Just One Day ~
Cathyrine's POV
You're in Danger ~
"WAAAAAAAAAAAAAH!" sigaw ko ng magsimula na ang pinakahihintay kong video ng paborito kong banda, ang EXOTSFINITE.
Mamaya-maya pa ay nakarinig ako ng kalabog. Agad kong pi-nause ang pinapanuod ko at nag-abang ng susunod na mangyayari. Makalipas ang ilang segundo ay nawala 'yung kalabog. Ipagpapatuloy ko na sana ang panunuod ko ng maramdaman kong unti-unting gumagalaw ang door knob ko. Bigla na lang tumalon ang puso ko sa takot at kaba na akala mo'y kabayong patuloy sa pagtakbo. Naghanap ako ng kahit anong bagay na maaari kong maging proteksiyon at nahagip ng kamay ko ang boots na gagamitin ko para sa concert ni Oppa. Nung una ay nag-aalinlangan pa akong kunin ito pero nang makita kong unti-unting bumubukas ang pintuan ko ay agad kong binato sa kanya ang boots ko at nagsisigaw.
"Umalis ka dito magnanakaw. O kung multo ka man o white lady o kaya naman tikbalang, umalis ka hindi ka makakalapit sa akin." sabi ko sa kanya habang hawak-hawak ang rosary ko.
Sa halip na umalis siya ay unti-unti siyang lumalapit sa akin at dahil dun, dahan-dahan kong tinungo ang mukha ko at mula doon ay nakita ko ang kulay puti niyang bestida na sayad sa lupa. Tumigil siya sa paglalakad at mamaya-maya pa ay hinawakan niya ang mukha ko.
"Waaaaaaaaah. Katapusan ko na po ba? Sasapian ba ako ng white lady na nasa harapan ko ngayon? Sana naman po huwag." mataimtim kong dasal sa Diyos habang dahan-dahan niyang itinataas ang mukha ko.
Hinintay ko ang sunod niyang gagawin ngunit lumipas ang ilang minuto ay wala pa rin siyang ginagawa. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at doon nakita ko ang isang babaeng nakapamewang.
"Harujusko Cathyrine. Akala ko kung ano ng nangyari sa'yo." sabi ni Mama sa akin. Mali, pasigaw na sabi ni Mama sa akin.
"At bakit basta basta mo na lang binabato ang boots mo? Nakalimutan mo na ba kung magkano 'to?" pagpapatuloy nya.
"Hindi po. P 9,999.00 po 'yan Ma." walang kagana-ganang sagot ko sa kanya.
"Ikaw talagang bata ka." sabi niya habang inaabot ang boots sa akin.
Aalis na sana sa kwarto si Mama ng bigla siyang mapatawa kaya tumingin ako sa kanya. Paniguradong lalaitin na naman nya ang mahal kong si Taehyung.
"Hay naku. Sinasayang mo ang kuryente natin sa panunuod mo sa mga baklang iyan."sabi ni Mama habang nakaturo sa screen ng laptop ko.
"Hindi sila bakla Mama." sabi ko kay Mama habang naka-pout.
Muli siyang tumawa at aalis na sana siya ng bigla siyang lumingon at nagsalita.
"Nandito pala ang crush mo." sabi ni Mama sa akin habang nakangiti.
"TALAGA?! Nandito si V Oppa?" masayang tanong ko kay Mama.
"Oo. Si V " nakangiting sabi nya sa akin sabay sarado ng pinto ko.
Dali-dali akong nag-ayos ng sarili at tumakbo na papunta sa sala namin.
"Kailangan good shot ako kay Oppa." bulong ko sa sarili ko habang naglalakad ako papalapit sa kanya.
Ang perfect nya talaga. 'Yung tipong kahit likod lang nya ang tingnan mo, malalaman mo ng ang gwapo-gwapo nya talaga.
"Hi Oppa." nakangiting sabi ko sa kanya ng makita ko siya.
Nakatalikod pa siya sa akin kaya hindi ko alam kung lilingon ba sya sa side ko pero laking gulat ko ng unti-unti siyang lumilingon. Ano kaya ang gagawin niya? Kikindat ba siya? Magpapacute? Waaaaaaaaaaaaaah! Sana wag akong mapaihi sa kaba. Grabe. Umaapaw ang feels ko. Kaso ng makita ko na sya, biglang umurong ang ihi ko at sa halip na umapaw ang feels ko, nadisappoint ako ng makita ko siya.
