Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 12

#JustTheStrings

Kabanata 12

Mabuti na lang hindi friends sina Saint at Kuya sa facebook kung hindi panigurado panibagong dahilan na naman iyon para hindi sila tumigil sa pag-aaway sa harapan ko.

Mabilis lang lumipas ang weekend dahil naging busy kami sa pag-aayos ng mga detalye para sa debut. Medyo nahihirapan maghanap ng venue dahil ang gusto ni Mama, masunod lahat ng gusto ko—down to the very last detail. Napilitan tuloy iyong event organizer na basahin iyong libro dahil sabi ni Mama, dapat daw perfect ang debut ng nag-iisa niyang anak na babae.

Ngayon, nasa receiving area kami at sinusukatan para sa mga isusuot ko sa debut. Sketch pa lang iyong pinakita sa akin pero excited na ako. Iyong mga sinuot kasi ni Hermione sa movie iyong gagayahin.

Pati sila Kuya nandito kasi magpapagawa na sila ng wizard costume. Sobrang excited na ako kahit next month pa naman iyong debut.

"Finley, 'wag malikot," sabi ni Mama kay Finley dahil kanina pa siya nagwawala dahil ayaw niyang magpahawak.

"But she's touching me, Mama!" sigaw ni Finley. Medyo napangiti ako kasi ang cute niya kahit ayaw niya talagang nagpapahawak sa mga hindi niya kilala. Natanggal na iyong dalawang front teeth niya kasi kain ng kain ng ice cream. Si Kuya din kasi binibigyan palagi...

"Baby, sinusukatan ka niya for your costume para sa debut ni Ate," paliwanag ni Mama kay Finley tapos tinignan ako ni Finley.

"Do you really need this, Ate?" he asked me and when I nodded, he sighed. "Fine. Hindi na ako maglilikot," sabi niya tapos tahimik na siya habang kinukuhanan siya ng sukat. Ang cute-cute talaga ng kapatid ko.

Halos isang oras lang kaming sinukatan pero parang ang tagal kasi ang daming tanong sa akin nung designer. Mabuti na lang yakap-yakap ko si Riley kaya medyo hindi ako na-bored.

"Kuya, 'wag mo na bigyan ng chocolates si Riley."

"Bakit? Favorite niya 'yun," sabi ni Kuya.

"Tignan mo, wala na siyang leeg," sagot ko kasi ang taba na ni Riley. Ang sarap niyang yakapin pero worried lang ako sa health ng kapatid ko.

"May leeg 'yan, nagtatago lang."

Napailing na lang ako. Ang kulit talaga ni Kuya. Maaga akong natulog dahil excited na ako bukas. This was the first time that I had looked forward to going to school. Parang bigla, ang saya ng pumasok.

Balik na sa training si Kuya kaya si Manong na ulit ang naghahatid sa akin. Pagdating ko sa room, nandun na agad sina Liza at Kath.

"Good morning!" I greeted them.

"Someone's in a really good mood," sabi ni Liza.

"Oh, my gosh! Sino ba naman ang hindi?!" sabi ni Kath tapos hinampas ako. Ang sakit. "Have you seen his post sa fb?!"

Kinagat ko iyong ibabang labi ko pero tumango ako. Tumili na naman si Kath. Mabuti na lang at maaga pa kaya wala pang masyadong tao sa classroom... Nakakahiya naman kasi ang ingay ni Kath.

"What post?" naguguluhan na tanong ni Liza.

"Nako, Hopie! You were missing in action kasi last Friday kaya hindi ka nakasama sa wedding reception ni Imo and GDL!" paliwanag ni Kath.

Liza looked at me and nanlalaki iyong mata niya.

"You got married?!"

"Hindi naman totoo... Sa wedding booth lang," I replied.

Hinatak ni Kath iyong kamay ko tapos tinapat sa mukha ko. "Hindi totoo but you're still wearing the ring! Talaga lang, ha, Maria!"

Kinuha naman ni Liza iyong kamay ko tapos tinignan. She looked at me and then frowned. "You didn't invite me..." sabi niya at nagtatampo talaga siya. Kaya naman naubos ang free time namin na nagsosorry ako sa kanya kasi hindi ko siya na-invite. Hindi naman totoong kasal at wedding reception iyon pero nagtatampo talaga si Liza. Kasi we pinky promised na kami ang maid of honor ng bawat isa kapag kinasal kami. And we took our pinky promises seriously.

