Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 30

#JustTheStrings

Kabanata 30   

Hindi na kami nagkaroon pa ni Saint ng pagkakataon para ituloy iyong date namin dahil naging busy na siya. Finals na pala ng basketball. Ni hindi ko man lang alam. Medyo na-guilty tuloy ako dahil parang wala akong alam sa mga nangyayari sa buhay niya... E palagi naman kaming magkasama. At saka palagi naman akong nasa basketball court. Kasi naman kapag nandoon ako sa court, na kay Saint lang iyong mata ko. Hindi ko napapansin iyong ibang nangyayari kaya hindi na dumaan sa isip ko na may championship nga pala.

Hala! E 'di palagi pala silang panalo dahil nakaabot sila ng championship? Tapos ni hindi ko man lang siya nabati ng congratulations kahit isang beses.

Nakatulala ako habang naglalakad kami nila Kath papunta sa next class namin. Imbes tuloy na magconcentrate ako sa final exams namin, ito ang iniisip ko.

"Earth to Mary?"

Nagising ako mula sa malalim ko na pag-iisip nung bigla akong siniko ni Kath.

"Bakit?" I asked.

"May bato sa harap mo kaya," sabi niya sabay turo doon sa bato. Hala, oo nga. Muntik na akong madapa doon, ah. Masyado na yata talagang malalim ang iniisip ko. "Anyway, ano iyong sagot kanina sa number 5? Ang kulit kasi ni Liza. What's the sense ba na malaman mo iyong correct answer e tapos na iyong exam?"

"So that I wouldn't make the same mistake twice."

Sinabi ko na lang iyong sagot sa tanong habang silang dalawa, patuloy pa ring nagtalo tungkol sa sinabi ni Liza. Tama naman si Liza, sa palagay ko. Sabi kasi nila, fool me once, shame on you. But fool me twice? Shame on me. Tapos sabi ni Kuya, shame me thrice, magpakamatay na raw. Pero hindi ako naniniwala kay Kuya kasi mas madalas naman na hindi totoo iyong sinasabi niya.

Mabilis lang natapos iyong araw dahil halos puro final exams na lang naman iyong ginagawa namin. Hindi ko nga alam kung mayroon bang special instructions para sa mga varsity players dahil first time yata ngayon na sabay iyong academics finals sa finals ng mga games. Ang hirap namang pagsabayin nung dalawa na 'yun.

Pag-uwi ko sa bahay, nagulat ako dahil naka-ayos sila Mama.

"Saan po pupunta?" I asked. Umuwi pa naman ako ng maaga dahil balak kong pumunta sa mall kasama si Finley at Riley. Si Riley kasi, top 1 sa class nila. Actually tie talaga sila sa points pero mas lumamang lang si Riley dahil si Finley, mababa ang grades sa moral and conduct. Palagi niya raw kasing inaaway iyong mga classmates niya and teachers.

Si Finley naman, naka-simangot.

"Ngayon 'yun?"

Finley and Riley nodded.

"But I want to watch Kuya Saint's game!" sabi ni Finley.

"Finley," saway ni Mama. "We'll watch Kuya's game first."

"But Kuya's bano."

"Finley!"

"What's bano?" tanong naman ni Riley.

"If you watch Kuya play, you'll know what bano is," paliwanag naman ni Finley sa kakambal niya.

Kaya pala si Riley, naka-suot ng mini soccer uniform habang si Finley, nakasuot ng mini-basketball uniform. Hanggang makarating nga kami sa venue e pinipilit ni Finley na sa game na lang ni Saint kami pumunta.

"Ate, you won't watch Kuya Saint's game?" Finley asked.

Kanina ko pa nga hawak iyong phone ko, e. Nagtetext ako kay Saint pero hindi naman siya sumasagot. Alam ko naman na hindi talaga siya humahawak ng phone kapag naglalaro siya ng basketball, e. Dati nagtatampo pa ako kapag hindi niya ako na-rereplyan pero dahil napapanood ko na siya habang nagte-training siya, na-realize ko na masyado nga siyang invested sa laro kaya hindi niya talaga nahahawakan iyong phone niya.

