Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Capitulum 6

Capitulum 6

Pontifex Mortis

"Sorry kung ang kukulit nila." iritadong sabi ni Chase. Napailing na lang ako habang nakangiti. Ang weird ng mga kasamahan niya pero nakakatuwa silang kasama. Sa isang oras na itinigil ko sa loob ng kwartong iyon ay wala na akong ginawa kundi ang tumawa ng tumawa dahil sa lakas ng sense of humor nila, lalong-lalo na si Beat. Sobrang daldal niya at lahat na yata ng lumabas sa bibig niya ay nakakatawa. Idagdag pa ang kakulitan ni Chester. "You're smiling." sabi niya habang nakatingin sa akin.

Napatawa naman ako dahil sa sinabi niya. "Ano naman ngayon kung nakangiti ako?"

Naglalakad kami ngayon para libutin ang buong Turris Vitae. Manghang-mangha talaga ako habang tinitingnan ang paligid ng bawat floor. Walang ganito sa aming mundo at para bang lahat ng gamit ay mas matibay at mas maganda.

"You're beautiful but it doubles up when you're smiling so you should smile always."

Nag-init naman ang pisngi ko dahil sa kanyang sinabi at mas pinili ko na lamang na ituon ang aking atensyon sa aking nilalakadan pero kahit ganoon ay distracted pa din ako dahil kay Chase. Kaya naman hindi ko napansin ang isang baitang patungo sa isang bahagi nitong floor. Nanlaki ang aking mata ng maramdaman ko ang aking sarili na mahuhulog pero bago pa mangyari iyon ay may kamay nang pumulupot sa aking bewang.

Tiningala ko ito at nakita ko si Chase na nakakunot ang noo. Napaka-bipolar niya. Kanina ay panay ang ngiti niya pero ngayon ay mukhang masama na naman ang mood niya. Siguro ay kailangan kong sanayin ang sarili ko sa pabago-bago niyang mood.

Itinayo niya ako ng maayos at hinawakan ang aking kamay.

Umiwas siya ng tingin. Nakita ko ang pamumula ng kanyang pisngi. "Be careful, idiot. Just what the hell are you thinking?" tumingin siya sa akin at nakakunot pa rin ang kanyang noo.

Ngumuso ako. "Sorry. Hindi ko lang napansin 'yung baitang."

Hindi na siya nagsalita at nagpatuloy na siya sa paglalakad. Nagpadala na lamang ako sa kanya dahil hawak niya ang kamay ko. 

"Pagkatapos nating libutin ang buong Turris Vitae. Dadalhin na kita sa lugar kung saan ka muna titigil. Bukas naman ay makikilala mo na ang Pontifex Mortis o ang Highest Priest of Death. Nakatanggap kami ng sulat mula sa itaas na gusto ka daw niyang makilala." tumigil siya sa paglalakad at napansin kong nasa may bintana kami. Tumingin ako sa kalangitan at napanganga ako dahil sa kagandahan nito. Pale green and pink lights painted in the sky, Aurora Borealis. Napansin yata ni Chase na nakatitig ako sa Aurora kaya nagsimula siyang ipaliwanag ito. "Sa mundo niyo, nakikita niyo lamang iyan sa bandang North kung saan may malamig na klima ngunit dito, tuwing ganitong oras ay lumalabas ang Aurora. Sa lugar na ito, Aurora Borealis symbolizes peace and purity. Nanatili ang magagandang kulay na iyan sa kalangitan ng Regnum Animae bilang tanda na maayos ang lahat at walang dapat ipangamba."

"Para saan naman ang Milky Way na iyon?" turo ko naman sa mga tumpok-tumpok at nakalinyang mga bituin. Kulay puti ito na parang gatas.

"Kasabay ng Aurora Borealis lumalabas din ang Milky Way na iyan. Walang nakakapagsabi kung anong ibig sabihin ng mga tumpok-tumpok at hile-hilerang bituin na iyan pero para sa amin, iyan ang pinakamaganda at pinakainiingatang kayamanan dito sa Regnum Animae."

Unti-unting sumilay ang ngiti sa kanyang labi. Ang ngiti niya ay parang kasing liwanag ng mga bituin at kasing ganda ng Aurora Borealis. "Dati gusto kong makakita ng Aurora Borealis at ngayon ay natupad na ang gusto ko."