After our 3rd class, dumiretso na kami sa cafeteria dahil gutom na kami. Nilibre namin si Liza ng food para kahit papaano, hindi na siya magtampo sa amin. I promised her na sa susunod na ikasal ako, siya ang una kong bibigyan ng invitation. That seemed to make up for it.

"Sobrang feels talaga ng pic na 'to," sabi ni Kath while looking at the reception picture.

"Friends kayo ni Saint sa fb?"

She nodded.

"Akala ko full na 'yung friend list mo?" I asked her. Marami kasi siyang friends sa facebook... Kahit hindi niya kilala, inaaccept niya kasi gift niya na raw sa mga tao na iyon na makita nila sa newsfeed nila iyong mga selfies niya.

"Fyi, as of today, 4,999 na lang iyong friends ko. I unfriended Benj and 'yung Kuya mo kasi bwisit sila. GDL took Benj's spot and I'm still waiting for Psalm to add me."

Weird ni Kath... dati sabi niya crush niya si Kuya Benj tapos ngayon naman ayaw niya na bigla.

"Inadd mo si Saint?" I asked. Kasi nung huli kaming magkakasama, sinusungitan niya si Saint.

"Yeah. 'Wag ka magselos, okay? I just added him kasi magpapalakad ako sa Kuya niya."

Napailing na lang kami ni Liza. Grabe talaga iyong pagka-crush niya sa Kuya ni Saint... Inubos ko na lang iyong pagkain ko. Last class na tapos uuwi na ako. Akala ko pa naman...

"Are you looking for someone?" asked Liza.

"Ha? Wala."

"Sure? Kasi you kept on looking at the door. Tapos you look sad."

"Si Saint oh!" sigaw ni Kath tapos napatingin ako agad. Wala naman siya. "See? She's just missing Saint, that's why," sabi ni Kath kay Liza.

Tinukso lang ako ni Kath at hindi niya ako tinigilan hanggang hindi ko sinasabi na miss ko si Saint... Sobrang kulit niya and minsan borderline nakakainis kaya sumunod na lang ako sa gusto niya.

"Fine. I miss him. Happy now?"

She beamed.

"And speaking of missing Saint, kaya hindi mo siya nakikita here sa campus kasi may game sila sa Brent. Let's watch, please!"

Umiling ako.

"May class tayo."

"Let's cut!" sabi ni Kath. "Please, please?"

Umiling ulit ako. Simula Kinder ako, hindi pa ako nagcucut ng klase at ayokong simulan ngayong college na ako... Kahit medyo tempting na magcut ng klase, I must resist.

Pumunta na kami sa klase at si Kath, kanina pa nagsasalita mag-isa.

"Nandun 'yung GDL brothers, naglalaro ng basketball and probably they're sweaty and nagfeflex na 'yung biceps nila... while here I am, stuck inside this hellhole. Why, life, why?" sabi niya habang kinakausap ang sarili niya. Hindi na lang namin siya pinansin ni Liza.

Twenty minutes later, wala pa ring professor na dumadating.

"Free cut pa yata tayo!" Kath said.

"May 10 minutes pa," I reminded her.

"Fine! But if free cut, can we please go and watch their game?"

I nodded.

"Thanks! You're the best!"

As it turned out, wala nga iyong professor namin. Tumayo na kami at nung naglalakad na kami papunta sa parking lot dahil nandun iyong car ni Kath, of course dadaan kami sa field.

"Imo!" sigaw ni Kuya.

"Lakad ng mabilis!" sabi ni Kath at nagpapanic na siya.

"Imo!" sigaw ulit ni Kuya.

"Ruuuun!" sigaw ni Kath tapos tumakbo siya mag-isa. Naiwan kami ni Liza dahil hindi namin alam ang problema niya kung bakit kailangan naming tumakbo.

Nakatingin kami kay Kath na dire-diretso ang takbo.

"Problema nun? Nababaliw na naman kaibigan mo," sabi ni Kuya. I shrugged dahil hindi ko rin alam. "Saan kayo pupunta?"

Hindi agad ako nakasagot dahil alam ko hindi ako papayagan ni Kuya... At hindi daw talaga ako magaling magsinungaling dahil transparent iyong mukha ko. Kaya naman kahit wala akong sinabi, parang alam na ni Kuya kung ano ang gagawin namin.

"Manonood kayo ng game ni GDL?" he asked.

I slowly nodded.

"Bakit mo alam?" I asked.

"Start ng season ngayon," he explained pero mukhang hindi pa rin niya ako papayagan... 

"Kuya, please paya—"

Pero hindi ako natapos sa sasabihin ko. "Okay," sabi niya.