Hindi ko agad nasagot si Finley. Hindi ko rin naman kasi alam kung saan iyong venue ng game. Sobrang useless ko naman.

Pagdating namin sa venue ng game ni Kuya, agad namin siyang nakita na nagwawarm-up. Nandoon din sila Kuya Benj habang si Kuya Jackson, nandoon sa bench habang kumakain ng energy bar niya. Hinahanap ko nga sa audience si Ate Jas, e. Hindi ko na kasi siya masyadong nakikita lately. Tapos hindi pa siya active sa social media nitong mga nakaraang araw.

We settled down on the bleachers. Biglang nagcrave si Mama ng guyabano shake kaya umalis muna si Papa para maghanap. Pero sure naman ako na walang ganoon na binebenta sa school namin. Minsan nga iniisip ko na pinapahirapan lang ni Mama si Papa, e. Sobrang unusual na ng mga cravings niya. Pinaka-malala iyong naghahanap siya ng In-N-Out Burger kaya si Papa, naghanap pa ng kaibigan na nasa US para ipadala sa Pilipinas. Sobrang weird talaga.

"Where's Parker?" tanong ni Mama.

Hindi nga pala namin sinabi kay Mama iyong nangyari kay Parker. Ayon kasi sa doctor ni Mama, bawal daw ma-stress si Mama dahil delikado sa baby. Since medyo matanda na si Mama, sobrang sensitive na nung pregnancy niya so we were just doing all necessary precautions. Alam kasi namin na sobrang malapit si Mama kay Parker and knowing that he almost killed himself would really give stress to her.

Hindi ko tuloy alam kung ano ang isasagot ko. I wanted to be honest but I also didn't want to risk Cayden.

So I closed my eyes first before I carefully said the words.

"He's injured."

And that's the easiest way to say it. Kapag kasi sinabi ko na na-aksidente si Parker, mas malaki lang iyong chance na magpanic si Mama. And it wasn't needed anyway since ligtas na naman si Parker. Ilang beses ko na siyang nakakasalubong sa school. Madalas, si Kuya Jackson lang ang kasama niya. Hindi ko pa nga sila nakikita ni Kuya na magkasama since the incident, e.

I guess Kuya's really pissed at him. Pangalawang beses na 'to na seryosong hindi sila nag-usap simula nung high school kami.

"What? What happened?"

Ipapaliwanag ko pa lang sana iyong nangyari kay Parker nung biglang makita ni Mama si Parker na naglalakad papunta sa bleacher sa kabilang side. Medyo maayos na iyong paglalakad niya pero dahil siguro sa injury niya, hindi na siya pinalaro sa finals. Hindi na rin kasi siya nakapagpractice at saka mukhang distracted naman talaga siya kahit months before pa.

"Parker!" Mama called him. Agad naman na napatingin si Parker sa direksyon namin. Nag-iwas lang ako ng tingin. "Come here," sabi ni Mama.

Mula sa gilid ng mga mata ko, kita ko na naglalakad siya palapit sa amin. He was still limping, a bit. Hindi ko naman kasi alam kung gaano ka-seryoso iyong fracture niya dahil nawalan na ako ng tsansa na tanungin sa kanya. Iniwasan ko na kasi talaga siya simula nung gabi na 'yun. I just didn't want to give him any more idea that he could force his way back into my life. It does not work that way. It never will.

Parker kissed Mama's cheek.

"What happened to you?" nag-aalala na tanong ni Mama.

"Accident," he shortly said. He must've forgotten the part wherein he voluntarily crashed his car to make a point. "But it's all fine now, Tita."

"Are you sure? Are you really fine?"

Parker nodded.

"Yes, I'm all good, Tita. Just a few days and I'll be good as brand new," paliwanag niya pa. Ramdam ko na napatingin siya sa gawi ko kaya mas lalo akong nagfocus sa panonood kay Kuya habang nagsstretching siya. Kahit na naaasiwa ako na pinapanood ko iyong Kuya ko na naka-tuwad, mas okay na iyon kaysa makipagtitigan kay Parker.

"Tita, I'll be going—"

Pero hindi ko alam kung napansin din ba ni Mama iyong awkward tension sa pagitan namin ni Parker kaya bigla siyang nagsabi na aalis muna siya para hanapin si Papa.