"Oh? Anong nangyari sa'yo fangirl?" tanong niya sa akin habang may mapanlokong ngiti sa mukha.
"Close ba tayo?" pagmamataray ko sa kanya sabay upo sa sofa na katapat ng kinauupuan nya.
Sino ba siya? Siya lang naman ang masungit at walang pakialam sa mundo na si VJ Villaflor. Hindi ko alam pero hindi pa naman kami nag-uusap at higit sa lahat, ayaw kong makausap ang tulad nya kasi hindi ko sya feel, at tingin ko, hinding-hindi ko sya mafe-feel.
"Paano mo nalaman ang bahay namin? Are you stalking me?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
"What if I say yes, what will you do?" sabi niya habang naka-smirk at naglakad papalapit sa akin.
Hindi ko ba alam pero nakaramdam ako ng kakaiba. Bigla na lang tumibok ng sobrang bilis ang puso ko na akala mo ay mga kabayong nagkakarera para manalo sa palaro. Kaya naman agad akong napatayo mula sa kinauupuan ko at naglakad patalikod habang nakatingin sa kanya.
"H-hoy. W-wag mo kong p-pinaglololoko ha" nauutal na sabi ko sa kanya.
Binilisan nya ang lakad nya at ganun din ako kaso nga lang, ang malas ko kasi mamaya-maya pa ay na-corner na niya ako. Pano na 'to? Ano bang gagawin niya sa akin? Unti-unti niyang nilapit ang mukha niya sa akin at sinab ang mga salitang nakapagpabagal ng oras ko.
"I Like You. I really do." sabi niya habang papalapit na ang mukha namin sa isa't isa.
Hindi ako makagalaw. Bakit ba ako nagkakaganito? Hindi mapakali ang puso ko. Patuloy pa rin siya sa pagtakbo na sinabayan pa ng mga paru-paro sa tiyan ko na hindi malaman kung saang direksiyon lilipad. Gusto ko na ba siya? Pero paano si V Oppa?
Habang iniisip ko 'to ay nagulat ako sa sunod na nangyari.
"Ms. Kim!! Natutulog ka na naman sa klase ko. Get out of my classroom now!! You too Mr. Villaflor." sigaw ni Ma'am sa akin kaya naman nagising ako.
Pagtayo ko ay nagulat ako ng makita ko siyang nakatayo. So, napalabas din pala siya. Napahawak ako bigla sa dibdib ko, bakit feeling ko totoo 'yung nangyari? Bakit ganun na lang kabilis ang tibok ng puso ko? Umling na lang ako at lumabas na sa classroom. Bago pa man ako makapunta sa isa sa mga bench ay narinig ko siya.
"Maganda ka Katkat. Kaso kung maghilik ka wagas." natatawang sabi niya sabay alis sa harapan ko.
Anong sabi niya?! Humihilik ako? Hindi kaya. Never akong humilik. As in N-E-V-E-R.
"Yabang mo. Bakit ikaw hindi ka ba naghihilik?" sigaw ko sa kanya dahil medyo malayo na sya sa akin.
"Hindi." seryosong sagot niya sa akin sabay lakad palayo sa akin kaya naman, as usual, pinagtitinginan na naman ako ng mga tao.
Dahan-dahan akong umupo sa bench at nag-buntong hininga habang nakatingin sa pintuan ng classroom namin.
"Humanda ka sa akin VJ. Magagantihan din kita. Tandaan mo 'yan." sabi ko sa sarili ko habang ginugusot ang hawak kong papel.
****
"Ano bang problema mo ha?!" sigaw ko sa kanya ng matapos ang subject namin bago mag-lunch.
"Wala naman. Ikaw? May problema ka ba fangirl na warfreak?"sabi niya habang naka-smirk.
