Capitulum 9
Capitulum 9
Habang pinapanood ko ang Pegasus racing sa napakalaking monitor, parang gusto ko ding sumali. Sayang lang dahil hindi pwede. Sobrang saya kasi lalo na kapag nanonood. Panay ang sigawan ng mga kaluluwa kaya napapasigaw na lang din ako. Mas lalo kong nilakasan ang aking sigaw nang makita kong nangunguna si Beat. Sumunod sa kanya ang isang Spiritus Raptor na may malaking katawan at tadtad ng tattoo ang braso. Sa likudan naman niya ay sina Xeno, Tao at Seth na hindi rin nagkakalayo sa isa't-isa. Malapit na silang lahat sa finish line ngunit nangunguna pa rin si Beat.
Kaunti na lang maaabutan na ni Seth ang lalakeng kasunod ni Beat. Habang papalapit sila sa finish line ay palakas nang palakas ang sigawan ng lahat. Maging ako ay nakikisabay na din sa kanila. Hindi ko na kasi mapigilan ang sarili ko. Mukhang si Beat ang mananalo.
Ngunit sa hindi malamang dahilan, kumabog ng malakas ang aking dibdib. Napahawak ako dito. Napansin ko din na kinikilabutan ako dahil sa nagtataasan kong balahibo. Nangunot ang aking noo dahil sa nangyayari sa'kin. Kaya ba ako nagkakaganito ay masyado lang akong nasasabik sa kung sino ang mananalo? Pero hindi.
Kaagad kong nakuha ang kasagutan sa sarili kong tanong nang tumingin ako sa kalangitan ng Regnum Animae. Kung noon ay napapalibutan ito ng Aurora Borealis, ngayon ay natatakluban ito ng malaking butas na kulay itim. Lahat ng hangin ay napupunta doon at nagsimulang lipadin ang iilang gamit dahil doon.
Mas lumakas pa ang hangin. Hinawi ko ang buhok na humaharang sa aking mukha. Ngunit ang ipinagtataka ko lang ay panay pa rin ang sigawan ng mga kaluluwa kahit na mukhang may masamang mangyayari.
Napatingin ako kay Kyrie na nakangiti at kalmadong nanonood sa Pegasus racing na para bang walang nangyayari. Ibinaling ko naman ang aking tingin sa malaking screen. Nanalo na si Beat ngunit mukhang hindi din nila napapansin ang malaking butas mula sa kalangitan.
Hinawakan ko ang laylayan ng damit ni Kyrie para kunin ang kanyang atensyon. Lumingon siya sa'kin na may ngiti sa labi. Nag-alangan akong sabihin sa kanya ang nakikita ko dahil mukhang wala talaga siyang ideya.
"K-Kyrie,"
Saglit akong lumingon sa kalangitan. Nanlaki ang aking mga mata nang makakita ako ng dalawang malaking puting kamay na may matatalas na kuko na nakakapit sa gilid ng butas hanggang sa unti-unting lumabas ang ulo ng isang demon. Kumpara sa mga demon na nakasalamuha ko, sobrang laki nito.
"What is it, Alaizabel? You looked pale," Hinawakan niya ang aking pisngi. "Are you okay? Do you want to go home?" puno ng pag-aalalang tanong niya.
Umiling ako. "There's a huge demon coming from a black hole in the sky and it sucking up all the things in Regnum Animae," Kinagat ko ang aking ibabang labi. "I-It's slowly coming out from the hole!" sigaw ko nang makitang unti-unting lumalabas ang demon mula sa butas.
Nanginginig ang aking mga kamay habang nakahawak kay Kyrie. Hindi ko magawang ialis ang aking tingin sa malaking demon sa kalangitan. Natatakot ako na baka sirain niya ang napakagandang mundong ito. Sa laki niya, siguradong madaming kaluluwa ang mapapahamak. It's ironic to think that souls can be hurt to but as I watched them laugh, cry and smile, there's a feeling inside me that I want to protect them.
Kyrie looked up the sky. He drifted his gaze at me with his forehead creased.
"I don't see anything," Hinawakan niya ang aking kamay na nakahawak sa laylayan ng kanyang damit. "Are you sure you're okay? Umuwi na tayo dahil mukhang pagod ka na."
