teka, multo na ako hindi ba?

“Bakit ganyan kayo makatingin sa akin? May mali ba? Bakit nag-iba ang itsura ko kanina?”

“She’s indeed different. Walang kahit anong klaseng kaluluwa ang makakabalik sa pagiging kaluluwa kapag naging demon na siya pero pagkalipas lamang ng ilang minuto ay nagbalik ka na ulit sa pagiging kaluluwa mo” wala sa sariling sabi ni Lexus na para bang hindi talaga siya makapaniwala.

“Ano ba talagang nangyari sa akin? Demon? Naging demon ako?”

“Yes, you became a demon for a very short time at hindi namin alam kung paano. Pero kung bakit? Dahil napuno ka ng regrets at ‘yun ang dahilan kung bakit nagiging isang demon ang isang kaluluwa but lucky for you, nakabalik ka sa dati” sabi ni Chase. “Gaya ng sinabi ko kanina, kailangan mong sumama sa amin sa Regnum Animae o Kingdom of Soul para malaman mo kung saang dimension ka talaga nabibilang. Hindi ka para sa mundong ito, Alaizabel. Isa kang Spiritus Raptor kagaya namin. Trabaho mo ang magdala ng kaluluwa sa Regnum Animae at trabaho mo ding pumuksa ng mga demon”

“Isa akong Spiritus Raptor kagaya niyo? Teka, paano naman nangyari iyon? Parehong tao ang aking mga magulang at wala naman silang nasabi tungkol sa dimension niyo. Isa pa, wala akong kaalam-alam tungkol sa inyo at tungkol sa mundo niyo. Wala na talaga akong maintindihan. Kailangan ko ng paliwanag. Pakiramdam ko sasabog ang utak ko kakaisip kung ano ba talaga ako"

Hindi ko na alam pa kung anong iisipin ko. Pero ang mahalaga ngayon ay hindi pa naman pala ako totally patay. Kailangan lang kayanin ng katawan ko ang lahat at makakabalik na ako doon. Pwede pa akong mabuhay muli. Hindi pa talaga ako handang mamatay. Napakadami ko pang gustong gawin. 

"Kaya nga kailangan mong sumama sa amin sa Regnum Animae. Doon namin dinadala lahat ng mga kaluluwang naliligaw sa mundong ito at doon kami nakatira. Doon ang aming tahanan at pati na rin ang tahanan mo" paliwanag ni Chase.

Natahimik na lang ako at pinag-isipan ang kanyang sinabi. Kapag sumama ako sa kanya, makukuha ako ang kasagutan na hinahanap ko. Pero hindi ko alam kung anong haharapin ko sa mundong iyon. Paano kapag mapahamak ako? Paano kapag hindi na ako makabalik? Hindi iyon pwede. Hindi ako pwedeng magtagal doon. Kapag nalaman ko na lahat ng gusto kong malaman, aalis din ako doon. Tama. Iyon na lang ang gagawin ko.

"Sige, sasama na ako"

Ngumiti sa akin si Chase at nakita ko ang kislap sa kanyang mga mata. Hindi ko inaasahan na kaya niyang ngumiti ng ganito. Kung titingnan kasi ay mukhang seryoso siya parati at para bang bawat galaw niya ay pinagpaplanuhan at detalyado. Napakagraceful niyang gumalaw na umayon sa pagiging makisig niya. Ipinilig ko ang aking ulo. Hindi ako dapat nag-iisip ng ganito tungkol sa kanya pero hindi naman maiiwasan iyon dahil nakapagwapo niya talaga.

"Let's go?" nabalik na lang ako sa realidad ng magsalita siyang muli. Tumango lang ako sa kanya at nagsimula na siyang maglakad kasama si Lexus. Nagtaka naman ako ng makitang paakyat siya ng hagdan papunta sa may rooftop ng bahay namin. Maliit lang itong bahay namin pero may rooftop dahil gusto ni Papa na tingnan ang mga bituin kapag gabi. 

Sumunod ako sa kanila habang umaakyat sila ng hagdan. "Bakit paakyat tayo dito? Hindi ba sabi mo pupunta tayo sa Regnum Animae?" tanong ko sa kanya.

Hindi siya sumagot kaya napanguso na lang ako. Sasagot lang naman hindi pa magawa. Hindi rin nagtagal ay nakarating na kami sa may rooftop. Bahagya kong sinanggahan gamit ang aking braso ang sinag ng araw. Tinatangay ng hangin ang aking mahabang buhok at hinahawi ko ang ibang hiblang napupunta sa aking mukha. Pinanood ko si Chase na may kung anong kinukuha sa kanyang bulsa. 