"I'll just find Shiloah. Kayo muna ni Imo," mabilis na sabi ni Mama at saka mabilis na naglakad na akala mo hindi buntis. At talagang iniwan niya pa si Finley at Riley para hindi talaga ako makaalis. Si Mama hindi pa rin nagbabago. Baka deep inside umaasa pa rin siya.

Nanatili akong nakatingin kay Kuya na ngayon ay inaagawan ng pagkain si Kuya Jackson nung biglang magsalita si Parker.

"That was awkward," biglang sabi niya. I remained stoic. I acquiesced. I didn't want to give him the idea that we're on talking terms. Though I actually felt bad for doing this, pakiramdam ko kasi kailangan kong gawin. Baka kasi maging encouragement pa kapag kinausap ko siya na tama iyong ginawa niya... His uncle died at such a young age. I thought he'd knew better than to treat his life so carelessly.

The game shortly began.

"Kuya, why aren't you playing?" biglang tanong ni Finley. Mukhang naka-move on na siya sa hindi panonood ng game ni Saint.

"I'm injured," sabi ni Parker.

"Why?"

"Car accident."

"But why? Aren't you a great driver? You should get one!" sabi niya tapos bigla siyang napapalakpak. "You should get Kuya Saint! He's a great driver! He can drift!"

Kung siguro may iniinom ako ay bigla na akong nabulunan. Kulang na lang talaga ay magtayo si Finley ng fans club ni Saint! Mas lalo na nung sinama siya ni Saint nung may lakad iyong GDL brothers. Pag-uwi tuloy ni Finley sa bahay ay nag-empake siya ng maleta sa trolley bag niya at sinabi niya na gusto niya ng tumira sa bahay nila Saint. Tawa lang ako ng tawa dahil hindi kasya sa trolley niya iyong damit niya kaya doon sa backpack niya na spiderman niya inilagay iyong basketball shoes niya. Hindi niya rin kayang iwanan iyong story book na binabasa ni Papa sa kanya kaya nagdala pa siya ng plastic bag para doon ilagay 'yun.

Parker didn't answer that. He just smiled a little.

"Do you know Kuya Saint? Are you friends?"

Gusto ko na sanang sawayin si Finley dahil sa mga tanong niya pero sumagot naman si Parker.

"Hindi, e."

"Why? He's nice! You should be friends with him! He's like Kuya but better!"

Hindi ko na kaya iyong mga sinasabi ni Finley kaya sinabi ko sa kanya na puntahan niya muna si Riley na nandoon sa isang gilid at tahimik na kumakain ng sandwich na baon namin.

"Aren't you really going to talk to me?" biglang sabi niya.

I remained silent.

"This is my last week in this university. Still, hindi mo ako kakausapin?"

Tahimik pa rin ako. Pareho nga pala sila ni Kuya na graduating na. December kasi sila magtatapos dahil mabilis lang nila natapos iyong units nila. Mukha lang silang hindi seryoso pero maayos naman sila sa pag-aaral. Si Kuya lang naman iyong huli na nagseryoso dahil nung bumagsak lang siya sa Math at saka siya naging maayos.

Suddenly, I felt bad for him. Ito na sana iyong last game niya sa soccer pero hindi pa siya nakapaglaro dahil sa injury niya. Though I knew he didn't really like soccer, still, I wished he could've played his last game. Kaya lang naman kasi siya sumali sa soccer ay dahil iyong Tito niya, captain ng soccer team dati.

Minsan, naaawa rin ako kay Parker, e. It was like he didn't have a life of his own. Everything was patterned from the life of his uncle. Siguro iyon din ang dahilan kung bakit nagka-gusto siya kay Cindy... because she was the only different thing in his life. The breath of fresh air.

I heard him sigh.

"I probably won't see you again for a long time," he said.

Okay. Should I talk to him again?

Kaibigan ko pa rin naman siya... Kahit one-sided lang iyong friendship namin dahil delusional pa rin siya na merong iba sa aming dalawa.

"You'll work?"