"Beautiful, isn't it? Everything in this world is worth watching but your world fascinates me the most."

Magtatanong pa sana ako tungkol sa kung anong ibig niyang sabihin sa kanyang sinabi pero hindi ko na nagawa dahil may dumating na isang lalake na sa tingin ko ay servant din sa tore na ito. Hinarap namin siya at may bitbit siyang patong-patong na papel.

"Ayoko sanang istorbohin kayo sa inyong ginagawa, Praefectus Chase ngunit ito po ang trabaho niyo para sa araw na ito. Isang daang kaluluwa ang kailangan niyong asikasuhin. Limampung kaluluwa ang kailangang mailigtas at limampu din ang naging Demon na. Sa limampung naging Demon. Dalawa ang naging Great Demon."

Binitawan ni Chase ang aking kamay at lumapit sa lalake. Kumuha siya ng isang pirasong papel at kahit na nakikita ko ang mga nakasulat ay hindi ko rin naman maintindihan dahil Latin ang pagkakasulat ng bawat letra.

"Quiet troublesome huh?" aniya. "What's the location of the Great Demon? Did you get lots of infos?"

Ipinatong ng lalake ang mga papel sa pinakamalapit na lamesa at kinuha ang dalawang unang papel na nakapatong dito. Iniabot niya ito kay Chase at agad naman niya itong binasa. Binabasa ko ang kanyang ekspresyon at nakita ko ang unti-unting pagkunot ng noo niya. Kinagat niya ang kanyang ibabang labi. Maya-maya ay napamura na lang siya ng mahina. Muli niyang ibinalik ang papel at humalukipkip.

Humarap siya sa akin. Bigla na lang akong kinabahan sa hindi malamang dahilan. Tingin niya pa lang ay alam ko nang may mali. Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa aking balikat.

"The location of the two Great Demons..." kinagat niya ang kanyang ibabang labi. "They're at the hospital where you're admitted in."

"E-Eh? S-Si Papa at Feline!" 

Hindi ako kaagad nakagalaw sa aking kinatatayuan. Paano kung mapahamak sila doon? Sa lahat, hospital ang madaming kaluluwang nakakalat at kung may Great Demons nga doon, maaaring mambiktima sila ng mga tao.

"Wag kang masyadong mag-alala. Pupunta na ako kaagad doon para maayos ang lahat ng ito." ngumiti siya sa akin at ginulo-gulo ang aking buhok.

"Gusto kong sumama." anunsyo ko.

"You can't. It's too dangerous." seryosong sabi niya sa akin. "Maiwan ka na lang dito at antayin mo ako. Ako na ang bahala sa ama at kaibigan mo. Nasisigurado kong walang mangyayaring masama sa kanila."

"Pero gusto ko na silang makita." puno ng determinasyong sabi ko sa kanya.

Wala na akong pakealam kung may demon doon o wala, ang gusto ko lang ay makita ang mga taong importante sa akin. Miss na miss ko na sila. Kahit na anong ganda pa dito sa Regnum Animae, mas maganda pa ding kasama ko ang mga taong mahal ko.

Bumuntong hininga siya at isinuklay ang kanyang kamay sa kanyang buhok.

"Okay. Let's go." 

Hinawakan niya ang aking kamay at lumabas na kami ng Turris Vitae. Lumibot ako sa paligid. Iniisip ko kung kaming dalawa lang ang babalik sa aking mundo. Wala bang ibang Praefectus ang sasama sa kanya?

"May mga sari-sarili silang trabaho kaya hindi sila pwedeng sumama sa trabaho ko. Kaming labing-dalawang Praefectus ay binibigyan ng kanya-kanyang trabaho na kailangan naming tapusin ngayon araw. Kaya lamang nakapunta noon si Lexus habang nasa mundo niyo ako ay dahil wala siyang trabaho ng mga oras na iyon." paliwanag niya. 

Ngumuso na lang ako. Binasa niya ang nasa isip ko. Dapat nag-iingat na ako ngayon sa mga iisipin ko dahil mababasa niya.

