Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 56

R E V E L A T I O N

A/N: Hi! Leave comments and votes after reading! Thank you. WAG SILENT READER. Hue. Comment din please? Chapter Dedicated  to: stefhanierayco thank you!

DiamondAlpha

-----------------------------------

Alfred's PoV

It's been a month already. Still, the pain in my heart won't go away.


Me and Zoe still can't go along. How can we? Sa ugali niyang yon siguro bilang nalang ang mga gustong sumama sa kanya. Or should I say, she acts nice to others, but not to me. That's why we can never get along.

But the feeling I get when we were in tagaytay is like coming back again. Yung pagkaalala ko kay Chloe tuwing nakikita ko si Zoe. There's really something.

Minsan nga pinipigilan kong isipin 'yun. Because my feelings get hurt all over again when I remember her.

Seriously speaking, there was this time na pinagmasdan ko si Zoe.

She really does look exactly like Chloe. Sa name pa nga lang magkatunog na. The only difference between them is their hair and some angles on their faces. May nunal rin si Zoe malapit si mata, samantalang si Chloe wala.

One more thing, Chloe is prettier. Even though she's not rich. Even if she's poor... She's the most beautiful girl I've ever seen in my life.

Napatigil ako sa pag-iisip ng magring ang cellphone ko.


I was just lying in my bed.


I stretched my arms to reach for my phone. Sinagot ko ang tawag ng hindi tinitignan kung sino.


"Hello?" Bored kong tanong sa kabilang linya.


"Son." It was dad.


"Bakit Dad?" Tanong ko.


"I just wanted to inform you that, next week na ang pirmahan ng merging contract."


"Okay." Sagot ko lang kay Dad.


"That means next week na rin ang pirmahan niyo ni Zoe about your marriage. Next week, you and zoe are officially enggaged to each other."


"Fine, Fine. I'll tell her." Sagot ko ulit.


"That's good! So how are you two?" Tanong ni Dad.


"We're okay."


Yeah. I had to lie. I wanted to say I hate living with Zoe but I can't. Napagkasunduan din namin ni Zoe na magpanggap na magkasundo whenever our parents are around.


"Good to hear. Don't forget next week, okay son?" Pagpapaalala pa ni Papa sa kabilang linya.


"Oo na. Just get things over with. Bye."


Before he could even answer, binabaan ko na siya.


I put down my phone and layed back to bed. Gabi kasi dito sa America. Si Zoe? Di siya matutulog dito. I don't care where she sleeps. Bahala siya.


I remembered what Dad said.


Officially enggaged na kami ni Zoe next week... That's sucks.


On the bright side, I think, It's a nice idea.


I promised my self to never love again. I promised to never replace her in my heart. To never love anyone else.


Good thing Zoe is my fiancee because I'm pretty sure I will never fall for her. Or will I?


I took a deep breathe.


Once I sign the marriage contract with Zoe, there's no turning back.






--------

Chloe's PoV


Naiiyak ako ngayon dito sa kotse ni Bea ngayon. Papunta kami sa apartment namin ni Auntie para kausapin siya.


"Don't cry, dear." Sabi ni Tita Becca, napansin niya yata na tutulo na ang luha ko. Katabi ko siya.


I tried to calm myself. Di kasi ako makapaniwala na tinago ako ni Auntie sa parents ko.. Yun kasi ang sabi ni Tita Becca.


"Your Auntie will explain everything." Sabi pa ni Tita Becca.


I hope so. She really needs to explain everything!


Kunot-noo akong tumango. Pinigilan ko pa ang luha kong gusto nang lumabas.


I just really can't believe it. Mahigit 17 years akong h-hiniwalay ni Auntie sa totoong magulang ko.


Bakit? Bakit niya yun nagawa?


I looked at Bea when she suddenly exclaimed.


"Gosh Chloe! Kapatid mo Zoe! As in Zoe na fiancee ni Alfred! Isa ka palang Villaflor. Alfred should know this!"





Nagulat ako sa mga sinabi ni Bea. She's right..





Kung totoo man ang sinabi ni Tita Becca na isa akong Villaflor...






Kapatid ko si Zoe.








"Should I text Alfred all about this?" Tanong ni Bea at hinanda ang pagtext sa cellphone niya.


"N-No Bea. Please, huwag muna natin sila problemahin. I need to clear out things first.." Mahinang sagot ko sakanya


Di pa ako sure sa mga nalaman ko... Kailangan talagang makausap si Auntie. Gulong gulo na ako.