Marahas kong iniiling ang aking ulo. Mas lalo akong nataranta dahil halos kalahati na ng demon ang nakalabas sa butas. May malaki siyang sungay. Kulay puti ang buo niyang katawan. Malalaki ang kanyang pangil at ang laway niya ay tumutulo pababa sa kanyang baba. Mapupula ang kanyang mga mata at medyo pahaba ang kanyang mukha. Sa kanyang dibdib ay may nakatatak na pulang rosas kagaya ng mga demon na nakita ko noon.
"But I can see everything!" sigaw ko sa kanya. Fear. Panic. Hopelessness. These emotions are killing me. "Kailangan nating sabihin sa kanila 'to!"
"I-I don't understand you, Alaizabel," aniya. "It's impossible for a Great Demon to enter Regnum Anime because this is a sacred place. This place is for souls like us, souls that need help and souls that have been saved. Kapag nangyari ngang nakapasok ang isang Great Demon dito, ibig sabihin lang nun, nasisira na ang balanse sa pagitan ng mundo ng mga tao at mundo ng mga kaluluwa."
Without taking my eyes off from the demon, I gripped Kyrie's hand. "If it is then why am I seeing a demon in the sky? How can you explain that?" Nagluluha na ang aking mga mata na malamang ay dahil sa takot at pangamba. I looked at him with pleading eyes. "Kyrie, maniwala ka sa'king may demon sa langit! Bakit ba hindi mo 'yon makita?! Kapag hindi tayo kumilos baka masira niya ang buong Regnum Animae!"
Hinawakan niya ang aking balikat. "You're just imagining things, Alaizabel!" Inalog niya ang aking balikat. "Wake up! You're just probably daydreaming!"
"No! Totoo ang mga nakikita ko—"
In the blink of an eye, everything came back to normal like nothing happened. With wide eyes, I looked at the sky and the black hole was gone. The Aurora Borealis shines in the sky that gave light to the whole world. The souls kept cheering for Beat who won the race.
Napahawak ako sa aking ulo. "What the hell happened?" bulong ko sa aking sarili.
Tumingin ako kay Kyrie na may pag-aalala sa kanyang mukha na hinaluan ng pagtataka.
"Seriously, Alaizabel, we need to go back. I think you're sick."
Hindi na ako nakipagtalo pa sa kanya. Hinayaan ko lang siyang dalhin ako sa maluwang na lugar para makapagpalit-anyo siya. Nang maging dragon na siya, kaagad niya akong isinakay sa kanyang likudan. Ni hindi ko na nabigyang-pansin ang kanyang paglipad. Kumapit ako sa kanya at ipinikit ang aking mga mata. Natatakot ako na baka biglang lumabas na naman ang malaking demon.
Ano kaya ang nakita kong iyon? Prediksyon? Guni-guni? Pero totoong-totoo iyon sa aking paningin. Naramdaman ko pa ang malakas na hangin maging ang malakas na kapangyarihan na inilalabas ng demon na iyon.
You're still thinking about what you saw?
Dumapa ako sa kanyang likudan. Bumuntong-hininga ako. "Oo. Maniwala ka sa'kin, Kyrie. Totoo ang mga nakita ko. Kung prediksyon 'yon, kailangan nating ipaalam sa kanila. Hindi ko alam kung bakit ko nakita 'yon pero alam kong may ibig sabihin 'yon."
Ayokong isantabi ang aking mga nakita. Ayokong kapag nangyari na iyon ay wala kaming magawa. Sigurado akong kapag dumating nga ang ganoong klaseng demon, mahihirapan ang lahat ng Spiritus Raptor na puksain 'yon.
Nang makarating kami sa bahay ay tanging si Dominic at Kai lang ang aming naabutan. Pareho silang nanonood ng telebisyon habang sobrang magkadikit sa isa't-isa. Si Kai ay nakapatong ang ulo sa balikat ni Dominic at si Dominic naman ay abala sa panonood. Ni hindi sila umayos ng tayo nang makita nila kaming dalawa ni Kyrie. Si Kyrie naman ay parang walang pakealam sa ginagawa ng dalawa.
"Bakit ang aga niyo yatang nakabalik?" tanong ni Kai.