Inilabas niya ang kulay itim na bilog at lumabas na ang Portal. Habang magkahawak ang aming kamay ay pumasok na kami sa loob. Wala pang ilang segundo ay nasa harapan na kami ng ospital. Pareho kaming tumakbo papasok sa loob. Hindi man lang siya nagtanong kung saang room nakalagay ang katawan ko at dire-diretso lamang siya. Sumakay kami sa may elevator. Pagtungtong sa pangatlong floor ay lumabas na siya kaya sumunod na lamang ako. Lumiko siya sa may kanan at tumigil siya sa Room 421. Tumagos kami sa pintuan. Naabutan namin si Papa na nakasubsob sa aking kama habang nakaupo sa gilid nito. Si Feline naman ay may hawak na remote at panay lipat ng channel sa TV. Naluha ako ng makita silang dalawa.

Nilapitan ko si Papa at hinaplos ang kanyang buhok. Natutulog siya. Siguro ay pagod na pagod na siya. Sunod ko namang nilapitan ay si Feline. Umupo ako sa tabi niya at niyakap siya kahit na hindi naman niya ako mararamdaman niya. Lahat ng ginawa ko ay tahimik lamang na pinapanood ni Chase.

"You should stay here. I'll be out to search for the demons." Inilabas niya ang kanyang espada at isang itim na bilod kagaya nung ginamit niya para mapalabas ang Portal. Inihagis niya ito sa akin. "If something comes up, ibagsak mo lang 'yan sa sahig."

Lumabas na siya ng room at naiwan naman akong nakaupo sa tabi ni Feline. Gustong-gusto kong magkwento sa kanya kaso hindi naman niya ako maririnig. Tumingin ako sa aking katawan na nakahiga sa hospital bed. Tumayo ako at lumapit dito. Humawak ako sa aking baba. Akalain mo nga namang hindi na rin naman pala masama ang mukha ko eh no? Maganda naman pala ako eh. Umupo ako sa gilid ng aking kama. Paano kung humiga ako at subukang pumasok sa katawan ko? Pwede kaya iyon?

Humiga ako kagaya ng kung paano nakahiga ang aking katawan. Ipinikit ko din ang aking mga mata pero wala naman akong naramdaman. Nagtagal pa ako doon ng mga ilang minuto pero wala namang nangyari. Napabuntonghininga na lamang ako. Tumayo na ako at muling tumitig sa aking mukha. Ang weird pala sa pakiramdam ng tumitig sa sarili mong mukha.

Bumukas ang pintuan at pumasok ang isang nurse. Nakasuot siya ng mask at napansin kong sobrang ikli naman ng palda niya. Umalis na ako sa pagkakaupo sa may kama at mas piniling tumayo na lamang sa may gilid. Hindi man lang nagising si Papa kaya si Feline na lamang ang lumapit.

Naglabas ang nurse ng isang syringe na may lamang kulay dilaw na likido.

Hindi ko alam kung imahinasyon ko lamang iyon o saglit na tumingin sa akin 'yung nurse.

"Ano po iyang ituturok niyo?" tanong ni Feline.

"Ah, isa ito sa mga gamot niya."

Napakunot ang aking noo dahil sa kanyang naging sagot. Hindi ba kapag tinatanong mo ang isang nurse kung anong klaseng gamot iyong ibibigay niy o ituturok niya, sasabihin niya ang pangalan ng gamot at kung ano ang magagawa nito para sa pasyente pero bakit ganoon ang naging sagot niya?

"Teka!" sigaw ko bago pa niya maiturok kasama ng swero ang gamot na nasa loob ng syringe.

Biglang binalot ng itim ang buong kwarto at tanging kaming dalawa na lamang ng nurse ang natira. Tumingin ako sa paligid. Sobrang dilim ngunit tanging siya lamang ang aking nakikita. Tinagtag niya ang mask sa kanyang bibig. Napangiwi ako sa itsura ng kanyang bibig. Pabilog ito at sa buong paligid nito ay may maliliit at matutulis na ngipin. Ang dila niya ay parang dila ng ahas. Ang kanyang mga mata naman ay parang mata ng pusa.

Inalis din niya ang puting cap sa ulo niya at inilugay ang kanyang itim na buhok. Humaba din ang kanyang mga kuko.

"Anong kailangan mo? Bakit ka nandito?"

"Ikaw pala ang kaluluwang pinag-uusapan ng lahat. Ang kaluluwang naging demon na ngunit nakabalik ulit sa normal. Paano mo nagawa iyon?" Hindi ko sinagot ang kanyang tanong. "Pero kapag kinain kita ngayon, baka mapunta sa akin ang kapangyarihan mo!"