I gave in. I still had this soft spot for him. He wasn't this asshole when we were growing up. Once in my life, he was my hero. I had so many fond memories of him na kahit ganito kapangit iyong sitwasyon sa pagitan namin, I couldn't deny that deep inside, I still care.

Mukhang nagulat siya dahil nagsalita ako kaya medyo umawang iyong bibig niya.

"No," he replied.

"You'll travel?"

"Not really."

Kumunot ang noo ko.

"Then what are you gonna do after graduation?"

He smiled a little.

"Something."

"Something?"

He nodded.

"Something I won't bother you about," he replied cryptically.

I didn't want to push it any further kaya hindi na ako nagtanong pa. Pero sana kung anuman ang gagawin niya, I hoped that it included fixing his relationship with Cindy. Mahigit 2 years din kasi silang dalawa kaya sayang naman kung itatapon lang ng basta-basta. Kagaya nga ng sabi nila Kuya, the reason they didn't put Parker through hell nung malaman nila na girlfriend na ni Parker si Cindy ay dahil alam nila na mahal naman talaga ni Parker si Cindy.

And a person in love is a person lost in reason.

"Good luck," I said. "Kung anuman ang gagawin mo, good luck."

"Thanks."

And with that, he stood up. He adjusted the cap he was wearing and looked at me.

"See you soon, Imo," he said.

I smiled at him.

"See you soon, Parker."

And that felt like I really wouldn't see him for a long time.

--

I tried to enjoy Kuya's game but my mind was wandering. A part of me was curious about what Parker was up to but another part of me was wondering kung nasaan ba iyong game ni Saint. Wala naman akong mapagtanungan dahil si Kath, unattended. Si Liza naman, ayokong tanungin dahil alam ko naman na hindi siya comfortable kay Saint. Si Psalm naman, alam ko na malamang busy din siya sa game nila kaya malamang hindi rin siya makaka-sagot.

So I started to become fidgety.

Around the beginning of the second half, nung mukhang sure naman na na mananalo sila Kuya, nagpaalam ako kila Mama na aalis ako. At first she didn't want me to go but Papa reminded her that she's okay with me and Saint. And that made her say yes... kahit medyo pilit. I'd take it over her blatantly saying na hindi niya gusto si Saint. In time we'd get there.

I tried asking around kung saan ang championship nung malaman ko na sa Brent lang pala. Katabi lang ng school namin iyong kaya hindi ko na pala kailangang magpa-drive sa driver. I just brisk-walked hanggang makarating ako sa kabilang university. When I arrived there, it was so loud. Nasa labas pa lang ako ng gym pero rinig na rinig ko na iyong sigawan sa labas.

"...and that's Saint GDL for another 3!"

Mas lalong bumilis iyong lakad ko dahil sa narinig ko. Medyo napa-hinto ako dahil habang naglalakad ako, marami akong babae na naka-salubong na may naka-paint na GDL sa cheek nila. Tapos number naman sa kabila. At hindi ko alam pero biglang nakaramdam ako ng inis nung makita ko na maraming may number 9 sa pisngi nila. Number ni Saint iyon, e.

Papasok na sana ako sa loob nung bigla akong harangin dahil kailangan pala ng ticket.

"May ticket?" tanong ko at tumango iyong babae. Napa-kagat ako ng ibabang labi dahil hindi ko alam na may ticket pala. "Can I just buy now?" I asked pero sinabi sa akin nung babae na wala na raw ticket.

"...Psalm GDL showing us the dunk! SCA's on the roll this 3rd quarter!"

Mas malakas iyong sigawan na naririnig ko, mas lalo ko lang gustong pumasok sa loob pero wala naman akong magawa dahil wala naman akong ticket. Hindi ko naman alam ang gagawin ko kung paano ako makakapasok.

I quietly turned my back at naghanap ng mauupuan dahil mukhang pakikinggan ko na lang iyong mga nangyayari sa loob nung biglang may makasalubong ako.

"Imo?"

Napahinto ako. Si Matt 'to, ah.

"Why are you here outside? Saint's looking for you."

Biglang nabuhayan naman ako ng loob. Hinahanap niya ako? Pero hindi naman siya nagtext sa akin.