"Long story," sagot ni Kyrie. "Where's Chase?"
"Hindi pa siya bumabalik," sagot naman ni Dominic. Hindi pa rin niya inaalis ang tingin niya sa telebisyon. "Siguro nasa Turris Vitae siya ngayon para sa meeting."
"Alaizabel and I will go to Turris Vitae," Kinuha niya ang isang lata ng inumin at binuksan ito. "Sumunod na din kayo at sabihin niyo na din sa iba dahil importante 'to."
Ngumuso naman si Kai. "And I thought we'll have our quality time together." Mas lalo niyang isiniksik ang kanyang ulo sa balikat ni Dominic. Cute! Mukhang may 'something' nga sa kanilang dalawa. Todo deny pa si Dominic, eh, halata na naman sa kanilang dalawa.
"Why?" tanong ni Dominic. At last, he drifted his gaze away from the television. "Is something bad happened?"
Saglit na tumingin sa akin si Kyrie. "Malalaman niyo sa magiging pag-uusap natin mamaya. The matters that we will discuss later will be discussed together with the Pontifex Mortis."
"It's that important?" tanong naman ni Kai.
Tumango lang si Kyrie. Ibinaling niya ang tingin niya sa'kin. "Go to your room and sleep." It sounds like a command and I can't say no.
Naglakad ako patungo sa aking kwarto na may mabigat damdamin. Hindi ko alam kung bakit ganito ang aking nararamdaman. Pakiramdam ko talaga ay may masamang mangyayari. Gusto kong maniwala sila kaagad sa'kin pero paano kung ako lang naman ang nakakita ng nangyari kanina?
Hinawakan ko ang seradura ng pinto ngunit bago ko pa mabuksan ito ay nakarinig ako ng malakas na pagsigaw, hindi galing sa isang kaluluwa, hindi galing kina Kyrie, kundi galing sa kalangitan. Napahawak ako sa aking tainga dahil sobrang lakas ng sigaw na ito na para bang halimaw na nagagalit.
Nanlaki ang aking mga mata nang may mapagtanto akong isang bagay. Kahit na patuloy pa rin ang malakas na sigaw, nagpunta ako sa may bintana upang silipin ang langit. Hindi nga ako nagkakamali, sa kalangitan ay may malaking itim na bilog na unti-unting lumalaki. Parang nangyayari na naman ang mga nakita ko kanina ngunit ngayon ay nakikita na ng lahat.
"Alaizabel!"
Humahangos na dumating si Kyrie. Ibinaling niya ang tingin niya sa bintana. Kagaya ng aking reaksyon ay gulat na gulat din siya.
"H-How?" Napahawak siya sa bintana na para bang nanghihina. "That's Apollyon, the King of Demons."
I swallowed the lump on my throat. Nandito na naman sa aking dibdib ang matinding takot at kaba. Mula dito ay naririnig ko ang sigawan ng mga kaluluwa, ang mga yabag ng kanilang mga paa dahil sa pagtakbo at ang pag-iyak ng mga bata.
"How did he get here?" whispered Kyrie. "Anong nangyayari sa balanse ng mundo ng mga tao at kaluluwa? Paano nakapasok ang isang Great Demon na kagaya niya na galing sa Regnum Demonum?"
A sudden jolt of confusion coursed through me, together with overwhelming fear. "Regnum Demonum?"
Tumango si Kyrie. "Kingdom of Demons."
Gusto ko pang magtanong sa kanya pero hindi ko na nagawa dahil biglang dumating sina Chase at ang iba pang Praefectus. Bigla na lang silang nag-appear sa likudan namin ni Kyrie at nag-iwan sila ng iba't-ibang kulay ng dust sa hangin. It seems like the color of their dust represents their position.
"We need to take actions," ani Chase. Seryosong-seryoso ang kanyang mukha. Ni hindi niya ako tinapunan ng tingin. Ang kanyang atensyon ay nasa Great Demon na si Apollyon na unti-unti nang lumalabas mula sa bilog. "Hindi siya dapat makalabas sa bilog na 'yan. Sa aking nakikita, dahil mabagal ang kanyang galaw, naisip kong baka hindi pa gaanong bumabalik ang kapangyarihan niya matapos siyang matalo ng Pontifex Mortis noon pero hindi 'yon sapat para makampante tayong lahat. Oras na makalabas siya dyan, maaari niyang higupin lahat ng kaluluwa dito at maging lakas niya. Ang misyon natin ngayon ay ang pigilan siya sa paglabas sa black hole at ibalik siya sa Regnum Demonum."