Inirapan ko na lang sya at umalis na sa harapan niya. Pumunta ako sa rooftop para makalanghap ng sariwang hangin. Kapag kasi malungkot ako o frustrated, dito lang ako pumupunta para naman mabawasan 'yung feeling na nararamdaman ko. Lumapit ako sa railings at pinagmasdan ang mga estyudante sa baba. Lahat sila may iba't ibang ginagawa. 'Yung iba nagtatawanan habang naguusap usap at 'yung iba naman naghahabulan habang nagaasaran. Sobrang sarap nila sa paningin. Patuloy lang ako sa pagtingin sa kanila ng bigla na lang may nagsalita na ikinagulat ko.
"Hey!" sabi niya habang nakangiti.
"Hello?" sagot ko sa modern Einstein na kaharap ko.
"I'm Jacob. You are?" sabi niya habang nakangiti.
"Cathyrine." sabi ko sa kanya habang nakangiti.
Hindi ko ba alam pero parang matagal ko ng nakausap ang lalaking 'to. Siguro classmate ko siya nung Elementary kaso dahil sa talino niya ay nabaliw at ngayon lang nakabalik. O kaya naman baka alien siya na matagal na akong pinagmamasdan dahil sa ganda ko. Kaso sorry siya kasi si V Oppa lang gusto ko.
"Are you okay?" muli niyang tanong sa akin.
"Yeah." sabi ko sa kanya habang nakangiti.
Magkatitigan lang kaming dalawa ng biglang may nagsalita.
"Tss. Ang ingay nyo naman. Hindi nyo ba alam na may natutulog?" sabi niya habang nakatakip sa mukha niya ang isang libro.
"Bakit? Sa'yo ba 'to?" pagmamataray ko sa kanya.
"Oo sa akin 'to." sabi niya sabay alis ng libro sa mukha niya.
Sabi na nga ba itong unggoy na naman na ito ang kaharap ko. Psh. Panira talaga ng araw.
"Hahahahaha." tawa niya habang nakatingin sa akin.
"May nakakatawa ba?" pagmamataray ko sa kanya.
"Oo. 'Yung expressions mo nakakatawa kaya, to make it short, nakakatawa ka." sabi niya sabay tawa ng pagkakalakas-lakas.
Magsasalita pa sana ako ng bigla siyang tumayo at umalis sa rooftop.
"Aish. Nakakaasar ka VJ. Akala mo kung sino kang gwapo, mukha ka namang unggoy. Akala mo bagay sa'yo ang maging cool. Duh, mukha kang unggoy na pa-cool." sigaw ko habang nakatingin sa pintuan ng rooftop.
"Ganun ba katindi ang galit mo sa kanya?" tanong ni Jacob sa akin habang nakatingin sa baba.
"Oo. Kung alam mo lang lagi siyang ganyan." sabi ko sa kanya sabay buntong-hininga.
"Talaga? Ang sama pala ng ugali nya no?" sabi niya sa akin habang napapaisip.
"Sobra. Pinakamasama ang ugali nya sa isang gangster na walang ibang ginawa kung hindi makipag-away." sabi ko sa kanya habang humihigpit ang hawak 'dun sa railings.
"Pero alam mo, maaaring mangyari sa'yo ang quotation ng mga taong sobra ang galit sa iba pang tao." sabi niya sa akin habang nakangiti.
"At ano naman ang quotation na 'yun?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
"The more you hate, the more you love." nakangiting sabi nya sa akin habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko.
"Yuck." agad na sagot ko sa kanya.
"Let's see." sabi niya ng may mapalad na ngiti sa kanyang mukha.
Ano ba ang gustong palabasin ng alien na 'to?
***
"BAKIT NYO KO KINULONG KASAMA NG UNGGOY NA 'TO?" sigaw ko sa mga tao sa labas ng booth.
"Tss. Ang ingay mo warfreak na fangirl." sabi niya sabay lagay ng headset sa tainga nya.
"Atleast may pakinabang ako. Hindi katulad ng iba diyan na nakikinig lang ng music habang nandito tayo sa loob ng booth. Siguro, gusto mo akong makasama ng mas matagal kaya mo 'to ginagawa." sabi ko habang nakangiti.
"Wag kang assuming warfreak na fangirl. Hindi kita gusto. Wag kang kire." sabi niya habang nakatingin sa akin.
"Whatever." sabi ko sa kanya sabay bukas ng camera ko.
