It Started With A Cheese!
This was the first one shot I wrote. Jeje na, oo na, sorry. Ayoko na i-revise :(
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Click Here, Click there.
Shot, shot, shot.
This is the only thing that makes me happy.
This is the only thing that makes me smile.
This is the only thing that I... Love.
PHOTOGRAPHY.
And I didn't know that...
This 'only thing' is the start of something new.
This 'only thing' is the start of my real happiness.
This 'only thing' is the key to get my reason to smile.
This 'only thing' is the only thing who led me to someone I will love and will LOVE ME.
and IT ALL STARTED WITH A CHEESE.
***
Binuksan ko yung bintana ng kwarto ko para sana makasagap man lang ng liwanag. Pero nagsisi ako kasi nasilaw lang ako. Pero keri lang, masaya ako ngayon eh!
Ang saya saya ko lang kasi natanggap akong maging photographer sa isang stall dito sa Boracay. First summer job ever kaya grabe lang ang excitement ko. It is actually my third day today!
So eto, nasa beach na ko. Nakaskirt and long sleeves with tie since yun ang uniform namin. Ang cute nga eh!
Pagdating ko sa stall...
"Marnelle, andiyan ka na pala! May customer na tayo, dalian mo!"
"Po? Eh 10 minutes pa po bago magbukas yu-"
"Nah-uh. Magtrabaho ka na dali! Dadagdagan ko sweldo mo!"
"Talaga po?! " Feeling ko nagningning ang mga mata ko. "Oh sige po! Nasan po ba siya?"
"Hindi siya. Sila. Magbabarkada eh. Andun na sila sa loob."
After nun,pumasok na ko sa loob. Barkada nga yung magpapapicture. Apat na babae at limang lalaki.
Pinapwesto ko na sila at ayun, nagsmile sila. Patner partner nga eh. Nung tinignan ko yung picture sa cam ko, napansin ko na yung isang lalaki lang ang walang partner. Samantalang siya ang pinakagwapo sa limang lalaki kaya nagtaka ako bakit wala siyang partner.
Pinaulit ko sila magpose. And this time, zinoom ko lang dun kay loner guy. Mag-isa eh. Haha.
"1..2..3..SAY CHEESE!"
"CHEESE!" Sigaw ni loner guy.
"Done. Wait for 10 minutes hanggang maprint." sabi ko at nagsmile.
"Okay. Hoy Blue! Bayaran mo na si Ate Ganda." sabi nung girl na tinulak pa si loner guy.
Ako ba yung Ate Ganda? Parang gusto ko magflip hair, chos! Kaya lumalaki ulo ko eh. So Blue pala ang pangalan ni loner guy. Ang cool lang.
"Psh. Sige na. Magkano po ba Ate....."
"Marnelle. For 9 copies po ba? 63 pesos po."
"Okay. Haha. Eto 100. Keep the Change." Kumindat siya. Naramdaman ko namang uminit ang pisngi ko.
"O-okay."
After nilang makuha yung picture umalis na sila pero... Naiwan si Blue?
"Uhm, sir. May kailangan ka pa po?"
"Call me Blue. Kailangan? Meron."
"Ano po iyon?"
"Oras mo, Marnelle Garcia."
Nagulat ako. Teka, kilala niya ako?
"Hahaha! Ayun oh, nasa nametag ng camera mo." inulit pa niya. "Marnelle Garcia."
Pahiya ako dun.
"So ano? Magtititigan nalang ba tayo o ibibigay mo sakin ang oras mo?"
"For what? I mean, may trabaho pa ako."
"Duh? After work ofcourse. Hanggang 3pm lang naman kayo eh."
Hindi ako sumagot.
"So ano?"
"Uhmmm..... s-sige."
After nun... Umalis na siya and after work, dumaan siya dito and sinundo ako.
"So, tara na?"
Tumango ako.
Pumunta lang kami sa dalampasigan atnag-usap lang. Every day niya yun ginagawa. Actually 2 weeks na namin yun ginagawa. Kwentuhan, tawanan. Pero naisip ko... tama bang ma-attach ako sa kanya? Yes, I like him. He understands me. He makes me happy. He makes me smile. He makes me forget all my problems. I like him and I know it's mutual. Kaso, I'm here to work and after summer, I'll go back to Manila.Tama bang magustuhan ko siya kahit sandali palang kaming magkakilala? Tama bang masanay ako na nandyan siya sa tabi ko at masaya kami? Hindi kaya hanap-hanapin ko siya pag bumalik na ako sa Manila? Hindi kaya... mahalin ko na siya kapag nagpatuloy pa ito? Baka... masaktan lang ako. Baka.... masaktan lang siya. I need to decide....