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko din alam na kilala na pala ako ng mga demon. Ibig sabihin ba nito, palagi na akong hahabulin ng mga demons para kainin ako?! Kapag nagpatuloy 'to, baka pati sina Papa at Feline ay madamay! Pero dahil kaming dalawa lang naman dito sa lugar na 'to, hindi naman sila siguro madadamay.

Kinapa ko ang bilog na bagay na ibinigay sa akin ni Chase pero wala ito. Saan 'yun napunta?!

"Ito ba ang hinahanap mo?" Itinaas niya ang bilog na ibinigay ni Chase at tumawa ng malakas. Dinala niya ito sa kanyang bibig at nilunok ito ng buong-buo. Anong gagawin ko na ngayon nito? Wala man lang akong makitang pwedeng ipanlaban sa kanya. "Wala ka ng magagawa pa. Mas mabuti pang ibigay mo na lang sa akin ang iyong sarili."

Dahan-dahan siyang lumapit sa akin at ako naman ay paatras ng paatras. Parang walang katapusan ang kadiliman dito at hindi ko alam kung saan ako aabot kakaatras ko.

Hindi ko man lang naisip itong pinasok ko. Sabi ni Chase ay katulad niya ako. Isa akong Spiritus Raptor pero wala man lang akong magawa para lumaban. Pero hindi ko matatanggap na hanggang dito na lang ako. Lalaban ako at hindi ko siya hahayaan na makain ako!

Napatigil ako sa pag-atras ng biglang lumiwanag ang aking dibdib. Humangin ng malakas at tinangay ang aking buhok. Lumaki ang liwanag hanggang sa binalot na ng liwanag ang buo kong paligid. Pagmulat ng aking mga mata ay may hawak na akong espada. Kulay ginto ang talim nito pati na din ang hawakan nito. Ang hawakan niya ay may kulay itim na disenyo pero marami pa ring ginto na nakapalibot dito isama na ang talim nito.

Tumingin ako sa demon na nasa aking harapan. Sa aking palagay ay siya ang isa sa Great Demon na sinasabing nandito sa ospital. Kung ganoon, alam ko na kung bakit dalawa ang demon na nandito sa hospital. Nandito sila dahil gusto nilang kainin ang aking kaluluwa. Ginawa lang nilang paraan ang lahat ng ito para mapapunta ako dito.

"Hindi ko inaakalang mas malakas ka pa pala sa inaakala ko. Pero hindi ako magpapatalo! Kailangang mapunta ang kapangyarihan mo sa akin!" 

Sumugod na siya sa akin. Mas lalong humaba ang kanyang mga kuko at iyon ang ginamit niya para labanan ako. Isinangga ko ang aking espada sa mga matutulis niyang kuko. Napakalakas niya. Itinulak ko siya gamit ang buo kong lakas at ginawa ko iyong pagkakataon para makalayo sa kanya ng ilang hakbang.

"Paano ka nakakasigurado na kapag nakain mo ako ay mapupunta sayo ang kapangyarihang sinasabi mo?! Sino ang nagtanim sa kokote mo ng impormasyong iyon na hindi naman totoo?!"

"Totoo man o hindi, wala na akong pakealam. Kung totoo nga, eh di maganda dahil babalik na ako sa normal, kapag naman hindi, maayos na din dahil nabusog pa ako!" humalakhak siya pagkasabi niya noon.

Ako na ang sumugod sa kanya. Kung dati ay naglalaro lamang ako ng mga video games na may mga characters na hawak na espada, ngayon ay parang ako na ang nasa loob ng isang video games. Napangisi na lang ako. Hindi ko alam kung bakit parang nag-eenjoy pa ako kesa matakot sa kalagayan ko.

Mabilis akong nakalapit sa kanya. Iniwasiwas niya ang kanyang kamay ngunit nakaiwas ako. Lumipat ako sa kanyang likudan at sa isang mabilis na galaw ay sinaksak ko ang gitna ng kanyang likod. Tumagos ang espada mula sa unahan at dahan-dahan siyang napaluhod. Binunot ko ang espada sa kanyang katawan. Ang lugar sa kung saan ko tinusok ang espada ay may naiwang apoy na kulay ginto na unti-unting bumalot sa buo niyang katawan. Sumigaw siya ng sobrang lakas hanggang sa nawala na siyanng tuluyan.