Nang titingnan ko na ang camera ko ay bigla na lang nagkaroon ng kakaibang kulay sa screen. Naging color black ito at mamaya maya pa ay nagkaroon ng kakaibang imahe. Imahe ng isang babae.
"Anong nangyayari sa'yo? Okay ka lang ba warfreak na fangirl? Aatakihin ka na sa puso eh." sabi niya habang natatawa.
Hindi ko siya pinansin at itinuon ko na lang sa tingin ko sa harap ng camera ko.
"Hey ! Are you okay?" muli niyang tanong sa akin.
Unti-unting lumalapit yung imahe sa akin. Sasapian nya po ba ako? Waaaaaaaaaah! Wag naman po sana. Hindi ko pa po kasi nakikita at nakakausap si Oppa.
"You're dead." sabi ng imahe at mamaya-maya pa ay biglang nawala 'yung imahe.
"Bakit ka ba kasi nanunuod ng horror na video clip hindi mo naman pala kaya." sabi niya sa mataas na tono.
"K-kasii .." nauutal na sabi ko sa kanya at mamaya-maya pa ay naramdaman kong niyakap niya ako
"Sssshhh." sabi niya habang pina-pat ang ulo ko.
"V-VJ." nauutal na sabi ko sa kanya.
"Hmmm." sabi niya sabay punas ng luha ko.
"T-thank you." sabi ko sa kanya habang nakangiti.
"Wala 'yun Katkat." sabi niya sa akin sabay tapik sa balikat ko.
Nang marinig kong banggitin niya ang pangalan ko, hindi ko ba alam pero napangiti ako. Hindi naman pala siya ganung kasama eh, may soft side rin naman pala ang isang Vj Villaflor.
****
"Here." sabi niya habang inaabot ang isang towel sa akin.
Agad ko naman 'yung kinuha at nagpasalamat sa kanya. Makalipas ang ilang minuto matapos ang naging pag-u-usap namin ni VJ ay biglang dumating si Jacob.
"Hey." sabi niya sa akin sabay inom sa tubig na hawak nya.
"Hello." nakangiting sabi ko sa kanya.
"May dapat ba akong malaman?" nakakalokong sabi nya sa akin sabay kiliti sa tagiliran ko.
"Ha? Anong ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong ko sa kanya habang nakangiti.
"Do you.. like him?" diretsong tanong niya sa akin habang nakatingin sa mga mata ko.
"AHMMM. I think?" hindi siguradong sagot ko sa kanya.
"Be sure to what you feel." nakangiting sabi nya sa akin sabay gulo sa buhok ko.
'Yan na naman ang mga words ng bestfriend kong alien. Minsan talaga hindi ko sya maintindihan.
"Sige. Time na ko Jacob. Next time na lang ulit." nakangiting sabi ko sa kanya sabay wave.
Aalis na sana ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko kaya napaharap ako sa kanya. Hindi ko ba alam pero may kung anong kuryenteng dumaloy sa katawan ko. Ano kaya 'yun? Hindi kaya alien talaga siya?
"Here." nakangiting sabi nya sa akin sabay pisil sa pisngi ko.
"Ano 'to?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
Nagkibit-balikat lang siya kaya naman tiningnan ko kung ano ang binigay nya. Nang makita ko kung ano 'yun ay napatalon ako at napayakap sa kanya.
"Waaaaaaaah. Jacob, thank you. Waaaaaaah. I love you bestfriend." masayang sabi ko sa kanya.
"I love you too bestfriend." sabi niya na sa akin na naging dahilan ng pagkabog ng dibdib ko.
Ano ba ang nangyayari sa akin? Bakit ganito? Bakit parehas ang nararamdaman ko ? May mas gusto ba ako sa kanilang dalawa? Pero paano si V Oppa?
********
"WAAAAAAAAAAAH! Go V OPPA. WAAAAAAH. SARANGHAEYO." sigaw ko ng magsimula na ang concert nina Oppa.
Minsan na nga lang magkagusto, sa taong hindi ko pa nakikita at nakakausap ako nahulog.
Nung una, oo inaamin ko na kay V Oppa lang umiikot ang mundo ko. Lahat ng album nila, kinolekta ko. Mismong relo ng group nila binili ko para lang maipakitang sinusuportahan ko sila. Pero tingin ko, mas tamang sabihin na ganito.