"Ah okay, sorry." Bea said and gave her sorry face.


Kung kapatid ko si Zoe, ibigsabihin, mayaman ako. At kung siya ang fiancee ni Alfred para sa arranged marriage ng dalawang company, p-pwedeng--


"Chloe we're here na." Sabi sa akin ni Bea.


Naramdaman kong tumigil na ang sasakyan. Napatingin ako sa bintana. Nasa tapat na kami ng Mansion nila Ma'am Clara.


"Trixie, Bea, you guys should stay." Sabi ni Tita Becca sakanila ng makababa kaming dalawa.


Mabilis namang tumango sila Trixie at Bea.


Pumasok na kami ni Tita Becca sa gate. I looked at her and she seems to look so sorry for me. Naglakad kami patungo sa apartment namin ni Auntie.


Nasa harap na kami ng pintuan.


Napatingin ako kay Tita Becca at nakatingin lang din siya na nagsasabing "go."


Nag-aalinlangan pa akong kumatok ng kunatok. Hinintay namin na may sunagot. Kinakabahan ako na naiiyak.


"Andyan na ho!" Boses ni Auntie kasabay ng pagbukas ng pintuan.


Nagulat siya ng bumungad kami ni Tita Becca. Nanlaki ang dalawang mata niya na nakatingin sa amin.


'Di ko na mapigilan ang mga luha ko, bigla na itong tumulo. Ewan ko kung magagalit ako,


"Chloe?! Ba't ka umiiyak hija?" Sabi ni Auntie at pinapasok kami.


Bigla siyang napatingin sa kasama ko.


"Rebecca?!" Gulat na tanong niya.


"Ngayon lang ulit tayo nagkita! Namiss kita Rebecca!" Niyakap ni Auntie si Tita Becca.


Pero hindi niyakap ni Tita Becca pabalik si Auntie. Hindi niya rin ito sinagot. Mukhang nagtatampo si Tita Becca sakanya.


Kumalas sa yakap si Auntie at napatingin sa amin. Kumunot ang noo niya.


"Sandali... B-Bakit kayo magkasama ni Chloe?" Takang tanong ni Auntie at parang kinabahan.


Bigla nanamang tumulo ang luha ko.


"I-Ibigsabihi.." Di matuloy ni Auntie ang sasabihin niya.


"Tama Tess.. Sinabi ko kay Chloe ang totoo." Dere-deretsong sabi ni Tita Becca sakanya.


T-Totoo ang lahat ng sinabi sa akin ni Tita Becca kanina?


'Di ko namalayan napahagulgol na ako sa iyak.








"C-Chloe.." Lumapit sakin si Auntie.





"B-Bakit? B-Bakit mo y-yun ginawa?" Tanong ko kay auntie habang humahagulgol sa iyak.


"P-Pasensya ka na.. C-Chloe.." Sinubukan niya akong hawakan pero umiwas ako.


Napatingin ako kay Auntie at umiiyak na din siya.


"Why did you do that to her, Tess? Akala ko, binalik mo siya sa kapatid mo. Bakit mo siya tinakbo?" Narinig kong tanong ni Tita Becca kay Auntie.


Tumayo si Auntie at napayuko. "Ang totoo niyan... N-Naging makasarili ako," napatigil si Autie at nagpunas ng luha.


Humihikbi na din siya.











"H-Hindi kasi ako biniyayaan ng diyos... Na magkaanak."





Parehas kaming nagulat ni Tita Becca sa sinabi ni Auntie.


"A-Ano? B-Bakit hindi mo 'yan sa'kin sinabi noon?" Tanong ni Tita Becca kay Auntie.


"N-Nahihiya akong sabihin.. Atsaka naging busy ka na rin kasi sa anak mo noon diba? Kaya nawalan tayo ng koneksyon sa isa't isa...."


"Tess... Dapat.. Binalik mo siya sa kanila." Sabi ni Tita Becca at mukhang naawa kay Auntie.



"Di ko alam kung paano ibabalik si Chloe kay Ate kaya... Pinagdesisyunan kong ako ang magpapakalaki sa kanya... Tutal.. May isa pa naman silang anak.." Sagot ni Auntie at umiyak ng umiyak.


Lalo rin akong napahagulgol ng marinig ko ang lahat galing kay Auntie. Kinuha niya ako ng ganun ganun lang?


