Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 10

#JustTheStrings

Kabanata 10

Hindi ako agad nakasagot sa sinabi niya. Hindi ko alam kung dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko... o dahil sa gulat ko na after all these days, kinausap niya na ulit ako. Nitong mga nakaraang linggo kasi, daig ko pa ang hangin sa hindi niya pagpansin sa akin. Iyon bang nakakasalubong ko siya pero hindi niya ako kinakausap. Nakatingin lang siya sa akin at ewan ko pero parang mas mahirap 'yun...

Kasi alam mo na alam niya na nandyan ka pero kahit ganun, hindi ka pa rin niya kinakausap.

Pasimple kong pinunasan iyong luha ko kahit alam ko na wala na namang silbi. Nakita niya na, e.

"I like all my friends," I simply answered. I didn't want to lie again but I didn't want to confirm things, too... Kahit na totoo naman na gusto ko si Parker, hindi ko naman siguro responsibilidad na ipagsigawan iyon sa mundo lalo na at hindi naman niya ako gusto.

Nakatitig lang kami sa isa't-isa nung biglang may marinig akong sigawan. Bigla akong kinabahan dahil alam ko na palabas na sila sa booth. Kahit nanginginig ang tuhod ko, pinilit ko na maglakad. Pero nung nakatapat na ako sa kanya, bigla niyang hinawakan iyong braso ko.

"Do you need to hide?" he asked me.

Tumingala ako sa kanya. Masyadong maraming tao sa field at kung gusto kong makatakas agad, hindi ko magagawa dahil masyadong masikip. Pero ayoko talaga na makita ako nila Parker... Ayoko na makita nila iyong reaksyon ko. Na hindi naman kasi dapat ganito dahil wala naman akong karapatan.

Kaya unti-unti akong tumango.

At palakas na rin ng palakas ang boses nila.

Hinila ako ni Saint sa isang gilid.

"Tell me if this is too close," bulong niya sa akin dahil nakayakap siya. Nakasandal iyong likod ko 'dun sa mga kahon habang nakaharang siya sa harap ko.

Sobrang lapit na tipong naririnig ko na iyong tibok ng dibdib niya.

Sobrang lapit na parang bibigay na talaga iyong tuhod ko.

"Congrats, my man! Married na kayo ng first love mo!"

"Ano, honeymoon na ba?"

"Gago, Parker, pakainin mo muna kami bago mag happy time!"

Sumisikip iyong dibdib ko sa mga naririnig ko. Hindi ko alam na first love pala niya si Cindy... Hindi ko alam na ganun pala sila ka-seryoso.

Pero biglang nawala ako sa pag-iisip nung ilagay ni Saint iyong dalawang kamay niya sa magkabilang tenga ko.

"If you don't want to hear it, you can always choose not to listen," he said while covering my ears. He was looking at me intently. Parang hindi na siya iyong Saint na una kong nakilala... Iyong parang laro lang lahat ng bagay.

"See? It doesn't hurt as much when you opt to love yourself first."

Ilang segundo kaming nanatili sa ganung posisyon. Nung hindi na namin naririnig iyong mga soccer players, binitawan ako ni Saint.

"Salamat," sabi ko.

"No problem," he replied.

Nakatayo lang ako sa harap niya. Hindi ko alam ang sasabihin. Wala naman na akong sasabihin pero parang ayoko pa na umalis siya... Kasi alam ko na pagkatapos nito, hindi na naman niya ako papansinin.

"I better get going," sabi niya tapos inilagay iyong kamay niya sa loob ng bulsa niya. Pero bago pa man siya maka-dalawang hakbang, napigilan ko na siya. Napatingin siya sa akin nung makita niya na nakahawak ako sa braso niya.

"S-sorry," I said. Hindi ko alam kung bakit kailangan kong humawak. Kinabahan lang naman kasi ako nung tumalikod siya.

"Do you need me for something?" he asked.

Umiling ako. A small smile appeared on his face.

"Do you wanna go around with me?"

I nodded and he laughed.

"You could've just said so, Mary."

Hindi ko na napigilan. Napangiti na rin ako.

Doon kami sa kabilang parte ng field pumunta dahil iniiwasan namin na makasalubong iyong soccer team. Hindi ko pa rin alam kung ano ang issue nila sa isa't-isa. Mukha namang magkakakilala sina Kuya at Saint pero hindi lang talaga nila gusto ang isa't-isa.

At hindi ko rin matanong kung ano ang pinag-usapan nila ni Kuya... Baka kasi invasion of privacy na masyado.

"Start na ng game niyo?" I asked. Ang tahimik kasi masyado. Hindi ako sanay na ganito kapag magkasama kami.

He nodded.

"Pwedeng manood?"