Minsan na nga lang magkagusto, sa taong hindi ko pa nakikita at nakakausap ako nahulog. Pero hindi maiiwasan na magbago ang pananaw mo tungkol dito at mahulog sa taong pahahalagahan ka at pinaparamdam sa'yo kung gaano ka kahalaga sa kanya.
"Annyeong. Maraming salamat po. Mahar ko kayo." pamamaalam nila sa amin.
"Waaaaaaaaaaaaah. Mahal ko rin kayo Oppa." muli kong sigaw habang hawak-hawak ko ang lightstick at banner ko.
Pumunta na kami sa isa pang building kung saan gaganapin 'yung fansigning. Dali-dali akong naglakad papunta doon para maunahan ang iba pang fangirl at fanboy nina Oppa. Kaso pagdating ko dun lahat na lang ata ng kasiyahang nararamdaman ko nawala ng makita ko si Oppa na may kahalikang babae. Wala naman akong magagawa dahil baligtarin man ang mundo, isa lang akong hamak na fangirl kaya naman wala akong karapatang mainis o magalit sa kanya sa halip, patuloy ko pa rin siyang susuportahan.
"Ano ba yan Cathyrine Kim naiyak ka na naman. Haha." sabi ko sa sarili ko habang marahas na pinupunasan ang mga luhang walang tigil sa pagtulo.
Hindi ko ba alam pero bigla na lang akong dinala ng mga paa ko sa isang room na may nakalagay na "DO NOT ENTER." Dahil sa pagka-curious ko sa room na 'yun ay pinagpatuloy ko pa rin ang pagpasok. Sobrang dilim sa paligid. Kinuha ko ang iPhone 4s ko at ginamit iyong flashlight. Nang nasa harapan na ako ng stage ay bigla na lang nalowbatt ang cellphone ko.
"Aish. Wrong timing." sabi ko habang nakatayo pa rin sa harapan ng stage.
Bigla na lang akong kinabahan dahil wala na akong makitang liwanag sa paligid. Babalik na sana ako sa labas ng biglang may humawak sa kamay ko. Unti-unti kong tinatanggal ang malamig niyang kamay kaso lalo pang humihigpit ang hawak niya sa akin.
"Hindi na ako natutuwa ha." matapang na sabi ko pero sa totoo lang kinakabahan na ako.
Mamaya-maya pa ay naramdaman kong umupo kami at binitiwan na niya ang kamay ko. Magsasalita na sana ako ng biglang nagkaroon ng spotlight sa gitna ng stage at mula doon, nakita ko siya. Ang lalaking nagpapatibok ng puso ko. Pero bago 'yun ay tiningnan ko ang lalaking nasa tabi ko at mula doon ay nakita ko ang isa kong kaibigan, si JC. Tumingin ulit ako sa kanya at nagsimula na siyang mag-strum.
Just an ordinary song to a special girl like you
Habang kumakanta siya, hindi ko maiwasang mapangiti dahil gusto ako ng lalaking ito subalit hindi maaari.
From a special guy who's so in love with you
Bawat lines ng kanta niya, mararamdaman mo talaga ang emotions niya. At 'dun ko lang talaga napatunayan ang tunay nyang nararamdaman para sa akin.
I may not have much to show
No diamonds that glow
No limousines
To take you where you go
Dahil dito, naalala ko ang nangyari nung pumunta kami sa park.
"Jacob, wala ka bang barya?" tanong ko sa kanya habang naglalakad kaming dalawa sa park.
"Wala eh." sagot niya sya sa akin na may pagkadismaya.
"Sayang naman. Gusto ko pa naman sana ng ice cream." sabi ko sa kanya habang nakatingin kay Manong Sorbetero.
"Ako ang bahala." sabi niya habang nakangiti.
Umupo muna ako sa bench at mula doon, nakita ko siya habang may dala-dalang ice cream at cotton candy.
"Salamat." nakangiting sabi ko sa kanya.
"Wala 'yun. Basta ikaw." nakangiting sabi nya sa akin sabay hawak sa kamay ko.
Jacob, gusto kita. Oo, pero..
But if you ever find yourself
Tired of all the games you play
Pagpapatuloy niya habang inaabot sa akin ang isang bouquet ng violet roses habang nakangiti.
