Kabanata 1
#JustTheStrings
Kabanata 1
Isa.
Dalawa.
Tatlo.
Hindi ko na mabilang kung ilang paalala ang sinabi ni Mama kay Kuya. Alam ko naman na nag-iisa lang akong babae na anak kaya ganito sila ka-protective sa akin. At saka isa pa, kahit 17 years old na ako, sobrang baby pa rin ang turing sa akin ni Mama at Papa kahit na may mas bata naman akong kapatid sa akin.
"Do you understand, Preston?" ulit ni Mama. Sigurado naman ako na hindi nakikinig si Kuya.
"Yes, Ma," sabi niya sabay halik sa pisngi ni Mama. Tumingin naman siya kay Papa. "Don't worry, Pa. Hindi ko naman papabayaan si Imo." Inakbayan ako ni Kuya at saka ginulo iyong buhok ko. Ang tagal ko kayang inayos nito tapos guguluhin lang naman niya.
"Kapag may problema, tawag lang kayo, ha?" sabi ni Mama.
Tumango si Kuya tapos kinuha iyong dala kong bag. Tatlong araw lang naman kami sa Batanes kaya kaunti lang ang dala ko. Mukha ring may sasabihin pa si Mama pero niyakap na lang siya ni Papa at saka may binulong sa kanya. Mukha namang kumalma na si Mama dahil 'dun. Mabuti na lang din at dumating si Riley at Finley at ginulo nila si Mama kaya nawala na 'yung atensyon sa aming dalawa ni Kuya.
Dumiretso kami papasok sa van kasi ito raw 'yung gagamitin namin. May kasama naman kaming driver dahil ang alam ko, walang may gustong magdrive sa mga kaibigan ni Kuya.
"Ground rules, Imo," sabi ni Kuya nung umaandar na 'yung sasakyan. "Una, kay Jas ka lang didikit."
Tumango ako.
"Bawal ko kausapin sila kuya Benj and Jackson?"
Niliitan niya ako ng mata.
"Bakit mo sila kakausapin?"
Nagkibit-balikat ako. "Wala lang. Pero hindi nga pwede?"
Inakbayan niya ako at saka ginulo na naman iyong buhok ko. "Pwede naman pero gago kasi 'yung mga 'yun kaya mas panatag ako kapag hindi mo na lang sila kinausap."
Nginitian ko na lang siya. "Okay, Kuya," sagot ko kasi alam ko naman na kaya lang siya mahigpit sa akin kasi nag-aalala siya. At saka palagi rin kasi siyang sinasabihan nila Mama na bantayan ako kaya siguro ganito siya. Minsan nakakasakal na pero nasanay na lang ako.
Nakarating kami sa bahay nila Kuya Benj at tinawagan lang siya ni Kuya para sabihin na nandun na kami. Lumipat ako sa likuran kasi baka gusto nilang magtabi.
"Naks, nandito pala si prinsesa," bati ni Kuya Benj. Binatukan naman siya ni Kuya. "OA mo talaga, Pres. Parang naghhi lang, e."
Nginitian ko si Kuya Benj. "Good morning, Kuya."
Mayroon silang pinag-uusapan ni Kuya tungkol sa soccer pero hindi na ako nakikinig kasi wala naman akong maintindihan. Hindi naman ako sporty. Mas mahilig ako sa music—namana ko kay Papa. Naikwento rin sa akin ni Mama na sikat na singer daw si Papa dati. Hindi ko lang maimagine kasi mahiyain din si Papa kagaya ko. Hindi ko maisip na nakuha niyang kumanta sa harap ng maraming tao.
Nagising ako dahil nangawit iyong balikat ko. Mukhang nakatulog ako. Napuyat ako kagabi kasi sobrang excited ako para sa lakad namin. First time ko kasi na aalis na walang kasamang magulang. Usually kasi kapag aalis, palaging family outing. Ngayon lang ako pinayagan nila Mama na umalis na hindi sila kasama. Sobrang excited tuloy ako na hindi ako nakatulog agad kagabi!
"Hala, sorry." Nagulat ako dahil nakahilig na pala iyong ulo ko sa balikat ni Parker. "Sana ginising mo na lang ako."
Natuluan ko ba siya ng laway? Nakakahiya! Sabi pa naman ni Kuya naglalaway ako kapag tulog!
"Okay lang," sabi niya. Natahimik na naman ako. Hindi naman talaga ako tahimik. Maingay naman ako sa bahay. May mga kaibigan naman ako at nakakasabay naman ako sa ingay nila... medyo.
Pero sa harap ni Parker? Hindi talaga. Parang nabubuhol iyong dila ko. Tapos sobrang kinakabahan.