"P-Pano niyo po ba ako nakuha sa mga magulang ko?" Di ko maiwasang itanong habang umiiyak.


"Gan'to kasi yun Chloe.. Your Father and Mother we're always fighting.. Noong gabing yun. Muntik na kayong saktan ng kapatid mo noong lasing na lasing ang papa mo. 1week straight na ganun ang daddy mo. At dahil naawa kami ng Auntie mo ay naisipan namin kayong... Itakas." Pag-explain ni Tita Becca sakin.


"K-Kapatid?" Napatigil ako bigla sa pag-iyak.


"O-Oo Chloe may kapatid ka... Kambal kayo." Sagot ni Auntie.


Nagulat ako.


Isang babae lang ang pumasok sa isipan ko. Si Zoe... Kapatid ko nga siya. Kaya pala nasabi ni Alfred na magkamukha kami.. Dahil hindi lang kami magkapatid lang.. Kambal kami.


"W-What's my real name?" Tanong ko pa sakanya. I need to know.


"Chloe... Chloe Villaflor." Sagot ni Auntie na ikinagulat ko.


Totoo ang lahat. Lahat lahat ng tumatakbo sa isipan ko totoo. Ang hirap nga lang paniwalaan..


Di ako makapaniwala sa lahat. Panaginip ba 'to?


"Nung gabing 'yun, hindi namin natakas ang kapatid mo.. Tanging ikaw lang..." Sabi ni Tita Becca.


That explains kaya hindi ko kasama si Zoe lumaki. Siya kasama niya si Mama at Papa.. Habang ako nandito. Kaya rin siguro hindi na kami masyadong magkamukha kahit kambal kami.. Dahil magkabilang aspeto ng buhay kami lumaking dalawa.


Di ko maiwasang umiyak ng umiyak habang iniisip ko ang lahat ng 'yan.


"Ate ko ang tunay mong ina, Chloe..." Sabi rin ni Auntie at muling umiyak.


"N-Nasaan sila ngayon?" Pagtatanong ko.


"Nasa.. Nasa America."Sagot agad ni Auntie sa akin.
"K-Kapag nag-18 ka na sana ko balak sabihin ang lahat Chloe.. G-Gusto ko lang kasi talagang makaranas magkaroon ng a-anak."


Umiyak ako ng umiyak. Gusto kong umalis. Lumayo sa kanila. Naninikip ang dibdib ko sa lahat ng nalaman ko.


"P-Pasensya ka na talaga Chloe.. D-Di ko sinasadyang di ka ibalik sakanila. P-Patawarin mo ako.. Naging makasarili ako.."


Napatingin ako kay Auntie at nakapikit siyang umiiyak.


Di ko na mapigilan ang nararamdaman ko.


"D-Di sinasadya?! Habang yung kapatid ko sa america... Saganang sagana sa pera.. Ako dito? Nagpapakahirap para lang makapagdagdag para sa pera natin?!" Galit na galit kong sigaw kay Auntie. Umiiyak parin ako.


"Habang ako.... Natutuksong mahirap... Andun yung kapatid ko sa Amerika.. Masayang masaya kasama ang mga magulang niya..." Iyak ako ng iyak habang sinasabi yan.


Di ko na nakayanan. Palabas na sana ako ng Apartment ng hawakan ako ng Auntie sa braso.


"Patawad Chloe. Please.. P-Patawarin mo ako..." Pagpipigil sa akin ni Auntie lumabas.


Naisip ko ang lahat ng pinagsamahan namin ni Auntie. Ang pag-aalaga niya sa akin mula bata hanggang ngayon. Hanggang sa may sakit ako.. Nandiyan siya. Tinuring niya talaga akong sariling anak.


Kaso, mali eh.





Mali ang tinago niya ako sa pamilya ko.


Napalingon ako kay Auntie at sinagot siya.





Napasinghap ako sa hangin. Nagpunas rin ako ng luha.





"Papatawarin po kita.. Kapag nakilala ko na sila. Kapag harap-harapan ko na silang nakita." Natigilan si Auntie sa sinabi ko. "At gusto ko, ipaliwanag mo rin sakanila ang lahat. Katulad ng pagpapaliwanag mo sa akin ngayon.."











-----------------
Note: 4 Chapters left! Ang bilis~

Chloe and her Auntie Tess at the media.. crying cx

Okay sorna! Di ako marunong magbigay ng thrill eh nu. HAHA. pano yan guys? Pipirmahan na ni Alfred ang kontrata?



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com