Pinapanood ko lang siya habang nagsasalita. Mukha talaga siyang leader dahil sa kanyang ipinapakita. Lahat ng atensyon ay nasa kanya.
Napansin ko naman ang mga suot nilang damit. Nakasuot sila ng puting coat na umaabot hanggang sa kanilang tuhod, sa ilalim naman nito ay itim na v-neck shirt na may logo na sumisimbolo ng pagiging Praefectus nila. Ang pantalon naman nila ay itim na fit sa kanilang mga hita at binti na mas lalong nagpapakita ng hubog nito. Ang sapin naman nila sa paa ay itim na leather shoes. Lahat sila ay nakahanda na para sa laban. Ang kanilang mga espada ay nakasabit sa kanilang gilid. Napansin ko din na iba't-iba sila ng itsura ng espada na sumisimbolo naman ng kaya nilang gawin at ng kanilang katayuan bilang Praefectus.
Suddenly, he looked at me. "Stay here, Alaizabel. You can't help us in this kind of situation."
I felt like I was punched in the gut. My self-esteem dropped to zero.
I smirked at him. "So you want me to stay here, wait like an idiot, watch as the souls panics and cries and be a useless bitch at the end of the day? I didn't come here with you just to be left out, I came here with you because I have nowhere to go and now that I love this world, I won't let any demons destroy it. Not in my watch."
Without a word, I walked away. I felt different emotions surging inside me. I opened my palm and my golden sword pop out, leaving golden dust in the air. Habang patuloy ako sa paglalakad ay napansin kong ang suot ko ay katulad na ng kina Chase. Ang pinagkaiba lang ay mas maikli ang coat ko na hanggang ibaba lang ng dibdib ko. Ang pangloob ko naman ay itim na sando at ang pang-ibaba ay black fitted jeans. Ang hindi lang ako komportable ay sa itim na stilettos na suot ko pero habang patuloy ako sa paglakad ay nasasanay na din ako. Ang itim kong buhok at kulot sa dulo ay nakalugay na umabot hanggang sa aking siko.
I want to laugh because of this transformation pero hindi ko magawa dahil naaastigan din ako. Kapag pala nasa utak ng isang Spiritus Raptor na gusto niyang lumaban, automatic na lalabas ang kapangyarihan niya bilang isa sa kanila. Kagaya ng nangyari sa'kin ngayon.
"Alaizabel!" I was about to open the door when I heard Beat's voice.
I turned to look at him and found out that everyone's behind him. Nagkasalubong ang tingin namin ni Chase pero inirapan ko lang siya at ganoon din ang ginawa niya.
Ngumiti sa akin si Beat. "Wow, you look badass."
Sumipol naman si Lexus. "Sexy!"
"Ang ganda mo, Alaizabel!" papuri naman ni Xeno.
Napailing na lang ako. "Uunahin pa ba natin 'yan kaysa kay Apollyon?"
Napatawa na lang sila maliban kay Chase na nakasimangot at kay Kyrie na palaging seryoso pero may maliit na ngiti sa kanyang labi.
Sabay-sabay kaming lumabas ng bahay. Hindi na nag-aksaya pa ng oras si Kyrie at nagpalit-anyo na siya. Kaagad kaming sumakay sa kanya at nagtungo kami sa kinaroroonan ni Apollyon.
Habang papalapit kami nang papalapit ay mas lalo naming nakikita kung gaano siya kalaki. Kung malaki na siya mula sa lupa, mas lalo na kapag nakalapit na sa kanya. Muli siyang sumigaw kaya napahawak na lang kaming lahat sa'ming tainga. Si Kyrie naman ay medyo tumagilid ang lipad kaya munti na kaming mahulog. Sobrang sakit sa tainga ng kanyang sigaw na pakiramdam ko ay dudugo ito.