Parang ngayon.
Pinilit ko na kalmahin ang sarili ko kahit na sa totoo lang, parang aatakihin na ako sa puso sa sobrang kaba! Mula bata pa lang kami, kakilala ko na si Parker pero hanggang ngayon, ganito pa rin ang epekto niya sa akin.
Sa buong byahe, para akong estatwa na hindi gumagalaw. Pakiramdam ko nga may stiff neck na ako dahil nasa harap lang ang tingin ko. Tapos nung huminto kami sa isang restaurant para bumili ng kakainin, hindi pa rin ako makagalaw.
"Let's eat," tawag sa akin ni Kuya.
Gusto kong umoo dahil sa totoo lang, gutum na gutom na ako. Pero kung tatayo ako, mapapadikit ako kay Parker... At hindi ko alam kung kaya ba ng puso ko 'yun. Baka tuluyan na talaga siyang tumalon palabas ng dibdib ko.
"I'm good, Kuya."
Sorry, God. White lie naman...
"Sure?" sabi niya.
"Bilhan na lang natin si prinsesa ng food. I'm starving already," sabi ni Kuya Benj at saka hinatak si Kuya papasok sa resto. Kasama rin nila si Kuya Jackson at Ate Jasmine tapos iyong driver naman, pumunta sa restroom.
Pero bago umalis si Kuya, tinignan niya muna ng masama si Parker tapos binigyan naman siya ng middle finger ni Parker. Grabe talaga silang dalawa palagi na lang ganito.
Hala, wrong move pa yata ako! Naiwan pa tuloy ako sa sasakyan na kasama si Parker.
Gusto kong magsalita pero hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Wala naman kasi kaming kahit ano na pareho ni Parker...
Sikat siya sa school... ako hindi naman. Kilala lang ako kasi kapatid ako ni Kuya at saka minsan kasama ko sila Kuya Benj.
Mahilig siya sa soccer... hindi ko talaga maintindihan iyong laro na 'yun kahit ano'ng gawin ko. Mas naiintindihan ko ang baseball at saka basketball.
Madalas siya sa party... mas gusto ko pang magsimba kasama si Papa.
Ang dami naming pinagkaiba. Kaya lang naman niya ako kinakausap kasi magkaibigan ang pamilya namin. Sobrang close ni Mama at Auntie Kach. Palagi nilang pinag-uusapan si Tito Parker—iyong Tito ni Parker na namatay na. Sa kanya daw ipinangalan iyon, e. Tapos ako naman, kay Mama.
Huminga ako nang malalim dahil nakaipon na ako ng lakas ng loob para kausapin si Parker... medyo. Pero magsasalita pa lang ako, biglang tumunog iyong cellphone niya.
Parang may kumurot sa puso ko nung makita ko iyong pangalan ni Cindy.
"Where are you?" tanong ni Parker.
Buti pa kay Cindy, may pakielam si Parker...
"Who're you with?" kunot-noong tanong niya. "Are there any guys with you?"
Ang protective niya pa.
Nakataas ang kilay niya. Tapos bumuntong-hininga siya.
"Fine. Just take care, aight? And call me when you land."
Ibinaba niya iyong tawag. Pinilit kong ngumiti para hindi niya makita kung paano ako nasaktan sa mga narinig ko.
"Kayo na?" tanong ko sa kanya.
"Sa tingin mo?"
Natahimik ako.
"Sorry..."
Hindi niya ako pinansin at saka inilagay sa tenga niya iyong earphone. Parang gusto kong umiyak. Hindi ko naman kasalanan na hindi siya pwedeng maggirlfriend—o kung meron man, patago lang.
Kasalanan ko ba na bata pa lang kami, sinasabi na sa amin na dapat kami ang magkatuluyan? Na dapat naming ipagpatuloy ang love story ni Mama at nung namatay niyang Tito?
Bakit ako iyong sinisisi niya? Bakit siya sa akin nagagalit?
Tahimik lang ako buong byahe. Nung nakarating kami sa airport, tahimik lang din ako. Hanggang makasakay kami, hindi ako umiimik. Nakipagpalit ako kay Kuya Jackson ng upuan. Ayokong kay Kuya kasi mararamdaman niya na may nangyari na naman... Ayoko na mag-away na naman sila ni Parker dahil lang sa 'kin.
"Okay ka lang?" tanong ni Ate Jas.
Tumango ako.
"Inaway ka na naman?"
Ngumiti na lang ako.
"Hindi mo kasalanan, okay? PMS lang talaga si Parker kasi alam mo naman na he's a menopause baby," sabi ni Ate Jas na ikinatawa ko. "Ayan, smile ka na. We're on a vacation and it's your first time without your parents so dapat we enjoy this! Stop sulking, okay? You're free to join me if badtrip ka na kay Parker."