"Ah... Wala kasi akong ticket," nahihiyang sabi ko. Ako ito na napanood sila sa lahat halos ng training nila pero ngayong championship nila, hindi ko naman sila mapapanood.

Kumunot iyong noo niya.

"What? C'mon. Let's go inside," sabi niya tapos sumunod na lang ako sa kanya. Doon kami dumaan sa likuran at diretso lang kaming pumasok dahil player naman si Matt. Pero medyo nagulat ako nung doon na kami papunta sa bench para sa coaches at mga players. "What?" tanong niya sa akin nung bigla akong huminto.

"Dito na lang ako," sabi ko sa kanya.

"Pero masikip dito," he said.

"Okay lang," I insisted. Nakakahiya naman kung doon pa ako mismo sa bench mauupo e hindi naman ako player. Pinilit pa ako ni Matt pero hindi talaga ako pumayag kaya iniwan niya na ako roon. Tahimik lang akong nanonood at nagchcheer sa loob ko kapag nakaka-points si Saint. He looked so happy while playing. Parang kapag nasa court siya, he's invincible.

It was around the end of the 4th quarter nung biglang may nag-usap sa tabi ko. Base sa ID lace nila, mukhang tiga-Brent sila.

"Do you know if Saint has a girlfriend?"

Automatic na nakinig ako sa usapan nila dahil nabanggit iyong pangalan ni Saint.

"I think none naman. I'm following him sa IG, e. He just posts about basketball like usual."

Hindi kaya! May post kaya si Saint doon na naka-dab kaming dalawa! At saka sa facebook ni Saint ginawa niya kayang profile picture iyong mukha ko ng dalawang buwan!

"Really? What about doon sa Mary na pinag-uusapan nila ng brothers niya sa comment? I think tinutukso nila si Saint doon," sabi nung isang babae.

"Maybe best friend? I don't know. Ever since naman basketball lang ang ginagawa nila, remember?"

The first girl nodded.

"Let's just go sa victory party nila later! I scored invites. For sure naman they'll win since sobrang loser ng team natin," sabi nung pangalawang babae.

The first girl smiled slyly. Na para bang may binabalak siyang masama mamaya.

"I'm G. It's time for Saint and I to meet."

At biglang hiniling ko na sana hindi manalo sila Saint para walang victory party kahit alam ko na masama iyon. Kasi maganda naman talaga iyong babae. Kasing ganda siya ni Cindy kaya medyo hindi maganda sa pakiramdam na may ganoong kaganda na babae na nagkaka-gusto kay Saint.

Pero dahil naging masama akong tao nitong mga nakaraang araw dahil sa mga naiisip at ginagawa ko, nanalo sila Saint. He was grinning like crazy nung tumunog iyong buzzer at lamang sila ng 9 points sa kalaban. I was just smiling from afar at saka pinapanood siya habang naka-ngiti siya. But I couldn't resist to take a picture of his winning moment so I took one.

I posted it on IG and put a caption that said, 'You earned it. Congrats!'

Nanatili lang akong nakatayo sa may gilid habang hinihintay na matapos iyong buong game. May awarding ceremony pa kasi kaya nag-aayos pa iyong mga players. Maraming lumalapit kay Saint para magcongratulate. I wanted to smile at to be happy for him dahil deserve niya naman lahat ng recognition at attention pero hindi ko magawa dahil halos 3/4 ng lumalapit sa kanya ay puro babae.

Tapos sasabihin niya sa akin na hindi niya alam kung marami bang nagkaka-gusto sa kanya?

prestonsuarez commented on your post

Hala. Oo nga pala. Malamang tapos na iyong game niya.

prestonsuarez: Traitor

Grabe naman si Kuya! Mahigit kalahati naman ng game niya iyong napanood ko, e! Kaya tuloy habang hinihintay ko na matapos iyong ceremony ni Saint, naghanap ako ng picture ni Kuya habang naglalaro ng soccer at saka nilagyan ng magandang filter bago ko ipinost sa Instagram, Facebook, pati twitter para naman hindi sabihin ni Kuya na traydor ako.

While waiting, inannounce na iyong mythical five. Hindi ko naman kilala iyong iba pero pumalakpak ako nung kasama si Austin sa mythical five.