He looked at me at kumunot ang noo niya.

"Are you sure you're Mary?"

"B-bakit?" kinakabahan na tanong ko sa kanya. May mali ba akong nagawa?

"You're too straight-forward. You might give me a heart attack if you continue being like this," he said tapos inilagay niya iyong index finger niya sa noo ko.

"Sorry," sabi ko ng nakayuko. Baka kasi naiinis siya sa ganito. Dapat talaga nanahimik na lang ako, e... Pero hindi kasi talaga ako sanay na tahimik kaming dalawa. At saka ayoko ng tahimik kami.

Namimiss ko na 'yung Saint na nakakasama ko dati.

"Rule number 1 when you're with me, stop saying sorry."

Napatingin ako sa kanya.

"Just have fun, alright? I want you to have fun when you're with me so stop feeling sorry all the time. Got it?"

I nodded. Madali lang namang gawin 'yun.

"So, hindi mo na ako iiwasan?"

He smiled at me—iyong ngiti niya na parang ngisi.

"You missed me, haven't you?"

Sasagot na sana ako na namiss ko naman talaga siya pero narinig ko iyong malakas na sigaw ni Kath.

"Mariaaaaa!" sigaw niya kaya napatingin kaming dalawa ni Saint sa kanya. Nung napansin niya na si Saint ang kasama ko, biglang tumigil iyong sigaw niya at saka sumeryoso ang mukha niya. "Oh. It's you pala."

Pinipigil ko ang tawa ko dahil sobrang fail ng serious face ni Kath.

"Do we know each other?" seryosong tanong ni Saint. Mukhang na-offend naman si Kath kaya nagpakilala na lang si Saint. "I'm GDL. You are?"

Siniko ko si Kath dahil mukhang balak niyang hindi pansinin si Saint. Hindi ko pa rin alam kung ano ang issue ni Kath kay Saint... Kapag wala si Saint, grabe siya makapagfangirl... Kapag nandito na sa harap niya, ayaw niya naman pansinin.

"Fine," sabi niya na parang napipilitan pa. "I'm Kathryn, your future sister-in-law," seryosong sagot niya.

Natawa naman si Saint doon.

"Sure," sagot ni Saint.

"Hindi ka man lang curious kung kanino?" Kath asked.

"Nah. Don't be offended but I'm not really curious about my brothers' love life," sagot ni Saint kaya mas nainis si Kath. Sigurado ako magrereklamo na naman 'to mamaya. Kawawa na naman ang tenga namin ni Liza.

Tinignan ako ni Saint.

"I'm starving. Kain tayo?"

I nodded. Medyo nagugutom na rin ako dahil kanina pa kami lakad ng lakad. Habang naghahanap kami ng makakainan, bigla naming nakasalubong iyong isa sa mga kapatid ni Saint... though hindi ako sure kung siya ba si #1 na crush ni Kath.

But judging from her reaction... mukhang ito nga.

"Mama dijo que deberíamos estar allí a las 8," sabi nung lalaki. Medyo kaunti lang ang naintindihan ko dahil hindi naman ako regular na nagsasalita ng Spanish. Mas focused kami sa Mandarin, Japanese, at French.

"Sí," Saint replied tapos napatingin siya kay Kath kasi sinisiko siya ni Kath. Gusto kong mahiya para sa kaibigan ko dahil medyo nakakahiya siya.

Mukha namang naintindihan ni Saint ang gustong mangyari ni Kath.

"Psalm, this is Kath. Kath, this is Psalm," pakilala ni Saint sa kanila.

Pinipigilan ko ang pagtawa ko dahil obvious masyado si Kath. Mukha namang mabait si GDL # 1 kaya okay lang...

"May girlfriend ba ang Kuya mo?" I asked Saint dahil baka may girlfriend na pala iyon tapos ganito pa si Kath...

"Why?" he said and then looked at me. Pinaliwanag ko sa kanya iyong dahilan ko tapos mukhang relieved siya. "Nah. Ball is life," he replied.

Pinabayaan namin si Kath na makipag-usap sa crush niya pero nagugutom na talaga kami ni Saint... At saka may pupuntahan pa yata iyong Kuya ni Saint. Masyado lang siyang accommodating kaya hindi niya masabi. Nung magpapaalam na kami para maghanap ng pagkain, biglang may sinabi si Kath na ikinalaki ng mata ko.

"No!" sigaw niya. Napatingin kaming tatlo sa kanya dahil bigla-bigla na lang siyang sumisigaw. "Di ba magpapakasal pa kayo?" she asked me tapos pinanlakihan niya ako ng mata then tinignan niya si GDL # 1. "They need witnesses for their wedding. Tayo na lang," she suggested.

Dear Lord!