"Baka naman magalit si Kuya Jackson kapag palagi ako nakadikit sa inyo."
"We chikas gotta stick together, right?" sabi niya na ikinatawa ko naman. Nagkwentuhan na lang kami ni Ate Jas hanggang sa pareho kaming inantok. Pagkagising namin, nasa Basco, Batanes na kami. Mayroong naghihintay na van sa amin. Si Kuya ang nagdala ng gamit ko habang si Kuya Jackson naman ang may hawak ng gamit ni Ate Jas. Kami ni Ate Jas ang magkatabi sa sasakyan.
Pagdating namin sa bahay na inupahan, sinabi agad ni Kuya ang room assignments.
"6 rooms dito so tig-iisa tayo. Jas and Jackson, 'wag dito, please," sabi ni Kuya tapos binato siya ni Kuya Jackson ng throw pillow.
"Gago hindi kami ganon."
"Kunwari naniniwala kami," sabat naman ni Kuya Benj.
Kinuha nila iyong gamit at saka dumiretso sa kwarto nila. Magpapahinga raw muna kami dahil napagod sa byahe. Gusto ko rin munang mahiga. Kukuhanin ko na sana iyong gamit ko dahil kausap pa yata ni Kuya sina Mama sa phone.
"Kaya ko na," sabi ko kay Parker nung kuhanin niya sa kamay ko iyong bag.
"What room?" tanong niya.
"Iyong pangalawa raw," mahinang sagot ko. Nakasunod lang ako sa likod niya habang dala niya iyong gamit ko.
Hindi ko maintindihan si Parker... Minsan, mabait siya sa akin. Sinasamahan niya naman ako sa school minsan. Kapag hindi ako maisasabay ni Kuya pauwi, ihahatid niya ako kahit sinasabi ko naman na magpapasundo na lang ako sa driver. Kapag birthday ko, may regalo siya sa akin. Tapos kapag ganito na kailangan ko ng tulong, nandyan siya agad.
Pero palagi niya rin sinasabi sa akin na hindi.
Na kahit kailan, hindi niya ako magugustuhan.
Na hanggang ganito lang kami.
Na sa harap nila Mama, sweet siya sa akin.
Na kapag kaming dalawa na lang, pinapaalala niya sa akin na may iba siyang gusto.
Ipinasok niya iyong mga gamit ko at saka inilagay sa ibaba ng kama. Akala ko aalis na siya. Gusto ko na iwan niya muna ako kasi parang sumisikip na 'yung dibdib ko.
Dapat masaya ako kasi first time ko na umalis na wala sila Mama... Nandito si Kuya, si Ate Jas, sila Kuya Benj. Marami namang nagmamahal sa akin. Dapat masaya ako, 'di ba?
"Sorry," sabi niya. "Galit ka sa 'kin?"
Nakatingin lang ako sa kanya. Tapos pinilit na ngumiti.
"Hindi, ah. Bakit naman ako magagalit?"
"I snapped at you earlier. My fault. Sorry ulit," sabi niya.
"Okay lang." Kahit hindi. "Bakit ka nga pala nagalit? Nag-away kayo ni Cindy?"
Bakit kaya masokista ang mga tao? Nagtatanong kahit ayaw naman malaman ang sagot.
Tumango siya. "Yeah."
'Wag ka ng magtanong, Imo. Masasaktan ka lang lalo, e.
"Bakit?"
"She's in Madrid with friends."
Ngumiti ako kahit ayoko naman. Sabi kasi ni Papa, libre lang naman ang ngiti kaya bakit mo ipagkakait? Pero libre lang din naman ang luha kaya bakit pipigilan?
"Gusto mong sumama 'dun tapos nandito ka... Sorry... Sana sinabi mo sa akin para nasabi ko kay Auntie Kach na okay lang naman na hindi ka sumama," mahinang sabi ko.
Tumayo siya sa kama.
"Nah. It's fine." Inalagay niya iyong kamay sa ulo ko tapos ginulo ang buhok ko. "Just... act normal around me. I don't want to piss Preston again. Besides, we're cool, right?"
Tumango ako.
"Parker," pagtawag ko sa kanya nung palabas na siya sa pinto. Tumigil siya at saka humarap sa akin.
"Hindi talaga, 'di ba?" tanong ko. Gusto ko lang marinig ulit. Baka kasi kapag paulit-ulit ko na marinig, tumatak na sa isip ko. Baka kasi maintindihan ko na.
Tinignan niya ako ng diretso sa mata... at saka dahan-dahang umiling.
"Hindi."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com