Ilang beses akong kumurap dahil hindi ko maintindihan. Nasa alternate universe ba ako? Bakit pumayag si Kuya? Ano'ng meron?

"T-talaga?" I asked again, just to make sure dahil hindi ako makapaniwala. He hated Saint's guts tapos biglang okay lang ang isasagot niya sa akin?

He nodded.

"Pero sasama ako," he said.

It was a good bargain kaya pumayag na ako. At saka baka ito na rin ang way para maging okay sila ni Saint kasi masakit talaga sa tenga kapag nag-aaway sila sa harapan ko.

Mamaya pa ang start ng training nila kaya sumama din sila Kuya Benj, Kuya Jackson, at pati si Parker sa amin. Gusto ko ngang tanungin kung bakit sasama si Parker pero ayoko siyang kausapin kaya pinabayaan ko na lang. Pwede ko namang ma-survive ang araw na 'to na hindi siya kinakausap kahit magkasama kami, e...

Doon kami sa sasakyan ni Kuya Jackson dahil doon lang naman kami kasya. Hindi ko alam kung bakit ako napunta sa tabi ni Parker. Ayoko sana na maupo sa tabi niya pero baka naman sabihin niya ginagawa kong big deal lahat at ang arte ko kapag nagrequest ako na makipagpalit pa ng upuan...

I had to learn to live with him around me because he's not going anywhere. Kaya kailangan kong matutunan na mabuhay na nandyan siya ng hindi ako nasasaktan. Tanggap ko na 'yun.

Pagdating namin sa Brent, dumiretso na kami sa gym. Start pala ng season kaya maraming tao talaga. Pero mabuti na lang may pwesto pa sa side ng St. Claire's kaya doon kami pumwesto.

"Bili lang ako ng pagkain," sabi ni Kuya Jackson. Hindi na namin sila pinansin lahat dahil sanay na kami na priority niya palagi ang pagkain.

Tahimik akong nanonood ng game. Ang seryoso ni Saint. Hindi ko akalain na seryoso pala siya kapag naglalaro. He looked really serious pero ang cute niya kapag nakaka-3 points  siya kasi may ginagawa siya na hindi ko maintindihan. 

Sila Kuya, mukhang bored... Si Kuya Benj nga nagffacebook na, e. Si Parker... ewan. Hindi ko siya tinitignan kasi katabi ko siya. Bakit kasi sumama pa sila dito?

"Wow, ha. Ikaw pa talaga nag-unfriend sa akin," sabi ni Kuya Benj kay Kath.

"Hindi, ah," pagdedeny ni Kath. "Baka may problema lang fb mo."

"Sige nga, patignan sa account mo kung friends pa rin tayo."

Dahil ginagamit ni Kath iyong phone niya para kuhanan ng picture si GDL # 1, madali iyong nakuha ni Kuya Benj. Hindi ko lang alam kung bakit big deal kay Kuya kung inunfriend siya ni Kath... May crush ba siya kay Kath?

Agad binuksan ni Kuya Benj iyong fb ni Kath pero bago pa man siya makapunta sa account niya, may nakita siya sa newsfeed.

"Gago talaga 'to, ah," sabi niya tapos inabot kay Kuya iyong cellphone ni Kath. Nanlaki iyong mata ko nung makita ko na iyon 'yung picture nung wedding reception.

Nakatitig si Kuya sa picture at mukhang na-badtrip na naman siya kay Saint... iyong kanina na pag-asa ko na maging okay na sila, nawala ng bigla.

Kaya nung maka shoot iyong kalaban nila Saint, todo cheer sina Kuya.

"Wooo! Go, Brent! Lampasuhin niyo 'yang St. Claire's!" cheer ni Kuya Benj.

"School natin 'yun!" sabi ni Kath.

"Wala kong pake," sagot naman ni Kuya Benj.

"I-foul niyo 'yung number 9!" sigaw naman ni Kuya.

Dahil sa ginagawa nila, napatingin sa amin iyong mga players. At nung makita ni Saint sila Kuya, binigyan siya ng middle finger ni Kuya at Kuya Benj. Napailing na lang ako at tinakpan ang mukha ko dahil nahihiya ako.

Hanggang sa makabalik na si Kuya Jackson na mayroong dala na popcorn at drinks, hindi pa rin tumitigil sila Kuya. Mukha namang walang balak sumali si Kuya Jackson sa heckling na nagaganap.

"Ref, bantayan niyo 'yung number 9! Madumi 'yan maglaro!" sigaw ni Kuya tapos tinuro si Saint. E wala namang ginagawa na mali si Saint.