May inilabas na naman siyang itim na bilog ngunit mukhang hindi ito katulad noong bilog na may lumabas na hologram mula sa biniak na gitna nito. Ibinato niya ito sa kalangitan at may malaking itim at bilog na lagusan ang lumabas. Ang hangin ay pumapasok doon na para bang hinihigop nito. Walang imik na tumalon si Lexus papunta doon sa bilog at nawala na siya na parang bula.

Nagtaka naman ako ng biglang lumuhod ng patalikod si Chase sa aking harapan.

"Ride on my back. This will be quick but if I let you jump alone in that portal, the impact of landing won't be good for you" 

Nag-alangan pa akong sumakay sa likudan niya pero ng makita kong mukhang naiinip na siya ay agad na akong sumakay sa likudan niya. Pinulupot ko ang aking braso sa kanyang leeg at kumapit ng maigi. Ito ang unang beses na magiging ganito ako kalapit sa isang lalake. Madalas ko naman kasing kasama si Feline eh. Nagkakaroon naman ako ng kaibigang lalake pero hindi ko pa nadadanasan itong ganito.

Pagkasakay ko sa kanyang likudan ay agad siyang tumalon at pumasok na kami sa may lagusan. Tumingin ako sa likudan at nakitang unti-unting sumasara ang bilog na pinasukan namin. Tumingin naman ako sa unahan at nakita ko ang gatuldok na liwanag sa may dulo na untii-unti namang lumalaki. Tuluyan na kaming nilamon ng liwanag at nang imulat ko ang aking mata ay napanganga ako sa itsura ng paligid.

Ang lahat ng bahay ay kulay puti at walang araw sa kalangitan at tanging buwan lamang pero kahit ganoon ay maliwanag pa din ang paligid. May buwan at mga ulap pero walang mga bituin. Nasa himpapawid kami at ng bumaba siya ay saktong sa bahay na may rooftop kami lumapag. Ibinaba niya ako at nilibot kong muli ang tingin ko sa paligid.

Sa may gitna ng lugar ay may nakatayong mataas at malaking tore na may nakalagay na sulat gamit ang malalaking letra na "TURRIS VITAE". Iba't-iba ang sukat ng mga bahay: may mataas, may mababa, may malaki at may maliit. Pero pareho-pareho ang estilo ng mga bahay dito. Puros nakatayong parihaba at kulay puti. Tumingin naman ako sa ibaba at nakita ko ang mga taong naglalakad papunta sa kanilang pupuntahan. Ang mga babae ay may suot na dress at ang mga lalake naman ay simpleng t-shirt at short lamang. Kung titingnan ay parang kapareho lang ng nakikita sa kabilang mundo pero kahit ganun, ibang-iba talaga dito, ramdam ko ang kaibahan ng dimensyon na ito.

"This is the Regnum Animae and this part of the dimension is called Star of the North. There are four Stars, Star of the East, North, South and West. Ang Star of the North ay tirahan ng mga Northmanni Spiritus o Normal Spirits. Sila 'yung mga spirit na walang kakayahang makapuksa ng mga kaluluwa na kagaya naming mga Spiritus Raptor. Tahimik lamang silang namumuhay sa bahagi ng dimension na ito at karamihan sa kanila ay nagpupunta sa ibang Stars para magsilbi sa may matataas na rank dito sa Regnum Animae"

"Mga...spirits lahat kayo dito?"

"Oo pero hindi kami katulad ng mga kaluluwa na nasa kabilang mundo. Mga espesyal kaming kaluluwa na nabuhay sa mundong ito. Ang pinakamababang spirit na nandito ay mga spirit na nakukuha namin sa kabilang mundo. Ang tawag namin sa mga ganoong kaluluwa ay ang Spiritus Vindictae o Revengeful Spirits at ikinukulong namin sila doon" itinuro naman niya ang isa pang mataas na tore na nakatayo naman sa may bandang South. "Sa may Stars of the South, nakatayo ang Turris Vindicate Spiritus or Tower of Revengeful Spirits na pinaglalagyan ng mga kaluluwa na nakukuha namin sa kabilang mundo. Doon namin sila inilalagay at kapag dumating na ang araw ng paghahatol ay makakaalis na sila"

"Saan sila mapupunta?" muli kong tanong.

"Mawawala na sila. They will be obliterated. Wala ng mapupuntahan pa ang kaluluwa at sasama na lang sila sa hangin hanggang sa tuluyan na silang mawala" sagot niya.

Tumango-tango naman ako sa kanya. "Bukod sa Northmanni Spiritus at Spiritus Vindictae, sino-sino pa ang nasa mataas na rank dito? Saan sila nakapuwesto? Anong meron sa pinakamalaki at pinakamataas na tore na 'yon na may nakalagay na 'Turris Vitae'?"