Hinatak niya kami ni Saint doon sa booth tapos siya na rin ang nagbayad para dito.

"Kath!" sabi ko sa kanya habang nilalagyan niya ako ng veil sa ulo.

"Please, please!" sabi niya. "This is for my love life! Suportahan mo naman ako!" sabi niya tapos inilagay iyong bulaklak sa kamay ko. "Ihagis mo 'yung flower papunta sa akin, okay?"

Tinignan niya iyong pseudo priest. "Ready na sila, Father," she said and then smiled tapos tumayo siya sa tabi ni Psalm.

Nagsimula na iyong ceremony at mukhang si Kath ang pinakamasaya sa mga nangyayari. Siguro kung pwede lang, papakasalan niya na iyong Kuya ni Saint...

"Do you, Saint Iverson Gomez de Liaño, take Mary Imogen Suarez as your wedded wife?" tanong nung lalaki.

Saint looked at me.

"I do," he replied.

"Do you, Mary Imogen Suarez, take Saint Iverson Gomez de Liaño as your wedded husband?"

Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi naman 'to totoong kasal pero bakit ganito na iyong kaba ko? Ibig sabihin ba kapag totoong kinasal na ako, mas malala pa rito? Baka atakihin ako sa puso nun.

"I do," sagot ko rin. Napangiti si Saint sa akin.

Inabutan kami nung isang lalaki ng isang set ng plastic na singsing tapos pinasuot sa amin ni Saint. Sabay naming sinabi iyong vow na nakasulat sa papel.

"In the name of the Father, the Son, and the Holy Spirit, take and wear this ring as sign of my love and faithfulness."

Naririnig ko iyong tili ni Kath mula sa gilid ko. Mas masaya talaga siya sa akin.

"Before I pronounce you man and wife, if anyone is—"

Napatigil sa pagsasalita iyong lalaki dahil sa—

"Ano 'to?!" tanong ni Kuya. "I object! I object!"

Napatingin kaming lahat sa kanya. Nakasunod pa sa kanya si Kuya Benj at Kuya Jackson tapos natatawa sila sa reaksyon ni Kuya.

Bigla namang lumapit si Kath kay Kuya tapos tinakpan iyong bibig ni Kuya ng kamay niya.

"Go on, Father! Tapusin mo ang kasal!" sabi ni Kath habang nakatingkayad at nakalagay sa bibig ni Kuya ang kamay niya. Si Father naman, parang naguguluhan sa mga nangyayari. Kahit naman ako, hindi ko na maintindihan kung ano na ba ang nangyayari.

"I ob—umph!" sabi ni Kuya dahil kulang na lang ilagay ni Kath sa loob ng bibig ni Kuya ang kamay niya. Tinignan ni Kuya si Kuya Benj at parang humihingi ng tulong.

"Fine," sabi ni Kuya Benj. "I object in behalf of—" Pero hindi pa niya natatapos ang sasabihin niya nung sinipa siya ni Kath sa ano niya... "Fucking shit!" sabi ni Kuya Benj habang patalon-talon sa loob ng booth.

Ang gulo na. Si Kath, nakasampa na sa likod ni Kuya at nakalagay pa rin ang kamay sa bibig... Si Kuya Benj namumula na sa sakit... Si Kuya Jackson, nagvivideo sa mga nangyayari. Si GDL # 1, natatawa sa nakikita.

"Father, let's proceed," sabi ni Saint.

"If anyone is against this wedding, speak now or forever hold your silence," sabi niya at saka tumingin sa paligid. Si Kuya ay hindi pa rin makapagsalita kaya walang tumutol. "If no one is against this union, then I now pronounce you man and wife. You may now kiss the bride."

Oh, Lord. Hindi pwede.

Nakatingin sa akin si Saint at sigurado ako na nanlalaki ang mata ko dahil sobrang nagpapanic na ako sa mga nangyayari.

Sobrang lakas na ng kabog ng dibdib ko. Lumapit si Saint at saka itinaas ang veil sa ulo ko. Yumuko siya para magkapantay ang mukha namin.

"Hi, wifey."

He smiled at saka inilapit niya pa lalo ang mukha niya. Hindi pa ako handa na magkaroon ng first kiss at mas lalong ayoko makuha ang first kiss ko sa harap nila Kuya pero...

Oh, Lord.

Saint angled his face. Hahalikan niya na talaga ako.

Ipinikit ko ang mata ko dahil hindi ko na talaga alam ang mangyayari... at sigurado ako na malapit ng atakihin sa puso ang Kuya ko sa mga nangyayari.

Pero nung akala kong hahalikan ako ni Saint, bigla kong naramdaman iyong labi niya sa kamay ko.

He kissed my hand and then winked at me.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com