Bakit ba sila sumama dito?

Natapos iyong 3rd quarter na binoboo nila ang sarili naming team kapag nakaka-score sila. Lumabas muna ako para bumili ng inumin dahil inuuhaw ako sa mga ginagawa nila Kuya.

Naghahanap ako ng vending machine nung harangin ako ni Parker. Napaatras pa ako dahil sa gulat.

Akala ko may sasabihin siya pero nagulat ako nung hawakan niya iyong kamay ko. Nakatitig siya ng mabuti doon sa singsing na suot ko.

"Tss," sabi niya.

Dahan-dahan kong binawi iyong kamay ko. I looked at him and smiled. "Congrats," sabi ko sa kanya. "Kinasal pala kayo ni Cindy nung Friday."

Nakatitig siya sa akin. Hindi ko mabasa iyong mukha niya. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko pero alam ko na kailangan kong sabihin 'to kung gusto ko na maging magkaibigan pa rin kami.

"She seems nice," kumento ko.

"She's nice."

"Oh." Ngumiti ako. "Good for you."

Gusto ko ng talikuran siya dahil hindi ko alam kung saan papunta itong usapan namin. Pero para akong naitulos sa kinatatayuan ko dahil hindi ako makaalis doon.

"Can I ask you something?"

Tumango ako.

"Do you like him?"

"Sino?"

Nakatitig siya sa akin at dahil doon, nagsisimula na namang kumabog ng malakas iyong dibdib ko.

"Saint. Do you like him?"

Hindi agad ako nakasagot.

"Does it matter?"

Hindi siya nakasagot.

"I just wish you happiness. You deserve it," sabi niya at saka iniwan ako. Hindi ko talaga siya maintindihan. Hindi ko siya maintindihan at kung ano ang gusto niyang mangyari...

Bumalik ako sa gym at nagsisimula na iyong 4th quarter.

"Kuya, stop heckling," pakiusap ko kina Kuya.

"Pagkatapos niya kaming gawing bibe? Asa siya," sabi ni Kuya. "Ayan, i-foul niyo ulit si number 9!" sigaw na naman niya.

Tuwi talagang nakaka-shoot iyong kalaban, nagchicheer sila at kapag team naman nila Saint, nagboboo sila. Kapag hindi pumapasok sa ring iyong bola ni Saint, nagtatawanan sila Kuya.

Tumayo si Kath.

"Saan ka pupunta?"

"Malayo sa mga baliw na 'to. Nakakahiya sila kasama!" sabi niya. Sumama ako kay Kath at bumaba kami palayo kina Kuya. Si Liza, naiwan dahil kumakain din siya ng popcorn ni Kuya Jackson. Si Kuya Jackson ang hindi sumasali sa pang-aasar dahil okay siya kay Saint dahil lagi niya kaming nililibre ng pagkain.

Hanggang sa kinatatayuan namin, rinig na rinig pa rin namin iyong pang-aasar nila sa team nila Saint.

Last 1 minute na at tie pa rin ang score nila. Hindi ko akalain na nakakakaba pala ang game. Hindi kasi ako athletic talaga. Napapagod din ako sa ginagawa ni Saint na pagtakbo pabalik-balik.

"Go, Psalm!" sigaw ni Kath. "Go, number 16!"

Sa sobrang lakas ng sigaw ni Kath, napatingin sa amin si Psalm tapos ngumiti siya. Para namang hihimatayin si Kath. Napatingin din sa side namin si Saint at biglang nagulat siya nung nakita niya ako.

I smiled and mouthed him good luck. Bigla tuloy naagaw iyong bola sa kanya.

"Hahaha! Bano!" sigaw nila Kuya sa likod. Nakakainis na talaga sila. Naagaw naman agad ni Saint pabalik iyong bola, nawala lang siya sa focus kanina tapos jinujudge na agad nila Kuya...

Huminga ako ng malalim at itinago ang hiya ko.

"Go, Saint!"

Napatingin sa akin si Kath at nanlaki ang mata niya. At natigil din iyong ginagawa nila Kuya sa likod. Pati si Saint napatingin sa akin. I smiled.

"Go, Saint!" sigaw ko ulit. Ang lakas ng kabog sa dibdib ko. First time ko sumigaw ng ganito kalakas... Nakakakaba pero ang saya sa pakiramdam. He shot the ball at pumasok iyon sa ring. Tumawa siya tapos nagpakita siya ng heart sign gamit iyong dalawang kamay niya. Binatukan siya ng Kuya niya. He winked at me bago siya tumakbo at hinabol iyong bola.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com