"Ang may pinakamataas na rank sa buong dimensyon na ito ay ang Pontifex Mortis o ang ibig sabihin ay 'Highest Priest of Death'. Siya ang nagconcontrol sa aming lahat at sinusunod namin ang mga utos niya. Siya ang namamahala sa buong Regnum Animae at siya ang nag-aasikaso sa aming lahat. Nakapuwesto siya doon sa Turris Vintae o Tower of Life. Sa may pinakatuktok nito, doon ang kanyang opisina. Pumangalawa naman sa kanya ang Magister na kumakatawan na kanang kamay ng Pontifex Mortis. Sumunod naman sa Magister ay ang labing dalawang Praefectus o Commander. Nakabase din sila sa may Tower of Life at kasama din sila sa nagpapanitili ng kaayusan sa mundong ito"

"Ang katulad mong Spiritus Raptor? Saan ka nabibilang?"

Ngumisi siya sa akin at humawak sa may railings. Tinangay ng hangin ang kanyang buhok at muling tumingin sa akin. "I'm a Spiritus Raptor and a Praefuctus at the same time"

Nanlaki ang mata ko sa gulat dahil sa sinabi niya. "Ibig sabihin, mataas ang katayuan mo sa mundong ito?!"

"Why are you so shocked? Pati din naman si Lexus. Mas nauna nga siyang nahirang na Praefectus eh" kibit-balikat na sabi niya.

"Kung ganoon may sampu ka pang kasama?" 

"Oo at ipapakilala kita sa kanila" humarap siya sa akin at sumandal sa may railings. "Oo nga pala, ang mga Spiritus Raptor ay under ng mga Praefectus. Bawat Praefectus ay naghahawak ng mahigit isang daang Spiritus Raptor"

"Kung ganoon, under ako ng isang katulad mo? Pero teka, totoo ba talagang katulad niyo ako? Ni hindi ko nga alam kung paano humawak ng espada eh! Ni hindi ko din alam kung ano bang kaya kong gawin!" reklamo ko sa kanya.

Saan pa ba ako magaling? Magaling lang yata akong kumain, magcomputer at matulog eh. 

"Maalam kang gumamit ng espada, Alaizabel. Naalala mo ba nung muntik na akong maubusan ng lakas nung ipinulupot ng demon ang dila niya sa buo kong katawan? Kinuha mo ang espada at walang takot na pinutol ang dila niya. Doon ko naisip na handa ka ng harapin ang itinakda para sayo kaya sinaksak kita ng espada. Hindi kita sinaksak para patayin, sinaksak kita para madala kita sa mundong ito at masabi sayo kung ano ka at kung ano ang dapat mong gawin"

"Pero kaya ko ba talaga? Ang dami ko pang tanong, Chase. Hindi ko na alam pa ang gagawin ko. Mababaliw na yata ako"

Mukhang hindi niya pinansin ang sinabi ko at muling ngumiti sa akin. "This is the first time you called me by my first name. It's so refreshing to hear. Can you repeat it?"

Hindi ko alam kung bakit biglang nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya. Kinagat ko ang ibabang labi ko at tumungo.

"B-Bakit ko pa uulitin? Hindi naman big deal iyon" sagot ko sa kanya.

Nakita ko ang pares ng sapatos sa aking harapan na ibig sabihin ay lumapit siya sa akin. Napalunok ako at naamoy ko ang kanyang pabango.

"It's a big deal for me. Just say it" rinig ko ang pagkairita sa kanyang boses. Ang moody naman niya.

Tumingala ako sa kanya at nakunot na ang noo niya. "Chase" sabi ko habang nakatingin sa kanyang mga mata na kahit anong gawin ko ay hindi ko mabasa.

Unti-unting sumilay ang ngiti sa kanyang labi hanggang sa lumapad ang ngiti niya. Hindi ko alam kung bakit napangiti na lang din ako. Nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko at hilahin ako papunta sa may pinto.

"Kailangan na natin silang puntahan at ipapakilala kita sa kanila. Wag kang kakabahan, mababait naman sila kahit na medyo may pagkabaliw lang" 

Hindi ko na naintindihan pa ang sinasabi niya at nakatuon lang ang atensyon ko sa dinadaanan namin. Kung saan man kami magpunta, okay lang naman siguro. Medyo nagkaroon na ako ng interes sa mundong ito. Napakadami ko tuloy gusto pang malaman dahil sa mga sinabi niya. Parang kinain ko ang sinabi kong mabilis lang ako dito, mukhang magtatagal pa ako sa mundong ito.

***

A/N: Active na active talaga ang imagination ko habang nagtatype nito. Enjoy na enjoy talaga ako kapag nagtatype ako ng chapter para dito sa IYS. Pasensya na kung matagal ang update~ Maraming salamat sa mga nagbabasa! <3

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com