Napahinga na lang ako ng malalim ng bumalik na ako sa kwarto na para bang walang nangyari. Natutulog pa rin si Papa habang nakaubob. Si Feline naman ay nakaupo sa may couch habang nanonood ng TV. Parang nabura na sa isip ni Feline na may pumasok na nurse dito para magturok ng gamot.

Maya-maya ay muling bumukas ang pinto at pumasok si Chase na hinihingal. Wala namang galos sa kanyang katawan pero may bahid ng dugo ang kanyang espada. Nawala ito sa kanyang kamay at mabilis siyang lumapit sa akin.

"Are you okay? Are you hurt?" 

Hinawakan niya ang aking pisngi at ipinakita ang kanyang daliri na may kulay ginto. Hinawakan ko ang aking pisngi at naramdaman ang mahabang hiwa dito ngunit parang unti-unti na itong nawawala.

"What happened?" tanong niyang muli.

"Dito nagpunta 'yung isang Great Demon. Ang sabi niya ay gusto niya akong kainin para makuha ang aking kapangyarihan." paliwanag ko sa kanya. "Pero okay na naman ako. Wala na siya."

Ngumiti siya sa akin. "You killed it? How?"

Nagkibit-balikat ako. "Hindi ko din alam kung papaano. Bigla na lang lumiwanag at hindi ko namalayan na may espada na pala sa kamay ko. 'Yun ang ginamit ko para matalo siya."

"I see. We need to go. Kailangan nating makausap ang Pontifex Mortis tungkol sayo. Lahat kami ay nahihiwagaan din sayo dahil ito ang unang beses na nangyari ito. It's true that you're a Spiritus Raptor but I feel like there's more into that."

Tumingin ako kina Feline at Papa.

"Kung ganoon, bumalik na tayo."

***

Nakasakay kami ngayon sa Cylindrical Lift patungo sa pinakatuktok ng Turris Vitae. Nasabi sa akin ni Chase na nandoon daw ang Pontifex Mortis. Hindi rin nagtagal ay nakarating na kami sa tuktok ng Turris Vitae. Kumpara sa ibang floor na napuntahan ko. Pinakamaganda itong floor na ito.

Sumunod ako sa kanya at lumakad kami patungo sa isang hallway. Sa dulo ng hallway ay may malaking pinto na kulay puti at ang disenyo ay kulay gold. Parang pamilyar sa akin ang disenyo sa may pinto. Bigla kong naalala ang disenyo ng hawakan ng espada ko kanina. Kapareho ng disenyo ng pinto na ito.

Bumukas ang malaking pinto at bumungad sa akin ang kulay puting pintura ng buong kwarto. Ang lahat ng bagay ay kulay itim. Sa gitna ng kwarto, sa harapan ng malaking bintana, may isang lalakeng nakatayo dito. Nakasuot siya ng itim na suit at may kulay abo siyang buhok.

Lumapit kaming dalawa ni Chase sa kanya.

Iniluhod ni Chase ang kanyang isang tuhod at tumungo. Ginaya ko ang kanyang ginawa dahil parang pagbibigay-galang ito sa taong pinakamataas sa kanila.

"Maaari na kayong tumayo."

Pinagmasdan ko ang itsura niya. Hindi ito ang itsurang inaakala ko. Napakakisig niya. Akala ko ay matanda na ang Pontifex Mortis dahil ang ibig sabihin nito sa Ingles ay 'Highest Priest of Death'. Dahil sa salitang 'Priest', akala ko ay matanda na siya ngunit ang itsura niya ay parang mas matanda lamang siya ng ilang taon sa amin. Kasing tangkad siya ni Chase at may matipunong pangangatawan.  Napansin ko din ang mga mata niyang itim na itim at bilugan.

"Ikaw na ba si Alaizabel Gray?" nakangiting tanong niya.

Ngumiti din ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ang gaan ng pakiramdam ko. Ang lumanay ng kanyang boses at parang musika sa aking tenga.

"A-Ako nga."

"I'm Azrael, the Pontifex Mortis."

***

Sorry sa typos.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com