Mas pinilit ni Kyrie na mapalapit kay Apollyon. Dahan-dahan niyang ibinaling ang malaki niyang ulo sa amin. Ang mapupula niyang mga mata ay kumislap. Mas ibinuka pa niya ang kanyang bibig.
Nanlaki ang aking mga mata nang makita ang maliit na bola ng ilaw mula sa kanyang bibig na unti-unting lumalaki. Mukhang kami ang pinupuntirya niya.
"He's going to attacked us!" sigaw ni Chester.
Lumipad palayo si Kyrie upang iwasan ang malaking bola ng liwanag ngunit nang bitawan ito ni Apollyon ay nagmistulang sinusundan kami nito. Kahit saan pumunta si Kyrie ay sumusunod ito.
Tumakbo ako patungo sa bandang buntot ni Kyrie upang harapin ang malaking bola ng liwanag. Sobrang laki nito at kapag naabutan kami nito ay siguradong mawawala kami sa mundong 'to.
"Shit!" Paulit-ulit kong narinig ang mga malulutong na mura mula sa bibig ni Chase. Lumapit siya sa'king tabi. Itinaas niya ang hawak niyang pulang espada at nagkaroon ng barrier ang buong katawan ni Kyrie.
Sumunod silang lahat at ginaya ang ginawa ni Chase. Ako naman ay nakatanga lang sa kanilang ginagawa. Paano ko gagawin 'yun? Wala naman akong kaalam-alam sa sarili kong kapangyarihan. Ilang beses kong sinampal ang aking sarili sa aking isipan. Ang lakas ng loob kong sumama sa kanila dito nang hindi ko man lang naisip kung ano nga ba ang maitutulong ko. Ang lakas din ng loob kong makipagtigasan kay Chase, eh, tama naman siyang wala akong maitutulong sa kanila. Magiging pabigat lang ako.
Pero sa huli, ipinilig ko ang aking ulo. Nandito na ako. Kailangan kong patunayan sa kanila na hindi sila nagkamali na isama ako dito.
Tinitigan ko ang aking gintong espada. Ang hawakan nito ay ginto din at sa gitna ng hawakan ay may kulay asul na diyamanteng nakabaon. Nagreflect ang aking mukha doon. Muntik ko nang mabitawan ang aking espada nang makita ko ang aking repleksyon na nakasuot ng puting mask na nakataklob sa kalahati ng aking mukha. Ang tanging nakikita lang ay ang isa kong mata, kalahati ng aking ilong at bibig. Muli kong tiningnan ang aking sarili. Ang aking mga mata ay parang mata ng isang pusa. Napalunok ako. Bakit ko nakikita ito?
"Alaizabel! Are you okay?!" tanong ni Chase habang hindi inaalis ang tingin sa malaking bola ng liwanag.
Tumango lang ako sa kanya.
Ibinaling kong muli ang aking tingin sa aking espada. Parang may bumubulong sa'king isipan hanggang sa unti-unti itong lumalakas.
Embrace your power. Live with it. Fulfill your duties.
Muli kong tinitigan ang asul na diyamante sa aking espada hanggang sa biglang nagkaroon ng nakakasilaw na liwanag na nanggaling mula doon. Napapikit ako dahil hindi kinaya ng mata ko ang liwanag. Habang nakapikit ako ay unti-unti kong naramdaman ang kapangyarihang dumadaloy papunta sa'kin galing sa espada.
Nang imulat ko ang aking mga mata ay nakita ko ang aking repleksyon sa barrier na ginawa nina Chase. Humawak ako sa aking mukha. Tunay nang may maskara akong puti sa aking mukha tulad ng aking nakita kanina. Ang mga mata kong kulay itim ay naging parang mga mata ng pusa. Ganoon pa rin ang suot kong damit pero alam ko, may malaking nagbago sa'kin.
Gamit ang aking espada ay hinati ko ang barrier. Tumalon ako palabas nito at hinarap ang malaking bola ng liwanag.
"What the—" Chase shouted. "Alaizabel! What the fuck are you doing?!"
Hindi ko siya nilingon. Tumalon ako at inihanda ang aking sarili. Muli, gamit ang aking espada, hinati ko naman sa gitna ang liwanag na papatay sa'min na nanggaling kay Apollyon.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com