"Austin Archangel Gomez de Liaño to join the mythical five," sabi nung announcer. Hinihintay ko na matawag iyong pangalan ni Saint pero wala naman akong narinig. Ang galing naman ni Saint nitong game pero bakit wala siya?

I was pondering about that nung biglang inannounce iyong MVP.

"And the Most Valuable Player for this season and this game is none other than Saint Iverson Gomez de Liaño!"

At biglang nagsigawan na naman iyong mga babae. Dapat talaga nagpalagay din ako ng paint na number 9 sa mukha, e.

Sinabitan ng medal si Saint at binigyan ng trophy. Hindi ko masyadong makita iyong mga nangyayari dahil medyo magulo na. But I was willing to stay and to wait for him dahil nagu-guilty talaga ako na ni wala akong idea na championship na pala ngayon. Samantalang siya updated sa lahat ng nangyayari sa akin. Kahit nga schedule ng exams ko alam niya, e.

I was looking at him from afar nung biglang lumapit si Matt sa kanya. He whispered something nung biglang may hinanap iyong mata ni Saint. His eyes were roaming around when he met mine. His mouth went agape and then he started walking towards me. Hindi ko alam kung paanong nakita niya ako e ang daming tao sa gym.

People kept on congratulating him but he was just smiling in response. He kept on walking.

"Congrats," I immediately said when he reached me.

"Why didn't you tell me that you're here?"

"Busy ka, e," I said.

He frowned.

"Since when did you become a disturbance?"

I just bit my lower lip.

"And you didn't tell me that today's your game day," sabi ko sa kanya. Kung alam ko lang e 'di sana nakapagprepare ako.

"Because today's the game day of Preston. He hates me enough already so I figured I'd just let you watch his game," paliwanag niya. I really liked that he was exerting effort for Kuya to like him. I just wished that Kuya would stop bullying Saint for no apparent reason.

"Kahit na..."

He grinned.

"But you're here," he said, still looking at me like he just saw something really important.

"I could've prepared. Sana nakapagpaint din ako ng 9 sa mukha ko."

Humalakhak naman si Saint.

"What?" he said, amusement was evident on his face. He was dripping in sweat pero ang lakas pa rin ng dating niya. Hindi ko masisi iyong mga babae kanina kasi si Saint, e. Pero sisisihin ko pa rin sila.

"Iyong mga babae. Nakalagay iyong number mo sa mukha nila," paliwanag ko. Talking to Saint about things like this had become comfortable. He had always told me that I could tell him anything. We had already talked about the most bizarre of things.

"That?" Iyon lang ang reaksyon niya. "That's just school spirit, Mary."

I pressed my lips together. Hindi niya ako maintindihan.

"That's just my jersey number," he continued.

"That's your number. They have something on their face that's yours."

But instead of getting annoyed of me being unreasonable, he just wore this silly smile on his face. Na para bang amused na amused siya sa mga naririnig niya mula sa akin. I could already hear his teammates calling his name pero parang wala lang siyang naririnig at nandito lang siya sa harap ko.

"You have my contact number, my house address, my Facetime ID, you're the only one I reply to in messenger, your posts are the only ones I like on Instagram. You want my credit card number? I'll give it to you."

Sinamaan ko siya ng tingin pero tinawanan niya lang ako.

"This is amusing to you, isn't it?"

He grinned.

"It makes my heart flutter when you get jealous like that," he said and then pulled me into a hug. "I'm sorry. I'm sweaty but you're making it hard not to hug you," sabi niya habang hinihigpitan niya iyong yakap niya sa akin.

And so I just gave in and hugged him back. Resisting him was futile. It had always been futile.

We hugged until he was called by his coach. When we broke the hug, he was still grinning. Nagulat ako nung biglang tanggalin niya iyong medal niya.

"There," he said nung naka-suot na sa akin iyong MVP medal niya.

"Hindi naman ako MVP," sabi ko. At saka pagalitan siya ng coach niya.

"Nah. You are. You're My Most Valuable Person," he said and then winked at me before jogging back to his teammates.

He really knew the exact words to say to pacify me. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com