When the world seems so unfair
You can count in me to stay
Dahil sa mga effort na ibinigay niya sa akin ngayong araw na 'to, hindi ko maiwasang mapaluha. At tama nga sila, "expect the unexpected."
Just take some time
To lend an ear
To this ordinary song
Pagtatapos ng kanta niya na naging dahilan para mas tumulo ang luha ko.
"Please answer my question honestly." nakangiting sabi nya sa akin habang nakahawak sa mic at nandun pa rin sa gitna.
Ngumiti ako sa sinabi nya at tumango.
"Do you still like VJ?" seryosong tanong niya sa akin.
"No." sabi ko sa kanya habang nakangiti.
"Bakit .." naputol na sinasabi niya sa akin dahil pinagpatuloy ko na ang sasabihin ko.
"Because I think I love him. No, I love him." pagpapatuloy ko habang nakangiti.
Siguro, hindi naman talaga natuturuan ang puso. You just fell on someone who makes you happy and special everyday and for me, that someone is VJ. Yes, he annoyed me a lot pero nandun pa rin 'yung sincerity nya. Ewan ko ba pero after nung nangyari sa booth, nagbago sya at 'yun siguro ang dahilan kung bakit nahulog ako sa kanya.
"Kahit na masama ang ugali niya?" tanong niya sa akin nya sa akin habang nakangiti.
"Oo. Nung una, asar na asar ako sa kanya kasi lagi na lang niya akong pinapahiya pero simula nung mangyari 'yung sa jail booth, narealize ko na gusto ko na pala siya. Na kahit na ganun siya kasama, may soft side rin pala siya na naging dahilan kung bakit ko nagustuhan ang tulad niya." sabi ko sa kanya habang nakangiti.
Bigla siyang tumawa at mamaya-maya pa ay bigla niyang inalis ang salamin niya, inayos ang hairstyle niya at inalis ang retainer niya. Nang makita ko kung sino siya talaga, hindi ko na naiwasang maiyak.
"Hey warfreak na fangirl. Maaaring naguguluhan ka pero oo. Tama ka, ako si Vj ay nagkunwaring si Jacob para maging kaclose mo. Oo nung una, asar na asar ako sa'yo nung una kasi ang hilig mong mag-Korean pero habang patagal ng patagal, mas gusto kitang makilala. Kaya naman nung araw na ipinahiya kita sa hallway, sinadya ko talaga 'yun para magawa ko ang plano ko. Ang maging kaclose ka. Ang totoo nyan, kailangan pa ngang magkunwari ni JC na ako para sa tuwing kasama kita at makikita natin siya hindi mo maiisip na ako si Jacob. Alam mo ba nung binigay ko sayo ang ticket para sa concert ng sinusuportahan mong group, hindi ko naiwasang mapaamin sa nararamdamnan ko ng bigla mo akong niyakap. Sa kauna-unahang pagkakataon, naranasan ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko kasabay ng kasiyahang walang kapantay. Kung alam mo lang kung gaano ako kasaya tuwing kasama ka, para ngang gusto ko pang i-extend ang araw na 'yun kasama ang babaeng nagpapasaya sa lalaking snob, masungit at walang pakialam s mundo na si Vj." sabi niya sa akin na naging dahilan para mas maluha ako.
Agad syang lumapit sa akin at pinunasan ang luha ko. Akala ko tapos na ang lahat ng bagay na ikakagulat ko pero nagkamali ako.
"I love you, warfreak na fangirl." sabi niya sabay kiss sa noo ko.
"I Love You Too pa-cool na unggoy." sabi ko sa kanya habang nakangiti.
"Just this day, let me tell you how much I care, and love you. Just this day, I wanna tell you that I will court you whether you like it or you like it. Just one day, warfreak na fangirl, I wanna tell the whole world that I love someone like you." nakangiting sabi nya sa akin sabay hawak sa kamay ko.
"If there would be a lot of one day in my life, I wanna spend it with someone special like you." sabi ko sa kanya at mas hinigpitan pa ang pagkakahawak ng kamay namin.
-----
Waaaaaaah. Natapos ko rin ang first one shot rom-com story ko. Hope you like it:)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com