"Marnelle?"
"A-ah. Yes?"
"You're idling."
"Ah, sorry."
"What are you thinking?"
"A-ano. After 2 weeks.. I'll leave Boracay and I'll... return to... Manila."
Nalungkot naman siya bigla.
"It's alright! Pwede naman natin sulitin ang 2 weeks nang magkasama diba?" He smiled as I shook my head.
"I think.. It's better if we don't talk anymore."
"Ha? Why?!"
Nagsmile nalang ako sa kanya at umalis. Tinatawag niya ko pero di ko na siya nilingon. Mas okay na to.. Kaysa pareho tayong masaktan sa huli. Napabuntong hininga nalang ako. Alam pala niya address ko sa Manila. Paano kung puntahan ako nun. Aw, feeler ko lang.
After 3 weeks...
Di ko na talaga kinausap si Blue mula nun. And I'm glad hindi na rin siya pumupunta noon sa work ko. I wonder if bumalik na sila ng barkada niya eh. Well, good for him. I hope he'll forget me but I can't forget him. Totoo pala yung sinasabi nilang pag nawala yung taong yun sayo, saka mo lang malalaman ang halaga niya. And I can say that, I lost. I fell in love with him.
Eto ako, nasa Manila na. 1 week na ko dito. I'm longing for him. Right now I'm looking at his picture. Naalala niyo? Kinuhanan ko siya ng solo shot nung nagpapicture sila. Yun lang ang memory ko mula sa kanya.
*dingdong*
Tumayo ako at binuksan ang pintuan. Nagbabakasakaling siya yun pero...
"Ma'am, sulat po na pinapadeliver. Papirmahan nalang po ito."
Kartero lang pala. Hayy. Pinirmahan ko na yung pinapapirmahan niya at iniabot sa akin yung sulat. After nun, umalis na siya. Pumasok na ako sa loob at laking gulat ko na galing pala kay... Blue.
"Kay Blue?!" Dali dali kong binuksan at binasa.
Dear Marnelle,
Hello!! Siguro pag nabasa mo na ito, wala na ako.
Wala? bakit naman? Weird. Eh ako nga yung nang-iwan eh.
Nagtataka parin ako kung bakit mo ako iniwan that afternoon. But I'm here to tell you something and it's not about that. You know what? I like you. I really really do. Kaya sobra akong nasaktan nung sinabi mo saking wag na tayong mag-usap. Nalungkot ako ng sobra sobra. I really hate the feeling kasi first time lang ako nakaranas ng ganoong sakit. Well, emotionally. I'm physically sick kasi eh. Haha!
What do you mean?
I have Cancer. Sabi nung doctor ko sa Manila, malala na daw. Baka daw di na maagapan kaya I decided na wag nalang magpagamot. When my barkada knew about that, sabi nila na magpagamot daw ako. Pero ayoko. Kaya sabi nila na mag-Boracay nalang daw kami and have fun. Maghanap daw ako ng happiness. Until.. I found you. You're my happiness. Sabi ko nga nung close na tayo, na 1 month is not enough to be with you pero yun lang ang kakayanin eh. Pero after 2 weeks, yun nga. You left me. Pero don't worry, I'm not mad! Ang saya ko nga eh. Kahit wala na akong time, nagawa mo akong pasayahin. And I thank you for that. Hindi ko alam kung buhay pa ako kapag nabasa mo ito. Bago nga ako mamatay eh 3 na bagay lang ang nasa isip ko. Sana nagustuhan mo din ako, sana napasaya kita at sana hindi ka malungkot. Please remember na lagi lang ako nasa tabi mo. It started with a 'Cheese'. Our story started with that 'say cheese'. It's so weird right? Nagkita siguro tayo sa tamang lugar pero sa maling panahon. Kasi nagkita nga tayo pero wala na tayong oras magkasama. I never regretted that I met you.
Cheer Up! Don't be sad. Be happy. Please find your real happiness. Please find the reason for your smile. Please find.... someone to love. And please.... Don't cry. I'll always be at your side. I promise. I LOVE YOU.
Love,
Blue.
P.S. Our story ended without you saying 'cheese'.
May picture na kasama yung letter... Picture ko na nakatalikod, naglalakad, lumalayo..... sa kanya.
***
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com